'πΈ ππππ ππππππππππ' -πππππ
Luna POV
"Mag-iingat ka Luna..."bulong ng kung sino sa aking tenga.
Habol hininga ako ng magising ako. Unti unti akong bumangon habang sapo sapo ko ang ulo dahil bigla itong kumirot.
Tiningnan ko ang paligid ko. Nasa kwarto ako? Sa pag kakaalala ko na pasilyo kami ng kaharian kasama sina Aries,Leo at Pisces?
Anong nangyari?
Babangon na sana ako ng biglang bomukas ang pinto at doon pumasok si Pisces.
"Giseng kana pala. Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong nya.
"Kumikirot parin ang ulo ko. Pero ayus na rin"sagot ko.
"Mabuti naman"nakangiting tugon nya at tumabi sa gilid ko.
"Nga pala Pisces. Anong nangyari sa akin kanina nang mawalan ako ng malay?"curious kung tanong. Bahagyang natigilan si Pisces sa tanong ko at tiningnan ako.
"Wala kang maalala?"tanong nya sa akin. Umiling lang ako.
"Ang natatandaan ko lang ay kumirot bigla ang ulo ko at unti unting dumidilim ang paningin ko. Yun lang"saad ko.
Tumango tango lang si Pisces sa mga sinabi ko.
"May mga sinabi ka habang wala kang malay kanina sa pasilyo"nakayukong sambit nya.
Napalingon naman ako sa kaniya. "Ano naman iyun?!"deritsyung tanong ko.
"Tungkol sa digmaan"seryusong sagot nya.
Digmaan? May magaganap na digmaan?!
"Sampung araw mula ngayun. Ay magsisimula na ang digmaan, kaya Luna hanapin nyo pa ang ibang itinakda!"pagmamakaawa ni Pisces sa akin.
"Pangako yan"tugon ko at tumayo na.
"Teka lang Luna! Sigurado ka ba na maayos na ang pakiramdam mo?"nag aalalang tanong ni Pisces.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Kailangan na namin umalis para hanapin pa ang iba. Nga pala asan sila?"tanong ko.
"Nasa pasilyo parin sila"sagot nya.
"Sige mauna na ako sayo Pisces"yukung paalam ko.
Agad akong nagmadali bumama at doon naabutan kung nag uusap sila Leo at Aries.
Mukhang naramdaman naman nila ang aura ko at lumingon sa kinatatayuan ko. Agad naman lumapit si Leo sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
Nagulat naman ako dahil magkalapit na ang mga mukha namin ngayun.
"Ayus na ba ang pakiramdam mo?"bakas sa boses nya ang pag aalala. Parang hinahaplos ang puso ko dahil doon.
"O-oo.."nauutal kung sagot. Bumitaw sya sa pagkakahawak sa balikat ko at napalitan iyun ng isang mahigpit na yakap.
"Mabuti naman"bulong nya sa tenga ko.
"Maglalambingan lang ba kayo jan?"singit ni Aries.
Arrrghhhh panira ka talaga Aries!! Niyayakap pa nga ako ni Leo eh!!.... teka! Ano ba pinagsasabi ko?!.
Kumalas naman sa pagkakayakap si Leo sa akin.
"Kailangan na natin umalis ngayun din. At hanapin pa ang ibang pang itinakda"seryusong sambit ko sa kanila.
Tumango naman silang dalawa.
"Dalhin nyo ito sa inyong paglalakbay"bigay ni Pisces sa isang maliit na libro.
"Jaan nakasulat ang mga itinakda. Kung susulat iyan pagnahanap nyo na isang itinakda"pagsasadula ni Pisces.
"Maraming salamat"pagpapasalamat ko sa kaniya.
Nagpaalam narin kami sa kaniya at sinimulan na ang paglalakbay.
--**--
Mahigit dalawang oras na din kami naglalakad. Malapit nakami sa kinaroroonan ng sunod na itinakda.
Nalaman namin yun nang biglang lumiwanag ang libro kani-kanina lang.
"Pwede magpahinga mo na tayo?!"bagot na bagot na saad ni Aries.
"Mabuti pa nga"tugon ni Leo.
"Dito muna tayo ngayung gabi. At bukas ng umaga ulit tayo lalakad"ani ni Leo. Tumango naman kaming dalawa at nagsimula ng maglatag ng higaan.
Napansin kong papaalis si Aries kaya agad kung itong tinanong.
