+PART 6+
~DECEMBER 31~
Malapit na mag new year ilang oras na lang at magbabagong taon. At mag 5 months na rin kame ni yariell.. At isa lang masasabi ko masaya ang pagsasama namin bilang bf at gf :). Oo inaamin ko may mga problemang dumarating samin may pagkakataon na nag-aaway kame at umaabot ito ng kinabukasan. Pero nag babati din kame sya pala ang lumalapit sakin pag may away kame kahit minsan ako ang nag-uumpisa ng mga away namin. Malalahanin sya mapagkumababa at ayun sa mga katangian nyang na gustuhan ko.
" ate eachna.. Wala na ba kayo ni kuya dmitri? " tanong sa akin ng pinsan ko.
Sya sa isa kong pinaka close na pinsan basta gusto ko kasi ugalin nya kaya ganun at mabait din naman sya eh. Nag sasabihan nga kame ng secret eh.
At kilala nya din si dmitri one time kasi na kita nya kame magkasama ayun ata yung araw na nag-ayaya ako ng date namin.
" ah oo hindi lang talaga kame para sa isa't isa " sagot ko na lang.
Uy improving ako hehe wala ng bitterness sa boses ko ah.
" ganun ba? Sayang naman gusto ko sya para sayo " may panghihinayang sa boses nya.
Naging close din kasi sila ni dmirti may mga likes sila na same lang kaya ayun nagka sundo ang mga ito.
" haha hayaan mo na past is past at masaya na ako sa bagong mahal ko " naka ngiting saad ko.
Hindi ko tuloy mapa-iwas na ngumiti pag na aalala ko sya palagi na akong ngumingiti haha para na nga akong baliw eh.
Mga bangdang 11:30 tinawag na kame ni mama at tita para kumain na daw at para mamayang 12 am makakain na daw kame at maka pag pailaw na din. Parang reunion na nga namin eh lahat ng kamag-anak namin ay nandito na eh.
Kaya ako nagcocompose na ako ng message para batiin na sila syempre hindi mawawala sa pagbati si hon ko hihi.
To: My friendsssss
Helllloooo guyssssss mag-aadvance na ako sa pag bati baka mamaya hindi na ako maka pagbati dahil magiging busy na ako..
Advance happy new year sa lahat more happiness come to all of you and a happy lovelife came true din :)))
Hihihi oy yung mga advance gift ko ah? Huwag kalimutan sa pasukan bye mwuaaahhhh :*
~SEND~
And syempre kay hon naman.
To: yar.yar<3
Hello hon advance hapi new year baka hndi na ksi akoh maka pgtxt syo..
Sana tumagal pa tayo at love you :*
Hehe gift ko ah? Kukunin ko sa pasukan.
~SEN-~
" Anak may bisita ka " sigaw ni mama galing baba.
Sino naman kaya yun? Wala naman nag sabi na may pupunta dito ah?
Pagbaba ko sa baba hindi ko inaasahan na makita sya dito, Bakit hindi sya nag sabi para alam ko na pupunta sya? Ano naman kaya ginagawa nya dito? Ittxt ko pa naman sya pero mukhang hindi na kaylangan.
Ng nasa baba na ako tumayo sya sa pagkaka-upo nya at nginitian nya ako isang ngiti na matamis. Sa ginawa nya napa ngiti din ako ng biglang na alala ko na andito si mama. Pag lingon ko nakatingin lang sya at biglang ngumiti. alam ko ang ngiting yun ibig sabihin okey sa kanya.
" Hey! Bakit hindi ka nagtxt na pupunta ka? " Tanong ko ng maka lapit na ako sa kanya.
" Gusto ko ma sorpresa ka " hinapit nya ako sa bewang at niyakap "at gusto ko mag celebrate tayo ng new years eve na magka sama " naka ngiting saad nya.
" Sus palusot mo " na tatawang sabi ko.
" Bakit? Ano ba sa tingin mo kung bakita ako pumunta dito? " Naka ngising sabi nya.
Ngumiti at kinurot ko yung pisngi nya " kasi makiki kain ka.. Kaya ka oumunta dito diba? " Malokong sabi ko.
Tumawa sya sa sinabi ko at biglang niyakap na naman ako. Ang hilig sa yapos ng lokong to. Ano akala nya sakin teddy bear at unan? Para yakapin lagi?!
" Galing mo naman mang hula hon ah? "
" Kasi po naririnig ko na yung mga hiyawan sa tiyan mo " sabay tinuro ko ang tiyan na.
Tumawa na lang sya sa sinabi ko at hinila na ako palabas.
Ng mapansin ko na palabas kame hinila ko yung kamay na naka hawak sakin at tumingin sa kanya ng seryoso. Yung parang nag sasabing saan-mo-naman-ako-dadalhin-look.
Ngumiti lang sya at biglang hinapit na ako sa bewang at giniya paalis ng bahay. Wala na akong magagwa kung saan ako dadalhin nito nag patianod na lang ako sa mokong to.
Hanggang sa na papansin ko palayo kame ng palayo at padilim din ng padilim, may ilaw pa naman pero pawala ng pawala ang mga tao. Medyo na tatakot na din ako pano naman wala ganung tao dito sa lugar namin mamaya may mangholdap samin edi delikado. Kahit kasama ko pa itong si yariell wala rin syang laban kung may dalang arams yung holdaper diba? Kaya hindi tuloy ako makatiis kung saan kame pupunta?
