Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 72 - CHAPTER SEVENTY ONE

Chapter 72 - CHAPTER SEVENTY ONE

(Kensington High School, after a week)

(Kath Rence's POV)

ISANG araw na ang nakakalipas mula nang mabuking ang itinatagong sikreto ni Bea pero sariwa pa rin sa amin ang mga nangyari. Hindi pa rin kami makapaniwala na ganun pala kadesperada ang impaktang yun at gagawin niya ang lahat, kahit pa ang hindi tama, para lang makuha niya ang gusto niya. And Yusof is the example. Pero mas hindi kami makapaniwala na nalaman ni Mikki ang mga plano ng babaing yun at nakaligtas siya sa tiyak na panganib.

Pero kung inaakala ng Bea Anderson na yun na hanggang dyan na lang ang ganti namin sa kanya, nagkakamali siya dahil may mas matindi pang mangyayari sa kanya. At hinding-hindi niya iyon makakalimutan kahit kailan.

* evil grin lvl 50 *

(School Corridor)

(Mikki's POV)

Saktong pagpasok ko sa building ng school ay dinig na dinig ko ang usapan ng mga estudyante sa lobby. At lahat ng yun ay patungkol kay Bea at sa mga katangahang pinaggagawa niya.

"Uy, totoo bang tinangkang patayin nung Bea Anderson si Princess Mikki?" - Student 1.

"Ewan ko, yun kasi ang sabi ng mga Sweethearts eh. Narinig ko kasi silang nag-uusap kanina sa Autumn Park." - Student 2.

"At si Prince Yusof daw ang reason." - Student 3.

"Tapos, ang narinig ko pa mula sa reliable source ko, patay na patay daw yung Bea kay Prince Yusof. At nung nalaman niyang si Princess Mikki na ang girlfriend ni Prince Yusof, nagalit daw yung Bea kaya binalak niyang lunurin si Princess Mikki sa gitna ng dagat." - Student 1.

"My gosh! She really did that?!" - Student 1.

"Yes. That bitch is too desperate. She's so flirt!" - Student 4.

"Ang kapal ng mukha niyang sirain sina Prince Yusof at Princess Mikki!" - Student 2.

"Humanda siya sa atin!" - Student 3.

Tss. As I expected.

Hindi ko na lang pinansin ang mga tsismosang yun, sa halip ay naglakad na lang ako papuntang classroom.

Habang naglalakad ako sa corridor ay sinalubong ako ni Khendra. At halata sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

"Mikki, kamusta ka na? Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Okay na ako. Kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala." sabi ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun." and she smiled. "Pero grabe lang ha! Napakasama talaga ng impaktang Bea na yun! Binalak talaga niyang ipapatay ka! Hinding-hindi ko mapapalampas ang ginawa niya sayo! Swear!" at nakita kong nag-close fist ang mga kamay niya.

"Relax, Khen. Okay na ako. Tanga lang ng malanding yun dahil swimmer ang inuto niya. Tsaka na-enjoy kong lumangoy ng malayo mula Isla Anguying hanggang sa pampang ng Anilao. Nag-ala Marimar nga ako dun eh. Sayang at hindi ka nakasama sa outing namin." sabi ko with matching flip hairs pa.

"Ganun ba! Sayang naman!" at napalatak si Khendra. "Eh ano namang reaksyon ng bruha nung malaman nyo na ang lahat ng pinaplano niya?"

"Ayun. Para siyang pinitpit na luya sa sobrang kahihiyang dinanas niya. Lalo na nung sinabi ko ang totoo sa kanya." and I smiled very evilly. Mas lalong napapalakpak si Khendra sa tuwa.

"Ganun? Wow! I can't imagine kung paano siya napahiya sa harapan ng lahat! Siguro, wala na siyang mukhang ihaharap ngayon!" Khendra exclaimed.

"For sure. Ewan ko lang kung makapasok pa ang babaing yun dito." sabi ko.

"Tara na sa classroom at baka hinihintay ka na ng Prince Charming mo!" sabay hila sa akin ni Khendra papuntang classroom.

(IV-2 Classroom)

(Mikki's POV)

Pagpasok ko sa classroom ay sumalubong sa akin ang worried na itsura ng mga classmates ko.

"Uy Princess Mikki, okay ka na ba?" - Shanna.

"Oo. Okay na ako." sabi ko.

"Eh papasok pa ba kaya ang ingratang bruhang yun?" - Xydel.

"Ewan ko. Wag na sana siyang magpakita, baka kasi mapatay ko lang siya eh." mariing sabi ko.

"Gusto mo ba, iganti namin kayo? Pahirapan namin ang bruhildang yun?" - Stacey.

"Wow! Bet ko itech! Bet ko itech!" - Rodel.