"Saan ka pupunta Aries?"tanong ko sa kaniya.
"Jaan sa tabi-tabi lang. Kukuha ng makakain natin"sagot nya.
"Ahh ganon ba. Sige magiingat ka"sabi ko at tumango naman sya
Aries POV
"Mukhang pwede na to. Marami rami na rin ito"bulong ko at saka binuhat ang usa na nahuli ko.
Pabalik na sana ako ng mapansin kong may palutang lutang sa ilog nilapitan ko iyun at isang tao. Isang Babae!!
Lumolutang lang ang katawang nya na inumuy isang patay na bangkay. Lalapitan ko na sana ito ng may maapakan akong sanga at nagbunga ito ng ingay. Binalik ko ang tingin ko doon sa babae pero wala na ang babae doon.
"Nasan na yun?!"gulat kong tanong.
May naramdaman akong isang matulis na bagay sa likod ng leeg ko at may nagsalita rin.
"Sino ka? At anong ginagawa mo sa lugar na katulad nito?"kalmadong tanong nya ngunit nakakatakot din.
"N-nandito a-ako para kumuha ng makakain para saamin nang mapansin kitang lumulutang lang sa lawa ang akala ko ang patay kana kaya lalapitan sana kita"ani ko. Teka bat ba ako nangingid eh isang lamang sya hamak na babae?!
Tiningnan nya naman ang hawak kung dala at saka muling nagsalita.
"Mukha nagsasabi ka naman ng totoo"tugon nya.
Nakahinga naman ako doon ng maluwag don.
Sabay kaming napatingin sa ingay na nang gagaling sa gubat doon lumabas sila Leo at Luna na dala dala ang libro ngunit nag liliwanag ito.
"Luna/Lyra!?"sabay na saad ng dalawa.
"Magkakilala kayo?"tanong ni Leo.
Tumango naman Silang dalawa.
Luna POV
Ang akala ko....namin lahat ay matagal ng patay si Lyra dahil sa isang aksidenti, pero mali lang pala iyun isa lang palang palabas iyun na gawa ng mga magulang nya....pekeng mga mgulang pala.
"All this time Lyra! Buhay ka pa pala!"hindi ko mapigilan ang mga luha ko at niyakap sya. Isa mga kaibigan ko rin si Lyra. Sya ang matagal ko ng kaibigan kaya ng nalaman namin sya mga magulang nya na patay na sya isang linggo akong hindi lumabas ng apartment ng dahil doon.
"Sorry kung nagsinungaling kami sa inyo. Kailangan namin gawin yun para makatawid ako dito sa mundo ito"ani nya.
"Matagal tagal ka narin ba dito?"tanong ko sabay pagid ng mga luha ko.
"Mahigit limang taon na rin kung bibilangin simula ng umalis ako sa mundo natin"sagot nya.
Limang taon?! Eh parang nung nakaraan taon lang sya nawala?! Tapos limang taon?!
"Mag kaiba kasi ang takbo ng oras dito Luna kay sa satin"paliwanag nya.
"At Luna pala. Wag na wag mo na akong tatawagin na Lyra"pakiusap nya.
"Huh? At bakit naman?"takang tanong ko.
"Tawagin mo na akong Virgo mula ngayun"seryusong sagot nya.
Namilog ang dalawang mata ko ng banggitin nya ang pangalang Virgo.
"I-isa k-ka sa mga itinak---"turo ko sa kaniya.
"Itinakda. Oo Luna isa ako sa kanila"tuloy nya.
"I seek the perfection world for this. Kailangan ako ng mundong ito kaya nakiusap ako sa mga magulang ko na makatawid dito. Matagal na nilang alam na isa akong zodiacal constellation"saad nya at umopo sa isang malaking bato.
"Ikaw Luna? Paano ka nakarating sa mundong ito?"lingon nya sa akin.
Tumabi naman ako sa kaniya.
"Hindi ko rin alam. Basta pagkagising ko na lang ay nandito na ako. Na isa narin ako sa inyo, Na isa rin akong Zodiacal Constellation"sagot ko sabay tumingala sa madalim na kalangitan.
"Isa ka ring Constellation?!"gulat nyang tanong. Tumango naman ako
"Paano nyo pala ako nahanap dito sa lugar na ito?"tanong nya ulit
"Dahil sa gabay ng librong ito"pakita ko sa libro.
-πππππππ-