Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 70 - CHAPTER SIXTY NINE

Chapter 70 - CHAPTER SIXTY NINE

(De Vega Mansion, evening)

(Jack's POV)

ALAS DIYES medya na nung makauwi na ako sa bahay. Dumalaw pa kasi ako sa bahay ni Papa at inabot ako ng tatlong oras dun, pano kasi, nakakalibang kausap si Papa kung kaya naman nakaligtaan ko na ang oras.

Pero pagtuntong ko pa lang ng bahay ay nakakarinig ako ng boses na tila ba nagtatalo. Agad kong binuksan ang pinto at laking gulat ko nang makita ko si Mama na sinasabunutan ni Daddy Albert habang nakatitig lang sa kanila ang foster sister nila na si Tita Jane. Akmang sasaklolohan ko na sana si Mama nang maalala ko ang mga ginawa nila kay Papa Elbertson, dahilan para sakluban na naman ako ng pagkasuklam ko sa kanila. Hindi ko na sana sila papansinin nang bigla akong tawagin ni Tita Jane.

"Good evening, Jack. Where have you been?"

"Sa barkada." sarkastiko kong sabi sa kanila sabay baling ng tingin kay Mama na gulat na gulat sa sinabi ko.

"Barkada?! Saang barkada ka galing?!" sabay hawak ni Mama sa braso ko. "Sabihin mo, saang barkada ka galing!"

"Wala kang karapatang tanungin kung saan ako galing." I said sarcastically, dahilan para bigla na naman akong masampal ni Mama. Oh well, sanay na akong nasasampal. Manhid na marahil ang pisngi ko kaya hindi na ako nakakaramdam pa ng sakit...

Katulad rin ng pagkatao ko. Sobrang manhid na.

"At wala kang karapatang sagut-sagutin ako ng ganyan! Anak lang kita, tandaan mo yan!"

"Oo! Anak mo lang ako! Pero may karapatan akong sagutin ka! Lalo sa mga maling ginagawa mo!" ang hindi ko napigilang sumbat sa kanila. Natigilan si Mama sa sinabi ko. Maski sina Tita at Daddy ay gulat na gulat din sa mga sinabi ko.

Expected ko nang sisitahin ako ni Daddy pero nagtaka ako nang makita ko ang mapaglarong ngiti sa mga labi nila, same as Tita Jane.

"Kung ganun, Jack, alam mo na rin pala. Alam mo na ang mga kalokohang pinagagagawa ng magaling mong nanay." sabay duro ni Daddy kay Mama. Bagama't hindi lumalaban si Mama ay ramdam ko ang matinding galit nila kay Daddy at kay Tita Jane.

"Matagal na, Daddy. Bakit, ngayon nyo lang alam?" I said.

"Actually, ngayon-ngayon lang. Hindi ko akalaing nagawa niyang palabasing patay na ang anak kong si Chelsie kahit na ang totoo'y pinamigay niya ang anak ko sa ibang tao! Ang kapal talaga ng mukha diba?!" at muli'y sinabunutan ni Daddy si Mama.

"Bitiwan mo ako, Albert! Bitiwan mo ako! Wag mong ibibintang sa akin ang kasalanan mo!" pagpupumiglas ni Mama habang pinipilit nilang alisin ang mga kamay ni Daddy sa buhok niya.

"And you're really gonna deny it, Vivian!" sabay sampal ni Daddy kay Mama, dahilan para tuluyan na silang mapasubsob sa sahig. Agad pinigilan ni Tita si Daddy.

"Wag mo akong siraan sa anak natin, Albert!" Mama said very angrily.

Napailing-iling si Daddy. "Anak mo lang, Vivian. Anak mo lang."

That makes my mom very shock.

Tss. Sinasabi ko na nga ba't alam na rin nila ang katotohanan tungkol sa akin.

Oh well, I already expect that.

"P-papano mo nalamang..." gulat na gulat na sabi ni Mama.

"May isang taong naglakas-loob na sabihin sa akin ang lahat. Siya ang nagbulgar sa lahat-lahat ng mga kahayupang pinagagagawa mo!" nanggigigil sa galit na sigaw ni Daddy sa kanila.

"H-hindi totoo yung mga pinagsasasabi niya sayo...m-maniwala ka sa akin." ang pagmamakaawa pa ni Mama pero umiling-iling si Daddy sabay sabing.

