Chereads / 'My One Sided Love story' / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

' NO ONE POV '

" beh im so pagod na " naka busangot na saad ni alyza.

Nasa gym ang anim na magkakaibigan dahil sa vacant time nila ngayon ay naka tambay sila dun.

" Na pagod ka jan? Naka upo lang naman tayo mula kanina pa ah? Na pagod kana dun? " Hindi maka paniwalang tanong ni quennie.

" Oo kaya sakit kaya sa butt " lumingon si alyza sa likod nya " nakaka pigsa din kaya ang masyadong pagkaka upo " sabay balik sa pagtanaw sa unahan.

" Eww so gross! Mga pinag sasabi ko lyza ah?! " Nandidiring baling ni fancy.

With kumpas pa ng kamay habang sinasabi nya yun na pairap na lang si alyza sa sinabi ni fancy.

" Parang sya hindi nagkaka pigsa " bulong ni alyza na narinig ni lyn kaya ito na pa tawa.

" Oh? Anyare sayo? " Sabi ni eachna ng mapansin na tumawa ang kaibigan.

" Hehe wala " sagot na lang ni lyn.

At nag umpisa na naman sila sa kwentuhan nila na walang kwenta.

Uwian na. na iwan ang mga ilang cleaners at kasama na dun yung dalawang sa magbabarkada.

" Haist! Ang hirap maging tsimimay sa mala palacio ang bahay " naka busangot na sabi ni ysa habang nag wawalis.

" Sinabi mo pa beh! " Second de motion pa ni eachna.

" Buti pa sila mga naka uwi na hindi na tayo hinintay mga excited ata kumain eh "

" Haha! Mga gutom na ata "

" Eh? Ang dame kaya nilang kinain sabi pa nila na mag choco frozen pero hindi pala " reklamo ni ysa.

Na tatawa na lang si eachna sa mga sinasabi ng kaibigan.

" Hooh! Ang bigat naman oh " reklamo ni eachna.

Sya kasi ang nag-aayos ng mga upuan yung ibang cleaners nag bubura ng black board. Yung iba nag pupunas sa bintana.

" Yung mga lalake talaga oh tumakas pa nakoo lagot sila kay mam bukas " reklamo ng isang cleaners.

Sa sinabi nun ay may mga nagreklamo din at na isip din nila na isumbong ang mga lalake sa hindi pag tulong.

Hanggang sa na tapos na sila mga nag paalam na sa mga kasamahan at nag sabay na umuwi na din sina ysa at eachna.

" Ano beh musta na kayo? " Panimula ni ysa habang naglalakad.

" yun okey lang.. Minsan lang naman kame magkasama ni rez kaya puro si joshua ang kasama ko " sagot ni eachna.

" Ganun? "

" Oo.. Minsan nga iniisip ko nagiging cold na sya sakin.. Minsan na din sya mag txt sakin eh " sumbong nya.

" Ano kaba huwag nega! Malay mo busy lang yung tao " pag papagaan loob ni ysa sa kaibigan.

" Sana nga na ganun yun "

( Hello hon )

" Hello din hon.. Asan ka? "

( andito ako sa bahay ngayon kakauwi ko lang. Ikaw? )

" Same lang hon... Ahmm hon pwede kaba ngayon? "

( bakit hon ano yun? )

" Ano kasi samahan mo sana ako sa mall "

( ah.. Eh.. Hon ano may lakad kame ng tropa eh pasensya na ah? )

" Ganun ba? Saan ba kayo pupunta? "

( maglalaro kame ng DOTA alam mo na pustahan )

" Ganun ba? Sige next time na lang hah? "

( sige hon promise sasamahan kita.. Naka pangako na kasi ako sa tropa eh )

" Okey lang i understand naman "

( ano.. Kasi hon later na lang tayo mag-usap okey? Aalis na ako andito na tropa ko )

" Sige hon.. Ingat ka. Bye i love-- *TOOT**TOOT**TOOT*.. Pinatay? " Mahinang bulong nya sa huling salita nya.

