"Fall in love with someone
who is both your safe
place and your
biggest adventure.'
Luna POV
Kanina pa nakatulala si Taurus at mukhang malalim ang iniisip nya.
Siniko ko naman si Virgo.
"Anyari jan? Kanina pa tulala yan!"asik kung tanong.
"Ewan! Mukhang iniisip nya yung babaeng nakasayaw nya kagabi!"bulong ni Virgo.
"Talaga?!"kunyari kung tanong. Kahit alam ko namang nakita ko iyun din kagabi:>
"Oo! Jan ka na nga muna manghuhuli lang ako ng isada sa ilog!"saad nya at nagpaalam.
Pumunta naman ako sa tabi ni Taurus at mukha di ako napansin nito. Saang planeta na kaya nakarating utak nito.
May naisip naman akong kalukuhan at mahinang napatawa. *evil laugh* *nabulunan*
"Taurus!! MAY SUNOOOGGG!!!!"sigaw ko si tenga nya.
"HA?! SAAN SAAN?!!"luminga linga sya parahapin yung sunog.
Napahiga naman ako kakatawa. Grabe yung mukha nya.
"GRABE YUNG MUKHA MO! PARANG DI MAPINTA!!"turo ko sa mukha nya habang tumatawa parin.
Kahit sila Aries ay natawa narin.
"Hindi yun nakakatawa Luna!!"pagdadabog nya.
"Hahahaha! Sorry na. Ang lalim kasi ng iniisip mo eh!!"umayos ako ng upo at tumabi sa kaniya.
"Ano ba kasi iniisip mo ha?"tanong ko.
"Yung babae kahapon sa pagsasalo salo"sagot nya.
Napabuntong hininga naman sya.
___
Narrator POV
Kinabukasan sa kaharian ni Artemis.
Ay nagbabalak na namang tumakas ng kaharian si Cancer ang sutil na prensisa.
Ngunit na huli sya ni Agane isa sa mga katulong sa kaharian.
"Balak mo na naman ba akong takasan mahal na prensesa?"tanong ni Agane pero sa ibang paraan ng pag tatanong.
Nilingo naman sya ni Cancer.
"At sino naman ako para takasan ang isang katulad mo?"nakataas ang isang kilay ng prensisa.
Sanay na si Agane sa ugali ng prensisa dahil araw araw nitong ginagawa.
"May mga gawain ka pang taposin mahal na prensisa!"saad ni Agane
"Paulit ulit na lang ang gawaing yan Agane! Nakakapagud na!!"pagmamaktol ng mahal na prensisa.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Agane ngunit hindi naman nagpatalo ang mahal na prensisa.
"Hindi mo dapat sabihin yan Mahal na prensisa!"sigaw ni Agane at nagulat si Cancer sa inasta nito.
"Wag na wag mo akong pinagtataasan ng boses Agane! Mas mataas ang katayuan ko sayo! Isa ka lamang hamak na ypirestis!!"duro ni Cancer sa Kaniya.
(ypirestis- servant)
Humingi naman ng tawad si Agane sa nagawa nya.
"Kailagan ko ng umalis Agane. Mag kita na lang ulit tayo mamaya!"sigaw ni Cancer at tumalos mula sa taas ng kaharian nila.
Mabuti na lang ang dumating ang kaniyang kaibigang dragon na si Asul.
"Tamang tama ang iyung dating kaibigan!!"sigaw nya at hinimas ang ulo nito.
Namasyal lang si Cancer sa bayan ng hindi sya namamalayan na sya ang prensisa. Unti lang ang nakaka alam na sya ang ang anak ni Artemis.
Gabi ng maka uwi si Cancer sa kaharian mabuti na lang at sinabi ni Agane na nasa silid daw ang kaniyang ina at dali dali itong nag tungo sa kaniyang kwarto upang mag palit ng kasuotan.
"Mahal na prensisa. Kakain na raw po kayo"tawag ng isa sa mga ypirestis.
"Susunod ako"sagot ni Cancer at inayus ang kanyang munting korona na gawa sa dyamante.
Habang nasa habang kainan ay tahimik lang na kumakain si Cancer ng mag salita ang kaniyang ina.
"Ano itong na babalitaan ko Cancer? Na lumabas ka na naman raw ng palasyo?"tanong ng kaniyang ina.
Ngunit tahimik parin at walang kibo si Cancer.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo cancer na wag----"naputol ang sasabihin ng mahal na reyna ng hampasin bigla ni Cancer ang kanilang lamesa ng ikinabigla ni Artemis.
