Nagising na lang ako sa ingay na hindi ko alam saan galing tumayo na lang ako at pumasok sa banyo para maghilamos pagkalabas ko tiningnan ko ang oras ala una na pala sakto naman na lumabas na ako sa kuwarto at bumaba wala akong naabutan na tao nasaan na ang mga kaibigan ko umalis na naman siguro tapos iniwan ako leche talaga ang mga yun wala na akong nagawa kung hindi ang dumeretsyo sa kusina para magbakasakali ng pagkain kaso pagbukas ko wala akong nakita kahit sana biscuit pantawid lang sa gutom ko kaso wala talaga as in mga hayop hindi ako pinalamon nagugutom na 'ko sinara ko na lang 'to nung mapansin ko ang note sa may pinto ng ref kaya agad ko 'to binasa.
Ange bili ka na lang food bumili lang din kasi kami e, atsaka umalis lang muna kami saglit hindi ka na namin inabala pa sarap ng tulog mo sige na eatwell labyuu.
Napailing na lang ako mga abnormal na talaga ang mga kaibigan ko na yun pero mahal ko naman sila umakyat na ulit ako sa taas para kumuha ng pera ko pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay.
Nakarating na rin ako sa wakas sa 7/11 ito lang malapit sa lugar namin kaya ito na lang ang puwedeng kainan ko ayoko na rin kasi mamimili pa o kaya mag inarte pa pumasokĀ na ako sa loob at naghanap ng makakain pagkahanap ko ay dumeretsyo na agad ako sa counter para bayaran.
Habang kumakain ako ay nagulat ako kasi hindi ko alam na wala pala yung cellphone ko babalik na dapat ako sa loob ng may lalaki ako na nakasalubong hawak ang cellphone ko kaya naman hinawakan ko siya my gosh ang dami pa naman memories.
"Excuse me cellphone ko yan e." Sabi ko
"Balak ko naman ibalik kaya lumabas ako Ma'am." Sabi naman niya sabay abot my gosh ang kyut pa naman ng cellphone ko.
"Okay thank you." Sabi ko
Pagkatapos ay bumalik na ako pagkakaupo ko pagkatingin ko sa phone ko ay nakita ko na may tawag galing kay Lala agad agad ko naman dinial si Lala tatlong ring pa lang ng sagutin niya.
[Yes?]
Sabi niya naririnig ko rin ang tawanan nung dalawa magkakasama siguro sila hanggang ngayon.
[Bakit napatawag ka pala?Atsaka wala pala ako sa bahay.]
[Pauwi pa lang kami puntahan na namin ikaw kung nasaan ka pang lugar.]
[7/11 sa may kanto yung kinakainan din natin alam niyo na yun.]
[Sige hintayin mo na lang kami.]
Hindi na ako sumagot pa sa kaniya pinatay ko na lang yung tawag niya at nagpatuloy sa pagkain ko.
Ilang sandali lang ay nagulat ako kasi nasa harapan ko na yung tatlong kaibigan ko habang nakikikain din sa pagkain ko ang tagal ko kumain kapag mag isa lang ako paano ba naman ang dami ko iniisip kaya hindi agad ako makakain ng maayos dagdagan pa na kausapin ko sarili ko haist.
"Bumili kayo ng sa inyo gutom pa ako no." Sabi ko sabay kuha ng pagkain ko.
"Damot neto hihingi lang naman ako be." Sabi ni Anna sabay pout
"Ampangit mo banda riyan, uso bumili di ba." Sabi ko sabay ubos sa pagkain ko.
"Grabe ubos agad ganyan ka talaga." Sabi naman ni Lala hindi na lang ako nagsalita.
"Tara bili tayo wag din natin bibigyan si Ange." Sabi ni Jaja sabay tayo inirapan ko na lang siya
"Sige." Sabi ni Anna tumayo na sila at naglakad papasok sa loob para siguro bumili yung totoo hindi talaga ako nabusog siguro kasi hindi ko sinapuso ang pagkain ko kaya hindi ako nabusog.
