Chapter 71 - CHAPTER SEVENTY

(Sagamore Resort, Saturday morning)

(Bea's POV)

"ROGELIO, handa ka na ba?"

"Yes, Ma'am. Hinihintay na lang po namin ang signal ninyo."

"Good. Just wait for my signal. Bye." and I pressed the end button.

I smiled very evilly.

Be ready, bitch.

* evil grin *

(Beach Front)

(Mikki's POV)

"Mee, tara, swimming tayo." yaya ni Yusof sa akin.

"D-Dee...parang ayoko nang mag-swimming..." nanginginig na sabi ko.

"Ano ka ba naman, Mee. Sige na, swimming na tayo." pamimilit pa niya sa akin.

Waaaaaah!!!

Ayokong mag-swimming na naka-shorts!

"Dee naman eh...ayokong mag-swimming na nakaganito." sabay pinpoint ko sa shorts na suot ko.

"Sus, wag ka nang mahiya, Mee. Mas sexy ka pa sa kanila kahit na naka-shorts ka lang."

Nag-blush ako sa sinabi niya.

"Eeeh...mamaya na lang. Dito na lang ako sa cottage. Sabay-sabay na lang tayong mag-swimming." sabi ko. Pano kasi, nakakadyaheng lumangoy na naka-shorts. Parang Marimar lang.

"Okay, okay." and Yusof smiled. "Tatawagin ko lang saglit sina Kath Rence." at umalis siya. Naiwan ako sa cottage.

Ilang minuto lang ay bumalik na si Yusof.

"Mamaya na lang daw sila mag-su-swimming. Tara, swimming na tayo!" sabay hila sa akin ni Yusof papunta sa pampang. Wala na akong nagawa kundi ang lumusong sa tubig.

(Cottage)

(Gianna's POV)

BUSY kami ni Joshua sa paglalaro ng scrabble nang mapansin naming may kinakausap si Bea. At dinig na dinig ang boses niya dahil malapit siya sa cottage kung saan kami nakapwesto.

"Ihanda nyo na yung bangka."

Ihanda? What does she mean?

"Wait for my signal."

Mukhang ang seryoso ng boses niya ah.

At sino yung kausap niya sa cellphone?

"Siguraduhin nyo lang na hindi kayo papalpak..."

Bigla akong kinutuban ng hindi maganda.

"Make sure na mawawala ang impaktang yan sa buhay namin ni Yusof!" at saka niya ibinaba ang cellphone. Agad siyang pumasok sa loob ng resort.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko, lalo na nang mabanggit niya ang pangalan ni Yusof.

Oh my God.

Ano kayang balak gawin ni Bea kay Mikki?

At bakit ganun?

Diba, magkaibigan sila?

Hindi ko akalaing ganun pala siya kadesperada na maagaw si Yusof kay Mikki.

Dapat mapigilan namin siya.

We should make a plan to stop her.

(Beach Front)

(Bea's POV)

"Waaaah! Dee, hindi ako marunong lumangoy!"

Tignan mo nga naman 'tong impaktang 'to, kung makakapit, parang linta! Kanina ko pa silang pinagmamasdan mula sa cottage.

"Akong bahala sayo, Mee." sabi ni Yusof.

Argh! Ano bang nakita ni Yusof sa babaing yan?! She's not pretty! At hindi sila bagay! Dahil kaming dalawa lang ang bagay!

"Dee! Hinihila ako ng tubig! Waaah!"

Tss. That frog. Napaka-aquaphobic. So ignorant.

"Wag ka ngang OA dyan, Mee, hanggang beywang mo pa lang yung tubig oh."

"Huhu, Yusof! Ayoko na talaga! Please, sa cottage na lang ako!" - Mikki.

"Sige na nga. Swimming muna ako ah." at lumangoy na si Yusof papunta sa malalim na bahagi ng dagat. Umahon naman sa dagat si Mikki.

"Kyaaa! Prince Yusof! Wait for me! I'm a goddess!" - Rodel.

Okay.

My plan starts here.

* evil smirk *

"How's your bonding moment, Mikki? Nag-enjoy ka ba?" ang mapagkunwaring tanong ko sa kanya.

"Medyo. Pero ang kulit niya." sabi naman niya.

