Chereads / Re:Write The Dark Lord Story / Chapter 3 - CHAPTER 3

Chapter 3 - CHAPTER 3

❦❦❦

Ika-anim na linggo niya na sa katauhan ni Ellis Mc Allister, ang pinakakinaiinisan ng lahat ng nagbabasa ng Loving The Crown Prince. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang nang-yari sakaniya o ang kasagutan bakit siya nasa loob ng nobela.

Mahigit isang buwan na siyang hindi lumalabas ng silid at walang ganang kumain. Halos lahat ng mga katulong ay suko na sa pagpapakain at pag-aaya sakaniya para lumabas ngunit wala talagang gana ang Prinsesa. Para na 'tong patay sa kinaloob looban, alam na ng buong Goldton Empire ang kalunos-lunos na nangyari kay Ellis.

Kung pano siya na walan ng memorya pagtapos ng aksidente sa sapa, hindi naman masabi ng mga doktor ang tunay na dahilan kung bakit siya na walan ng memorya pagtapos nito malunod. Ang hindi nila alam ay iba na ang taong nasa katawan ng kanilang Prinsesa.

Hati ang opinyon ng mga nasasakupan nila sa ideyang pagkawala ng memorya ng Prinsesa, yung iba ay pabor dahil ilang linggo na silang hindi pinagmamalupitan nito at yung iba naman ay talagang na aawa para sa dalaga.

Miske si Empress Remelia na mismong ina niya ay hindi man lang siya madalaw o matignan, para bang wala na itong silbi sakaniya para itapon at pabayaan na lang ng ganoon.

Ang tunay na nag-aaruga lang sa dalaga ay ang kuya nito na si Argus, kahit na abala ang binata sa mga gampanin bilang Crown Prince ay araw-araw niyang dinadalaw ang kapatid ngunit wala pa ring pagbabago kay Ellis.

Lagi lang itong tulala at nakatingin sa kawalan. "Milady, iiwan ko na po ang pagkain niyo rito," bati ni Layla, ang katulong na nag-aalaga sa prinsesa mula noong bata pa ito.

Tumango siya sa harap ni Ellis matapos ilapag ang pagkain sa lamesa na lalamig din naman at hindi mababawasan.

Matapos isara ng katulong ang pintuan ay tumayo siya sakaniyang higaan at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kaniyang kwarto, tinitigan ang imahe na hindi naman sakaniya.

Hinawakan niya ang salamin habang tinitignan ang mahabang pulang buhok ng dalaga, kulay asul na mata nito at napakagandang mukha na sa edad kinse ay malayo sa itsurang mayroon siya noon.

Tumulo ang luha niya ngunit mabilis niya ding pinunasan ito, sa tinatagal niya sa palasyo alam niyang totoo na ang panaginip na ito. Ilang beses siyang nanalangin at humiling na sana tuwing gigising siya sa umaga ay bumalik na sa normal ang lahat ngunit ilang beses sumapit ang umaga ay nagigising siya sa paulit-ulit na senaryo kung saan papasok ang katulong at pilit siyang pinapakain.

Ilang beses na din siyang nag-isip ng paraan upang makahanap ng kasagutan, na pag-alaman niyang nasa taon 1647 siya ngayon at edad kinse anyos. Nagpanggap siyang walang maalala upang hindi magkamali sa lahat ng pwede niyang iasta ngunit habang tumatagal ay lalo siyang na wawalan ng pag-asa upang makabalik sa normal na buhay.

Isang bagay na lang ang na isip niya.

"Kung na matay ako dahil sa aksidente at na punta dito, kailangan ko rin bang mamatay para makabalik sa normal kong buhay?" Muli siyang tumingin sa salamin.

"Anong ginagawa mo sa sapa nung araw na iyon? Bakit ka tumalon sa tubig para malunod?" Tanong niya sa repleksyon ng babaeng nasa harap niya.

Mula sa pagkakaalam niya ay lumaking spoiled si Ellis, maldita at matapobre din ang prinsesa. Siya ang dahilan bakit hinatulan ng kamatayan ang Duke dahil sa pakikialam nito at nais na makuha ang titolo ng Emperor para sakaniyang kapatid.

Ngunit sa kalagitnaan ng istorya ay bigla na lang na wala ang prinsesa, hindi niya alam kung bakit at hindi niya naman binigyan ng pansin noon dahil sa gustong gusto niya ng alisin si Ellis sa istorya dahil nga sa ito ang pinakamalaking sagabal sa buhay ni Marshall.

Pero ngayon na nasa katauhan siya ni Ellis ay malaking katanungan sakaniya iyon, hindi niya maisip kung bakit nito nais magpakamatay o magpapakamatay ba talaga ang prinsesa.

Lumapit siya sa bintana at natanaw ang malaking sapa sa loob ng palasyo, para siyang tinatawag nito. Agad siyang tumingin sa relo at lumapit sa pinto, nilapat niya ang kaniyang mga tainga dito at pinakiramdaman kung may bantay ba sa labas.

Nang wala siyang marinig na kahit ano ay marahan niyang pinihit ang seredula ng pinto at sinilip ang labas nito. Isang mahabang pasilyo ang tumambad sakaniyang mga mata saka niya dahan-dahan na binuksan ang pinto.

