"The Darkest nights, produce the brightest star"
Luna P.O.V
"Ms. Dela cruz are you listening?"tanong ng professor namin.
"P-po?"nautal kung sagot. Napailing na lang ang professor namin at saka nag tanong ulit.
"How many zodiac constellation we have?"sincere na tanong ni prof. Napalunok ako dahil sa tanong ni prof atsaka sumagot.
"13 S-sir"sagot ko.
"Name that 13 zodiac constellation"utos nya.
What the?
"Capricornus,Aquarius,Pieces,Aries,Taurus,Gemini,Cancer,Leo,Virgo,Libra,Scorpius,Sagittarius and last Ophiuchus"sagot ko. This time hindi na ako nautal.
"Good. Mukhang interisado ka ngayun sa bago nating lesson Ms. Dela Cruz.."ani nya. At muling nagdiscuss.
Pagkatapos ng Discussion namin ay agad akong dumiretso sa Aming library. Hindi ko alam kung bakit gusto kung pumunta doon. parang may gusto ako hanapin doon.
Uunti na lang na punta rito sa library na ito dahil luma na rin ito. Pumunta ako sa Science Fiction section pero hindi ko mahanap yung librong hinahanap ko kaya nagtungo na lang ako sa Liberian para magtanong.
"Wala po ba talaga?"paninigurado ko.
"Wala talaga ija eh"malungkot saad ng babae. Napayuko na lang ako at agad na ngumiti sa babae.
"Sige po salamat na lang"ngiteng sabi ko. Tatalikod na sana ako ng muli nya akong tawagin.
"Teka ija. Parang alam ko na kung ano iyung hinahanap!"sabi nya. Agad akong napangiti ng sabihin nya iyun.
"Talaga po?"tuwang tanong ko. Agad namang napatango ito.
"Dito ka lang ija ha sat kukunin ko lang ang librong iyun"saad nya. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na sya at dala ang librong hinahanap ko.
"Ito na ija. Ingat mo sana iyan libro dahil may pagkaluma na rin iyan"bilin nya. Tumango naman ako at nagpasalamat na.
Nandito na ako sa pinakadulo ng library umopo dahil walang gaanong tao at nag simula na basahin.
"Once a upon time, may pitong kaharian sa mundo ng mga bituin isa na rito ang kaharian ng mga dyos at dyosa na pinamumunoan ni Zeus ang dyos ng kidlat. May kapatid sya na si Hades, a god of underworld sa kanya naman ang kaharian ng Seraphim 'Ang itim na mga anghel'. Puno ng galit ang puso ni Hades dahil kay Zeus kaya naghasik si hades at nag simula ng digmaan sa pagitan ng mga itim na anghel at sa God, Goddess. Hindi na alam ni Zues ang gagawin nya kaya ang ginawa nya na lang ay pinaghihiwalay nya ang mga bituin dahil ang mga bituin ang gustong kunin ni Hades. Napunta sa ibat ibang kaharian ang mga bituin at ang isa narito ay napunta sa mundo ng nga tao ang 'Mortal World'..."
Hindi ko na tapos basahin ang libro dahil biglang sumakit ang gilid ng leeg ko. Kinapa ko ang bulsa ko at kinahuna ang cellphone ko. Agad ko namang tiningnan sa screen phone ko ang leeg ko kung bakit ito sumasakit.
Bigla kung nabitawan ang phone ko sa gulat dahil ang birthmark ko ay lumiliwanag sa hindi mapalinawag. Pero huminto na ang pagliwanag pati narin ang pananakit sa leeg ko ay huminto na rin.
Nagpaalam na ako sa librarian na kung pwede ay iuwi ang libro at agad namang muo ang babae.
Nasa hallway na ako patungo sa susunod ng subject ko at nang may lalaking bumangga sa akin at hindi man lang huminto at nagsorry.
"Walang mudo!Tss!"bulong ko at nagpatuloy ng maglakad ulit pero may natapakan ako isang libro. Agad ko itong pinulot.
May pagkaluma narin itong libro. "Kanino kaya ito? Baka doon sa lalaking nakabunggo sa akin"bulong ko ulit.
Ipinasok ko na lang ito muna sa bag ko dahil malalate na rin ako.
--**--
"Hindi ka ba talaga muna sasama samin Luna?"tanong ng isa kung kaibigan. Nginitian ko sya at marahang umiling.
"Hindi talaga eh. Sorry babawi na lang ako sa susunod"sambit ko at nagpaalam na sa kanila.
Maliban sa pagiging estudyante ko ay isa rin akong part-timer sa pinapasokan kung Coffee Shop na malapit lang sa apartment na tinutuluyan ko ngayun.
"You're five minute late Ms. Dela Cruz"nakapamewang na sabi ni Fate isa sa mga nagtratrabaho rin dito.
"Sorry na may dinaanan pa kasi ako"kamot ulo kung sagot.
"Hmmmp! Kaloka ka! Mabuti na lang at wala pa rito si manager kundi lagot ka talaga!"ani ni fate. Agad naman akong napalingon sa kanya.
"Talaga?"hindi makapaniwalang tanong ko. Tumangon naman sya
Nakapagtataka naman? Ang alam ko lagi sya ang nauuna sa akin?
Napailing na lang ako at isinuot na ang apron ko atsaka pumunta sa cashier.
"Hello sir welcome to Lancaster Coffee Shop. My i take your ord---er?"nagulat ako dahil nasa harap ko ngayun yung lalaking bumangga sa akin kaninang umaga.
"One irish coffee.."sagot nya.
"80 pesos po s-sir"nanginginig kung saad sa kanya. Nakakatakot kasi yung mukha nya walang kaemo-emosyun!
At saka pumunta sa dulong umopoan kung saan nang doon rin ang bookshelf namin.
"One irish coffee please!"
"Here!"abot sakin ni fate sa kape.
"T-teka ako magbibigay nyan?!"gulat kung tanong.
"Naman! Its your job bruha!"irap nya sa akin. Pisti!
Agad ko namang kinuha ang tray at agad na dinala doon sa lalaki.
"Here's your order sir. Sorry for waiting"ngiting sambit ko. Tatalikod na sana ako ng bigla nyang hatakin ang likod ng damit ko.
"A-ano po y-yun sir?"nauutal kung tanong sa kanya.
"Your mission is coming.."bulong nya sa akin. Agad ko namang hinila ang laylayan ng damit ko at mabilis na bumalik sa kahadera. Baliw!
"Sino yun?"tanong ni fate.
"Ewan. Di ko rin kilala yun eh!"nguso ko.
Kakatapos lang ng trabaho ko at sobrang sakit ng katawan ko ngayun!.
Patungo na ako ngayun sa apartment ko ng maramdaman ko na parang may sumusubod sa akin. Pero ng lingonin ko ito wala namang tao akong nakita kaya kinabahan na ako.
Mabilis ang paglakad ko dahil sa nararamdaman ko parin ang presensya ng taong iyun kahit tibok ng puso ko ay naririnig ko na rin. Mabilis kung isinara ang pinto.
"Muntik na yun!"bulong ko at marahan na pinunasan ang mga pawis ko.
Matapos kung magbihis ay agad akong na akong humiga. Ang daming nangyari ngayung araw to ito.
Sa kakamuni muni ko ay di ko na malayan na nakatulog na ako.
"Wake up, child. Bring our lost star home."
-abangan-