Chereads / 'My One Sided Love story' / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

+PART 5+

Ilang araw lang akong hindi pumasok wala akong gana mas gusto ko pa sa bahay mapag-isa at ayaw ko din makita muna si d-dmitri at si divine the linta na yun.

Oo alam ko bitter ako ano problema dun? Eh sa mahal ko pa yung tao tapos ginanun ako? Aba masakit yun ah.

Pero sa ilang araw na yun may mga taong nag gagabay sakin at nag papasaya katulad ng mga kaibigan ko na pumupunta pa dito sa bahay o kaya tinatawagan at tntxt ako pag busy sila.

Lalo na si yariell walang mintis kung pumunta sya dito sa bahay minsan nga pumupuslit pa hindi naman kasi kilala nila mama at papa si yariell. Hindi rin sya na mimintis sa mga tawag at txt nya sakin palaging kina kamusta nya ako kung okey ba ako o kung ano-ano.

Tuwing ginagawa nya at pinapakita nya sakin ang mga ganun na wawala amg lungkot ko at na papalitan ng saya. Hindi ko alam pero parang sumasaya ako pag na kikita ko sya gusto ko palaging kasama sya at katxt gusto ko nasa tabi ko lang. Ewan ko ba pero alam ko mali ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya nga gusto ko iwasan muna ito pero hindi ko kaya na mimiss ko sya pag lumalayo ako sa kanya.

-AFTER 2 MONTHS-

Holiday vacation na its november araw na ng patay. Andito ako ngayon sa cementery ako muna nag babantay. Kanina pa akong umaga dito mamayang 1 uuwi na din ako kasi may papalit na pero mamaya din makaka sama ko na din ang mga pinsan at tita ko.

Mabuti nga maluwag yung pwesto namin ngayon dito eh at hindi ganunmainit din may lona kame dito. At hindi rin ako mangangamba sa pagkain at tubig kasi meron na dito hehe ang dame nga eh sobra for sure busog ako nito.

*BEEPP*

From: yar.yar<3

Hello!! Hon musta kana jan? Mainit ba? Uminom ka lang ng maraming tubig ah? At huwag ka tatagal sa araw mainit pa naman.. Okey?

Sige i love you mamaya tatawagan kita :*

Hihi!! Ano ba naman yan kinikilig ako (≧∇≦)ganto ba palagi sya ka sweet? At caring? Baka maubusan at mag sawa sya nito? Pero basta okey lang sakin masaya naman ako kasi alam ko na mahal nya ako.

To: yar.yar<3

Sige hon gagawin ko.. Ikaw din ingat love you.

Na papangitin na lang ako sa mga ngyayari. Ng pagka send ko ng message ko biglang datingan naman ng mga kasama ko. Na mimiss ko na nga sila eh matagal din hindi kame nagkikita ngayon lang tuwing holiday lang ata ang meet up ng family namin.

Lumipas ng ilang minuto ay time ko na umuwi.. Nagtxt nga sakin ang hon ko kung ano time daw ako uuwi kaya tntxt ko. Palabas ko pa lang ng cementeryo madami ng tao, isa ito sa bilib ko sa mga pilipino hindi nila kinakalimutan ang mga taong mahal nila.

Sa sobrang dameng tao nakiki pag siksikan na nga ako medyo nagkaka sagian na dahil may mga nag-uunahang lumabas. Pero sa hindi ko inaasahan madadapa ata ako hinihintay ko na lang kasi for sure madadaganan ko naman din yung mga tao pero pag hindi huhuhu.... Maapakan naman nila ako kaya pumikit na lang ako at hinahanda ang pagka hulog ko.

Pero? Bakit ang tagal naman? Dapat ngayon apak-apak na ang katawan ko? Ugh?! a-ano yun? Ba-bakit may mga kamay sa bewang ko? Hala minumolestya na ba ako? Huhu oh my ghad?! Mas okey pa ata na apakan ako kesa sa ganto?! Huhu. Na tatakot tuloy ako mag mulat baka nao gawin sakin (>人<)

" Hon? Okey ka lang ba?.. May masakit ba sayo? " Tinig ng isang boses na lalaki at pamilyar ito sakin.

Pag mulat ko ng mata ko  wow!!! A-ang gwapo naman ata nito?! Waahh

" Uy hon? Tsk.. Teka i-aalis kita dito tara " sabay hila sakin yung dahan dahan lang hindi naman yung malakas hanggang maka alis na kame sa maraming tao.

Hinawakan nya ako sa balikat at oarang may sinisipat sipat pina ikot nya din ako at ako naman ginawa naman. Mukhang na kuntento naman sya nang makitang walang galos o sugat sakin.

Sigh " akala ko huli ako sa pag sambot sayo.. Ikaw naman kasi dapat hindi kana naki siksik sa mga nag labasan sana pinahupa mo muna " sermon nya " mabuti na lang pala na dumating ako kung hindi baka ang gf ko ay pirat na " may pag-alalang sabi nya. Kaso okey na eh sumabit lang sa huli?! (-_-)

" Sama nito pirat agad-agad? " Inis na saad ko. Aba ang loko ngumisi lang sarap talapan ng mukha eh?

