Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Re:Write The Dark Lord Story

🇵🇭finnlovevenn
4
Completed
--
NOT RATINGS
37.6k
Views
Synopsis
Charlie Eva- isang die hard fan ng isang fictional character sa isang nobela pinamagatang Loving the Crown Prince. Si Marshall Harridan- pinakamakapangyarihan na Duke sa loob ng nobela, isang bastardong anak ng namayapang Emperor ng Goldton Empire. Tinaguriang The Dark Lord dahil sa kasungitan at ang mukhang hinding hindi mo makikitaan ng mga ngiti. Ngunit sa kasamaang palad ay hinatulan ng kamatayan ang character na ito dahil sa pag angkin niya sa trono upang mapakasalan ang bida sa nobelang iyon na si Lucielle Brentwood. Sa sobrang pagkadepress ni Charlie sa pagkamatay ni Marshall ay hindi ito makapagfocus sa ano mang ginagawa na nagdulot sakaniya sa isang aksidente, at nang magising siya ay nasa kakaibang lugar na siya. Lugar na pamilyar sakaniya. Lugar na alam na alam niya. At ito ay sa loob ng librong binabasa niya. Sa katauhan ng babaeng kinaiinisan ng lahat, ang Villainess ng istorya. "Pano ako makakasigurado na totoo ang sinasabi mo eh, mortal kitang kaaway?" "Syempre na basa ko na 'to, char." Re:Write The Dark Lord Story [EXCLUSIVE IN WATTPAD]
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

❦❦❦

Malakas na napahagulgol sa unan niya si Charlie matapos mabasa ang update sa paborito niyang storya.

Hinatulan ng kamatayan ang paborito niyang karakter kaya naman halos mabiyak ang puso niya habang binabasa ito. Storya ito na pinamagatang Loving the Crown Prince na ngayon ay patok na patok sa mga magbabasa dahil sa magandang storya at hango sa history ng monarkiya.

Si Marshall Harridan, isa sa pinakamakapangyarihan na Duke sa loob ng Goldton Empire na nahulog sa babaeng mahal din ng kaniyang pinsan na si Arugus Mc Allister na siyang Crown Prince. Bastardong anak ni Emperor Marvin Mc Allister at kapatid ng yumaong crown prince na si Tristan Mc Allister.

Madaming nais pumatay sakaniyang kapatid dahil sa kapangyarihan na malapit na nitong matamo, ngunit isang beses ay nagkamali ng pagdakip ang mga kriminal at ang bunsong kapatid nito na si Marshall ang nakuha nila upang patayin, bilang magkapatid sa ama ay mahal ni Tristan ang kapatid kahit kanino man, na nagbunga ng masaklap na pagkamatay nito sa pagliligtas kay Marshall.

Ngayon ay lumaki sa pagmamalupit si Marshall dahil sa pagiging bastardo at sinisisi sa pagkamatay ng kapatid niyang si Tristan.

Hindi sila nakaranas ng maayos na buhay ng kaniyang ina dahil sa panghuhusga ng mga kamag-anak nila at nang tuluyan namatay ang Hari ay ipinamana nito ang kayaman sa bunsong anak na si Marshall na hind kailanman tinuring bilang Mc Allister.

Ngunit hindi niya din naman pinangarap makuha ang trono kaya naman nanatili siya sa pangalang Marshall Harridan kung saan dala niya ang apilyido ng namayapa niya ding ina.

Lumaki siyang malayo ang distansya sa mga tao at hindi maturong magtiwala, matigas ang puso at mahigpit sa batas.

Tinawag siyang Dark Lord ng kaniyang mga na sasakupan dahil sa paghihigpit nito at sa mukha niyang hinding hindi makikitaan ng ngiti.

Ngunit bumaliktad ang lahat ng makilala niya ang babaeng magbabago ng buong buhay niya, ang bida ng istorya na si Lucille Brentwood— anak ng dating Duke ng Bretwood at ang nakatakdang mapangasawa ng Crown Prince na si Tristan, bilang pinakamakapang-yarihan na Duke ay nais ng Emperor na ipakasal ang dalawa upang mapagtibay ang alyansa ng bawat isa. Ngunit sa kasamaang palad ay na matay si Tristan kasunod ng aksidente ng Duke ng Bretwood na kinamatay din nito.