"Kayo ang bahala. Ayoko nang madungisan pa ang kamay ko nang dahil sa impaktang yun." sabi ko.

"Okay! Sabi mo yan ah!" - Claire.

I nodded.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang pumasok na ang special guest namin na walang iba kundi si Bea Anderson. Tahimik lang siya at nakatungong pumasok sa loob. Nakita kong nagkindatan sina Riri at Yarra na tila ba may balak sila.

Agad na umupo si Bea sa upuan niya kaya lang...

* BOOOM! *

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" tawanan ng mga sira-ulo naming classmates.

Napaupo si Bea sa sahig dahil hinila ni Femme ang upuan niya.

Haay, kahit kailan, sira-ulo talaga si Femme. xD.

Hindi pinansin ni Bea ang mga classmates namin, sa halip ay naupo na lang siya sa ibang upuan.

Pero...

"Hoy! Upuan ko yan! Umalis ka dyan!"

Napatingin si Bea at nakita niya si Khendra na nakapameywang at ang taas ng kilay sa kanya. Agad namang umalis si Bea habang tuloy sa pagtawa ang lahat.

"Kawawang bata." at nagtawanan sina Riri at Yogo. Hindi na lang umimik si Bea.

Duwag.

Natigil lang sa pagtatawanan ang lahat nang pumasok na si Yusof sa classroom, dahilan para magtilian sa kilig ang mga classmates ko.

Haay, Dee ko, ikaw na talaga ang pogi! Ikaw na!

* smirk *

Lumapit sa akin si Yusof at hinalikan niya ako sa noo.

"Good morning, Mee." bati niya sa akin.

"Good morning din sayo, Dee." bati ko rin sa kanya.

"Okay ka na ba?" he asked.

"Yup. Okay na ako. Pero sana hindi mo na ako dinala sa ospital nung Saturday." sabi ko sabay tingin ko ng masama kay Bea. Nakipagtitigan din siya sa amin with matching paawa eyes pa. Tss. Drama queen.

"Maigi na yung sigurado tayo sa lagay mo. Pero salamat na rin dahil skin irritation lang yung nakuha mo. Kung mas malala pa dyan ang nangyari sayo, baka hindi ko lang mapatawad ang sarili ko." he said seriously.

"Kasi naman ang layo at ang lalim pa ng nilangoy ko. Pero nag-enjoy naman ako kasi nag-ala Marimar at Dyesebel ako sa dagat. Diba, Bea?" and I smiled sarcastically at her.

Hindi siya nakaimik.

"Oh, ba't hindi ka makasagot dyan? Diba, niyaya mo akong mag-fishing sa gitna ng dagat? Pero sorry ka dahil mas gusto ko pang mag-swimming." and I smiled evilly.

Tawanan ng lahat sa sinabi ko habang mas lalong napahiya ang impakta. At nung titigan siya ng masama ni Yusof ay hindi na siya nakatagal pa. Umiiyak siyang nag-walk out sa classroom.

"Tss. Duwag talaga niya noh?" - Yogo.

"As you said, Yoe. Nag-fe-feeling matapang ang bruha pero duwag naman pala." - Riri.

"So what's the next plan?" curious na tanong ni Xydel.

"It's the doomsday plan." and Riri smiled very evilly. "C'mon guys, panoorin natin ang big surprise na magaganap sa impaktang newbie na yun!"

Nagpalakpakan naman ang mga classmates namin sabay pulasan nila palabas ng classroom. Huli na kaming lumabas ni Yusof.

(Corridor/Main Hall)

(Kath Rence's POV)

Habang inaayos ko ang mga libro at notebooks ko sa locker ay nakita kong umiiyak na naglalakad si Bea sa corridor. Tss. That bitch. Ang kapal ng mukha niyang mag-emote, eh siya naman ang may kasalanan in the first place.

Pero natigil sa pag-iyak ang kawawang bruha nang makita niyang may mga estudyanteng palapit na sa kanya at gulat na gulat siya nang hawakan siya ng mga ito sa kanyang kamay at braso.

"S-saan nyo ako dadalhin?! B-bitiwan nyo ako! Bitiwan nyo ako! Tulong! Tulungan nyo ako!" histerikal na sigaw niya pero hindi siya pinakinggan ng mga nakapaligid sa kanya, sa halip ay kinaladkad siya papuntang main hall.

Sa sobrang curiosity ko ay lumapit ako sa kumpulang yun and I was shocked nang makita kong binuhusan siya ng harina. Tawa ng tawa ang mga estudyante habang naiyak na si Bea sa sobrang kahihiyan. Hindi pa nakuntento ang mga estudyante, pinagbabato pa nila ng itlog at nilamukos na papel si Bea.