"Ah..." and I smiled. "Ahm..wanna go fishing with me?" - Wanna die, bitch?

"Fishing?" and she smiled. "Sige ba! Magpapaalam na muna ako sandali ah!" at akmang lalakad na palayo si Mikki nang hinigit ko siya sa braso.

Dapat walang makakaalam kung saan kami pupunta ni Mikki.

"No need. Nagpaalam na ako sa kanila." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Okay, so tara na!"

(Beach Front)

(Kath Rence's POV)

MATAPOS kong marinig ang pag-uusap nilang dalawa ay binigyan ko na ng signal si Riri na sumakay na sa bangkang sasakyan nina Mikki at ng bruhang si Bea. Agad siyang nakasakay at nagtago sa lonang tumatakip sa gilid ng bangka. Kabilin-bilinan din namin kay Riri na iligtas si Mikki sa oras na isagawa na ng walanghiyang bruha na yun ang masamang binabalak niya. Sang-ayon naman si Riri sa pinaplano ko.

Sana nga lang ay walang masamang mangyari kay Mikki.

(Anilao Beach)

(Bea's POV)

"Bangka? Sa bangka tayo sasakay?" tanong ni Mikki sa akin.

"Yes, Mikki." sabi ko. Kainis lang ah. Anong gusto niya? Sa barko siya sasakay? Huwag siyang choosy!

"Mas magandang mag-fishing sa bangka." and I flashed a smile.

"Talaga? Sige, mangisda na tayo!" - Mikki.

Catch yourself, bitch.

Sumakay kami sa bangka at pinaandar ko ang makina. Umugong ito na mala-halimaw ang tunog. Umandar ito nang umandar hanggang nakalayo na kami sa resort.

"B-Bea...p-parang...p-parang ang lalim na yata dito..." nanginginig na sabi ni Mikki.

"Hindi pa, Mikki. Alam mo ba, sabi nung tour guide sa akin kanina, may mga pating daw dito sa dagat."

Nanlaki ang mga mata ni Mikki at pinagpawisan siya sa mga narinig ko.

Haha. This sounds fun.

"H-ha? B-Bea...balik na kaya tayo...b-baka...baka hinahanap na nila tayo..." sabi niya habang naninigas siyang nakatitig sa tubig.

"Ano ka ba, Mikki! Kararating pa lang natin. Tsaka biro lang yun. Balik na lang tayo doon mamaya. Diba gusto mong mag-fishing?" - Ako.

She nodded.

"Okay, so let's do it!" sabi ko.

"E-eh, pano yan, Bea? Wala tayong panghuli." - Mikki.

"Hala. Oo nga noh. Balik na lang tayo sa resort."

"Mabuti pa nga. Natatakot na nga ako eh. Ang lalim na dito." sabi niya.

Pinaandar ko na ang makina pero hindi ito umandar.

"Hala, anong nangyari dyan?" tanong ng gaga.

"Mikki...nasiraan tayo ng makina." sabi ko.

"Ha? A-anong gagawin natin ngayon?" ang mas kinabahang sabi ni Mikki.

"Lalangoy ako pabalik sa resort. Hihingi ako ng tulong doon." Oh! Did I tell you that I'm a good swimmer? Did I tell you?

* evil grin lvl 100 *

"P-paano ako?" takot na tanong niya.

"Lalangoy ka rin ba?" tanong ko sa kanya.

She stared at me for a while then she shooked her head.

"Hihintayin kita dito ah. Babalik ka ah."

"Oo, babalik ako."

Babalik na ako sa piling ni Yusof.

* evil laugh *

Tumalon ako sa dagat at lumangoy pabalik sa resort.

Pabalik sa piling ni Yusof.

Hahaha.

Goodluck na lang sayo, Mikki. Dahil mamaya-maya lang, lulutang na ang katawan mo sa dagat.

* evil grin *

(Anilao Beach)

(Mikki's POV)

Sinadya kong palanguyin ng malayuan si Bea hanggang sa hindi ko na siya matanaw pa. Nung hindi ko na siya makita pa ay nagtatatawa na lang ako sa sobrang pagkamangha sa matinding katangahan ng bobang Beatrice Anderson na yun.