Ilang minuto lang din ay nakabalik na sila dala ang pagkain nila umupo sila pero ako heto nagcecellphone na lang habang nakikinig sa usapan nilang tatlo.
"Pero yung totoo maganda naman kasi talaga siya kaso half pokpok e." Sabi ni Anna hindi ko alam sino pinapatamaan nila pero nakinig lang talaga ako sa kanila.
"Is this kulang sa aruga." Maarteng sabi ni Lala.
"Nah, kulang siya sa pagmamahal ng magulang or sa pag aalaga wag na muna natin ijudge agad." Sabi naman ni Jaja kahit busy ako sa pagcecellphone nakikinig ako baka malay ko naman kilala ko pala yung sinasabi nila.
"Wait, sino ba yung topic ninyo?" Sabi ko napatingin bigla yung tatlo sa akin.
"Akala ko hindi ka interesado kasi busy ka, yung totoo may katext ka." Sabi ni Anna
"Wala baliw naglalaro lang ng Helix Jump." Sagot ko totoo naman kasi na naglalaro ako hindi lang kasi obvious.
"Si Mica Ocampo kilala mo ba?" Tanong ni Jaja
"Bakit sino ba yun?" Tanong ko rin
"Parang tanga amputek e hindi mo naman pala kilala e." Sabi ni Jaja
"Paano niyo ba nakilala yun?" Tanong ko nakita ko kung paano napakunot noo silang dalawa maliban kay Anna na walang reaksyon.
"Kilala mo si Adrian?" Tanong ni Jaja
"Oo yung ex mo na nilandi ng jowa niya ngayon tama ba?" Sabi ko
"Oo, yung Mica Ocampo na yun ang lumandi nakita namin kanina tapos nakasagutan." Sabi ni Lala
"Lah!? We!? anong sabi?" Sabi ko
"Walang bago bitch is always be a bitch. Nevermind that girl she's not worth it." Sabi ni Jaja kaya naman napatango na lang ako sa kaniya line talaga niya yan sa mga bitch e well wala tayong magagawa support na lang ako sa kaniya.
"Pero maiba tayo ikaw ba Anna wala ka talagang balak
magsabi sa amin?" Sabi ko pa nakita ko na napaupo ng maayos si Anna
"About sa kanina sorry hindi lang talaga ako ready kaya hindi ako nagsabi pero ngayon okay naman na kaya sasabihin ko na sa inyo." Sabi niya pa samantalang kami seryosong nakikinig sa kaniya interesado kami malaman e.
"Kahapon kasi nagkita kami ni Aljon ewan ko ba sa tuwing nakikita ko siya nasasaktan ako na ewan, siguro dahil sa hindi pa talaga ako naka move on." Sabi niya pa wala sa amin ang nagsasalita naghihintay pa kami na may sasabihin pa siya.
"Atsaka yung bago tayo magsama sama sa KFC nagkita kami ni Sheena sa National Book Store ayoko na ipaalam kasi ayoko na awayin niyo pa atsaka para hindi na ako makadagdag sa problema niyo." Sabi niya dahil magkatabi sila ni Jaja ay niyakap siya ni Jaja pagtapos ay magkaharap na sila ngayon.
"You know what kahit kailan hindi ka naging problema sa amin what are friends for kung hindi ka naman nagsasabi ng problema mo di ba? ang hirap kasi hulaan ng problema mo hindi ka nakikipagkwentuhan sa amin." Sabi ni Jaja tutal nagsalita naman na siya magsasalita na rin ako at mangangaral.
"Ang hirap kasi sa'yo hindi uso ang sharing hindi namin alam ano iniisip mo sa ikinikilos mo hindi kami manghuhula para hulaan ang thoughts or rants mo baguhin mo yan magshare ka makikinig kami." Sabi ko naman si Lala tumango na lang.