Sabay baba ng kanyang cp.

Hindi maiwasan ni eachna na maging malungkot dahil hindi lang ito ang unang beses na tinanggihan na naman sya mg boyfriend na samahan.

Na papansin din ni eachna na. Nagiging cold sa kanya si rez hindi na ito katulad dati na yung bf pa nya ang tumatawag pero ngayon sya pa ang tumatawag para maka-usap lang ito.

Kahit ngayong july ganun parin sya.

Silang dalawa naman ni joshua okey lang steady pero iniisip nya din na maki pag hiwalay dito dahil hindi na ito katulad ng dati parang na wawala na ang fellings nya kumbaga parang nagsasawa na sya.

Miski din kay rez balak na din sana nya na makipag hiwalay dito dahil alam nya na hindi na maayos ang relasyon nila.

' EACHNA POV '

Haist malapit na mag periodical test kaylangan ko na mag -aral kung hindi baka bumaksak ako nito lagot ako.

Ano ba naman itong buhay na ito. Na ngangati paa ako parang gusto gumala o maglakad lakad.

Ahmmp sige na nga pupunta na nga lang ako sa sm mag isa. Sana pala pumasok na lang ako kung hindi rin naman ako magrereview atleast dun na kakasama ko pa yung lima.

* MALL *

Kahit pasukan pala marami paring tao dito sa mall! Yung mga iba studyante pero mas marami ang magkaka sintahan.

Ano ba naman ito ginawang park? Well kung sabagay ang init kaya sa labas dito makaka libreng aircon kapa hehe!.

Nakaka loner pala ang maging isa parang nag-eemo lang ako nito eh.. Maka upo nga muna nakaka pagod din maglakad at mag masid ng mga gwapong salesman hihi.

Hmm!! Nakaka inggit naman yung mga couples sa paligid ko parang ng iinggit lang eh. Nako pag ako nag dala ng boylet dito kayo naman ang maiinggit sakin.

Sa busy ko sa pag eemote eh may nilalang na pala ang umupo sa tabi ko at kinakausap ako. Nag mumukha tuloy syang t*nga sa ginagawa nya mapansin na mga kawawa naman eh.

ANG GWAPO NI KOYA!! May gasss nakaka laglag ngipin ang kagwapuhan.

Mabuti pala lumingon ako kung hindi sinayang ko lang ang pagkakataon na ito ohh.

" Hello! Okey ka lang? " Winave pa nya kamay nya sa harap ko " miss. Bakit naka tulala ka? " Tanong pa nya nung hindi pa ako gumagalaw sa pwesto ko.

Waahh kahiya naman itong ginagawa ko baka isipin nito pinag nanasaan ko na ang kagwapuhan nya.

" A-ah yes..*gulp*.. O-okey lang ako he-hehehe! "Alanganing tawa ko pa.

Ano ba naman ito na wawala ako sa tino eh. Gwapo lang naging ganto na ako?

" Ganun ba? Pwede ba ako maki-upo dito? Baka kasi mamaya may kasama ka " mahinahong saad nya.

" O-okey lang w-wala naman akong kasama " sabi ko.

" Ganun ba? Thanks sa pag papaupo parin " sabi nya.

At dun na po na tatapos ang aming pag-uusap.

Pano nagin busy na sya sa cp nya nagffb ata? O may katxt.

Sayang naman pagkakataon na yun eh tsk!

" Ahmm.. Miss gusto mo ba ng ice cream? " Biglang tanong nya.

Oh?? Bakit kaya? Baka naman na hulog na sya sakin? Hehe!!

" Hah? Bakit? " Tanong.

Aba kahit gwapo ito dapat alamin kung bakit nya ako tinanong? Mamaya kikidnapin o rereypin pa ako nito? Hala bata pa ako dun.

