Chereads / 'My One Sided Love story' / Chapter 11 - PART 10

Chapter 11 - PART 10

" hey okey ka lang ba?" naka ngiti ako tumango sa tanong sakin ni lyn.

" sure ka? Bakit ang tahimik mo?" tanong ulit nito sakin.

" nako sis ginusto mo yan kaya panindigan mo" saad naman ni Queenie sakin.

" bakit nagsisi kaba hiwalayan sina rez at joshua?" umiling ako sa tanong ni lyn.

Ako? Nagsisi? Sa totoo lang hindi ako nakaramdam ng sisi nung naki paghiwalay ako sa dalawa. Ang naramdaman ko lang nung araw na yun ay guilt dahi sa ginawa ko sa dalawa. Dun ko lang na realize na mali ang ginawa ko.

" sa totoo lang girls.. Nung naki pag hiwalay ako hindi ako nakaramdam ng pagsisi. Ang naramdaman ko nun ay guilt dahil sa ginawa ko sa dalawa ayun lang" i said.

" ewan ko ba nung ginawa ko yun nakaramdam ako ng ginhawa, parang na tanggal ang mabigat na dumadagan sa dibdib ko. Pero syempre nandun din ang guilt na nagawa ko sa kanilang dalawa."

" lalo na sa sinagot sakin ni joshua na ayos lang sa kanya yun. Ayaw nya pa ako makipag hiwalay kasi tanggap naman daw nya kung saan sya basta sa huli sa kanya parin daw ako. Kung ano na pagpapaliwanag ang sinabi ko sa kanya hanggang sa huli maghihintay pa rin daw sya sakin " na alala ko tuloy yung nag-usap kame ni Joshua. Dun ko talaga na laman kung gaano nya ako kamahal kesa kay rez. Dahil umoo agad si rez nun at may kapalit na din agad ako, pakiramdam ko nga na hinihintay nya lang ako maki pag hiwalay sa kanya eh.

Pero yung kay Joshua iba halos umiyak na sya sakin. Sya pa lang ang kauna unahang na kita ko umiyak para huwag ko lang hiwalayan. Dahil sa ginawa nya nakaramdam tuloy ako ng konsensya. Mahal ko naman si Joshua pero hindi katulad ng pagmamahal ko sa ex ko. Dahil dun na realize ko na hindi pa ako nakaka move kay dmitri, ang panget man sabihin nag mukha rebound ko tuloy sila rez at joshua.

Na tapos ang klase namin na puro group work at quiz. Mabuti na lang ay naka pag aral ako kagabi dahil kung hindi baka matulad ako sa dalawang babaeng ito.

" waahhhh!!! Kainis naman ang baba na kuha ko score" maktol ni lyza.

" hindi lang ikaw bruha.. Kainis mabuti pa itong tatlo mataas ang score" naka busangot naman saad ni fancy.

Tumawa na lang kame tatlo sa pagmamaktol ng dalawa babae. Mga hindi nag aral eh panay gm or txt na naman ang mga ito kagabi. Palibhasa mukhang may nilalandi na new member sa gm eh.

Naglalakad kame papunta sa park mga nagka ayayaan na kumain ng kwek-kwek at fishball na miss na namin kumain ng mga ito. Masayang kameng nagkwekwentuhan ng biglang may nagtxt sakin.

Unknown Number

Hi :)

Huh?

Sino kaya ito? Hindi naman pwede sa gm ito kasi txt or ginigm ang mga new member para ma save agad ang no. At dahil sa hindi ko knows hindi ko na lang ni replayan.

Matiwasay ako naka uwi samin mukhang walang tao. Mga wala pa ata sila, dahil sa busog pa ako dumiretso na ako sa kwarto ko. As usual ginawa ko na ang dapat gawin pagka uwi galing school. Inaayos ko ang mga notes ko hinihiwalay ko ang mga my assignment kame at yung sa irereview ko ng mapansin ko umiilaw na naman ako cp ko.

5 unread message

Ang dame naman nito? Sino kaya ito. Ng binuksan ko iisang message lang galing walang iba kungdi sa unknown number. Dahil sa curiosity binuksan ko ang mga message nito.

Unknown number

Kamusta kana?

Unknown number

Nag meryenda kana ba?

Unknown number

Na aalala mo pa ba ako? Sorry kung ngayun lang ako nagtxt sayo busy kasi sa school

Unknown number

Mukhang busy ka ata sorry sa istorbo

Unknown number

Mukhang naka limutan mo na ako.. Ako pala ito si terrence yung na kasama mo sa mall kumain ng ice cream =)

Ayan ang lahat ng message nya.

Teka terrence? Pa familiar ang name parang narinig ko na hindi ko lang alam kung saan.

Ice cream? May naka sama ba ako kumain ng ice cream sa mall?.....

Halaaaaa..... Teka... Teka!!! Terrence? Ice cream? Mall?... Hindi sinipot ng kadate!!!

Tama sya ngayun.. Yung hindi sinipot ng girlfriend. Hala save ko muna number nya. Nakaka hiya naman bakit hindi kasi sya nag pakilala nung una naka lima message tuloy sya... Ay anim pala yung 'hi' nya nung una.

Dahil sa hiya nag message na ako sa kanya, humingi na rin ng sorry sa hindi pagreply agad.

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa sya reply kaya ginawa ko muna ang gawaing school ko baka ako maghayahay.

Nag-inat ako ng maramdaman ko ang ngalay ko. Napa tingin ako sa orasan 6:30 na pala ang tagal ko din mag-aral huh?! Tatayo na sana ako ng maramdaman ko kumalam ang sikmura ko. Nako gutom na ako kaya na pagdesisyunan ko bumaba para kumain.

Kinuha ko ang cp ko at pag tingin ko my message sa akin si terrence. Binuksan at binasa ko agad ito.

Terrence message

Ganun ba sana pala nagpa kilala muna ako. Pero okey lang :)

Terrence message

Good eve kain kana ng dinner mo :)

Hmm.. Malalahanin din pala ito si terrence. Nireplyan ko na din si terrence baka sabihin nya na snob ako.

Bumaba na ako para kumain at tamang tama din ang baba ko kasi tatawagin na din ako para kumain. Sabay sabay na kame kumain. Wala talagang tutumbas sa saya pag may kasabay ka kumain lalo na kung kasama mo sa hapagkainan ay ang pamilya at mahal mo sa buhay.

Na tapos na kame kumain kaya ito ginagawa ko na ang task ko ang mag hugas ng plato. Syempre hindi kame buhay prinsesa dito may kanya kanya kame task swerte nga lang ni kuya at wala sya dito. Andun sya kina lolo at lola dun kasi sya nag aaral sa ibang bansa. Gusto nya kasi maging doctor gusto nya tuparin ang pangarap ni mama maging doctor. Sabi nga nya hindi man naging doctor si mama sya na lang ang gagawa nun. Ganyan namin kamahal si mama at syempre si papa. Kaya nga ako pag nag collage na din ang kukunin ko ay katulad din ng kay papa isang architect.

Ng matapos na ako umakyat na ako sa taas nag linis na din ng katawan at humiga na. Bago ako matulog ay katxt ko si terrence. Marami kame na pagkwentuhan may pagka bolero at palabiro din si terrence. Siguro tumigil lang kame magtxt ng sinabi ko sa kanya na inaantok na ako.

Umayos na ako ng higa at pumikit na para maka tulog. Hindi ko na malayan na tinangay na ako ni dreamland. Naka tulog ako na my ngiti sa labi.