❦❦❦
Pawang panlalamig ng katawan at hikahos sa paghinga ang naramdaman niya. Tila ba nakakulong siya sa kung saan at nakalubog sa karimlan.
Dinama niya ang paligid at minulat ang mata, nakakita siya ng parang pulang hibla na nakalutang sa tubig at tumatakip sakaniyang mukha.
'Ano 'to? Dugo?' Tanong niya sa sarili at nang hawakan niya ang mga ito ay nabigla siya dahil hibla pala 'to ng buhok.
Saka niya lang na isip na hindi siya makahinga at nasa ilalim ng tubig, agad siyang naghikahos upang makalabas at makakuha ng hangin nang biglang may humila sakaniyang mga kamay.
"Ugh—" isinuka niya ang tubig na kaniyang na inum dahil sa pagkakalunod, ilang beses niyang hinampas ang dibdib upang makahinga.
"You're fine now, so calm down," napalingon siya sa lalaking basang basa din ang damit at mukhang hinahabol ang paghinga.
"Ano bang naisipan mo? Magpapakamatay ka ba?" Sigaw nito sakaniya at halos mahilo siya sa mga pang-yayari.
Hindi niya inintindi ang sinasabi ng lalaking nasa harap niya, galit na galit ito ngunit hindi mawala sa isip niya ang nang-yari sakaniya.
"Yung truck! Mababangga ako!" Lumingon lingon siya sa paligid at mahigpit na hinawakan ang braso ng lalaking nasa harap niya.
"Yung truck! Si mama?" Nagsimula ng tumulo ang mga luha niya ng maisip ang karumaldumal na kinahantungan niya.
"Ano bang sinasabi mo Ellis?" Napatigil siya nang marinig ang pangalan na iyon. Tumingin siya maigi sa mukha ng binata na nagligtas sakaniya sa pagkakalunod.
May pulang buhok ito at asul na asul na mata, mga bagay na hindi niya makikita sa normal na araw sa Central City.
"Asan ako?" Tanong niya sa lalaki na ngayon ay naguguluhan na din sa mga sinasabi niya.
"Ellis nasa palasyo ka," nilingon niya ang paligid, mula sa magarbong hardin na puno ng mga rosas at iba't ibang klase ng bulaklak hanggang sa mataas at matayog na gusali sakaniyang harapan.
Na paisip siya, wala na siya sa mundong kinagisnan niya.
Agad siyang humarap sa lalaking pamilyar ang mukha, hindi niya alam kung saan niya ito nakita ngunit parang kilala niya ito.
"Sino ka?" Tanong niya ngunit bago niya pa malaman ang sagot ay sumagi na ang itsura ng Crown Prince sa memorya niya.
Itong mukhang ito na nagpapahulog sa madaming kababaihan, mga matang asul na sing lalim ng dagat na nagsasabing isa siyang dugong bughaw at ang pula niyang buhok na parang apoy na nagmimistulang palatandaan na isa siyang Mc Allister.
Siya si Argus, ang male lead character sa paborito niyang istoryang Loving the Crown Prince.
Agad siyang napahawak sakaniyang bibig, gulat na gulat sa mga ideyang pumapasok sakaniyang isipan.
Maaari nga bang nasa loob siya ng istoryang binabasa niya? Ngunit ang pagkakatanda niya ay na bangga siya ng isang truck at na sawi sa aksidenteng iyon.
"Panaginip lang 'to Charlie gumising ka! Kailangan ka pa ng pamilya mo!" Bulong niya sa sarili at mahigpit siyang hinawakan ng binata sakaniyang balikat.
Ilang beses siyang inalog nito na kinagulat niya. Tumitig itong maigi sa mga mata niya na para bang hinahanap ang pagkatao niya.
"Ellis, ako ito ang kuya Argus mo!" At sa mga sandaling iyon ay para bang lahat ng lakas niya ay kinain ng mga kaganapan na hindi niya masundan.
Umikot ang paningin niya at bago pa siya bumagsak sa lupa ay nasalo na siya ng binata. Agad siyang binuhat nito at lahat ng mga taong nakakita sa Crown Prince ay na gimbal at nagkagulo.
"Agad kayong tumawag ng doktor!" Sigaw ng binata.
Nang magising siya ay tumambad sakaniya ang magarbong kwarto, nakaamoy din siya ng mabangong aroma ng bulaklak na umiikot sa buong silid, para bang pinapakalma ang buong sistema niya.
Ngunit hindi niya magawang ikalma ang sarili dahil sa nakikita niya, mula sa kisame hanggang sa sahig ay puno ng napakagandang desenyo ang bawat sulok ng kwarto, ang mga dingding ay pinapalamutian ng iba't ibang uri ng paintings at may malaking chandelier ding nakasabit sa kisame nito.
Napahawak siya sakaniyang bibig, ilang beses na kinurot ang pisnge ngunit hindi siya magising sa mahabang panaginip na ito.
Tuluyan ng bumagsak ang kaniyang panga dahil sa gulat, hindi pa rin mawala sa isip niya na siya si Ellis, ang kontrabida sa istoryang paborito niya.
"Nananaginip pa rin ba ako? Bakit si Ellis?" Tanong niya sa sarili ng maputol ang pag-iisip dahil sa pag-ingit ng lalaki sa tabi niya.