"Hindi na ako naniniwala pa sayo, Vivian. At hinding-hindi na ako maniniwala pa sa mga kasinungalingan mo! So, if I were you, lumayas ka na, dahil ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo!"

"Hindi! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko kasama si Jack!" at akmang hihilahin na ako ni Mama palapit sa kanila pero marahas ko silang itinulak palayo.

"Ayokong sumama sa katulad mong manloloko, sinungaling at mamamatay-tao." ang mahina pero diretsahang sabi ko, dahilan para mas lalong matigilan si Mama.

"J-Jack..." ang halos maiyak nang sabi ni Mama.

Namayani ang ilang minutong katahimikan sa mansyon hanggang sa muling magsalita si Daddy.

"Ano pang hinihintay mo? Eto?" sabay hagis ni Daddy ng pera kay Mama. "Eto ba? Sige, sayong-sayo na ang mga perang ito! Tutal ay pera lang naman ang habol mo sa akin, isaksak mo ang mga ito sa baga mo!" at inihagis ni Daddy pati ang wallet niya kay Mama. Hindi pinulot ni Mama ang pera, sa halip ay tumayo sila at nagmamadaling lumabas ng pintuan.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin, Albert! Pagsisisihan mo!" at galit na galit na lumabas ng bahay si Mama. Naiwan akong tahimik habang si Daddy naman ay pinulot ang inihagis nilang pera at inilagay sa wallet nila.

"What's your plan now, Kuya? Hihiwalayan mo na ba si Vivian?" tanong ni Tita sa kanila.

"Ora mismo, makikipaghiwalay na ako sa walanghiyang babaing yun! Binilog niya ang ulo ko sa mga kasinungalingan niya. Pinagmukha niya akong tanga!" sabi ni Daddy.

"Eh paano na ngayon si Jack? Papaalisin mo na rin ba siya dito?" tanong ni Tita sabay titig nila sa akin. Hindi ko na lang sila tinitigan.

"Si Jack? Papaalisin ko?" at umiling-iling si Daddy. "Hindi ko papaalisin ang anak ko. Dito lang siya sa bahay na ito."

Napatingin ako kay Daddy at nakita kong nakangiti sila sa akin.

"D-Daddy..." ang tanging nasabi ko na lang sa kanila.

"Anak, kahit na hindi kita kadugo, napamahal ka na sa akin dahil isa kang mabait, mapagpasensya at matiising bata. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay tuluyan na ring mawawala sa akin." at marahang hinawakan ni Daddy ang magkabilang balikat ko. "Jack, tandaan mo, kahit na hindi kita tunay na anak, isa ka pa ring De Vega. Mahal na mahal kita. Paris ng pagmamahal ko kay Satchel at Chelsie."

"D-Daddy...s-sorry po. Sorry po!" at umiiyak akong yumakap sa kanila.

"Hindi ka dapat humingi ng tawad sa akin. Wala kang kasalanan." mahinahong sabi ni Daddy habang hinihimas nila ang likod ko.

"Patawarin nyo po ako..."

"Sssh. Tama na, anak ko. Wag ka nang umiyak."

"D-Dad..." at bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanila. "Ngayong alam nyo na ang katotohanan...a-ano nang susunod na plano ninyo?"

"Plano?" at napabuntung-hininga si Daddy. "Hindi ko alam kung anong plano ko sa ngayon, pero gagawin ko ang lahat para mahanap ko si Chelsie, and the same time...ay para mapabalik ko si Sachi dito sa bahay. Nami-miss ko na kasi ang kapatid mo eh."

Muli na naman akong tinamaan ng guilt sa mga sinabi ni Daddy kasabay ng pagrehistro ng mukha ni Sachi sa isipan ko.

Ano kaya ang sasabihin ni Sachi oras na malaman niyang wala na si Mama? Na wala nang kontrabida pa sa buhay niya? At ano kaya ang gagawin niya oras na bawiin na siya ni Daddy mula sa mga Roswell?

Hindi ko alam. Pero sana, this time, ay patawarin na ni Sachi si Daddy dahil nadamay lang naman sila sa mga kasalanang kagagawan ni Mama.

(De Vega Mansion, midnight)

(Albert's POV)

HABANG tahimik akong umiinom ng alak sa veranda ng mansyon ay naaalala ko pa rin ang mga rebelasyong isiniwalat sa akin ni Diana kani-kanina lang.

