Chereads / Forever's Curse (tagalog) / Chapter 6 - 5 Ang Pagdating

Chapter 6 - 5 Ang Pagdating

Maginaw na hangin ang bumungad sa magkapatid pagdating sa Huyenbi. Hindi pa sumisinag ang araw ay andoon na sila sa kalapit na gubat at sinisilip ang bayan.

"Sa tingin mo anong nagbago sa lugar?" tanong ni Mon sa kapatid. Hindi naman siya sumagot kaagad at tulala lamang siya.

"Katleya! Huy!" ginulat naman ni Mon ang kapatid na tila nawala ang iniisip.

"H-ha? Ano yun?" tanong niya.

"Sabi ko ano kaya nagbago sa lugar." sabi niya ulit.

"Malay natin. Pero sigurado na ba tayo sa plano natin?" tanong naman niya sa kapatid.

"Oras na siguro. Isa pa ngayon lang naman ulit tayo magtatagal eh." sabi niya sa kapatid.

"Nakakapagod lang kasi." tugon ng dalaga.

Mahirap man ang sitwasyon nila ay kailangan nilang tanggapin ito.

"Hindi ka parin ba sanay?" sabi naman ni Mon na inakbayan ang kapatid. Napabuntong hininga lang naman si Katleya.

"Pagkatapos neto san nanaman tayo pupunta?" tanong ng dalaga.

"Kahit san. We have all the time in the world! Gusto mo bang pumunta sa Paris, Los Angeles, Hawaii? Sis, live the moment!" masiglang sabi ni Mon. Ngumiti ang binata para pasayahin ang kapatid ngunit alam niya sa sarili niyang hindi rin siya masaya.

Natawa naman ang dalawa. Alam nila na kaya nilang gawin ang lahat ng gusto nila, kailangan lang nilang maging maingat.

"Tara na. Sumisilip na ang araw" sabi ni Katleya sa kapatid. Tumango naman si Mon at nagsimula ng lakarin ang tulay mula sa gubat papuntang bayan. Walang gumagamit sa daanang iyon dahil sobrang luma nito at mayroon namang sementadong daan sa di kalayuan. Dumaan sila sa mga maliliit na eskinita para walang makakita sakanila, may mga tao ng naglalakad papuntang palengke kaya naman nagulat sila, madalas kasi ay tanghaling tapat na kung gumalaw ang mga tao doon noon.

Sa likod ng bakuran ay may batong pader na napupuno ng mga bulaklaking baging, dahan-dahang tinahak ito ng magkapatid at hinanap ang bato na maaaring itulak para magbukas ang isang lagusan.

Natutuwa lagi si Mon sa lagusan na iyon dahil siya mismo ang gumawa nito nung huling bisita nila. Emergency exit at entrance nila ito. Parang secret garden ang itsura ng lagusan dahil makakapasok ka sa isang tagong hardin sa likuran ng bahay. Masukal ito sa ngayon dahil ilang taong walang tumira, pero alam nilang magkapatid na maaayos nila ito sa ilang araw lang.

Binuksan ni Katleya ang pinto sa likod bahay at bumungad sakanya ang mga antigong kagamitan ng kanilang pamilya. Lumang luma ang bahay sa labas pero iningatan ng magkapatid ang loob nito. Isang beses sa sampung taon lang sila umuwi, walang kababayan nila ang nakakaalam dahil palihim sila kung umuwi, at walang nakakakita sakanila. Ganoon kaingat ang dalawa.

Minsan nga ay nagpanggap silang mga turista at nakinig sa mga kwentong barbero tungkol sa mansyon. Natatawa sila sa ilang mga kwento ng mga tao, minsan pero ay muntik makipagbasag-ulo si Mon dahil nakainom na at nainis sa kwentong narinig niya, muntik pa siyang may masabi na maaaring ikapahamak niya at ni Katleya.

...

Desedido na ang dalawa. Mananatili sila sa lugar ng mas matagal. Hindi katulad ng dati na isa o dalawang lingo lamang. Handa silang magtagal sa lugar at ibalik ang dating ganda nito.

Malaking sugal ito pero gusto nilang masubukan ang pakiramdam ng may matuturing uli na bahay.

Lingid sa kaalam ng dalawa ay may nakakita sakanila. Ngumiti lamang ito ng masama.