Maingat at tahimik siyang naglakad palabas ng palasyo, suot ang isang puting bistida na pantulog at walang suot na kahit ano sa paa.

Nang makalabas sa palasyo at makatakas sa mga tulog na gwardiya ay para siyang nakalaya sa preso, agad siyang tumakbo papuntang sapa at na mangha sa magandang imahe nito.

Ang malaki at bilog na repleksyon ng buwan ang una niyang nakita sa kumikinang na tubig, marami ding nakalutang na pulang talulot ng bulalak ang nakakalat dito. Tinignan niya ang paligid saka lang na pagtanto na puno ng red spider lilies ang hardin, muling nagbalik ang ala-ala niya bago siya maaksidente.

"Binigyan ako ni Justine nito bago ako mamatay, hahaha— saktong sakto sa lamay." Pabiro nitong sabi saka umupo sa damuhan at humuli ng isang bulaklak na nasa ibabaw ng tubig.

"Patawarin mo sana ako Ellis, pero ito lang yung way na nakikita ko para makabalik ako sa panahon ko." Tumayo siya at mahigpit na hinawakan ang bulaklak sa mga kamay niya.

Tinapak niya ang kaniyang mga paa papuntang tubig at unti-unting nilubog ang sarili sa sapa. Muling tumulo ang luha niya dahil sa takot na pag mali ang desisyon na gagawin niya ay pangalawang buhay na ang sasayangin niya.

"Sorry Marshall hindi kita matutulungan," mga katagang binitawan niya bago tuluyan lamunin ng tubig ang katawan niya. Ilang segundo pa at papanawan na siya ng hininga nang may humila sakaniya palabas ng tubig.

Umulit ang eksena ngunit hindi na ang kuya Argus niya ang lalaking sumagip sakaniya kundi ang binata na may itim na buhok at asul na mata.

Napanganga siya ng makita itong umiiyak at basang basa ang buong katawan, hinawakan nito ang balikat ni Ellis at malamig siyang tinitigan nito sa mata.

"Marshall? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa binata na kinagulat nito. Agad siyang binitawan ni Marshall at na una ng umahon sa tubig.

Kusang kumilos ang katawan nito at mabilis niyang hinabol si marshall, agad niyang hinawakan ang mga kamay at pinigilan umalis.

"Teka lang," banggit niya sabay lihis ng tingin ng binata.

"Pasensiya kana kung pinigilan kitang magpakamatay," sabi nito kay Ellis na kinagulat niya.

"You see, kakamatay lang ni mama kaya parang natakot ako nung makita kitang magpapakamatay." Hinawakan niya ang kaniyang noo at tinakpan ang mga mata na nagsisimula na namang lumuha.

Parang na tauhan si Ellis, matapos ang mahabang pagmumokmok niya sa loob ng kaniyang silid ay nagdurusa na pala ang taong nasa harap niya. Siya 'tong may alam ng mga mang-yayari dahil sa na basa niya na ang istorya. Marami siyang pwedeng gawin upang maiwasan ang pagkamatay ng ina ni Marshall ngunit kinain siya ng ideya na hindi na makakabalik pa sa panahon niya.

Parang dinurog ang puso niya matapos makita ang pinakamamahal niyang tauhan sa istorya, pinapangarap niya ito noon pa at ngayon na nasa harap niya na ay parang winawasak naman nito ang puso niya dahil alam niyang balang araw mamatay din ang Duke.

Ngunit ngayon bata pa ito at sa murang edad magsisimula ang paghihirap niya.

'Kung natanggap ko lang ng mas maaga ang katotohanan, maililigtas ba kita sa kalungkutan?'

Hindi mapigilan ni Ellis na umiyak at magsisi, hindi niya alam kung parusa ba ito o isang regalo para baguhin ang mangyayari sa istorya na alam niya ang katapusan.

"Sorry Marshall, patawarin mo sana ako," na iyak na lang din siya na kinagulat ng binata, mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Ellis at hinila palabas ng tubig.

Tumingin lang ito sa dalaga ng malamig, mula sa pagkakaalam ni Ellis ay mukhang nasa seventeen years old lang ang Marshall na nasa harap niya. Namatay ang kaniyang ina matapos lasunin ng mismong Empress o ng ina ni Ellis.

Kung inagahan niya lang ang pagtanggap sa katotohanan ay maari niya pang gawan ng paraan ang mga mang-yayari, hindi sana hahantong sa pagkamatay ng ina ni Marshall na magdudulot ng pagtigas ng puso nito.

"Pumasok kana sa kwarto mo milady," maikli nitong sagot at naglakad papalayo kay Ellis. Na iwan naman siya doon na nakatulala at nag-iisip pa rin.

Humihingi sa panginoon kung anong marapat niyang gawin.

Muli siyang tumingin sa sapa, iniisip na kung mamatay siya ngayon ay maaring matapos na ang problema niya ngunit tinanaw niya ang likod ng batang si Marshall na naglalakad palayo sakaniya.

'Hindi pa naman siguro huli para tulungan kita hindi ba?'