Gulat kayo noh! Akala nyo siguro, hindi ko alam ang mga binabalak ng tangang yun. Pwes, sa umpisa pa lang ng pagdating niya sa Kensington High School ay alam na alam ko na ang personality niya. Tsaka nasabi sa akin ni Yusof ang tungkol sa kanya maging ang ginawa niyang pagtatapat sa boyfriend ko, kaya naman memorize ko na ang galawang bruha ng karibal kong tanga.

* evil grin *

And additional nga pala, yung tungkol sa sinasabi kong hindi ako marunong lumangoy, joke lang yun noh! Champion kaya ako sa interschool swimming for almost consecutive three years! Kaya malas lang ng malanding yun dahil hindi niya nalaman ang secret ko. Haha! Tsaka may pating dito? As in pating?! Patawa rin siya noh! Para sabihin ko sa kanya, tagarito ako sa Batangas at walang naninirahang pating dito! Ipalo ko pa sa kanya yung pating eh!

Natigil lang ako sa pagbubunyi ko sa katangahan ng walangya nang makita ko si Riri na lumabas sa lonang nakatakip sa likod ng bangka.

"Mikki! Halika na! Sumama ka na sa akin! Marunong akong lumangoy! Aalalayan na lang kita!" ang worried na sabi sa akin ni Riri.

"Sus, Ri. Masyado kang worried dyan. Swimmer yata ang kaharap mo dito!" pagyayabang ko sa kanya.

"Ay, oo nga noh!" at natawa si Riri. "Pero, p-papanong...a-alam mo na ang balak ng bruhang yun?!" shock na tanong niya sa akin.

"Oo naman. From the start, alam ko na ang hilatsa ng ugali ng babaing yun. Malas lang niya dahil mahusay akong drama actress. Nahuli ko siya." and I smiled evilly.

"Ikaw na talaga, Mikki!" at napapalakpak si Riri. "Ano, swimming na tayo! Gusto kong mag-ala Dyesebel ngayon eh."

"Sige, pero sandali lang. May binabalak ako sa bruhang yun." at binulungan ko si Riri. Agad naman siyang sumang-ayon.

This time, tables will turn.

I will make sure na tatalunin kita sa larong ikaw mismo ang may pakana...

Bea Anderson.

* evil laugh lvl 1000 *

(Sagamore Resort)

(Kath Rence's POV)

"Ma'am Bea, may nakita po kaming shorts na nakalutang sa dagat. Mukhang suot po yun kanina ng babaing kasama ninyo kanina." - Yogo (na nagboses-Rogelio.)

"Very good. Hindi yun marunong lumangoy. Baka nakain na yun ng pating." - Bea.

Dahil naka-loud speaker ang phone ni Yogo ay dinig na dinig namin ang usapan nila ni Bea. Oh well, once a witch, forever and ever an evil witch. Pero mas witch pa kami sa kanya. Kaya humanda siya.

* evil grin lvl 50 *

"Sige Ma'am, kami na ang bahala ng mga bata ko dito. Bye." at ibinaba na ni Yogo ang cellphone nung isa sa mga tauhan ni Bea. Winasak ni Yogo ang cellphone sa harap ng nakagapos na goon ng bruha na Rogelio ang pangalan.

"W-wag! A-ang cellphone ko!" ang maiiyak na sa gulat na sigaw ni Rogelio pero namilipit siya sa sakit nang suntukin siya ni Satchel sa tyan.

"Makulit ka ring panget ka noh!" sabay hablot ni Jhake sa ulo nung Rogelio na yun. "Bistado na kayo ng tatanga-tangang amo mo! Kaya wag ka nang magpalusot pa!"

"M-maawa kayo sa akin...a-ayoko pang mamatay!" takot na takot na pakiusap ni Rogelio.

"Ayaw mo pang mamatay? Eh di manahimik kang hudas ka!" pasigaw na sabi ni Zeric sa kanya. Nanginginig namang tumahimik si Rogelio.

Well, ang hindi alam ng Luciferang amo ni Rogelio, bugbog sarado na ito at ang tatlong goons na kasama niya. Kasama ito sa plano namin ni Riri at umaayon sa amin ang sitwasyon dahil bistado na ang demonyita.

