Chereads / Teacher Diaries / Chapter 6 - Chapter 5: Lunch (1)

Chapter 6 - Chapter 5: Lunch (1)

Iba talaga itong bagong prinsipe ni Alex. Makatitig wagas. Parang tutunawin sa tingin ang bessywaps ko.

Aba. Kanina pa ako dito. Di pa rin ako pinapansin. Gandang ganda kay bess. Ngiting ngiti!

In fairness naman, gwapingz din at macho. Mukhang may pandesal to. Ayyy!

"Ganda nya di ba?," sabi ko.

Napaigtad siya ng marinig ako.

"Nakakagulat ka naman," sabi niya.

"Asus, kanina pa ako dito noh? Busy ka lang titigan ang best friend ko kaya di mo ko napansin."

Napakamot na lang siya sa ulo saka tila nahihiyang ngumiti.

"Ano ba kelangan mo?," tanong niya.

"Hihiramin ko sana to," sabi ko at ipinakita ang librong hawak ko.

"Mamayang 2:30 pa pwedeng mag out ng books."

"Pa reserve na lang."

"Sige. Fill up ka muna dito," pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang form at isang ballpen.

Pagka fill up ay ibinalik ko na sa kanya ang form at ang ballpen. "Thank you."

Nilapitan ko si Alex. Yung friend ko ha? Hindi yung prinsipe nya.

Anyway.

So ayun at busy ang Lola mo.

"Ano yan bess?," tanong ko sabay upo sa tabi nya.

"Design ng uniform natin. Baka kasi hanapin ni Sir Jef mamaya. Kelangan daw kasi ma approve before magstart ang second sem."

"Hmmm. Maganda. Bet ko yan."

"Anong color ang maganda? Ano sa tingin mo?"

"Red para sa blouse ng skirt tapos blue para sa blouse ng slacks," suggest ko.

Agad namang nag apply ng color si Alex sabay tanong, "Ganito ba?"

"Gawin mo pang medyo light iyong blue. Okay na yang red."

"Ok. Oh ayan. Ok na ba?"

"Thumbs up," sabi ko pa sabay kindat.

Natawa ito. Pagkatapos niyon ay naging abala na kaming pareho sa aming mga gawain. Hindi na namin namalayan na halos alas dose na pala.

"O, hindi pa ba kayo manananghalian," iyon ay ang prinsipe ni bessywaps.

"Ha? Anong oras na ba?," tanong ni Alex sabay sulyap sa relo sa dingding.

"Mag aalas dose na. Tara. Sabay sabay na tayong kumain," aya ng kanyang prinsipe.

Ayiee! Kilig ang Lola mo.

"Sure," agad ko namang sagot bago pa naka hindi si Alex.

Tila naiilang siyang ngumiti sa akin. Marahil ay balak niyang tumanggi subalit naunahan siya ni Kaycee.

"Sige. Ililigpit ko lang 'tong mga gamit ko," sabi niya at saka sinimulang ayusin ang mga gamit.

"Kukunin ko lang sa locker ang mga gamit ko. Mag kita kita tayo sa harap ng canteen," paalam ko.

Tumango si Xandy at ngumiti. Kumaway naman si Kaycee.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang pag alpas ng isang mahinang "Yes!".

First base. Friendship.

Pagkaalis ni Gray ay pasimple kong kinurot sa tagiliran si Kaycee.

"Ano ka ba? Nakakahiya naman dun sa tao."

"Bakit? Sasabay lang naman tayo maglunch sa kanya," painosente pang tanong nito.

"Alam ko yang likaw ng isip mo, Kays. May binabalak ka na naman."

"Ha? Wala noh? Assumera toh."

"Naku. Mas kinakabahan ako jan sa asta mong yan," nagdududa pang sabi ko.