'ππ¦π΅'π΄ π΄ππ¦π¦π± πΆπ―π₯π¦π³ π΅π©π¦ π΄π΅π’π³π΄'
"Luna. Magiingat ka ha?"nagaalalang sambit ni Nanay Lhor. Kahit mailing panahon lang kami nagkakilala ay sobrang maaalahanin talaga sya.
"Opo Nanay Lhor"ngiting tugon ko. At saka kinuha ang bag na may laman na pagkain para sa aking susunod na paglalakbay pa.
"Paalam Ate Luna!!"sigaw nila primo. Kinawayan ko naman sila bilang pagpapalam sa kanila.
"Hanggang sa muli nating pagkikita primo,lumi, tatay mic at Nanay lhor..."bulong ko. At nagsimula ng magtungon sa 'Kingdom of Dawn'
Madilim na at tulog narin ang ibang bantay. Ang iba naman ay nag babantay parin.
"Paano ko hahanapin ang Leo na yun?!"inis na bulong ko.
Naisipan kung dumaan sa itaas ng kastilyo kung saan may nakabukas na bintana roon.
Nadaan ko ang pasilyu nang kaharian hanggang nakaabot ako sa pinaka ibaba ng kaharian. Napadilim rito ni isa ay walang ilaw.
Kinuha ko sa bulsa ko ang ibinagay rin ni Taurus kahapon. Ang sabi nya kusa itong liliwanag sa madilim na lugar. At nagliwanag nga ito. Ang galing!!
Napanganga ako dahil sa mga nakaguhit sa pader ng kastilyo. Mukha ito ang nakaraan ng Kingdom of Dawn.
Unting unti kong nilapit ang palad ko sa mga pader at biglang may pumasok na mga alala sa isipan ko.
"Leo umalis kana!"sigaw ng lalaki habang nakikipaglaban sa mga kaaway.
"Hindi ako aalis rito Apollo. Tutulong ako!!"sigaw nya rin.
Siya pala si Apollo...
Hindi ko gaano makita ang mukha nung Leo na iyun.
"Ikaw ang puntirya nila Leo! Kaya umalis kana rito sa lalong madaling panahon!"pakiusap ni Apollo sa kanaya at saka lumapit kay Leo.
"Tanggapin mo iyan apollo. Mula iyan kay haring Zeus"ani ni Apollo at saka ibinigay ang kulay pilak na esapada na may nakaukit na lion.
At doon tumakas na si Leo.
"Woahh...."
Ibang klaseng nakaraan.
"Sino ka.."tanong ng isang pamilyar na boses. Agad akong napalingon pero pagkalingon ay agad tumambat sa aking ang isang pilak sa espada at doon may nakaukit na lion.
T-teka kay Leo ang espada na iyan!
"Sagutin mo akong nilalang!"sigaw nya.
"Kailangan sumigaw?!"taray ko sa kanya. Nagtaka naman sya sa pananalita ko.
"Base sa pananalita mukhang hindi ka tagarito. Isang kang 'angelus nigrum'!!"sigaw nya at hada ng isaksak sa akin ang espada nya. Mabuti na lang at agad kung nakuha ang espada ko sa likod.
"Pwede ba huminahaon ka? highblood ka ghorl?!"inis kung sigaw sa kanya. Saka kulang napagtanto kung ano ang sinabi ko sa kanya, Hindi nya pala maiintindihan iyun!
Mukhang lalo naman nagtaka ang lalaki. Asan naba kasi yung ilaw ko, nailaglag ko kasi iyun ng magsalita ang lalaking iyun.
Sumugod ulit yung lalaki at agad ko namang itong napigilan gamit rin ang espada ko. Espada laban sa Espada!!
Habang nakahiga pa ang lalaki mula sa pagkakatulak ko sa kanaya ay agad ko namang hinanap sa lupa ang ilaw ko.
Kinapa kapa ko ang lupa para lang mahanap lang iyun.
"Nahanap ko rin!"sigaw ko at agad naman itong nag ilaw. At itinapat sa lalaki sakto pagharap ko ay nasa harap ko naring ang espada nya.
Pero ang nakakagulat yung lalaking nasa harap ko ngayun ay syang nakaharap ko kanina sa gubat.
"Ikaw/ikaw?!!"parehas naming sigaw.
Oh tadhana nga naman!!
"Sinusundan mo ba ako?!"nakataas ang isang kilay ko.
"Bakit ko naman susundan ang isang katulad mo?!"tugon nya.
Agad naman natuon ang atensyon ko sa espada na hawak nya kanina.
"Bakit hawak mo ang espada ni Leo.."seryuso kung tanong.
"Ito?.....Simple dahil ako si Leo"hambog nyan sagot.
Hambog!!
Napailing na lang ako at muling nagsalita. "Hindi ako naniniwala.."saad ko.
Naiharang ko ang magkabilang braso ko sa mukha ko dahil sa ilaw na lumalabas sa kanyang palad.
"ako at si Apollo lang ang kakagawa nito"nakangising sagot nya sa akin.
"Oo na! Oo na!.....napakahambog talaga!tss!"ani ko.
"May sinasabi kaba binibini?"marahang tanong nya.
"Wala ho kamahalan..."pang gagaya ko sa boses nya.
"Anong ginagawa ng isang katulad mo rito"tukoy nya sa akin.
"Ako?"turo ko sa sarili ko.
"May tao pa ba dito maliban sayo? Hindi ba wala?"sarcastic na sabi nito.
Mapakla naman akong napangiti sakanaya. Tss!!
"Sabi ko nga...."bulong ko.
"Kaya ngayon sagutin mo ang tanong ko. Anong ginagawa mo sa lugar na ito?"seryusong tanong nito at lumapit sa mukha.
Napalayo naman ako sa ginawa nya at tsaka sumagot.
"May mission ako. At ikaw ang mission ko"turo ko sa kanaya.
"Ako?"sambit nya.
Tumango naman ako. "Mission ko ang hanapin ang bituin ng Kingdom of Dawn. At ikaw yun"saad ko.
"Kaya halika na sumama sa akin dahil may iba ba tayong hahanapin"sabi ko sa kanaya at hinila ang pulsuhan nya.
"Hindi ako sasama sayo!"hila nya sa braso nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"At bakit naman?"tanong ko.
"Ni hindi nga kita kilala. Baka isang kang angelus nigrum na nagakakatawang tao lang!"duro nya sakin. Ano bang pinagsasabi nitong isang to?!
Napahilamos na lang ako sa sariling mukha ko dahil sa kanya.
"Look! Hindi ako isang angelus nigrum o kung ano man yun! Okay!"ani ko sa kanya.
"Kaya halika kana baka mahuli pa tayo ng mga gwardya"asik ko. At lumabas na ng basement ng kastilyo.
-abangan-
Ps.hindi ko na kaya dugtungan pa! Abangan nyo na lang sa kabanata kwatro!:>
bonum est tibi ad vesperamβ‘!!