Bangkay
"Mabuti at ayos na ang kalagayan mo, Wyn", sabi niya saka niyakap ako. Lumapit ang isang batang babae na may hawak na lollipop sa kanyang kamay. Inalok niya ko ngunit tumanggi ako.
"Tutulungan ko lamang si Nanay sa pagbibigay ng sopas sa mga nakikiramay", paalam ng batang babae. Pinagmasdan ko siya habang nagsasandok sa malaking talyasi sa may kusina. Giliw siya sa pagtulong sa mga taong nandon. Nangingibabaw ang ngiti niya sa labi.
"Tara mga pinsan", sumunod kami ni Piper sa kanya at amoy ko kung gaano kasangsang ang amoy habang palapit kami sa loob mismo ng bahay nila.
May mangilan-ngilang nagbubulungan ngunit hindi malinaw sa pandinig ko kung anong pinag uusapan nila. Humawi ang iilan na malapit sa kabaong kung saan kami papalapit. Nang makahanap sila ng pwesto ay naupo sila.
"Fck! Grabe! I don't wanna see this anymore", rinig kong bulong ni Piper sa tabi ko.Nilingon ko ang driver namin sa labas na abalang nagsisigarilyo. Siguro mamaya ay papasok na rin siya sa loob para kasing nagdilim ang langit na tanaw ko sa bintana.
"Wyn, you better brace yourself or mas mabuting wag mo na lang tignan", aniya saka naghanap ng bakanteng upuan. Nagtakip siya ng ilong gamit ang dala niyang panyo.
Unti-unti kong nilingon ang bangkay na nasa kabaong. Napaatras ako ng kaunti dahil sa itsura nito. Ang kalhati ng mukha niya ay sunog at luwa ang parehas na mata. Tila nakatingin sa akin ang mga matang iyon at may kaunting luhang tumulo. Ang dila niya ay nakalabas na tila hinigit ng pwersahan. Mas lalo pang binalot ng kilabot ang katawan ko dahil twisted ang isa niyang kamay. Tinitigan kong mabuti iyon dahil tila bang gumalaw ang ilang daliri niya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga paa na tila binalatan dahil halos kita na ang laman nito.
Sa kadahilanang ganyan ang itsura niya ay hindi ko siya lalong maalala. Tinitigan ko ang picture frame na nasa ibabaw ng salamin ng kabaong ito. Sumakit ang ulo ko kaya't minabuting hindi ko na lang pilitin ang sarili ko na maalala siya.
Tinignan kong muli ang bangkay ng babae ngunit laking gulat ko ng walang laman ang kabaong.
May humawak ng unti-unti sa mga paa ko. Malamig ang mga kamay nito. Napalunok ako habang dahan-dahang tumingin sa paanan ko. Hindi ako matatakutin pero ang makita ko siyang hawakan ako ay kinikilabutan ako.
"Aatakihin yata ako sa puso", sabi ko sa batang naglalaro at kinuha ang nalaglag niyang barbie doll. Para bang nakahinga ako ng maluwag dahil sa nakita kong batang babae ang nandon at hindi ang bangkay.
Binuhat ko naman siya at agad na may lumapit sa akin. "Pasensya na po. Malikot kasi ang batang ito", kinuha niya naman ang bata sa akin.
Tinignan kong muli ang kabaong, baka nag ha-hallucinate lang ako sa nakita ko. Tama nga ako. Nandun pa rin ang bangkay.
Gumawi ang atensyon ko kung saan ko huling nakita si Piper pero wala siya kaya lumabas ako. Tanaw ko siyang kausap ang driver namin. Parehas silang nakasandal sa sasakyan at pinagmamasdan ang langit.
"Manong Ben, mas mabuting pumunta ka na doon sa loob at kausapin si Tita Ai", rinig kong sabi ni Piper kaya tumango naman ang matandang lalaki sa kanya.
"Huwag kayong gagaya sa amin ni Wyn kung ayaw niyong hindi makatulog mamayang gabi", alam ko ang tinukoy niya. Malamang natakot si Piper dahil sa nakita niya. Sinong babae ang hindi matatakot sa ganong klaseng bangkay?
Kahit lalaki ako ay tumaas ang balahibo ko.
"Ilagay ko na lang itong mga gamit niyo sa loob", paalam ni Mang Ben. Gusto ko sana siyang tulungan pero hinawakan ako ni Piper sa kamay ko. Marahil gusto niyang mag usap ng kaming dalawa lang.
Napaisip ako. Saan kaya kami tutulog?
Tinitigan kong maigi ang bahay na yari sa pawid masyado itong maliit kung makikisiksik pa kami. Lumapit naman ang isa sa mga babaeng kumausap sa amin. May hawak siyang tray ng sopas. Inalok niya sa amin iyon ngunit tumanggi si Piper maging ako rin.
Parang nawalan ako ng ganang kumain dahil sa nakita ko.
"Mamaya na lang po. Nagmeryenda naman po kami sa bahay", pagsisinungaling niya.