" A-ah eh.. Ano k-kasi.. " Na hihiyang sabi nya ng naka yuko " hindi kasi dadating yung gf ko sayang lang yung pinunta ko dito at ayaw ko pa umuwi kaya if gusto mo samahan mo ako? Kahit sa pagkain lang ng ice cream? " Na hihiyang saad nya.

Hahaha! Ang cute nya mag blush. Sarap iuwi kaso may gf na eh.

Pero kawawa naman sya hindi sinipot ng jowa nya. Tsk.. Tsk.. Well libre na din yun at kanina pa gusto ko kumain ng ice cream eh kaya sige go hehe! Mukhang mabait naman eh kaya keri na ito.

" Sige okey lang sakin.. " Naka ngiting sabi ko.

Napa angat sya ng tingin at sumilay ang naka ngiting mukha nya.

" Talaga? " Hindi maka paniwalang tanong nya.

Nag nod na lang ako bilang sagot. Inanyaya nya na ako pumunta sa bilihan ng ice cream.

At habang nag lalakad kame kwento sya ng kwento sinabi nya din ang pangalan nya.

" Ay! Ako nga pala si Terrence Caston... " sabay lahad ng kamay nito " pasensya na kung ngayon lang ako nag pakilala " inabot ko na din ang kamay nyang nakalahad at naki lag kamay din ako.

" Haha! Okey lang atleast nagpakilala kana ngayon.. Ako pala si eachna nice to meet you terrence " pakilala ko din sa kanya.

" Eachna? Parang each naman hehe "

" Oo pero ang pronounce ' e-áchna ' pero kung na hihirapan ka each na lang hehe "

" Nako tama ka each na lang tawag ko sayo hirap bigkasin name mo "

Nag lakad na kame papuntang ice cream parlor na laman ko din na mas matanda sya sakin ng isang taon. At sa private school sya nag-aaral kaya daw sya andito dahil walang pasok sila at ngayon daw dapat gaganapin ang date nila ng gf nya.

" Hey, each ano gusto mo flavor? " Tanong nya sakin ng makarating na kame.

" Hmm!! Cookies ń cream with kisses and choco syrup " sagot ko naman.

Sorry naman mahilig lang ako sa chocolate kaya ganyan.

" Wow, where same kaso with strawberry syrup and kisses " na tatawang saad nya.

Ng maka-order na kame nag hanap na kame ng mauupuan namin at hinihintay ang pagkain namin.

" Nako salamat talaga sa pagsama each ah? Na gugutom na kasi ako. Kanina pa kasi ako nag hihintay dito "

" What? Kung ganun dapat nag kainin ka kesa mag ice cream " nag-aalalang pahayag ko.

" Nako okey lang sanay na ako. Kanina pa din kasi ako kumakain ng tinapay parang pang himagas ko na ito "

" Ganun ba? Eh hindi mo sana mamasamain ang tanong ko ah.. Bakit hindi naka punta ang gf mo? " Tanong ko.

Napa ayos sya ng upo at naging seryoso na ang mukha nya.

" *sigh*.. May biglaang lakad daw sila ng mga kaibigan nya eh.. Hindi nya daw mahindian kasi palage daw sya hindi nakaka sama sa mga lakad kaya ngayon sya sumama "

" Ganun ba? Bakit nung manga araw ba na inaanyaya sya may lakd kayo? "

Umiling sya sabay sabing " hindi ri may sariling lakad sya eh.. Mga 3 times a week lang kame nagkikita hindi ko kasi sya classmate o schoolmate kaya ganun ang set up namin " sabay subo nya ng ice cream nya.

" Ganun ba? Malay mo school work kaya ganun " pag checheer up ko mukhang iiyak na kasi eh.

