Chereads / Fallen Star- Constellation Series 1 / Chapter 4 - Fallen Star 4: Fly with.....you?

Chapter 4 - Fallen Star 4: Fly with.....you?

'𝙷𝚘𝚕𝚍 𝚖𝚢 𝚑𝚊𝚗𝚍 𝚊𝚗𝚍 𝚙𝚛𝚘𝚖𝚒𝚜𝚎 𝙸 𝚠𝚘𝚗'𝚝 𝚕𝚎𝚝 𝚒𝚝 𝚐𝚘'

Luna P.O.V

"Huy Leo saan ka pupunta?!"asik kong bulong sa kanya.

"Basta! Halika sumama ka sakin!"hila nya sa kamay ko.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta nitong Leo na ito. Pero mukha tatahak kami papuntang Library.

"Anong gagawin natin dito sa silid aklatan?"tanong ko sa kaniya.

"Manood ka lang"bulong nya at pumunta sa iang bookshelf ang may hinilang isang libro. Unti unti naman itong nagbukas.

Isang sekretong lagusan!!

"Tara na!"bulong ni Leo. At sabay pumasok kami sa lagusan.

Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko at si Leo iyun. Hindi ko alam kong namumula na ba ang mukha ko ngayun o kung ano naman. Minsan lang may humawak sa kamay ko ng ganito.

Pababa kami ng hagdan hanggang nasa tapat na kami ng pinto. Pinihit naman ni Leo ang hawakan at doon tumambat sa amin ang isang napakalawak at napakagandang hardin.

"A-anong ginawa natin dito? Baka may tao rito!"asik kong bulong sa kanya.

"Walang tao dito. At sakin ang hardin na ito"sagot nya. At nag tungo sa isang bukal.

"Dito ka ba nagtago ng mahabang panahon?"tanong ko sa kanya at inilibot ang paningin sa paligid.

Tumango naman sya at may kinuhang isang.... kapa?

Anong gagawin nya sa kapang iyan?

"Suotin mo"utos nya.

Sinonod ko naman ang utos nya at isinuot ang isang kayumangging Kapa. At hinili ang ang kamay ko. Bat ang hilig maghila ng kamay tong isang toh?!

"H-hoy a-anong gagawin natin?!"tanong ko sa kaniyan. Nandito lang naman kami sa tapat ng isang bangil!

"Ayuko pang mamatay leo!"sigaw ko sa kanaya.

"Sino bang may sabi tatalon tayo?"saad nya. Napatigil naman ako at agad syang nilingon.

"Eh anong gagawin natin dito?"taas kilay kung tanong.

"Basta. Magtiwala ka lang sakin"kalmadong tugon nya at marahan na hinawakan ang kamay ko.

"Humawak ka ng mabuti binibini"sambit nya at marahan naman akong pumikit at nararamdaman ko nabumubulosuk kami pababa.

"Pwede mo nang idilat ang iyung mga mata"bulong nito sa tenga ko. Marahan ko namang idinilat ang mga mata ko.

Lumilipad kami?!

Pano ng yari to?!

Tiningnan ko naman si Leo at hawak nya parin ang kamay ko.

Ano tong nararamdam ko? Parang may kung ano sa dibdib ko ang bilis ng tibok ng puso ko!

Hindi ko na lang pinansin ang nararamdam ko o kung ano man yun at nag focus na lang sa paglipad.

San nga ba kami pupunta nitong leo na ito?

Sa di kalayuan ay may natatanaw kaming malakaw na lupain at doon lumapag kami. Hindi ko mapigilan na magtanong kay leo.

"Anong gagawin natin dito Leo?"tanong ko sa kanya habang naglalakad ito. Pinantayan ko naman sya ng lakad.

"Pupunta tayo sa Saliva Kingdom. Na pinamumunuan ni Pisces"sagot nya.

Saliva Kingdom? Pisces?

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Narinig ko pa ang sinabi ni Leo.

"Nandito na tayo..."bulong nya. Luminga lingan naman ako pero wla akong makitang kastilyo.

"Leo sumilong mo na tayo!"aya ko sa kanaya.

Agad naman kami sumilong sa maliit kweba.

"Anong nandito na tayo Leo?"tanong ko sa kanya.

"Nandito na tayo sa Saliva Kingdom"sagot nya.

Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Ha? Paano eh wala nga akong makitang kastilyo eh?!"asik ko.

"Pag umulan. Yun ang hudyat na nandito na tayo sa Saliva"sagot nya ulit.