Nabaon sa utang ang mga Brentwood at upang maisalba ang pangalan ng mga natitirang angkan ay ibinigay na lang nila si Lucille upang maging kabayaran sa na sirang kasunduan at naging katulong sa Mc Allister Palace.

Doon niya na kilala ang amo niya na si Argus Mc Allister, ang pumalit na Crown Prince. Mabait si Lucille at katangi-tangi ang kagandahan ng dalaga kaya hindi maikakaila na habulin ito ng mga kabinataan kahit sa mataas na estado hanggang sa mababa ay pinipilahan siya.

Ngunit isa lang ang minahal niya at ito ay si Argus, ngunit lingid sa kaalaman niya ay na hulog din sakaniya ang pinsan nito na si Marshall dahil sa kabaitan at maganda niyang ugali na nakapagpabago sa Duke.

Ngunit ayon nga sa istorya, si Marshall Harridan ay side character lang upang mabuo ang pagmamahalan ng dalawa, ngunit iyon ang hindi matanggap ni Charlie.

"Nasan ang hustisya doon? Nahulog kami sa pagbabago ng Duke tapos papatayin lang siya?" Basang basa ang unan niya sa kakaiyak ng muli niyang basahin ang mga huling salitang binitawan ng Duke.

"Susundan kita kahit sa kabilang buhay pa."

Halos mabato niya ang cellphone niya sa sahig dahil galit ngunit na isip niya na mahal nga pala ang pagkakabila niya rito.

"Hindi ko na 'to kaya sesh! Ilang chapters na lang matatapos na pero bakit kailangan mamatay ni Marshall?" Halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak kaya naman agad siyang tumakbo papuntang kusina at uminum ng tubig.

Kinalma ang sarili at pinunasan ang mga luha niya sa mata. Bilang isang dalaga na nabubuhay mag-isa ay tanging pagbabasa lamang ang pinagkakaabalahan niya sa free time niya.

Office worker at Autocard operator sa isang company si Charlie, twenty two years old at breadwinner ng pamilya nila.

Humiwalay siya sakaniyang mga magulang upang makipagsapalaran sa Central City at kumita ng pera.

At dahil sa mag-isa lamang siya na nakatira sa condominium niya ay pagbabasa lamang ang kasama niya sa buong buhay niya rito. Ito rin ang paraan niya para takasan ang pangungulila niya sa pamilya niya at isa na ang Loving the Crown Prince sa pinakapaborito niyang sinusubaybayan na storya.

"Unang pagpapakilala pa lang sayo Marshall ikaw na ang gusto ko para kay Lucille. Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang Crown Prince!" Muling tumulo ang luha niya sa mata at humiga sa kama habang iniisip pa rin ang mga nang-yari sa istorya.

"Hindi na ba talaga mababago ang takbo ng storya para kay Marshall?" Pinikit niya ang mga mata niya at nakatulugan na ang pag-iyak.

❦❦❦

Maaga siyang bumangon na mugto ang mga mata dahil sa kakaiyak, mga ganitong oras ay na mamadali na siya upang pumasok sakaniyang trabaho.

Mabilis siyang na ligo at kumain ng umagahan saka sumakay sakaniyang kotse. Tinignan ang oras sa kaniyang relo at nagbuntong hininga.

"Maaga pa pala," banggit niya dahil sa napaaga siya ng pag-aayos.

Sumulyap siya sa salamin na nasa harap niya at nakita kung gaano kamaga ang mga mata niya. Muli na naman siyang napasimangot at maluha-luha nang maalala ang sinapit ng mahal niyang si Marshall.

"Makadaan na nga lang sa convenient store." pinihit niya ang susi ng sasakyan at tumunog ang makina nito.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan kahit na nanlalabo pa ang kaniyang mga mata dahil sa pamamaga at nang makarating sa tindahan ay bumili siya ng mga makakain niya para mamayang gabi.