" Haha!! Hindi na mabiro ang hon ko. " Sabay yakap sakin " syempre ayoko naman na masaktan ang hon ayoko na kikita syang ganun kaya mas gusto ko ako na lang kesa ikaw? At isa pa mamahalin pa kaya kita ng sobra " sabay kurot sa ilong ko.

" Aray masakit ah " tinampal ko nga ang kamay magka tigyawat pa ako dun " pero ang sweet thank you hon i love you " lambing na sabi ko.

Niyakap nya pa ako ng mahigpit at sabay kiss sa noo ko " i love you to.. Tara date tayo? " I just nod.

Sabay alis na namin.. We had a great time na kame magkasama hindi na aalis ang kulitan namin sa isa't isa.. Sa ngayon masasabi ko na mas masaya akong kasama si yariell mas masaya ako kesa nung kay dmitri. Hindi ganto sakin si dmitri nung kame pa ako palagi ang nag-aayaya minsanan lang sya pero itong si yariell sya palagi kahit magkasama lang kame kanina gusto nya mag date ulit kame walang kasawaan ang isang to.. At sa bawat magka sama namin na kikita ko kung pano sya mag mahal na kikita ko kung pano sya magweet. Sabi nga ng mga kaibigan ko ang swerte ko daw sa kanya kasi wala na daw makikitang ganto.

" Nga pala hon dun tayo sa bahay mag meryenda,gusto ka daw makita ni mama " sabi nya habang nag lalakad kame.

Na patingin ako sa kanya na may pagtataka. Hindi ako na babahala kasi matagal nya na ako pinakilala sa mga magulang nya kaya sanay na ako na pumuounta sa kanila.

Mukhang na pansin nya ata na nakatingin ako sa kanya. " Gusto ka nya maka pagkwentuhan alam mo naman yun mas gusto babae kesa sa lalake.. Sabi ko nga sa kanila nila papa nun sana gumawa na lang sila para hindi yung palagi kang hinihiram sakin kaya nagkakaroon ako ng kaagaw sa oras mo-- aray naman hon " pinalo ko nga.

Nako ang daldal din nito eh? Sabihin daw yun? Tsk lakas din topak nito eh.

" Bakit mo pa sinabi yun? Osige punta tayo hehe gusto ko matikman yung luto ni tita na puto " excited na sabi ko.

Masarap kasi gumawa ng puto ang mama nya business kasi nila yun. At mabenta well masarap naman kasi kaya talagang mabili sya.

" Hay sabi ko na nga ba.. Sa susunod nga mag papaturo na ako kay mama kung pano mag luto "

" Huh? Bakit naman? Magbebenta ka din nun? "

Tumingin sya sakin at kinurot ang ilong ko " hindi para sakin ka palagi humihingi at hindi kay mama kasi pag na lalaman ni mama yun kinukuha ka kaya ako na aagawan ng oras sayo eh " may tampo sa boses nya. Kaya ako ito nilagay ko ang kamay ko sa bewang nya at sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya at nilalabing sya, ayun lang naman ang kahinaan nya sakin.

Nasa bahay na nila ako at tama nga ang sinabi nya pano naman hindi na ako pinapaalis ni tita sa tabi nya at na puno na ng kwentuhan. Na kita ko nga din ang papa at kapatid nya binati ko na lang sila. Sa 2 months namin ni yariell ay na kilala na nila ako at mas na kilala ko na din sila.

Oo, after ng ilang araw na break up namain ni dmitri nag suggest si yariell na pwede ko daw syang gawing panakip butas sa una ayaw ko kasi unfair pero pursigido sya kaya no choice ako umoo na lang. Pero sa tagal na yun? Na tutunan ko na din syang mahalin at inamin ko sa kanya yun at laking tuwa nya nun.

Nung unang malaman nila lyn at ysa yun hindi sila maka paniwala at pumayag kasi hindi daw pwede yun. Pano daw kung may mahanap daw ako iba kawawa naman daw si yariell mas masasaktan dahil umasa ang tao kahit hindi sabihin nya yun hindi parin daw ma-itatangi na pwede syang umasa. kaya nga nag dalawang isip ako nun at gusto ko ibawi yung sinabi ko.

Kaso ng mga ilang araw mas naging sweet at caring sya sakin kaya ang hirap sabihin kasi makikita mo sa kanya ang saya. Kaya habang tumatagal na iinlove na ako sa kanya. At ayun nga na tuluyan na na hulog na ako at sana sa pag hulog ko eh ingatan nya ang puso ko kasi hindi ko pa kayang masaktan ulit hindi ko pa kaya.. Medyo hindi pa humihilom may side pa sakin na baka gawin nya yung ginawa sakin ni dmitri. Kaya nga medyo dahan dahan lang ako sa pag ibigay ng pagmamahal para kung mangyari ulit yun hindi ako ganun masaktan ng sobra.

" Hon tara na uuwi na kita bukas ulit.. At nga pala tatawagan kita okey? "

" Sige aabangan ko "

Hay sana maging ganto muna huwag muna sanang bawiin ang kasiyahan ko sana patagalin muna.. Hindi ko pa kaya ang mawala sya sakin, hindi ko pa kayang masaktan muli...