Mga rebelasyong tuluyang nagpagising sa akin sa katotohanan.

(Flashback)

Abala ako sa pag-e-encode sa computer nang makita kong pumasok sa loob ng opisina ko si Diana. At nakakapanibago siya dahil sobrang napakatahimik niya ngayon.

"Hi, Diana. Anong kailangan mo sa akin? Maupo ka muna." anyaya ko sa kanya.

"Salamat na lang pero hindi rin ako magtatagal dito. Anyways, may ipagtatapat pala ako sayo. A very important matter about your wife." seryosong sabi niya.

"About my wife? Ano naman yun?" ang nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ipinahiya niya ang anak ninyo sa school nila noong isang araw." diretsahang sabi ni Diana, dahilan para ako'y bahagyang magulat.

"W-what? Si Vivian? Ipinahiya niya si Jack? Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"Siguro'y dahil sa failing score ni Jack sa kanilang first grading exam."

"Naiintindihan ko naman si Vivian eh, Dinidisiplina lang naman niya ang anak namin." sabi ko.

"I know, Albert. But believe me, hindi lang yun ang ginawa niya. May mas malala pa dun."

"M-malala? Ano naman yun?" muling tanong ko sa kanya kahit na nakakaramdam na ako ng kaba sa kaloob-looban ko.

"May mga inamin siyang something criminal charges against herself."

That unexpectedly shuts me.

Si Vivian? Isang kriminal?

Imposible.

My wife is not a criminal.

Isa siyang mabait at mabuting asawa. kung kaya naman imposible ang mga sinasabi ni Diana.

"Criminal charges?" and I laughed. "Napaka-imposible namang magkaroon siya ng atraso sa batas. Mabait ang asawa ko at wala siyang kaaway." sabi ko pa pero umiling-iling si Diana habang nananatili pa ring seryoso ang kanyang mukha. Kinutuban na ako ng masama.

"Sigurado ka ba?" at inilabas ni Diana ang kanyang cellphone. "Eh kung ipakita ko kaya sayo ang video niya, maniniwala ka ba?"

"Wag mo ngang siraan si Vivian sa harapan ko." mahinahon pero diretsahang sabi ko sa kanya.

"Hindi ko sinisiraan si Vivian. I'm just telling the truth. Maganda na rin kasi kung malaman mo hangga't maaga pa." at pinindot-pindot ni Diana ang kanyang cellphone. "Panoorin mo ang video." at ibinigay niya sa akin ang cellphone.

Bagama't nag-aalangan ay kinuha ko kay Diana ang cellphone at pinanood ko ang sinasabi niyang video. Habang pinapanood ko ang video ay kitang-kita ko kung paano sinampal ni Vivian si Jack, dahilan para biglang sumulak ang dugo ko. How dare she slapped my son in front of the people!

Pero hindi lang yun ang ikinanginig ng laman ko sa matinding galit. May mas matindi pa pala roon.

Mula sa video ay kitang-kita at dinig na dinig ko kung paano inamin ni Jack ang katotohanan sa harapan mismo ng lahat.

- "TAMA NA MAMA!!! TAMA NAAAAA!!!! PLEASE LANG, WAG NA KAYONG MAGSINUNGALING PA! AMININ NYO NANG NILASON NYO SI ALING ISING AT IPINAMIGAY NYO SI CHELSIE SA IBANG TAO! AT MAY KINALAMAN PA KAYO SA NANGYARI SA TUNAY NA TATAY KO!" - Jack -

Nilason si Manang Ising?

Ipinamigay si Chelsie?

Tunay na tatay?

Wait, ano ba itong sinasabi ni Jack?

- "W-what?! T-tunay na tatay?!" - Satchel -

- "What does he mean?" - Joshua -

Nakita kong tumingin si Jack kay Satchel.

- "Sachi...hindi ko tunay na ama ang tatay mo. Pero napamahal ako sa kanila dahil mabait silang tao. At wala silang ibang iniisip kundi ang ikakabuti mo. Patawarin mo sana ako kung inagaw ko sayo ang lahat...lalo na ang daddy mo." -

THAT UNEXPECTEDLY SHUTS ME.

H-hindi ko anak si...Jack?

P-papanong nangyari yun?

P-papanong...

- "J-Jack..." - Satchel -

- "Tama ka ng nadidinig. Hindi ako tunay na De Vega. Isa lang akong impostor." at umiyak si Jack -

Hindi ko talaga anak si Jack?

