Kinagabihan, isang estranghero ang napadpad sa lugar. Bumaba ito sa bus at may dala lamang na isang maliit na bag. Nagtanong siya sa mga lokal kung saan mayroong matutuluyan.
"Excuse me po, san po may pwedeng tuluyan ngayong gabi?" tanong niya sa isang grupo ng mga lalakeng asa bilyaran.
"Ah pumunta ka doon sa susunod na kanto, makikita mo doon ang bahay ni Aling Demetria, siya lang may paupahan dito." tugon ng isa sakanila. Nagpasalamat naman ang lalake at pumunta sa bahay na sinabi.
"Magandang gabi hijo. Napadpad ka ata sa Huyenbi?" tanong ni Aling Demetria pag padating ng lalake sa maliit na reception desk.
"Magandang gabi din po. Saglitan lang naman po ako dito. May hinahanap lang po ako." sabi niya at ngumiti.
"Ilang araw ka mananatili?" tanong ng matanda.
"Isang linggo po." sabi naman niya. Nagulat ang matanda dahil walang sino ang nagtatagal na bisita sa lugar nila. Sa tanda niyang animnapu't lima, bihira lang mangyari ito.
"May problema po ba? Bat parang gulat po kayo?" tanong ng binata. Ngumiti naman muli ang matanda at nagpaumanhin sa inasal. Binigyan nalamang niya ng form ang lalake para ilagay ang kanyang mga detalye.
"Room 316. Eto ang iyong susi." sabi ng matanda.
"Salamat po. May tanong po pala ako." ani ng binata.
"Ano yun hijo?" sabi ni Aling Demetria habang inaayos ang mga papel sa mesa.
"Naku tawagin niyo nalang po ako sa pangalan ko, Anthony." tumango naman ang matanda. "May bahay pong napakalaki doon sa bandang dulo ng bayan. Ano pong meron doon?"
Ngumiti at mejo tumawa naman si Aling Demetria na parang may naalala. "Lumang bahay iyon. Bata pa ako nung huli kong makita ang may-ari. Ang pagkakaalam ko ay nangibang bansa sila at doon na namalagi. Bakit mo pala natanong?"
"Nakakapagtaka lang po kasi na ang laki ng bahay pero walang nakatira." sabi niya ilang minuto pa sila nagusap tungkol sa lugar. Alas diyes na ng gabi ng napagisipan niyang dumeretso sa kanyang tutuluyang kwarto. Dumungaw siya sa bintana at nakikita niya ang parte ng mansyon mula sa kanyang kinatatayuan.
Huminga siya ng malalim at inilabas ang laman ng kanyang bag.
.
.
Isang baril na puno ng bala.