Chapter 5 - Chapter 3

Bakit ang dilim ng paligid? Nasaan ako? Kumunot ang noo ko at tiningnan ang mga kamay. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang kasing putla ng papel ang kulay nito. Umatras ako kahit alam kong wala namang patutunguhan iyon. Bakit ganito? Anong nangyayari sa akin?

Kusang umangat ang kamay ko at inabot ang aking ngipin. I feel something sharp. Fangs?! Why on earth I have a fangs?! Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ako nandito? Nananiginip lang ba ako?

"Crystal....."

Natigil ako sa pag-atras. I looked at my back when I heard a gentle voice of a woman calling my name.

Her body is floating and glowing in the air. She's wearing a long white dress. Her fine and silky hair is dancing in the air like a fabric. But when I look at her face it was blur because of so much light. The only thing I can see was her blue eyes. And besides, she's too far from me.

Tila siya ang nagsisilbing ilaw sa madilim na paligid.

"Sino ka?" tanong ko.

Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang kanyang pag-ngiti.

"Hindi mo kailangang malaman kung sino ako, Crystal." there is really something in her gentle voice that makes my hearts warmth.

At tila wala akong maramdamang takot sa kanya. I feel safe by her presence.

"A-anong kailangan mo sa'kin?"

"Nakasasalay sa'yo ang kapakanan ng Academia, Crystal. I trust you...."

Unti-unting humihina ang kanyang boses kasabay ng unti-unting pagliit ng liwanag. I run towards her to reach her.

"Sandali! Anong ibig mong sabihin?!" sigaw ko pero nawala na siya.

Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa aking ulo. I was just dreaming. It's only a dream but it feel so real. Napatingin ako sa aking mga kamay at sinuri iyon. It's normal. It's not feel. Sinuri ko din ang aking mga ngipin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala akong nakapang pangil.

Mariin akong pumikit at nailing. "It was just a dream...." mahina kong sambit.

"Are you okay?"

I startled when I heard Zion's cold voice. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's leaning on the wall near my bed while looking through the window. His both hands were on his pockets. I wonder if kanina pa ba siya dito? At teka nga lang...

"Bakit ako nandito sa kwarto ko?" nagtataka kong tanong.

Bumaba ang kanyang malamig na mga mata sa akin. Napaatras naman ako ng kaonti dahil nakakatakot.

"You suddenly passed out outside the classroom. How many times I told you that you're not allowed to go out to your classroom without me? Look what happened!" sermon niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. I passed out? I can't remember what happened!

"What happened?" I asked cluelessly.

Nag-iwas siya ng tingin at muling tumanaw sa labas ng bintana. "You just suddenly passed out. Rest." sagot niya at naglakad patungo sa pintuan.

Just like that? I passed out? But I can't remember!

"Wait. May klase pa ako." pigil ko sa kanya.

Humarap siya sa akin.

"Bilin ni Miss Synthia na bukas ka nalang daw pumasok. Just rest. I'm just in my room. Hindi rin ako papasok ngayon."

"Pero—" bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko ay nakalabas na siya! "Bastos talaga! Sungit!" inis kong sigaw habang masama ang tingin sa nakasarado kong pintuan ng kwarto.

I reached my phone to check the time. It's already 2pm. Hindi ko talaga makapa sa isip ko kung bakit nahimatay ako.

Huminga ako ng malalim at bumaba sa kama upang maligo at magbihis. At isa pa bigla akong nagutom. Habang nasa ilalim ng shower, bumalik sa isipan ko ang napaniginipan ko.

That woman. Who is she? Anong ibig niyang sabihin na nakasalalay sa akin ang kapakanan ng skwelahan? I banged my head on the tile because of too much thinking. It was just a dream, Crystal. Pagkumbinsi ko sa sarili. Dreams are not real.

Pagkatapos kong maligo at agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto. I'm really hungry right now.

Dumeretso ako sa kusina upang maghanap ng makakain. Pero wala! My stomach growl kaya napahawak ako doon. No choice.

Nasa harap ako ng pintuan ng kwarto ni Zion. Nagdadalawang-isip kung kakatokin ko ba siya o hindi. Pero gutom na talaga ako! Bahala na! Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. It means "Hoy! Zion Sungit!". Hilim akong mapahagikhik.