" Uy hon saan ba tayo pupunta? Eh palayo na tayo sa matao eh " na tatakot na saad ko. Halos naka kapit na nga ako sa braso nya eh.
" Basta malapit na tayo.. At huwag kana rin matakot andito lang naman ako sa tabi mo ako bahala mag protekta sayo " pag lulubag loob na sabi nya.
Sa sinabi nya medyo kumalma na ako medyo na panatag na ako. Ibang klase talaga ang word of wisdom nya eh? Na dadala ako.
" Oh? Andto na pala tayo " biglang sabi nya ng mapatigil kame sa isang malaking bakuran.
Pamilyar nga yung lugar na ito eh, hindi ko nga lang matandaan kung saan ko ito na kita? Inaalalayan ako ni yariell papasok. Madili kasi sya at mapapansin mo na may mga halaman din sa paligid kahit madilim mapapansin mo ito. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko maintindihan sa bilis hindi ko naman masabi na kinakabahan ako dahil alam ko ang pagka-iba ng kaba sa hindi.
Ng mapansin ko na medyo nasa kalagitnaan na kame biglang may bumukas na mga christmass light sa paligid at dun ko na pansin na puno ito ng mga magagandang bulaklak pahaba ang daanan nito. Kaya matagal ko din matitignan ang mga magagandang bulaklak, sa parang buong tent basta yung parang ganun eh puno ng iba't ibang klase ng bulaklak at mababango pa. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti at mapatakip ng bibig, hindi ko na nga tinitignan si yariell ang buong atensyon ko ay nasa piligid.
Ngayon tanda ko na ang lugar na ito.. Ito yung minsan na pumuslit kame ni yariell ang loob na ito private garden kasi ito eh. Gustong gusto ko pa naman nun maka pasok dito at masilip ang buo. Sa hindi ko inaasahan na matutupad iyon hindi ko alam kung pano nya na papayag ang may-ari nito?
Sa kakalakad namin unti-unting na na wawala ang ilaw at habang palayo kame ng palayo kame na aaninagan ko sa gitnang parte at may naka palibot na ilaw na hugis puso. Ng maka lapit na kame may isang table dun at dalawang upuan at may pagkain na pansin ko din na yung mg ilaw na yun eh naka baon sa lupa. Sa paligid din nun eh puno ng mga favorite flowers ko. Lalo tuloy akong na papaiyak sa mga ngyayari lalo tuloy akong na mamangha at minamahal si yariell sa mga ginagawa nya.
Iginiya nya ako paharap dun sa dinaanan namin, nung una hindi ko alam kung bakit nya ako pina ikot pero nung makita ko kung ano yun. Dun ako napa iyak at napangiti sa nakita ko.
Dun kasi sa mga gilid ng parng tunnel may mga puno na ginupit ang halaman at nag form ito ng. I You... Yung sa gitna kasi naka form ito ng pa hurt shape, yung kung saan kame dumaad ni yariell.
Wala akong masabi.. Sa sobrang saya ko na papaluha na ako sa saya hindi ako maka paniwala na kaya nyang gawin sakin to lalo tuloy akong na iinlove sa kanya pakiramdam ko wala ng iba kundi sya na lang ang mga katulad nya dito.
" Ahmm.. Did you like it? " na hihiyang saad nya.
Lumingon ako sa kanya at mabilis na niyakap sya. " No. I don't like it.. " Na bakas sa mukha nya ang dismaya at lungkot. " Because i LOVE IT... Huhuhu i love you hon " sabay yakap ko sa kanya kahit na iiyak ako.
Gumanti din sya ng yakap " thanks god you love it... I love you to hon.. " Bulong nya sa tenga ko habang magkayakap kame. Sasagot na sana ako ng biglang...
*TUUUSSSSSHHH*
*BOOOMMM*
*TUUUSSSSSHHH*
*BOOOMMM*
*BOOOMMM*
" Ahaha.. Mabuti naman nasa timing.. Happy new year hon i love you *tsup* " naka ngiting sabi nya sakin.
Naka ngiting naka tingin ako. " *tsup* haha.. Happy new year din hon " ganti ko sa halik nya. At yumakap na ako sa kanya habang pinapanood na namen ang fireworks.
Ang saya ko, masaya ang baong taon ko masaya ang salubong nito sakin. Sana hindi na magbago ang ganto sana hindi na pumanget ang darating na araw , sana hindi na ito bawiin. Sana ang gantong sayang na tinatamisan ko hindi mawala sa buong taon na ito.
Nag papasalamat din ako dahil hindi ako nag kamali ng decision na gawing rebound sa yariell hindi sa bandang huli minahal ko sya at hindi sya sumuko sakin kahit alam nya na 50-50 ang pwedeng maging resultanito.
" Teka? Bakit wala kang sagot sa i love you ko " may bahid na pagtatampo sa boses nya.
Na patawa ako sa tinuring nya para talaga syang bata pag hindi na susunod ang gusto.
" Haha.. Sorry.. Edi i love you to hon " sabi ko. Kesa naman magtrantum ito pag hindi na kuha ang gusto nya.
Napa higpit ang yakap nya sakin hinalikan nya ang ulo ko at sabay sabing. " Hmm.. Thats my hon " alam kong may ngiti sa labi nya ng sinabi nya ito.
Pagka tapos nun kumain na kame, we cuddle each other hanggang sa hindi na namin na malayan ang oras na magkasama kame.