"Thank you talaga nandiyan kayo." Sabi ni Anna
"Syempre kaibigan tayo ang mga kaibigan nagtutulungan at damayan sa kahit ano pa ang dumaan." Sabi naman ni Jaja
"Dahil diyan isang group hug." Sabi ni Lala tumayo na kaming apat at nag group hug hindi na namin pinansin pa yung mga nakatingin sa amin bahala sila basta kami masaya bukod roon nagtutulungan at nagdadamayan. Pagkatapos ng isang madrama drama ay nagpatuloy na sila kumain samantalang ako nakisali sa kanila niyaya ako e hindi naman talaga ako matitiis ng mga kaibigan ko e baka hindi ko sila pansinin pa charot lang syempre.
Nauna na ako at si Anna bumalik dito sa bahay si Anna na kasi ang toka sa pagluluto may bibilihin kasi si Lala at Jaja samantalang ako sasamahan ko si Anna sa pagluluto para ng sa ganoon matapos na rin kami ng maaga. Pagkarating sa bahay ay dumeretsyo na muna ako sa kuwarto ko para magbihis na muna sandali.
Naabutan ko sa may sala si Anna na nagbabasa siguro sa cellphone niya kaya naman umupo ako sa tabi niya.
"Kumusta ka na ngayon?" Tanong ko
"Ayos naman ako the usual Annalyn." Natatawang sagot niya
"Baliw ka ba tumatawa ka kahit wala naman nakakatawa." Sabi ko
"Natawa kasi ako sa mukha mo e, akala mo yung nalugi ka parang mas broken ka pa sa 'kin e yung totoo hindi ka pa nakaka move on." Sabi pa niya
"Kapal neto eh naka move on na malamang 5 months na nakalipas te grabe naman kung hindi pa rin ako naka move on." Depensa ko
"Guilty ka." Pang aasar niya
"Pakyu ka." Sabi ko
"Joke lang naman, tara na luto na tayo tapos na ako magsaing eh." Sabi niya pa
Tumayo na lang kaming dalawa at sabay na pumunta sa kusina para maghanda ng makakain namin ngayong dinner pasado alas sais na napasarap kasi kami ng kwentuhan sa 7/11 naging tambay tuloy kami ng tatlong oras doon pero atleast bumili kami roon kaya hindi naman matatawag na totally tambay kami roon tamang upo lang habang nag uusap ang tawag doon sa ginawa namin now you know mga besh.
Kumakain na kami ngayon habang ang sarap ng pag uusap namin about sa pasukan na ganap at kung saan namin balak pumasok dalawa kasi ang choices namin eh Lovelace Academy o kaya Star Mist Academy.
"Sa Star Mist tayo maganda raw ang turo doon e." Sabi ni Anna
"Wag doon andami raw mga bida bida walang manners mga students" Sabi ko
"Mas maganda nga yun e bitch versus bitch exciting di ba." Sabi naman ni Jaja
"Away lang ang mangyayari sa atin doon sa Lovelace tayo school ng mga broken." Sabi ko
"Truth baka roon natin matatagpuan ang nag iisang true love." Sabi naman ni Lala
"Juskoo ang boring mas maganda sa mala action like wattpad di ba, don't tell me naduduwag kayo." Sabi naman ni Jaja jusko palibhasa walang inuurungang babae at palaban talaga sa mga pagsubok sana all katulad niya e.
"You know what guys mas maganda talaga sa school na walang disiplina alam niyo yun mas lalo tayong machachallenge like challenge sa school exciting kaya kapag ganoon atleast mapapasabak tayo." Sabi naman ni Anna
Napailing na lang talaga ako sa sinabi ni Annalyn like duh? Imagine nilalapit nila sarili sa gulo kaya hindi kami tumatagal e.