"Come in."

Bigla naman akong nataranta dahil hindi ko inaasahang papapasukin niya ako. Pinihit ko ang doorknob ang binuksana ng pintuan. Sumilip muna ako bago tuluyang pumasok.

"What is it?" masungit nitong tanong na ikinairap ko.

Nakatalikod siya sa akin. Nakaharap sa kanyang study table at may binabasang mga papel.

Tumikhim ako. "N-Nagugutom ako. W-Wala bang pagkain?" kinakabahan kong sabi.

Lumikha ng ingay ang upuan na inupuan niya dahil sa biglaang pagtayo. I even heard him curse before putting the papers in a folder.

Napaatras ako na napahawak ng mahigpit sa doorknob.

"Wait for me. I'll get your food." sabi niya.

"Naku! 'Wag na! Ako nalang ang kukuha. Saan ba?"

He glare at me. "You're not allowed to go out by yourself." may diin nitong sabi.

Ngumiwi ako at napagtanto na sa cafeteria pala kukunin.

"Edi samahan mo ako!"

Kumunot ang kanyang noo at umiling.

"No. Wait for me here. I'll be quick. Don't be so hard-headed." and with that he left me.

I stomp my feet because of frustration! Ano ba talaga ang problema niya?! Bakit ayaw niya akong palabasin?! Papa ko ba siya?! Hmp!

Dahil sa inis ay bumalik nalang ako sa aking kwarto at nahiga ulit sa kama. Napatingin ako sa cellphone ko. Mama didn't called me today. I reached my phone and dialed my Mom's number. But she didn't answer! Ilang beses ko pang tinawagan ang numero niya pero "out of the coverage area"! Kinabahan ako bigla dahil baka ano nang nangnyari sa kanya.

I don't know how many minutes I stared at my phone thinking a random scenarios about Mom when my phone lit up and a message appeared from her.

Mabilis ko itong binasa pero tila gumuho ang mundo ko nang mabasa ang text niya.

From: Mama

Don't call or text me ever again, Crystal. I'm sorry. I don't want to see you anymore. Don't ever comeback here. I'm so sorry, sweetie. You're not my daughter.

You're not my daughter.

You're not my daughter.

You're not my daughter.

You're not my daughter.

Matagal bago mag-sink in sa utak ko ang kanyang mensahe. Nakita ko nalang ang sarili kong sapo ang dibdib habang humahagulhol ng iyak.

"A-anong....Bakit?" iyak ko habang paulit-ulit na sinisigaw ng isip ko ang huli niyang mensahe.

"No. Hindi totoo yan. You're trying to prank me right, Mama? I am your daughter...please Mama pick up the phone...please...." sambit ko habang paulit-ulit siyang tinatawagan hanggang sa naibagsak ko nalang ang cellphone at patuloy na umiiyak.

Mama.....what do you mean. Bakit biglaang naging ganito?

Isang tao lang ang makakasagot nito. I get up and immediately storm out from my room with my teared-up face.

Mas lalo akong naiyak nang makita ang kakapasok lang na si Zion. Worry was written on his face when he saw my situation.

I run into him and hold his hands. My knees were trembling the reason that I drop on the floor because I can't take it any longer. Nakakapanghina ang sinabi ni Mama. Nakakapanghina na para bang gusto ko nalang mawala na parang bula upang mawala ang sakit na namimilipit sa aking puso.

"Zion, please...take me to Miss Synthia." I said between my sobs.

"What happened?" nag-aalala niyang tanong. Kahit gulat sa tono ng boses niya ay binalewala ko nalang iyon.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya nang tinukungan niya akong tumayo.

"Please take me to Miss Synthia. My mom.....my mom... I need to see my mom right now." hagulhol ko.

Niyakap niya ako at hinagod ang aking likod.

"Shhh...I can't take you to her. Wala si Miss Synthia ngayon. Bukas pa ang balik niya." mas lalo akong nanghina sa sinabi niya.

What should I do now? I badly want to see Mama. Gusto ko siyang tanungin kong totoo ba ang nasa mensahe niya.

Magdamag ako umiyak habang nakayakap kay Zion. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Nagising nalang ako na nasa kwarto na ulit ako at katabi ko ang mahimbing na natutulog na si Zion.

Related Books

Popular novel hashtag