Hehe peace (^。^)v

" Ganun na nga iniisip ko eh "

" Eh! Gano na ba kayo katagal? " Sabay subo ng IC

" Mga 3 years na kame "

" Talaga? Wow ang tibay nyo ah "

" Hehe! Ganun talaga eh malimit din kasi kame mag-away "

" Pero alam mo " nag sandok ako ng IC " panget sa relation ang hindi nag-aaway " sabay kain ng IC

" Oh? Pano mo naman na sabi? " Biglang curious na tanong nya.

" Kasi na wawala daw ang thrill at pwedeng magka sawaan daw "

" Ganun?.. " Sabay sandal nya sa upuan " well sabi nga lang nila eh "

" Hehe pasensya na kung matanong ako ah? Kesa naman na tahimik eh ka awkward nun "

" Haha! Okey lang maganda nga yung may kausap kesa na mabaliw sa katahimikan "

" Oo nga pala ikaw naman may bf ka? "

" Hmm.. Oo naman "

" Bakit hindi mo kasama sa pag gagala mo? War kayo? " sabay kain ng IC nya.

Na banggit ko kasi sa kanya na kaya ako mag-isa kasi nag gagala ako kaya siguro na tanong nya.

" Hindi.. May pasok kasi yun at mas trip ko na ako mag isa eh " sandok ulit ng IC

" At siguro palapit na kame sa war din " sabay kain ko ng IC.

" Hah? Ano ibig mong sabihin? " Na guguluhang tanong nya.

" Mukhang maghihiwalay na nga kame eh " malungkot na saad ko.

" Huwag mo isipin yan. Be positive " habang sinasabi nya yun hinawakan nya ako sa balikat at ngumiti sya.

Habang kumakain kame panay kwentuhan at tawanan kame hanggang sa na ubos na namin ang kinakain namin.

" Haha! Ubos na pala ang bilis noh " na tatawang sabi nya habang nililigpit nya yung pinagkainan nya.

" Oo nga eh.. Masyadong na pasarap ang kwentuhan natin "

" Well thanks sa pag sama sakin ah "

" Nako wala yun masaya naman eh hehe "

" Oh! May dungis ka oh " biglang turo nya sa mukha ko.

At ako naman dahil sa ayaw ko na mukhang gusgusin ako kumuha ako ng tissue at papahiran na sana yung mukha ko ng biglang.

Sya na mismo ang nag pahid. Waaahhh kahiya naman ohh at isa pa bakit parang ang init? Woohhh!

Bakit kasi ang lapit nya? Waahhh at bakit daliri nya ginamit hindi tissue waaahhh nakakahiya naman oh . Pero infairness ang bango ng bibig kahit may halong ice cream pero mabango pa din. Oh?! Anong ngyayari kay heart? Bakit ang bilis kakaiba ang bilis nya hindi ko ito nararamdaman kahit kanino.

" Oh ayan okey na " naka ngiting saad nya pagkatapos nya pahiran ang gilid ng labi ko.

" S-salamat " pagpapasalamat ko kahit tulaleng parin si heart.

" Hmm sige tara na uwi na tayo hatid na kita sa sakayan? " Pag-anyaya nya.

At ako naman napa tango na lang ako sa sinabi nya at umalis na kame.

Ng nasa sakayan na kame.

" Sige bye salamat ulit ah, i had a great day today "

" Ako din naman. Salamat sa libre hehe bye " paalam ko.

Pasakay na sana ako sa jeep ng biglang tawagin nya ako.

" Each teka lang "

Paglingon ko naka tayo sya dun at hawak nya cp nya. " Bakit? " Tanong ko na lang.

" Ano pala cp no. Mo? "

Ah!

" Oh ito oh 094******** ayan oh save mo yan hah "

" Sige salamat txt kita... Teka yung no. Ko hindi mo kukunin? " Sigaw nya.

Naka sakay na kasi ako sa jeep.

" Basta itxt mo na lang ako sige bye na ingat " sigaw na paalam ko with wave pa.

Haist! Kahit may mga problema ako naging masaya naman ako dahil kay terrence hehe.

Hay kapagod sarap mag pahinga pag-uwi.