Dahil sa ulan lang? Weird!

"Bilisan mo na jan!"utos nya at saka tumayo.

"Oo ito na!"saad ko at madaling sumunod sa kanya.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na nga kami sa Saliva Kingdom na sinasabi ni Leo.

Dadaanan na sana kami ng bigla kaming harangan ng gwardya.

"Paraanin nyo kami. Ako si Leo mula sa Dawn Kingdom"utos ni Leo sa mga gwardya. Nagkatinginan pa ang dalawang gwardya saka kami pinapasok.

"Kamahalan may bisita po kayo. Mula raw sya sa Dawn Kingdom"ani ng isang gwardya sa babaeng nakatalikod ngayun.

"Dawn Kingdom?"bulong ng babae. At dahan dahan na lumingon sa amin.

A-ang g-ganda nya!!

"Leo!!"nakangting sigaw nya kay Leo at niyakap ito ng mahigpit. Sya siguro si Pisces.

Namilog biglang ang mga mata ko ng bigla silang maghalikan. Agad naman along tumalikod at kunwaring walang nakita.

"At sino naman itong kasama mo Leo?"tanong nung babae. Humarap naman ako.

"Ang pangalan ko ay Luna"pakilala ko.

Napalingon naman kami ng pumasok ang Tatlong kawal na may dalang priso. Tama ba?

Agad naman lumohud ang isang kawal bilang paggalang kay Pisces.

"Kamahalan. Nahuli po naman itong nilalang na ito na nanggugulo sa bayan"ani ng kawal. Nilingon naman ni Pisces ang priso.

"Magpakilala ka"tugon ni Pisces.

"Bat ko naman gagawin yun?"walang mudong sagot nya.

Bahagya naman mang nagulat si Pisces sa inasta ng nilalang. Susugorin sana sya ni Leo ng pigilan sya ni Pisces atsaka inilingan.

Lumapit si Pisces sa nilalang at sabay tinanggal ang balabal na nakaharang sa mukha ng nilalang.

Nabitawan ni Pisces ang hawak nyang balabal dahil sa gulat kahit ako ay nagulat pati narin si Leo nagulat narin.

Lalaki ang nasa harap namin ngayun!

"A-aries...."sambit ni Pisces sa pangalan ng lalaki.

Aries? Aries the God Of war ba kamo?!

Namilog bigla ang mga mata dahil don.

Sumilay naman ang ngite ni Aries sa kanyang mukha. "Masarap makita kang muli Pisces at Leo"mapang asar na ngite nito.

"H-hindi bat p-patay kana?!"nanginginig na saad ni Pisces.

"Ako? Mamatay? Baka nakakalimutan mo Pisces ako ata ang Dyos ng Digmaan?"hindi parin mawala sa mukha nya ang ngite.

Napailing naman si Leo dahil kay Aries. "Walang pinagbago, Mayabang ka parin"saad ni Leo.

"Hindi ako mayabang!"protesta ni Aries.

"At pwede ba pakawalan nyo na ako?"utos ni Aries. Tumango naman si Pisces sa mga kawal at agad naman syang pinakawalan.

"Sa wakas malaya narin!"sigaw ni Aries. At agad na lumingon sa kinatatayuan ko.

"At sino naman itong babaeng ito?"turo nya sa akin.

"Ako si Luna. Libra Zodiacal constellation"pakilala ko.

"Ikaw si Libra ang Justice"ani ni Aries. Tumango na lang ako.

Biglang sumakit ang ulo ko. Parang umiikot ang paningin ko at doon nawalang ako ng malay. Narinig ko pa ang boses ni Leo ng tawagin nya ang pangalan ko.

--**--

Leo POV

"Luna!"sigaw ko ng bumagsak sya bigla sa sahig. Agad ko namang syang nilapitan at tinapik ang magkabilang pisnge nya.

"Anong nangyari sa kaniya Leo?!"natatarantang tanong ni Pisces.

"H-hindi ko r-rin alam"sagot ko.

Mamaya pa ay bumangon si Luna ulit at umopo sa sahig. At mas nakakagulat at puti ang dalawang mata nya at may binigkas na kung ano ano.

"Malapit na sya.

Sa loob Sampung araw ay sisiklab na ang digmaan.

Kailangan na mahanap ang iba pang Itinakda! Magmadali kayo. Dahil nagmamanman lang sya sa paligid!"sigaw nya.

At muling bumagsak sa sahig mabuti na lang at nasalo ko na sya

Ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nya?

-𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗-