Kasalukuyan na nandito ako sa kuwarto ko habang nagbabasa muna ng wattpad kaso naalala ko pala makipag usap kay Black Demon sa RPW ko may dummy kasi ako eh Cute Angel name ko tapos may ka chat ako roon buti pa sa RPW mayroon akong ka chat tapos sa real account or real world wala. Dali dali ko kinuha yung laptop at nag online pag bukas ko may message agad galing kay black demon.
BD: Uy paramdam na you tagal mo na hindi naka ol miss na kita.
BD: Kapag nabasa mo ito reply ka maghihintay ako sa'yo.
Pagkabasa ko nun napangiti na lang ako ewan ko ba pero ngayon ko na lang naramdaman ngumiti after ng hiwalayan namin ni Josh pero wala lang naman sa 'kin 'to sadyang napapangiti ako pero hindi kinikilig parang natutuwa lang ganern.
BD: Awww huhuhu 😭 seen....
CA: SORRY NA PO KYAHH 😊 MAGBABALIK NAMAN AKO E. 😂😂
Oo capslock ako magtype para hindi obvious di ba atsaka para cute basahin di ba. HAHAHAHA support niyo ako mga besh.
BD: Busy, by the way how's your day.
CA: HMM.. FINE NAMAN MASYADO LANG TALAGA NAKAKAPAGOD NA EWAN. IKAW BA?
BD: Fine and happy maybe, kailan ba tayo magkikita huhuhu gusto kasi talaga kita makita e.
Kapag ayan ang chinachat niya hindi ko alam isasagot ko hindi naman talaga actually tanong yan haist ang gulo ng life.
CA: NATATAE KA KYAHH SOON BASTA CHAT KITA DI PA AKO READY E.
BD: Ayyy huhuhu 😭 kailan ba yung soon na yan?
Nakakainis masyadong paasa buti na lang ngayon hindi na ako marupok katulad noon kung marupok siguro ako nasasaktan na naman ako kaso ngayon no effect na sa akin leche kasi mga lalaki masyadong pa fall.
CA: MAGHINTAY KA ABA, ANYWAY BYE NA MUNA MAY GAGAWIN PA PALA AKO ATSAKA SLEEP NA GABI NA ALAS ONSE NA KAYA.
BD: Awww, sige bukas na lang ulit sleep na rin ikaw 😊 goodnight sleepwell. 😘
CA: SIGEE PO SWEETDREAM SA'YO 😊
BD: Sige poo 😍
Sineen ko na lang siya pagtapos ay nag out na ako inayos ko na yung laptop at nagbasa na lang ulit kaso naalala ko bigla paano kami nagkakilala sa RPW ng hindi naman namin kilala ang tunay na kami.
Heto kasi yan one time wala ako magawa kaya na pagdesisyunan ko gumawa ng dummy ko nung ginawa ko siya hindi ako ganoon ka active kasi that time super addict ko sa wattpad at sinamahan pa ng kdrama kaya wala na akong time para mag ol pero last time nag ol ako tapos nag add siya kinonfirm ko agad atsaka almost lahat ng friend ko sa dummy ko dummy user din nung na aaccept ko siya na shock ako kasi nag wave kaya nagwave ako naka messenger naman ako nun tapos doon na nagsimula yun hindi ko naman na kasi siya pinapansin pa kaso juskoo ang kulit kaya ayun napalagayan kami ng loob kahit RPW lang talaga.
Magbabasa na dapat ulit ako ng may kumatok sa pintuan ko kaya nailagay ko ulit sa side table ang libro.
"Pasok." Sigaw ko
Nakita ko si Annalyn hindi ko alam anong problema niya at bakit nandito na naman siya.
"Problema mo?" Tanong ko tapos ay umayos ng upo.
"Wala naman hindi lang talaga ako makatulog." Sabi niya pa
"Ano ba gusto mo pag usapan natin? wattpad na naman." Sabi ko
"Hindi may movie ka ba sa laptop mo hindi ko dala yung akin nood tayo kdrama." Sabi niya
"Mayroon hanap na lang siguro tayo." Sabi ko naman naghanap na lang kami ng hindi pa namin napapanood minsan kasi kapag solo lang ako hindi ako nanonood kasi mas prefer ko ang magbasa ng wattpad all along talaga. Tahimik lang kami na nanonood rito wala sa amin ang nag iingay tanging sa laptop lang ang ingay.
---
Kinabukasan paggising ko nagulat na lang ako ng may kamay sa bewang ko pagharap ko nakita ko ang maamomg mukha ni Annalyn piste rito na pala siya nakatulog dahan dahan ko binaba yung kamay niya at bumangon sa pagkakahiga tiningnan ko ang oras 11:30 na whoo! grabe naman yung tulog namin tanghali na halos nagmadali ako pumasok sa banyo ko. May sari sarili kasi kaming banyo rito ginawan ng paraan ng mga magulang namin hassle kasi kapag isa lang lalo na magpapasukan na rin malalate kami lalo na ako tagal ko pa naman maligo at kumilos.
Kakatapos ko lang ng maabutan ko na wala na si Anna baka pumasok na sa kuwarto niya nag ayos na lang muna ako sandali pagkatapos ay naglakad palabas ng kuwarto. Naabutan ko yung dalawa na kumakain napansin nila ako kaya napahinto sila.
"Akala ko naman wala na kayong balak magising juskoo nakakahiya na sa inyo." Sabi ni Jaja
"Parang tanga ka e." Sabi ko tapos ay kumuha ng pinggan para makakain na rin.
"Ano ulam natin?" Tanong ko
"Kalabasa at torta binili lang namin yung kalabasa kay Aling Puring." Sabi ni Lala tama kayo ng basa mga besh kumakain kami ng gulay maliban sa okra at yung saluyot kasi mga madudulas nakakadiri lang kasi kainin e.
"Si Annalyn sa'yo pala natulog?" Biglang tanong ni Jaja sasagutin ko na ng dumating si Annalyn
"Oo nanood kami ng kdrama hanggang madaling araw siguro yun." Sagot ni Anna
"Ang titibay niyo ewan ko lang kung makapagpuyat pa kayo sa pasukan." Sabi ni Lala
"Malamang study na ang priority namin nag eenjoy lang kami ngayong bakasyon." Sabi naman ni Anna tapos umupo sa tabi ko.
"Ay palaban din." Sabi ni Lala
Napailing na lang kami sa kanila para talagang tanga nag usap na lang kami sa ibang bagay habang kumakain pa rin pero bigla na lang kay Annalyn napunta ang usapan.
"Pero seryoso mahal mo pa rin?" Pang aasar ni Jaja lakas talaga neto mang asar e.
"Hindi na ngayon naka move on na ako kahit papaano." Walang kahirap hirap na sagot niya.
"Ano ba dahilan ng hiwalayan niyo?" Biglang tanong ko
"Mahal ko o mahal ako." Sagot niya
Napanganga ako sa sagot niya.
"Huh!?" Sabay na sabi naming apat
"I mean pinapili ko siya si Sheena or ako, kaso si Sheena raw kaya hindi na ako nag stay wala naman na dahilan para mag stay e." Sabi niya pa
Napatango na lang kami sa kaniya imagine nakaya niya yun wag maghabol.
"Pero seryoso umiyak ka no?" Si Lala naman ngayon
"Malamang minahal ko e, pero hindi talaga siguro nakatadhana e." Sagot pa niya.
"Siguro ganoon talaga." Sabi na lang namin na tatlo hindi na ulit kami nag usap tungkol doon nagpatuloy na lang kami sa pagkain na walang nagsasalita siguro masyadong heavy ang naging usapan kaya wala na matopic na maayos nauubusan nang kuwento.
Nakatoka kami sa paghuhugas ni Annalyn since wala kami nagawa kaninang umaga nakakahiya kasi sa kanilang dalawa samantalang hindi rin naman kami nakakain ng almusal ang kapal talaga ng mga mukha e ayaw ng nalalamangan pakyu lol.
"Anong oras na ba tayo natulog?" Tanong ko
"Ala una na or alas dos hindi ko alam nakatulog na pala ako sa kuwarto mo." Sagot niya
"Siguro tinamad ka na pumunta sa kuwarto mo."
"Siguro inaantok na rin kasi talaga ako e." Sabi niya pa
"Pero seryoso ano naisipan mo na manood ng kdrama?"
"Namiss ko lang talaga manood masama ba." Pagtataray niya
"Gago may sinabi ba ako parang tanga e." Sabi ko tapos ay binatukan siya natapos din kami sa paghuhugas.
"Ewan ko ba bakit hindi na ako nakakanood peste kasi si Aljon e, pinagbabawalan ako eh." Sagot niya nakaupo na kami ngayon sa may sofa nagpapahinga kami.
"Ganoon lang siguro talaga."
"Anyway maiba tayo kumusta pala kayo noon ng ex mo?" Biglang tanong niya
"Ayoko na balikan pa naka move on na ako utang na loob." Sagot ko naman sa kaniya pinipilit kasi balikan ang alam na tapos.
"G na g sige na nga, by the way mauna na ako sa'yo sa taas."
"Sige lang."
Umakyat siya sa kuwarto niya samantalang ako naman tumambay lang dito, paakyat na sana ako ng biglang bumaba si Larryl.
"May tumatawag sayo ingay e kinuha ko na lang." Sabi niya
"Sige okay lang thank you." Sabi ko
Inabot niya sakin yung cellphone pagkuha ko tiningnan ko ang caller si Jackie kapatid ni Josh hindi naman ako apektado kaya sinagot ko.
[Hello be.]
[Hello ate, akala ko po hindi niyo sasagutin.]
Sabay tawa niya
[Ano ka ba hindi naman ako ganoon, naghiwalay lang kami ni Josh pero hindi naman ako nakakalimot.]
[Sana lahat ate, pero maiba tayo busy po ba kayo?]
[Hindi naman be bakit?]
[Makikipagkita po sana ako if okay lang po.]
[Sure buti na lang hindi mo ako nakalimutan.]
[Ikaw pa ba ate makakalimutan ko the best ka kaya.]
[Ayiee sige na be maghahanda na ako para sa meet up natin text mo na lang ako saan tayo.]
[Sige po ate ingat ka po.]
[Ikaw rin.]
Pinatay ko na yung tawag niya sa akin at naglakad na paakyat sa kuwarto para maghanda sa pagkikita namin after ng break up namin ni Josh hindi ko na sila nakausap pa ewan ko ba nakakahiya kasi e pero labas naman sila roon. Jackie is very close of mine ang close talaga namin sa isa't isa simula pa nung girlfriend ako ni Josh hanggang ngayon hindi ko aakalain na close pa rin kami infairness hindi nakalimot.
Nandito na kami ngayon sa may Park ni Jackie nauna lang siya kasi mas malapit siya sa akin ng konti mga 5 mins samantalang ako 10 mins hindi naman ganoon kalayo e.
"So ano ang dahilan at nakipagkita ka namiss mo ako no?" Pagbibiro ko.
"Syempre naman po ate,kayo kaya ang the best ate for me."
"Puwede kiligin, kinikilig talaga ako sa'yo yung totoo scripted yan." Sabi ko
"Syempre hindi po ikaw talaga ate kaya gusto kita kasama ang funny mo e."
"So... joker ako yung ganitong mukha joker o kaya clown wow!." Sabi ko habang nakaturo sa mukha ko habang si Jackie tawa lang ng tawa sa akin samantalang ako ng pout na lang siraulong bata pinagtawanan ako wala naman nakakatawa.
"Pero seryoso bakit ka talaga nakipagkita bonding lang ganern." Tanong ko yung normal na hindi yung abnormal.
"Ate kasi si Kuya Josh e." Sabi pa niya habang umiiyak
"Anong nangyari sa kaniya?" Kinakabahan na talaga ako sa kaniya paano ba naman sinamahan ng iyak.
"Naaksidente po siya kahapon tapos wala na po siya." Sabi ni Jackie
"Anong wala ng sinasabi mo?" Ayoko naman isipin na patay na ganern.
"Patay na po siya at gusto po niya noon bago siya mawalan ng buhay makapunta ka po sa lamay niya o kaya sa libing niya po." Sabi pa niya iyak na siya ng iyak dahilan para bigla na lang din ako maiyak kahit naman matagal na panahon na yun syempre masasaktan pa rin talaga ako kasi ex ko pa rin yun kahit naman niloko ako noon napatawad ko na siya atsaka may pinagsamahan kami at isa pa sumaya rin naman ako nung kami kahit sandaling panahon.
"Tara punta tayo." Sabi ko
"Sige po tawagan ko lang po yung driver para mabilis po."
"Sige be." Tumigil na siya sa pag iyak ganoon din ako nasasaktan ako kasi kahit wala na kami mayroon pa rin kaming pinagsamahang dalawa.
Kakarating lang namin ngayon sa may labas ng bahay nila hindi ko alam paanong emotion ang gagawin ko after a months babalik ako rito patay na ex ko how? Amazing.
Pagpasok ko andami agad tao kasama ko si Jackie na pumunta kung saan ang lamay nakita ko roon si Tita Janice lumapit ako sa kaniya.
"Condolence po tita." Sabi ko nagulat pa siya sa 'kin
"Hija my gosh your here, you never failed me talaga kahit noon pa thank you nandito ka." Sabi ni tita
"I'm telling her the truth Mom." Sagot ni Jackie
"Okay, bigay mo na lang sa kaniya." Sabi ni tita
"Opo, let's go ate." Sabi naman ni Jackie
"Mauna na po kami tita, maiwan na po namin kayo." Sabi ko
"Sige iha salamat sa pagpunta."
"Wala po yun."
Naglakad na kami papunta kay Josh maluluha na ako habang papalapit kami naabutan ko doon si Criza na umiiyak lumapit ako sa kaniya.
"Sorry sa mga nagawa ko alam ko naman mahal ka niya pero pinilit ko pa rin, sorry sana mapatawad mo pa ako naudlot ang love story ninyo." Sabi ni Criza naawa ako sa kaniya ngayon halos noon inis ako kaso ngayon nagbago na yun.
"Nakaraan na yun napatawad na kita lahat naman kasi ng tao nagkakamali tao ka lang din kaya okay na yun." Sagot ko
"Haist, ang bait mo talaga anyway can we be friend?" Tanong niya tapos lahad ng kamay kinuha ko naman at nakipagshake hands.
"Sure." Sagot ko
After nun nag usap lang kaming dalawa kuwentuhan ng kung ano ano hindi naman ganoon kalandi si Criza mabait din naman pala na husgahan lang talaga siya kasi hindi ko pa kilala ng lubusan kaya nahusgahan ko hindi rin healty ang pagiging judgemental.