Chereads / 'My One Sided Love story' / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

+PART 7+

" Yes bhe classmate na naman tayo ngayong 4th year hoho " masayang sabi ni lyn.

Yup magclassmate na naman kame this school year well actually kameng anim. Hindi nga kame nag kakahiwalay ngayon eh. Siguro sinabi ng tadhana huwag na kame paghiwalayin kasi magiging malungkot lang daw ang magiging taon ko sa pasukan.

" Haha oo nga eh.. Akalain mo yun? Kala ko nga magkakahiwalay tayo eh hindi pala " hinding maka paniwalang saad ni ysa.

Magkakatabi kame ng upuan ngayon kaso yung dalawa wala pa eh, si fancy naman ayun nasa likod ni ysa.. Na unahan kasi sya kanina eh.

" Iisa lang ibig sabihin nun.. Destiny daw tayong anim " saad ko. At sabay sabay naman silang sumang-ayon at nagtawanan na rin kame.

" Bhe si londonsy quit na daw? " Tanong sakin ni fancy.

" Ah.. Oo kaka-quit nya lang kanina.. Bakit? "

" Eh sya kasi yung isa sa close ko sa clan natin eh " malungkot na sabi nya.

" Ah.. Minsan lang kasi kame magtxt nun eh "

" Ganun ba? Sayang naman "

Siguro crush nito? Kung sabagay gwapo din yung londonsy na yun eh. Kaso may gangster side nga lang kaya pala-away din yun.

Tama kayo... Hindi pa ako nagqquit sa clan ko kasali parin ako. Bakit pa ako magqquit? Kung ayun ang isang libangan ko sa buhay? Edi lalo akong bored? At nag lakwatsya pa ako.

Pagkatpos nung usap namin ni fancy. Kinalikot ko na yung cp ko at magcocompose ako ng text message. Isang linggo din kaya akong hindi naka pag gm? Na ubos kasi yung allowance ko sana pala hindi muna ako umalis dun sa pinagtratrabahuan ko para may extra pa akong ipon bago pumasok.

" Hoy! "

" Ay kabayo ka.... Ano na quennie? Nakaka gulat ka oh?! " Bwiset na to? Gulatin daw ako? Mabuti na lang wala akong sakit sa puso.

Nakikitang ngttxt ako tapos ganun? Pano pag na bitawan ko cp ko? Edi nganga ako ng ilang buwan???

" Hehe!! Sorry naman " sabay peace sign pa. (ーー ,)" seryoso ka kasi jan.. Pinababa na tayo para sa flag " sabi nya.

Sinamaan ko na lang ng tingin sabay labas na din. Abnormal lang eh? Hindi na lang ako kalabitin? Kaylangan pa mang gulat??

Nasa baba na ako naka pila na kame by section kaya hindi na ganun kagulo. Kaso nga lang ang dame namin kaya yung mga nasa huli kawawa dahil bumabaluktot na ang pila.

" Beh, si dmitri pala nasa ibang school na? " Biglang tanong ni fancy.

Oo nga pala si dmitri after ng 3rd year umalis na sya balita kasi na lumipat na daw ito ng school. Hindi ko alam ang reason kung bakit sya lumipat, at hindi na ako affected o bitter kasi wala na talaga akong feelings sa kanya na bura na eh.

" Oo ayun ang sabi nila " sagot ni ysa " pero bakit kaya ano dahilan? Walang malinaw na reason eh? "Pagpapatuloy nya.

" Impossible naman na yung girl? Eh andito atska hindi naman din daw formal ang break up eh? " Sabat ni alyza. Na sinang ayunan ni queenie.

Kung sabagay may point si alyza balita kasi na biglang umalis na lang daw si dmitri at wala din namang balita na ang-away o may war yung dalawa.

" Malay mo family matter kaya ganun " sabat ko sa usapan. At napa lingon sila sakin.

Matagal silang naka tingin sakin kaya tinaasan ko ng kilay at maya-maya parang may na tumbok silang words dahil nag si tanguhan sila. Mukhang na kuha nila yung ibig kong sabihin.

Hindi na muli na sunod ang usapan dahil nag start na ang ceremony hanggang sa na tapos at pina-akyat na kame at start na din ang introduce chuva na pang elementary.

Kaya ngayon nasa canteen na kame lumipas kasi ang oras na puro ganun kaya pagtapos ng walang saysay andito na kame sa canteen bumibili ng pagkain.

" Hey! Musta na kayo ni joshua? " Biglang tanong ni alyza sakin.

Tumabi sya sakin sa dulo medyo siksikan na kasi. Tapos na kasi akong bumili kaya hinintay ko sila dito at mukhang sya tapos na din.

Ah si joshua ang pang-apat na boylet ko. Sya yung pumang-apat nung nag break kame ni yariell. Malalaman nyo din kung bakit kame nag break ni yariell pero sa ngayon hindi muna yun. Si joshua kasi ay pinsan ng kaibigan ko sa clan na pinakilala sakin at naging magkaibigan kame ni joshua hanggang sa nanligaw at syempre sinagot ko at naging kame.