And speaking of Riri, nakabalik na sila ni Mikki dito sa resort. Sinadya naming itago muna saglit si Mikki sa kwarto ko para masorpresa ang bruhang Bea na yun sa magiging pasabog namin.

"Ngayong alam na natin ang modus operandi ng mga kumag na ito, anong gagawin natin sa kanila?" tanong ni Joshua.

"Ihulog natin sila sa dagat. Na nakatali." sabi ni Satchel.

"Teka po, wag nyo naman pong gawin sa amin ito! Ayaw pa naming mamatay! Parang awa nyo na!" pakiusap ni Rogelio with matching iyak pa. Umiiyak ding nakiusap ang mga alipores niya.

"Oo nga po! Gagawin po namin ang lahat ng iuutos ninyo, basta ba wag nyo lang po kaming papatayin!" - Goons 2.

"Really?" at lumapit ako sa kanila. "Then you have to do me a favor." and I smiled at them.

Haha.

This time...were the boss.

* evil smirk *

(Beach Front)

(Yusof's POV)

"Prince Yusof! Look at me! I'm Marimar!"

Umahon na ako sa dagat dahil napagod akong lumangoy. Ang boring kasing lumangoy kapag hindi ko kasama si Mikki. Tsaka naiinis na ako kay Rodel, kung lumangoy, parang dugong lang.

"Where are you going, Sergio? Don't leave me!"

Hindi ko na lang pinansin si Rodel, baka mamaya ay maupakan ko lang siya.

Tss. Ang boring mag-swimming. Si Mikki kasi. Mas pinili pa niyang magmukmok sa cottage kaysa makasama akong lumangoy.

Haay, mapuntahan na nga siya sa cottage.

Pero pagdating ko sa cottage ay naabutan ko si Bea na nakasandal sa upuan at nakangiti sa akin.

Tss.

"Hi, Yusof." bati niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Lumabas ako kaagad ng cottage at nakita kong palapit na sa akin si Mikki.

"Mee!" at niyakap ko siya. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap ah!"

"Sorry, Dee." and she pouted her lips. "Nag-swimming kasi kami ni Bea sa pinakamalalim na part ng dagat eh...di ba...Bea?" and Mikki smiled at her.

Hindi nakasagot si Bea sa sobrang pagkagulat, dahilan para magtaka ako.

Hanggang...

"Na-shock ka ba, Bea?"

Napatingin kami sa likuran namin at nakita naming palapit na sina Kath sa amin.

"N-na-shock? W-what do you mean?" ang tila kinakabahang tanong ni Bea.

"What do we mean?" and Riri smiled very evilly. "Na-shock ka ba dahil buhay pa ang babaing lulunurin mo sana sa pinakapusod ng dagat?" sabay pinpoint niya kay Mikki.

Anong ibig sabihin ni Riri?

Tinangkang patayin ni Bea si Mikki?

"A-ako? L-lulunurin ko si Mikki? Nagpapatawa ba kayo? Kaibigan ko siya! Hindi ko yun magagawa!" - Bea.

"Stop acting like innocent, Bea. Narinig kita kanina. May kausap ka sa cellphone mo." sabi ni Gianna.

Tinitigan ko sa mata si Bea. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"B-bakit nyo ako pinagbibintangan? M-may ebidensya ba kayo?" sabi niya.

"Meron. Jhake, Sachi, ilabas ang mga kumag!" utos ni Yogo.

Pumasok sa loob ng cottage sina Jhake at Sachi at lumabas silang may hawak na apat na lalaking nakagapos at nakabusal ang bibig. Nanlaki ang mga mata ni Bea sa pagkagulat. Tinanggal ni Satchel ang busal nung isa sa mga lalaki.

"M-Ma'am Bea...pasensya na po...pumalpak po kami..."

Nanigas si Bea sa kinatatayuan niya.

Ang ibig sabihin nun...

Tinangka niya talagang patayin si Mikki!

HINDING-HINDI KO TALAGA SIYA MAPAPATAWAD!

Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.

"Bakit mo ginawa kay Mikki yun?!! Bakit?!!" pasigaw kong tanong sa kanya.

"A-aray, Yusof...b-bitiwan mo ako. Nasasaktan ako!" histerikal na sabi niya habang pinipilit niyang alisin ang kamay ko sa braso niya. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kanya. Hindi pa ito sapat na kabayaran sa ginawa niya sa girlfriend ko!

