Chereads / Teacher Diaries / Chapter 3 - Chapter 2: The New Guy

Chapter 3 - Chapter 2: The New Guy

Simula na ng bagong semestre. Huling taon ko na sa kolehiyo. Dito na magsisimula ang pagiging titser ko. Pagdating sa eskwela ay agad kong tinungo ang aklatan. Kailangan kong manghiram ng reviewer para sa Board Exam. Sabi nga ng aking mga kaklase ay masyado akong advanced dahil noong nakaraang semestre ko pa sinimulang manghiram ng mga reviewer. Ang palagi ko namang sagot ay magaling na ang handa. Isa pa ay alam ko nang hindi ako makapag enroll sa isang review center.

"Ms. Salamanca, ang aga mo naman," bati sa akin ni Ma'am Tolentino, ang aming librarian.

"Opo ma'am. Wala pa kasing gagawin. Wala pa kaming schedule kaya magbabasa muna ako," nakangiti ko namang tugon.

"Good morning ma'am. Reporting for duty."

Nagulat ako nang biglang may magsalita sa tabi ko.

Isang matangkad na lalaki ang nakangiting nakatayo roon. Hindi siya kagwapuhan pero may hitsura. Moreno ang kanyang balat at halatang mamasel ang katawan.

"Ay, macho," tili ng isip ko.

"Ah, sya nga pala, Alex. Iyan si Alex," natatawang wika ni Ma'am saka kami iniwan.

Nagkatinginan kami.

"Alex?!," sabay naming naitanong.

Napatawa siya.

Shucks! Kahit ang tawa nya macho.

He cleared his throat and smiled.

"Nice meeting you, Alex. I'm Alex. Alexander Gray Saavedra."

Napangiti ako. "Nice meeting you, too. Alex nga pala. Alexandrei Salamanca. Pwede bang Gray na lang tawag ko sayo? Awkward eh. Para kong kausap ang sarili ko."

Lalo itong natawa. "Sure. So, should I call you Xandy?"

Napaangat ng bahagya ang kilay ko.

"Xandy?"

"Para fair di ba? Ayaw mo ba?"

"Xandy?," ulit ko saka natawa. "Not bad. Sure. You can call me Xandy."

"Mr. Saavedra." Narinig naming tawag ni Ma'am.

"Sige. See you around," paalam nito.

"See you around," sabi ko na lang at dumiretso na sa mga shelf upang maghanap ng bagong reviewer.

Mayamaya pa ay may bitbit na akong 2 libro na agad ko namang dinala sa library counter.

"Ipapareserve ko. Kukunin ko at 3:00 o'clock," nakangiting sabi ko.

"Okay. Noted."

Magsasalita pa sana ako nang biglang may umakbay sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala," nakasimangot na sabi ni Kaycee.

"Alam mo naman ako. Ano ka ba?," natatawang sagot ko. "Bakit mo ba ko hinanap?"

"Nakakainip kasi eh. Sa isang linggo pa daw lalabas ang schedule natin."

"Okay. Sya, tara na lang sa canteen. Kain tayo."

Napaigtad ako ng biglang magsalita si Gray.

"Aalis ka na?"

"Ah! Oo. Magmemeryenda lang kami," nakangiting sagot ko. "Si Kaycee nga pala. Friend ko. Kays, si Alex nga pala," natatawang pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Alex?," nako- confuse na tanong ni Kaycee.

"Oo. Alex. Alexander Saavedra," sagot naman ni Gray.

"Okay. So, you are Alex," ani Kaycee sabay turo sa akin. "tapos, Alex ka din," sabay turo naman kay Gray.

Nagkatawanan kami.

"Shhhh!," si Ma'am Tolentino iyon.

"Sorry Ma'am," sabay sabay naming nasabi.

"Sige. Aalis na kami. Nice meeting you, Alex boy version," paalam ni Kaycee saka ako hinila palabas ng library.

Lumingon ako saglit at kumaway sa nagkakamot ng ulong si Gray.