" Ayun okey naman kame.. " habang binubuksan ang pagkain ko.. " we are good friends " sagot ko.

" Oh? Kala ko pa naman tatagal kayo? Mga 5 weeks pa lang kayo ah? " Hindi maka paniwalang saad ni alyza.

Kumagat muna ako sa pagkain ko bago mag salita " eh sa ganun eh.. " Habang ngumungya ako.

" Ganun ba?... "

" Uy ano chismis nyo dyan " biglang sumingit si ysa kaya hindi na tuloy ni alyza yung susunod na sasabihin nya,

Na palingon kame sa kanya at nakitang nag choco frozen at waffle na naman ang kinakain nya. Hindi ko maintindihan kung bakit puro yun ang kinakain ni ysa? Hindi ba sya nga sasawa?

" Ah yung ex nya si joshua " sagot ni alyza.

" Oh? Si rez na ang new bf nyan eh " ysa said.

" What? Si rez the mahangin? " Hindi maka paniwala si alyza sa sinabi ni ysa.

Si ysa naman tumatango habang kinukustra ang frozen choco nya. Haha hindi nya kasi maka sundo si rez eh pano naman parang palaging may dalang aircon sa hangin ang loko kaya palagi silang nag babangayan pag nagkikita.

" Oo bakit? Huwag mong sabihin na type mo sya? " Nakakalokong sabi ko sa kanya.

" Hah? W-wala ah!! " Inayos nya yung buhok nya " na-iinis lang ako sa kanya at hindi ko alam na ganun pala ang type mo " paliwanag nya. Pero parang hindi sya mapakali eh haha maasar nga.

" Sus? Ganun ba? Kala ko pa naman.. Kasi irereto ko sana sya sayo ehehe " nakakalokong saad ko.

Umiling lang sya ng bongga at panay na sabi na ' hindi ' at ' ang panget kaya nun ' ang sinabi nya. Kung hindi ko lang alam na may bf itong si alyza iisipin ko may hidden agenda ito kay rez?

=MALL=

Were here at mall kameng anim maaga kame pina-uwi dahil may meeting daw lahat ng teacher kaya sa maaga nag gala muna kame.. Syempre nag pahangin na din mainit ang panahon ngayon eh parang nasa oven toaster kame sa init.

" Hoohh!! Sa wakas na lamigan din " sabi ni ysa ng maka pasok na kame sa loob ng mall.

" Hehe!! Sinabi mo pa parang galit na galit ang araw kanina eh.. Tiganan mo tagaktak na pawis ko kadiri na " sabay punas nya ng pawis sa panyo.

May pagka maarte din tong si fancy eh.. For sure magpapa sama yan sa cr para mag refresh.

" Uy queenie samahan mo ako sa cr pulbos at perfume lang ako " sabi sa inyo eh hehe.

" Sige tara ng maka pag refresh din ako mainit eh lagkit ko " sabi ni queenie.

" Sige hintayin na lang name kayo sa my food court hah " sabi ko. Para dun na lang magkita kita at pagka tapos ng maka pag gala na din kame.

Kaya na una na kameng apat dun nag hanap na din kame ng pwesto na madaling makita pag hinahanap na kame. Nagkanya kanyang upo na din kame ako nasa pang-apatan kameng upuan ako dun sa may sulok katabi ko si ysa tapos sa harap nya si lyn at sa harap ko si alyza. Nagkanya kanyang daldalan na sila ako ito nakiki ig lang pero nakiki sabay din pag alam ko.

" Uy tignan nyo yung couple.. " Tinuro ni ysa " sa tingin nyo magtatagal o hindi? " Pagpatuloy nya.

" Ako oo " sagot ni alyza

" Ako oo pero maghihiwalay din " si lyn

Mga baliw talaga ito talagang pinag patuloy nila yung guessing game nila kaso ginagamit nila yung mga couple bilang playing nila. Eh sa kasamaang palad sila ang unang couple na kita nilang dumaan eh.

Na pansin ko na parang hindi sila nag sasalita kaya napatingin ako sa kanila. Ayun mga naka tingin sakin at parang may hinihintay na sagot sakin.

" Haist okey... Hmm mga... " Nilagay ko yung hintuturo ko sa baba yung parang nag-iisip " 2 o 3 years lang sila.. Its depend mukhang mahal naman nila ang isa't-isa eh "

" Pano mo naman na laman? " Hamon sakin ni alyza

" Tignan nyo kasi " sabay tinuro ko yung couple " hindi naka simangot yung lalake kahit naka suot sya ng couple shirt makikita mo naman sa isang lalake kung na pipilitan o hindi eh, sa kanya kasi mukhang okey halatang mahal nya yung babae dahil handa nya gawin ang lahat para lang maging masaya ang gf nya. " Sabi ko.

Na patango na lang sila. Lumipas ang ilang oras ganun lang ang ginawa namin. Kahit bumalik na yung dalawa at naglibit hindi parin na aalis yung ginawa namin mas marami nga kalokohan at dahilan yung mga sinasabi nila.