"Hindi ako isang preso na kailangang ikulong sa palasyung ito! Hindi na ako bata ina! Kaya ko na ang aking sarili para saan pa iyung itinuru ko di ko lang din naman ito gagamit!?"sigaw ni Cancer at saka umalis na tulala ang kaniyang ina.
Nagmumuk na lang sa kwarto si cancer dahil doon. At binabalak nyang tumakas ngayung gabi nang di nalalaman ng kaniyang ina.
Habang abala sa pagbibihis ay biglang may kumatok sa kaniyang pintoan.
Nataranta naman si Cancer kaya agad syang tumalon sa bintana nya. Mabuti na lang at nagamit nya ang kaniyang kapangyarihang tubig.
Nagtago muna sa damuhan si Cancer dahil nakita nya na may paparating na mga kawal.
"Mukhang mahihirapan akong makatapos sya mga ton zoon na ito!"asik na bulong ni Cancer.
Mabuti na lang at agad na umalis ang mga kawal kaya agad sya lumabas sa pinagtataguan nya at mabilis na tumakbo patungo sa kagubatan kung saan nakatira ang kaibaigan nyang dragon.
Habang nasa kalagitnaan sya nang paglalakad nang biglang may humatak sa kaniya at tinakpan ang kaniyang bibig.
___
Cancer POV
"Wag kang maingay!"bulong nang humila sa akin.
Sa di kalayuan ay may natatanaw akong mga kawal na paparating at nakasakay sila sa kani kanilang kabayo.
"Kailangan natin mahanap ka agad ang mahal na prensisa kung hindi ay paparusan tayo nang mahal na reyna Artemis!!"sigaw nang isang kawal.
Mukhang alam na ni Ina na tumakas na naman ako nang palasyo.
Umalis din ka agad ang mga kawal at binitawan na ako ng isang estranghero.
"Alam mo bang pwede kung ikamatay ang pangugulat?!"asik ko sa kaharap ko
"Walang ano man...."walang emosyung tugon nya.
Sinundan ko lang sya ng tingin. Hanggang sa sinundan ko sya kong saan man sya pupunta.
Hindi ko alam king bakit kailangan sundan ang estranghero na iyun. Nakarating kami pinakadulo nang gubat hanggang sa may nakita ang akong umiilaw doon.
Nagtagu mona ako sa pinakamalaking puno para hindi ny ako mapansin. Nang silipin ko ulit sya ay may papalapit sa kaniya na isang babae.
"Oh san ka galing Taurus? Bat ginabi ka ata?"tanong nung babae sa kaniya.
Taurus pala ang kaniyang pangalan....
"Jan lang sa tabi nang palasyon. Nagbabakasali na makita ko ulit sya"tugon nya.
Tinapik na lang sya nang babae at may sinabi na kung ano ano. Habang pinagmamasdan ko sila ay may naramdaman kong matulis na bagay sa likod nang aking leeg.
"Sino ka at anong ginagawa nang isang katulad mo rito?!"tanong nang kung sino.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko ngunit agad ko namang nakuha ang espada nadala ko at agad na iniwasiwas sa kaniya. Nadaplisan ko sya sa kaniyang kanang braso.
Narinig ko pa ang mahinang pagmura nya dahil doon. Susugod na sana ulit sa kaniya nang bigla itong maglaho.
Paano nangyari iyun?!
Hindi sya pangkaraniwang tao! Kakaiba sya! May dugong bughaw sya dahil alam ko ang kapangyarihan na iyun.
Inilibot ko ang akibg paningin at tinalasan ko pa ang pakiramdam ko.
"Subukan mong gumalaw at hindi kana sisikatan pa nang araw"bulong nya.
Nasa likod ko na sya nang ganong kabilis!!
Ibinaba ko ang espada ko at itinaas ang magkabilang kamay ko. Agad nya namang itong kinuha at inilagay sa kaniyang likod.
"Hala sige lakad!!"utos nya.
Lumakad naman ako gaya nang sabi nya at pumunta kami doon kung nasaan si Taurus.
"Luna may na huli ako!!"tawag nya doon sa babae na kanina kausap ni Taurus.
"At ano naman ang nahuli mo------o?! Tao?!"sigaw nya rin at namilog pa ang dalawang mata nya nang makita ako.
Tumango naman itong babae nasa likod ko.
Sino ba itong mga hampaslupa na ito?!
-𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗-
Pasensya na at ngayun lang ulit ako nag update:). Sana magustuhan nyo!
'Te amo Omnes!'