Bumangon ito at kinusot ang kaniyang mata, laking gulat niya ng makita ang dalaga na may malay na. Mabilis niyang niyakap si Charlie na halos malaglag ang panga.
"Mabuti naman at gising kana, alam mo bang pinag-alala mo kaming maigi nila mama," sabi nito habang mahigpit na yakap-yakap si Charlie na halos panawan na ng ulirat sa gulat.
"Te-teka lang, sino ka ba?" Muli niyang tanong kahit may idea na siya kung sino ang binata na nasa harap niya.
"Ako ito ang kuya mo! Kuya Argus mo, may masakit ba sayo? Bakit wala ka bang maalala?" Tanong nito kay Charlie at mabilis na kinapa ang ulo ng dalaga. Hindi naman mapakali si Charlie sa ginagawa ni Argus sakaniya kaya naman inawat niya ito at pinakalma kahit na sa umpisa pa lang ay siya ang dapat kumalma.
"So sinasabi mong ako si Ellis? At ikaw si Argus na Crown Prince tapos nasa Loving the Crowng Prince akong libro? Oh come on!" Mabilis niyang sinampal ang sarili na kinagulat ng binata.
"Anong ginagawa mo?" Pigil ni Argus sakaniya ngunit pilit niya pa ding sinasampal ang sarili para magising sa mga kaganapan na hindi matanggap ng utak niya.
'Totoo bang nasa loob ako ng istorya? Ito na ba ang sunod na buhay ko? Pero bakit ako si Ellis? Ang kontrabida sa buhay ng paborito kong si Marshall! Dahil ba ito sa mga kagagahan ko noong nabubuhay pa ko sa mundo?'
Halos umikot na ang paningin niya sa kakaisip sa dahilan kung papano siya napunta sa loob ng libro. Hindi naman mawala ang kaba ni Argus sa inaasta ng kapatid kaya naman agad siyang sumigaw upang tawagin ang pinakamagaling na doktor sa buong Goldton Empire.
"Greetings your Highness," yumuko ito sa harap nila upang magbigay galang na kinagulat ni Charlie dahil sa tanang buhay niya ay wala pang bumabati sakaniya ng ganoon kagalang.
"Maaari mo ba ulit tignan ang aking kapatid, mukhang wala siyang maalala." Banggit nito at malumanay na tumango ang doktor sa harap ni Argus at sinuri ang kalagayan ni Chalie o Ellis sa mundong ito.
"Wala ba kayong na aalala mahal na prinsesa? Mga parte ng katawan na masakit sa inyo?" Tanong nito at hindi pamakali si Charlie.
Kung nasa loob siya ng istorya at bibigyan siya ng isang pagkakataon pang mabuhay sa katauhan ni Ellis ay mamabutihin niya na lang na magpanggap na walang memorya.
Dahil ayaw niyang maging kontrabida sa istoryang ito kung saan mamatay ang paborito niyang si Marshall Harridan na kagagawan ng bruhang si Ellis.
'Pero ako na si Ellis dito, kaya kahit anong mang-yari ay kailangan kong iligtas si Marshall'
Tumingin siya kay Argus na alalang-alala sa mga kinikilos niya at sa doktor na para bang nagbibigay lang ng quiz sakaniya.
"Opo, wala akong matandaan." Banggit niya at halos mabitawan ng doktor ang hawak nitong panulat at si Argus naman ay mangiyak-ngiyak sa sinabi ng dalaga.
"Maari bang makausap kayo your Highness?" Tumango si Argus at iniwan nilang dalawa si Charlie sa loob ng kwarto.
Agad naman siyang bumangon at tumakbo sa bintana para tignan ang paligid, tumambad sakaniya ang napakalawak na hardin.
Sumikip ang dibdib niya at muling tumulo ang mga luha sakaniyang mata, iniisip na kung panaginip lang ang mga ito ay hindi siya makakakita ng sobrang makatotohanan na paligid sa pagitan ng bintana na ito.
Naisip niya ang kaniyang buhay, ang pamilya niyang na iwan niya at ang kapatid niyang bata pa na pinag-aaral niya. Ang mga kaibigan niya at ang trabaho niya. Hindi mawala sa isip niya ang ideya na hindi niya na makakasama pa ang buong pamilya niya o makakausap ang mga kaibigan niya.
Napaluhod siya dahil sa panglalambot ng mga tuhod, hindi niya na napigilan umiyak habang iniisip kung patay na ba siya o isa lang itong mahabang panaginip.
Yung mga pangarap niya na hindi niya na matutupad pa at yung mga bagay na nais niyang gawin sa buhay niya bilang Charlie.
Kung tutuosin ay parang mahika na napunta siya sa loob ng libro, para bang binibigyan siya ng paraan para matapos at baguhin ang takbo ng buhay ni Marshall.
"Right, kung panaginip lang din ito, edi gawin ko na ang gusto ko." banggit niya ngunit hindi niya mapigilan ang mga luhang tumatakas sa kaniyang mga mata.
"Hahaha, pero bakit natatakot ako?" Patuloy siyang umiyak sa sulok ng kwarto kung saan walang kahit sino ang tunay na nakakakilala sa pagkatao niya.
Hindi na siya si Charlie, kundi siya na ngayon si Ellis Mc Allister ang kontrabida sa storyang babaguhin niya.