"Okay fine ano ba naman laban namin kapag kayo na nagdebate sa 'min wala di ba, sige sa Star Mist na tayo." Sabi naman ni Lala tapos ay nag apir si Jaja at Anna
"Bahala kayo sinabihan ko na kayo." Sabi ko habang yung dalawa tumawa lang
"Wag ka mag alala Ange nandito lang kami sa tabi mo kaya wag ka matakot." Sabi ni Anna
"Lol hindi ako takot sa students sa grade ko ako nag aalala." Sabi ko
"Sus, wala yan." Sabi ni Jaja
Katulad ng sinabi ni Lala kapag talaga silang dalawa ang nagsama wala na kaming laban sa debate masyadong malaki ang pinaglalaban nilang dalawa e masisi ko ba sila sa huli talaga sila na ang nanalo. Balak na namin pumunta roon sa Monday para mag enrooll alam ko may online enrollment kaso mas bet daw nila ang personal para makita mismo ang school atsaka balibalita raw maraming gwapo na daks well wala naman akong pake mas focus na muna ako ngayon sa pag aaral ko na trauma ako sa past relationship ko kaya time freeze na muna ako sa lovelife nakakapaghintay naman yun e kaya waiting na muna si ako kay Mr. Right. Ilang sandali lang ay nagpatuloy na kami sa pagkain namin hindi na kami nag usap pa natatagalan kasi kami matapos kapag sinamahan na namin ng daldalan eh inaabot ng dalawang oras ganyan kadami ang kuwento namin araw araw.
Sa wakas natapos na rin kami nakatoka ako at si Lala sa paghuhugas kaya naman nag uusap na muna kami ni Lala sa past relationship namin matagal na rin kasi sila naghiwalay nauna lang sila sa amin ng isang buwan.
"Saan kayo kadalasan kumakain?" Tanong ni Lala
"Iba iba e pero kadalasan sa gotohan talaga." Sagot ko
"Ay walang arte ang mayora natin ako kasi laging KFC o kaya Mc do e." Sagot naman ni Lala alam ko lang name ng ex niya which is Kim
"Bakit naman ayaw mo sa mga turo turo maselan lang." Sabi ko umiling siya
"Hindi kasi kumakain sa ganoon si Kim hindi siya tinuruan ng mama niya kaya no choice ako kapag date o lalabas kami roon kami sa KFC o kaya sa MC Do nagsasawa na nga ako minsan e." Natatawang sagot niya
"Pero maiba tayo bakit pala kayo naghiwalay? I mean paano saan nag umpisa yung hiwalayan niyo?" Tanong ko hindi pa kasi talaga kami nakakapag usap na apat about sa hiwalayan basta ang alam lang namin is hiwalay na kami sa kanila bukod roon wala na talaga.
"Yung relationship naming dalawa break tapos balikan tingin ko yung 2 years namin mas matagal ang break up ang dahilan niya si Erika isa siya sa mga dahilan ng break up namin paano nilalandi si Kim tapos ito namang si gago nagpapalandi." Sabi niya pa
"Paano nangyari?"
"Nung last time nahuli ko sila na naghalikan sa mismong birthday ni Kim, pumunta ako nun dala yung cake at ballon na dapat siya ang isusuprise ko kaso ang nangyari ako ang nasuprise amazing kaya para hindi ako masyadong masaktan at mapahiya doon mismo sa lugar kung saan ang party ay nakipaghiwalay na ako sa kaniya." Sabi niya pa na halatang naiinis pa rin
"Ikaw ba anong ganap?" Tanong niya
"Nothing new mas worst e nakikipag sex siya nung naabutan ko ang baboy talaga e." Sagot ko na nandidiri pa habang inaalala ko yung bagay na yun.
"Eh? Libog naman pala hanap nun siraulo." Sabi niya pa
"Juskoo alam mo change topic na habang inaalala ko yun naiinis na lang ako e, let's just move on kasi naka move on naman na sila maging masaya na lang tayo." Sabi ko
Hindi na kami nag usap pa tinapos na lang agad namin ang paghuhugas pagkatapos ay umupo na muna sa may sofa rito sa sala para magpahinga na muna sandali.