"I don't like your little games
Don't like your tilted stage
The role you made me play
Of the fool, no, I don't like you"
- Look What You Made Me Do lyrics by Taylor Swift
NARRATOR
Nanginginig man ay napagdesisyunang tumayo upang umalis sa conference hall si Ally. Kailangan niyang kausapin si Kyle nang mahinahon na sa oras na to.
Natatakot siya dahil baka mapunta lang sa wala lahat nang pinaghirapan niya, ang mga sakripisyong ginawa niya upang mapunta lang sa kanya si Kyle..
"I won't let this thing happen. I sacrificed everything, not Kyle. Hindi pwedeng mawala saakin si Kyle.." Madiing sabi niya..
She tried to dial Kyle's number but it says 'Out of Reach.'
"Damn, Kyle!" She hissed.. She immediately approach Kyle's secretary hoping that she knew where Kyle is..
"Did you see Kyle?" She calmly said but oblivion..
"I think I saw him walking towards the elevator. He's been chasing after the woman named, Elisa I think?" Inosenteng sabi ng Secretary. Automatically, Ally became irritated knowing Kyle's chasing after that Elisa!
She walks hurriedly without even thanking the Secretary. She doesn't give a damn right now, all she wants is to see Kyle and slap that bitch's face!
She immediately hop inside the elevator and hit the ground floor button. "They probably in the Ground floor now! That sl*t!" She murmured..
Minutes passed, the bell tuned. She went outside the elevator and look for Kyle..
Hinanap ng kanyang mga mata ang binatang si Kyle.. Ngunit sa dami ng taong nasa ground floor, ay hindi niya agad ito nakita.
"Where are you Kyle?! Sh.t! Bakit ang daming tao ngayon?!" Frustrated niyang tanong sa sarili. Muli siyang naghanap at sa kakahanap niya ay naaninag niya ang likod ng isang familiar na babae...
Base sa damit nito, buhok at sa katangkaran nito ay hindi siya pwedeng magkamali..
"Pag sinuswerte ka nga naman.. Humanda ka saakin ngayon! Matitikman mo ang hinahanap mong malandi ka!" Lumakad siya papalapit kay Elisa na kasalukuyang naglalakad papuntang basement.
Tahimik na sinusunod niya ang babae, ayaw niyang makagawa ng eskandalo dito lalo pa't maraming tao.. Kaya kahit kating-kati na siyang sunggaban ng sabunot at sampal ang babaeng ito, ay hindi niya magawa..
Nang nasa may hagdanan na sila ay doon na siya nagkaroon nang lakas ng loob para sugurin ang babaeng ito.
Sinabunot niya ito ng napakalakas. "MALANDI KA! NANG DAHIL SAYO NAG-AAWAY KAMI NI KYLE NGAYON! TANDAAN MO ITO, HINDI ANG KAGAYA MO ANG MAKAPAGLAYO SAAMIN DALAWA NI KYLE!! AKIN LANG SI KYLE! AKIN LANG!!! KUNG KAILANGANG PATAYIN KITA, PAPATAYIN KITA! TANDAAN MO TO!" Galit na galit na sigaw niya sa babae habang patuloy ito sa pananabunot..
Hinihintay niya na sumagot si Elisa ngunit hindi ito nagsalita..
"ANO?! PIPI KA NA BA NGAYON?! BAKIT HINDI MO ILABAS YANG TUNAY MONG UGALI NGAYONG WALA SI KYLE AH?! NAGMAMALINIS KA PANG HAYOP KA NASA LOOB NAMAN ANG KULO MO! MALANDI KA! MALANDI!!!" Sigaw niya dito..
Ngunit hindi pa rin siya hinaharap ng babae.. Hanggang sa magsalita ito...
"Tapos ka na ba?" Tila nabuhusan siya nang napakalamig na tubig nang marinig niya ang boses ng babae.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may nagtakip ng kanyang bibig at naamoy ang isang masangsang na amoy hanggang siya'y makatulog..
--
Hinabol ni Kyle si Elisa..
"Elisa wait!" Tawag niya dito.. Ngunit hindi siya nilingunan ng babae.. Mabilis na naglakad si Kyle upang mahabol niya ito..
"I said wait! Ano ba!" Sabi niya rito nang mahila niya ang kamay ng dalaga.
"Ano ba? Umiiwas na ako sa gulo, Mr. Villafuente. Lalo pa't praning ang fiancè mo! Parang asong nakawala sa hawla niya!" Inis na sabi ni Elisa.
"I'm sorry okay? And hindi ko siya fiancè. She self-proclaimed it, but hindi yun totoo." Malambing na sabi ni Kyle..
"Pero kahit na, kailangan mong pagsabihan si Ally, or else, I'll be backing out from investing in your compang, Mr. Villafuente.. I'm serious.." Seryosong sabi ni Elisa. Ngumiti si Kyle at tumango..
"You don't have to worry. I will settle things from now on.." Nakangiting sabi niya sa dalaga saka ito niyakap.
Ngunit lingid sa kaalaman ng dalawa, ay palihim na kinunan sila ng litrato ng isang estranghero. Pagkatapos ay agad itong umalis sa kumpanya at naglaho na parang isang bula..