Pumasok siya sa trabaho at halos lahat ng mga katrabaho niya ay na pansin ang pulado at namamaga niyang mga mata.

"Anong ng yari sayo?" Tanong ng matalik niyang kaibigan sa office na si Janelle.

"Hindi mo ba na basa ang update kagabi sa Loving the Crown Prince?" Tanong niya sa kaibigan at bigla itong napahawak sa kaniyang bibig sa pagkagulat.

Binunot niya ang cellphone sa bulsa at agad na binuksan ang application kung saan sila nagbabasa ng storya.

Mabilis niya itong binasa at mamaya pa ay napatayo siya sa upuan habang hawak-hawak ang bibig at maluha-luhang tinignan ang kaibigan.

"Oh my gosh Charlie!" Sabi niya sa kaibigan na muling umiiyak sa nang-yari. Alam ni Janelle na paborito itong karakter sa storya ng kaibigan at alam na alam niya din na halos deboto na ito ng fictional character na iyon.

Buti na lang at break time nilang dalawa dahil nag-iiyakan na sila sa mga kaganapan sa storya. Halos lahat ng mga katrabaho nila ay nagtataka sa komosyon na ginagawa nila.

Sa buong oras ng pagtatrabaho ay hindi mawala sa isip niya ang nang-yari, maraming tanong sa utak niya na baka ay palabas lang ito o hindi naman kaya ay may plot twist pa ang author ng storya para sa kanilang magbabasa.

Ngunit kahit saan aspeto ay wala siyang makuhang pag-asa na buhay pa ang minamahal niya.

Kaya naman tinuon niya na lang ang atensyon niya sa makapal na project na nasa table niya at sinumulan maging adik sa trabaho.

Nang matapos ang araw ay inayos niya ang mga gamit at pagkain na pinamili niya sa loob ng sasakyan niya. Napukaw ang pansin niya nang makita niya ang mga pulang bulaklak sa ibabaw ng kotse niya, nilibot niya ang paningin sa lugar at nagtaka kung kanino galing ito.

Ngunit wala siyang nakitang kakaiba o tao sa paligid kundi ang nakatawag ng atensyon niya ay ang sulat na nakalagay dito.

Mula ito sa katrabaho niya na si Justine, matagal ng nais manligaw ng binata sakaniya ngunit kakatapos niya lamang sa break up kaya nais niya muna magpahinga sa pag-ibig.

Hindi inaakala na masasaktan din pala siya kahit walang nobyo dahil sa sakaniyang binabasa.

"Red Spider Lily's?" Tanong ng dalaga sa sarili ng usisain ang uri ng bulaklak, madalas niya itong na kikita sa mga napapanood niyang movie o binabasa na komiks.

"Ang weird din talaga ni Justine," sabi niya at ngumiti na lang sabay lagay ng bulaklak sa katabi niyang upuan.

Nagmaneho na siya pabalik ng apartment at patuloy na nakafocus sa daan ng biglang tumunog ang cellphone niya na nakalagay sa katabi niyang upuan, inabot niya ito ngunit na hulog ito sa lapag.

Tumingin siya sa dinadaanan niya at muling binalik ng tingin sa cellphone niya na panay ang ring.

Nang makita niya ang pangalan ng kaniyang ina sa screen ay agad niya itong pilit na inabot. Unting lapit pa ay maabot niya na ito ng bilang malakas na tumunog ang busina ng isang truck.

Pagbangon niya ay huli na ang lahat para iiwas pa ang manubela sa nakaambang panganib sa harap niya.

Mabilis na sumalpok ang sasakyan niya sa harap ng truck, naging malabo ang paningin niya at panay kulay pula ang nakikita.

Muli niyang tinignan ang bulaklak na nagkalat sa tabi niya, humalo ang kulay ng dugo niya rito.

At ang huling na rinig na lang niya ay ang boses ng kaniyang ina na panay ang tawag sa kabilang linya.