"𝘞𝘢𝘬𝘦 𝘶𝘱, 𝘤𝘩𝘪𝘭𝘥. 𝘉𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘰𝘴𝘵 𝘴𝘵𝘢𝘳 𝘩𝘰𝘮𝘦."
"Matagal pa ba sya gigising?"tanong ng malabata ang boses.
"Hindi ko alam lumi.."tugon pa ng isa.
Sino tong nagsasalita? At bakit sila nakapasok sa kwarto ko?
Unti unti kung minulat ang aking mga mata at doon tumambat sa akin ang dalawang maliit na bata.
"Expergiscimini est scriptor!"sigaw nung isang batang babae.
(Gising na sya!)
Ano raw? Kunot noo naman akong napatingin sa kanila at inilibot ang paningin ko.
T-teka?! Nasaan ako! Alam ko dapat nasa apartment ako na tutulog pero na sa ibang lugar na ako ngayun!?
"N-nasaan ako? At sino kayo?"tanong ko sa kanila at bumangon na. Pati kasuotan ko nabago rin!
"Nasa Island of Dawn po kayo at ako naman si Primo at sya naman ang kapatid kung si Lumi"pahayag nya.
Island of Dawn? The hell nababaliw na ba sila?!
Agad naman akong tumayo at tiningnan ang buong kabuohan at totoo nga! Nasa ibang lugar nga ako!
Maglalakad na sya ako ng biglang may humili sa laylayan ng damit ko at nakita ko si lumi. Tama ba?
"Saan po kayo pupunta ate?"inusenteng tanong nya.
Saan nga ba ako pupunta?
"H-hindi ko a-alam..."sagot ko.
"Kuya Primo dalhin natin sya sa bahay!"ngeting sambit nya sa kuya nya.
"Mabuti pa nga Lumi!"tugon ni primo.
"Tara ate sama ka po samin!"yaya sa akin ng bata. At hinila na nila ako patungo sa kanilang bahay.
Sa hindi kalayuan ay may natatanaw akong maliit na kubo.
"Ina! Ama!"sigaw ng dalawa.
"Primo! Lumi! Saan ba kayo nagpunta? At sino naman itong kasama nyo?"tanong ng kanilang ina.
"M-magandang umaga po. Ako po si Luna"pakilala ko at sabay yumuko.
"Halika ija. Pumasok ka muna sa munti naming bahay at mukha hindi kapa nag aamusal"aya nya. At saka sumonod sa kanya
"Luna ang iyong pangalan. Tama ba ija?"tanong ng matandang lalaki. Tumango naman ako bilang sagot.
"Taga saan ka ba ija? Parang ngayun lang kasi namin ikaw nakita?"tanong ng nanay nila primo.
"Mula po ako sa malayong lugar. Ang huling na tatandaan ko po ay nag papahinga po ako sa kama ko."sagot ko sa kanila.
"Mukha nga. Dumito ka muna sa amin kung wala kapang matutulogan"nakangiting sambit nya sakin.
"Maraming s-salamat po"pagpapasalamat ko at saka tinuloy ang kinakain ko.
--**--
Narito ako ngayun sa bundok kung saan kita ang buong isla ng Dawn. Wala akong magawa sa bahay nila primo kaya nagpasyahan ko na lang na maglibot libot mo na.
"Mukhang nag-iisa ka.."salita ng kung sino sa likod ko.
Napabaligwas naman ako ng umopo dahil sa kung sino ang nag salita sa likod. Agad naman akong tumayo at lumayo ng unti sa lalaking kaharap ko ngayun.
"T-teka i-ikaw yung lalaki sa school pati n-na rin sa C-coffee shop!"nauutal kung turo sa kanya.
"Ako nga wala ng iba pa binibini.."lahad nya sa sumbrero nya.
"S-sino ka ba? At bakit mo ko sinusundan?!"kinakabahan kong tanong sa kanya. Stalker ba to?!
"Hayaan mo akong pagpakilala binibini. Ako nga pala si Taurus isang zodiacal constellation"pakilala nya.
What the hell is happening on earth!? At anong zodiacal constellation?!
"Na babaliw na kayo.."iling kong saad sa kanya.
"we're not lady"He smirk.
Tss!!
Tatalikod na sana ako ng bigla ulit syang magsalita.
"At saan mo na mangbalak pumunta binibini?"tanong nya.
"Kung saan walang mga baliw na katulad nyo!"sigaw ko sa kanya at nag martsya na paalis. Pero bigla itong lumitaw sa harap ko.
T-teka paano nya nagawa yun?!
Dahil sa takot ko ay napaatras ako hanggang sa napaupo na lang ako sa lupa.
"Wag kang matakot binibini"ani nya.
Sino hindi matatakot? Pananalita at mukha pa lang nya nakakatakot na eh!