No.

He's my son. My biological son.

- "Jack, hindi totoo yan! Anak ka ng Daddy Albert mo!" - Vivian -

- "Mama, hindi na ba kayo nauumay sa mga kasinungalingang pinagagagawa niyo? Wala na ba talaga kayong konsensya? O sadyang pinatay nyo na yang konsensya niyo? Ang dami niyong atraso sa mga De Vega maging sa akin na sarili mong anak! Sabihin niyo, paano niyo nasisikmurang gawin iyon?! Paano niyo nagagawa ang mga bagay na iyon?!" - Jack -

D-don't tell me...

- "Dahil pinoprotektahan lang kita! Ayokong mawala ang lahat ng meron sa atin! Ayokong maghirap tayo! Anak, sana maintindihan mo ako!" - Vivian -

"V-Vivian..." at hindi ko na namalayang nabitawan ko ang cellphone na hawak ko. Nahulog ito sa sahig.

H-how dare she do this to me?

How dare she do this to my own family?

HOW DARE SHE DO THIS TO MY SON AND DAUGHTER?!!

Sa sobrang galit ko ay ibinalibag ko ang mga papel na nakakalat sa harapan ko.

Gusto kong magwala. Gusto kong pumatay.

"GUSTO KONG PUMATAY!!!" sabay hampas ng kamay ko sa mesa. Agad naman akong inawat ni Diana.

"Tama na, okay? Tama na. Hindi makakatulong yang pagwawala mo." mahinahong sabi niya sa akin.

"Paano nagawa ni Vivian sa akin ito? Paano niya nagawa yun sa pamilya ko? Paano niya nagawa yun?! Paano?!" at muli kong hinampas ang mesa.

"Hindi ko rin alam kung ano ang motibo niya, pero maigi nang mapigilan mo siya hangga't maaga pa, dahil hindi natin alam kung ano ang susunod na plano niya. Albert...sad to say...but Vivian wants your money. At plano niyang pagnakawan ka hanggang sa bumagsak at maghirap ka. Kung ayaw mong mangyari yun, unahan mo na siya. Pahirapan mo rin ang buhay niya katulad ng ginawa niya sayo at sa pamilya mo." at tumayo na siya sa sofa. "Sana'y nakatulong ako sayo, Albert. Sinasabi ko lang ang totoo para na rin sa kapakanan mo...at ng anak mong si Satchel. Sige. Aalis na ako." at lumabas na si Diana sa opisina.

Hahabulin ko na sana siya para ibalik ang cellphone niya pero napag-isip-isip kong saka na lang, kapag nabulgar ko na ng harap-harapan sa magaling kong asawa ang lahat ng mga kahayupang itinatago niya.

And speaking of my demon wife...siguro'y ito na ang tamang panahon para ibunyag ko ang mga sikreto niya.

Napangiti ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang sekretarya kong si Maricel.

"Maricel, sabihin mo sa lahat ng bangkong hawak ko na paki-freeze ang account ni Vivian. Paki-pull out din ang kotseng ginagamit niya maging ang condominium niya. Tsaka paki-secure na rin ang share niya na nasa kompanya. Ilipat mo sa pangalan ni Jackson Lauren De Vega. Do you understand?"

- Yes, Sir. Gagawin ko din po, ASAP. - (Maricel)

"Good. Kapag nagawa mo yun, dadagdagan ko ang sahod mo. Sige." at ibinaba ko na ang cellphone ko.

Magsisimula na ang tunay na kahulugan ng paghihirap mo, Vivian.

Pagbabayaran mo na ang lahat ng kahayupang ginawa mo kay Manang Ising at sa anak kong si Chelsie.

Pagbabayaran mo.

Mas mahal pa sa buhay mo.

(End of Flashback)

Kasabay ng paglipas ng pangyayaring yun ay napag-isip-isip ko, hahanapin ko ang pamilya ni Manang Ising maging si Chelsie. Lilinisin ko ang pangalan ko, ang dignidad ko na sinira ni Vivian para pagdating ng tamang panahon...ay handa na nila akong patawarin sa mga ginawa kong pagpapabaya sa kanila.

Itatama ko na ang lahat ng pagkakamali ko noon.

Bubuuin ko na ang sarili ko.

Ibabalik ko na kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay ko.

IBABALIK KO NA ANG DATING AKO.