"B-bakit nyo ginagawa sa akin ito?! Ano bang kasalanan ko sa inyo?!" umiiyak na tanong niya sa akin.

"Kasalanan? Wala kang kasalanan sa amin. Pero kina Prince Yusof at Princess Mikki, meron." sabi ng isa sa mga nakapalibot sa kanya, dahilan para bigla na naman siyang matulala sa sobrang pagkagulat.

"How dare you try to kill Princess Mikki?! Huh?!!" sabay sabunot ng isang babae kay Bea.

"Dahil inagaw niya sa akin si Yusof!" pasigaw na sabi ni Bea.

Nang biglang...

* SLAP! *

"Wala kang karapatang tawaging mang-aagaw si Princess Mikki! Because she loves Prince Yusof!" galit na galit na sigaw nung babaing sumampal sa kanya.

"Baka ikaw ang mang-aagaw dyan!"

"Slut!" sabad ng isang tomboy sa gilid.

"Kung gusto mo, Miss...ako na lang..." at akmang hahawakan na sana nung lalaki si Bea pero nagpumiglas ito. Mas lalo siyang pinagtawanan ng lahat.

"Grabe ka naman P're! Ang cheap mo namang pumili! Marami pang mas magaganda kesa sa babaing yan!"

Muling nagtawanan ang lahat.

Hanggang...

"TAMA NA YAN. AKO NA ANG BAHALA SA BABAING YAN." sabad ko sa kanilang lahat.

"Si Princess Kath Rence, nandito!"

"Oo nga!"

Nagtilian ang lahat pagkasabi nila sa pangalan ko. Haist. Nakakarindi lang.

"Silence!" sigaw ko. Nanahimik naman sila.

"Gusto ko yang ginawa ninyo. You're really impressed me guys." and I smiled evilly at Bea. "Sige na. Umalis na kayo at ako na ang bahala sa babaing yan. Dahil napabilib nyo ako, lahat kayo'y may libreng gelatto sa cafeteria. You can get it any time you want. Basta ngayong araw lang na ito ah."

"Talaga! Wow! Thank you, Princess Kath Rence!"

"Tara na guys, alis na tayo!" at nagtakbuhan na palayo ang kawan ng mga estudyanteng yun. Naiwan si Bea na namumuti at nanlalagkit ang buong katawan sa harina at itlog. Dahan-dahan kong nilapitan si Bea sabay sabunot ko sa buhok niya.

"A-aray...b-bitiwan mo ako..." ang namimilipit sa sakit na sabi niya habang hawak niya ang kamay ko na nakasabunot sa kanya.

"Talaga? Nasasaktan ka?" and I laughed very evilly. "Eh ikaw, naisip mo ba yan nang tangkain mo ang buhay ng kaibigan ko? Ha?" sabay sampal ko sa kanya. "Ha?!" at sinampal ko ulit siya. Nanginginig na niyakap ni Bea ang mga tuhod niya habang umiiyak.

"Paano mo naiisip na gawin ang masasamang bagay na yan? Ah...akala mo siguro, kapag nawala si Mikki sa buhay mo, mamahalin ka na ni Yusof. Pwes, nagkakamali ka. DAHIL KASUSUKLAMAN KA NIYA ORAS NA GAWAN MO NG MASAMA ANG MGA TAONG MAHAL NIYA. Importante ka naman sa kanya eh...pero sinira mo ang tiwala niya nang dahil sa ginawa mo. Kaya dapat lang yan sayo. Karma mo na yan sa pagtatangka mong sirain ang buhay ng iba." at binitiwan ko ang buhok niya. Nanginginig naman siyang tumayo habang iniiwasan niya ang mga mata ko. Akmang tatakbo na sana siya palayo nang hinablot ko ang braso niya.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap." at inilapit ko ang mukha niya sa mukha ko. Kitang-kita ko ang matinding takot sa mukha niya, lalo na nang makita niya ang mga mata kong nanlilisik na sa kanya.

"P-please...l-let me go..." pagmamakaawa niya sa akin.

"Sige. Pakakawalan na kita. Pero sa isang kondisyon." and I smirked at her.

"A-anong kondisyon?"

"Wag na wag ka nang magpapakita pa dito simula bukas, naiintindihan mo?" at mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. "Subukan mo pang guluhin sina Yusof at Mikki...at baka mapatay na kita ng tuluyan! Naiintindihan mo?!"

Nanginginig na tumango si Bea.

"Good." at binitiwan ko na siya. Nanginginig at parang baliw siyang tumakbo palayo habang umiiyak.

Nung wala na si Bea ay umalis na ako sa main hall na nakangiting-tagumpay.

What a nice move again...

Empress sweetheart.