"Lubayan mo na nga ako!"galit na sigaw ko sa kanya.
"Hindi ka pwede umalis binibini..."seryusong sabi nya.
"At bakit hindi ako pwede umalis dito sa mundo nyo?!"galit na tanong ko sa kaniya.
"Madali lang....dahil isa ka samin"sagot nya at doon sumilay ang ngiti nya sa labi.
Nooo!!!
"Hindi yan totoo...."iling ko.
"Totoo ito Luna. Ikaw ang zodiacal na si Libra at hito ang iyung sandata."pakita nya sa isang ispada na nagniningning.
Tanggapin mo ito Luna. Itinago payan ng mahal na hari na si Zeus"at saka kinuha ang ispada.
Napagaan nya at napaliwanag nya din.
"Ngayun ay magtungo kana sa Kingdom of Dawn"ani nya.
"At ano naman ang gagawin ko doon?"tanong ko sa kanya habang nilalagay sa likod ko ang espada.
"Hahanapin mo ang bituin na si Leo"sagot nya.
Leo?
"At sino naman iyun?"taas kilay kung pang tanong ulit.
"Sya ang bitiun dito sa buong isla ng Dawn at gusto sya kunin ni Hades. Kaya itinago sya ni Apollo nang mahabang panahon"paliwang nya. Tumango tango na lang ako bilang sagot.
"Kailangan ko ng mag paalam binibini. Hanggang sa muli nating pagkikita"nakayukong paalam at nag laho na.
Napatingin naman ako sa kalangitan at mag uumaga na pala. Teka bat ang bilis naman ata?!
Nagmamadali naman akong bumalik sa bahay nila primo.
"Anjan kana pala ate Luna. Magandang umaga!"bati ni lumi.
"M-magandang umaga r-rin"bati ko rin sa kanya at lumabas na sya.
"Nariyan kana pala Luna. Halika at kumain na"aya ni Nanay lhor.
Habang nasa hapagkainan hindi ko mapigilan na magtanong kay Nanay Lhor.
"Nanay Lhor pewde ba akong magtanong sa iyo?"
"Sige ija ano iyon?"tanong nya.
"Bakit ang bilis naman po ata dito sa mundo nyo mag umaga?"tanong ko.
"Dahil sa mga Olympian. Sila ang gumawa ng umaga at gabi, Mas mahaba ang gabi kay sa umaga. Hindi katulad sa mundo ng mga tao"sagot nya.
"*huk* m-may a-alam po kayo sa mundo ng mga tao?!"mabilis na tanong ko.
"Unti l-lang ang alam ko sa kanila"tugon nya at tsaka tumayo.
Hindi ko maalis sa isipan ang mga sinabi ni Nanay Lhor.
Napagdesyonan ko na maglibot libot muna sa Isla para naman kahit papaano ay may alam ako rito.
Habang nagiikot ay napansin ko na oonti lang ang tao rito sa bayan. Ang iba napapatingin pa sila sa akin.
Anong problema nila sa akin? Hindi naman madumi kasuotan ko?
Ay bahala na!!
Pinagpatuloy ko parin ang pagiikot sa bayan hanggang napunta ang sa gubat ng isla. At napansin ko rin na magdidilim na.
"Kailangan ko ng bumalik..."bulong ko.
Pabalik na sana ako sa daan na dinaanan ko kanina ng biglang may kaluskus akong narinig mula sa mga puno.
"Sino nariyan?"sigaw ko pero walang sumagot. At patuloy parin ang kaluskus na naririnig ko.
"Mag pakita kang nilalang ka!"sigaw ko at inilabas ang espada na binagay ni Taurus.
Napalingon ako sa likod ng may biglang lumabas na... isang rabbit?
"Ikaw lang pala.."saad ko at lumohod para hawakan ang kanyan ulo.
Agad akong tumayo dahil may nararamdam akong kakaibaba sa likuran ko.
Agad ko namang naitutuk sa kanaya ang ispada ko.
Lalaki?!
Lalaki ang nasa harapan ko ngayun. Isang gwapong nilalang!!!
"Sino ka?"tanong ko sa kanaya habang nakatingin sa kanya ng seryuso.
"Dapat ako ang nagtatanong nyan sa iyo!"balik nya. Loko ba to? Ako una nagtanong eh?!
Nabaling naman sa ibang deriksyon ang tingin ng lalaki Kaya agad ko itong sinipa sa paa doon nawalan sya ng balanse.
"Ngayun sagutin mo ang tanong ko"kalmadong tanong ko ulit sa kanaya.
Bago paulit sya makapagsalit ay may bilang sumigaw kaya agad na mang akong napalingon sa kinarurunan nun. Pero paglingon ko ulit sa lalaki ay wala a sya roon sa kihihigaan nya.
"A-ang b-bilis nya..."bulong ko.
-abangan-