"Naging magkaibigan kayo ni Mikki! Bakit nagawa mo 'to sa kanya?!!"

"GUSTO MO TALAGANG MALAMAN ANG BUONG KATOTOHANAN?! OO! AKO NGA ANG MAY PAKANA NG LAHAT! AKO ANG NAG-UTOS SA KANILA!"

Sa matinding galit ko ay nasampal ko si Bea sa harapan ng lahat. Gulat na gulat niyang sinalat ang pisngi niya na namumula sa pagkakasampal.

"Y-Yusof..." ang maiiyak na niyang sabi.

"How dare you do this to Mikki?! How dare you do this to her?!" I said very angrily.

"Because I love you! I love you so much! Pero inagaw ka ni Mikki sa akin! She deserves th--"

* SLAP! *

Sinampal ni Kath Rence si Bea. Mas lalong natakot at nanginig si Bea nang panlisikan siya ng mata ni Kath.

"Grabe ka talaga noh, Beatrice! Napakadesperada mo! Aaminin ko, nagkagusto din ako noon kay Yusof, pero kahit kailan, hindi ako gumawa ng masama para lang mapasaakin siya! Mahiya ka naman!" Yarra shouted at her.

Napayuko si Bea sa sobrang kahihiyan. Habang ang lahat ng mga kasama sa outing ay pinagbubulungan at pinagtatawanan na siya.

Hanggang sa nilapitan siya ni Erich.

"Alam mo, bitch, kung ayaw mong mapatay ka namin ng maaga, lumayas ka na rito. Isama mo na rin yang mga panget na Rogelios mo!" she shouted.

"E-eh...Boss...p-pakitanggal na muna yung tali bago kami umalis..." - Rogelio.

"Ipatanggal nyo dyan sa bruhildang amo nyo! Ano kami, hilo!" - Satchel.

"Boss naman eh..." - Goon 2.

"Sige na nga, pakawalan na yang mga panget na yan!" inis na sabi ni Zeric.

Kinalagan naman ni Jhake sina Rogelio. Pagkatanggal ng tali sa kanila ay dali-dali na silang tumakbo palayo sa amin.

"Wag na kayong babalik pa ditong mga hayup kayo ha?!!" Joshua yelled at them.

Nung wala na ang mga baklang utusan ni Bea ay nag-aalala kong nilapitan si Mikki. She's only smiling at me.

"Mikki, okay ka lang ba? Shit, kasalanan ko kung bakit muntik ka nang mapahamak!" ang worried na sabi ko sa kanya.

"Dee, wag ka ngang masyadong praning dyan, okay lang kaya ako. I'm still alive and beautiful." biro niya sa akin.

"Maski na. Dapat ay nag-iingat ka palagi. At hindi ka dapat sumasama sa taong may masamang motibo sayo." sabay tingin ko ng masama kay Bea. Hindi siya nakatitig ng diretso sa amin.

"Y-Yusof..." sabad sana ni Bea pero laking gulat namin nang sinampal siya ng back to back ni Mikki. Mas natulala siya sa sobrang pagkagulat.

"Walanghiya ka rin ano, Bea. Papatayin mo na nga lang ako, palpak ka pa." and she laughed evilly. "Pasensya ka na ah...hindi ko nasabi sayong champion ako sa interschool swimming competition. Tsaka mahusay ako sa diving, kaya naman sobrang nag-enjoy ako sa long distance swimming pabalik dito sa resort. Salamat ah. You make my Saturday so great."

Natulala sa sobrang pagkagulat si Bea.

"Gulat ka noh? Sorry ah, hindi ko nasabi sayo. Tsaka isa pa..." at lumapit si Mikki kay Bea. "Mas nakaka-enjoy pang mag-swimming kaysa mangisda." and she smiled. "Thanks again, my dear friend." at tinignan ako ni Mikki. "Lets go, Dee." at pabanggang dinaanan ni Mikki si Bea habang hatak niya ako.

Habang naglalakad kami palayo ay dinig ko ang tawanan ng lahat kay Bea. Napairap na lang ako sabay akbay ko kay Mikki.

Mabuti na lang at walang masamang nangyari kay Mikki. Dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na mawala siya sa akin.