Chereads / Gangster Jann (Cali White Gang) / Chapter 7 - Chapter 7 Family Night

Chapter 7 - Chapter 7 Family Night

Jann's P.O.V

Nagmamaneho ako pauwi ng bahay. Yes, sa bahay ng mga magulang ko. Nangako na kasi ako na uuwi ngayon.

I enter the gate of an exclusive subdivision, this is where we live, Ambrose Executive Subdivision.

Meron din kaming hacienda sa province ng DavSur, which is in Davao City. Malawak din ang lupain ng mga magulang ko dun. Doon din kami nagpa-Pasko tuwing holidays before nung time na umalis ako papuntang Amerika, may kamag-anak parin naman kasi kami dun sa province through the cousins of my beloved parents. Actually sa Davao City nagkakilala ang mga magulang ko, ayon nga sa kwento nila. Tapos pag New Year naman nasa ibang bansa kami, mostly sa South Korea.

Kung hindi nyo napapansin Han ang last name namin, it means we have a blood of Koreans. Si Papa half korean, half Filipino, si Mama naman may dugong Japanese-Spanish-Filipino. One fourth Japanese, one fourth Spanish at half Filipino. Oh diba kami na ang pamilya ng melting pot. Halo-halo ang lahi. Kayo na ang bahalang mag analyze kung gaano nalang kakonti ang pagiging Filipino namin ng kuya ko.

Collin and I applied for visas and have a multiple citizenships, Japan, US, South Korea, Spain. Kaya lahat kami ay mga nationals sa mga bansang iyon. Madali lang para sa magulang ko na makakuha ng approvals dahil sa malaki ang influenced ng mga magulang namin sa mga bansang iyon. All because of our businesses, not just here in the Philippines but also in other countries. Although ilang negosyo lang ang minamarket sa international, like hotels, restaurants, and real estate.

Yaman namin di ba?!

Ay mali, ng parents ko pala. Tsk.

Mama and Papa are both only child from both sides of my grandparents. I don't even know why? Hindi ko kasi maisip kung magiging masaya ka ba na only child ka lang kasi lahat ng gugustuhin mo sayo lang at walang kaagaw, o malulungkot kasi wala kang kalaro.

Palapit na nang palapit ako sa tapat ng bahay namin. Halos nasa pinakadulo na ng subdivision nakatayo ang bahay namin. Ewan ko ba sa mga magulang ko. Ang layo eh. Tsk.

I pull over the car.

May two guards sa labas ng gate, nakaupo. Ang totoo pinatayuan ng maliit na silong or guard house ang mga guards kasi kahit paano marunong naman magmalasakit tong mga magulang ko. And they really need that shelter specially when it rains.

"Miss Janet Han?" Tanong nung medyo maliit na guard pero malaki naman ang pangangatawan. Yung isa kasi matangkad at malaki din ang pangangatawan.

"Yes I am." Maikling sagot ko.

"Good evening po." Sabi nung matangkad.

"Good evening, what are your names?! Agad na tanong ko.

"Ako po si Jack." Pakilala nung hindi katangkaran.

"Jack who?!" Ayaw pa kasi sabihin ang last name tsss..

"Jack Madrigal po. Sorry po Miss Janet." Habang nakatingin sa baba ang paningin nya.

"At ikaw?" Tanong ko dun sa matangkad.

"Philip Andres po Miss Janet." Pakilala nya.

"Magbantay kayo ng maayos dito ha?!" Utos ko sa kanila.

"Opo Miss." Sabay sagot ng dalawa at tumango pa.

"I' m sure my parents are here. Kanina pa ba sila nandito?! O umalis ba sila kanina? And Collin, is he here?

"Yes Miss, hindi po umalis ang parents nyo ngayong araw na to. Si Master Collin po, kakarating lang mga 10 minutes ago bago kayo dumating." Paliwanag ni Philip.

"Ah okay, thanks. Park my car." I gave my keys to Jack.

Ang totoo, marami pang property ang parents ko, dalawa dito sa Manila, dalawa din sa Cebu, at tatlo sa Davao City. Beach resorts sa Samal Island. Itong bahay na pinuntahan ko ay main house, home namin. Tapos may isa pang nasa Makati. Yung sa Cebu, sa Cebu City mismo at sa Lahug. Sa DavaoSur naman dun sa Lanang, sa Bangkal at Ma-a. Ancestral House, Hacienda at Main House namin sa Davao City.

Sa buong Pilipinas kasi may branches kami sa mga negosyo pero madalas nagche-check-in lang ang parents ko sa hotel na pagmamay-ari namin. Ang daldal ko na ata, baka ipakidnap nyo ko, oh I forgot gangster pala ako. Tsss. And I smirked.

At pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Bahay pa ba to?! Eh mukha kasing executive room sa isang 6 star hotel. Tsk. Akalain mo iyon, two storey house lang naman ang "bahay" namin pero ang mga kagamitan na makikita mo ay alam mong expensive. Sorry naman ngayon ko lang nakwento. Walang time nung nakaraan eh, kasi nasa campus ako nun. tsk.

Lahat sa ground floor ang makikita mo lang ay sala, kusina, maid's quarter, comfort room at dining area.

Kung tutuusin normal na bahay lang naman ang itsura ng first floor ng bahay, yung nga lang hanep ang gamit na mkikita mo. Example yung tv, nakadikit sa wall, 64" na ata to eh, ang laki. Para na akong nanonood sa sinehan nito. Haha. Malaki din yung dining table namin 12-seater eh.

Ang totoo wala masyadong nakadisplay na mga maliliit na bagay, maliban nalang sa sofa, center table, indoor plants , chandelier sa dining area, may mini bar sa tabi ng malaking tv, at family picture namin nakadikit sa wall. Mula kay Lolo't lola from both sides, Papa at Mama, Collin and I.. Parang family tree tignan.

Pagpasok mo sa kusina, kumpleto din ang mga gamit, mula fridge, microwave oven, oven toaster, gas range, lalagyan ng mga plato, kutsara at tinidor, juicer, rice cooker, lalagyan ng mga kaldero, hanggang blender. May kabinet din naman dito para sa ibang bagay pa. Oh di ba sabi ko sa inyo kompleto ang kusina.

Hanep talaga tong bahay namin, hindi ko maisip paano nag kasya ang mga gamit dito. Sabagay malawak ang lupain na to, 2,500 hectares na ata to eh, may basement pa nga eh para sa mga sasakyan. Tapos kapag may gaganapin na party, ang alam ko dito talaga palagi ang venue dahil malawak ang area. Bale pagpasok mo ng bahay unang bubungad sayo ay ang malaking sala, bawat area ay may division sa pamamagitan ng walls pero ang division ng sala sa kusina at dining area ay hindi lang walls kundi may sliding door. Ang kabuuan ng sala ay katumbas ng kusina at dining area. Ang kusina nasa kaliwang bahagi, at ang dining area ay kanang bahagi. Sa labas, gilid na bahagi ng kusina ay dun mo makikita ang maid's quarter malaki din ito, pero hindi naman talaga sya nakadikit sa kusina, kasi tatlo ang kasambahay namin. Yung nakadikit sa kusina yun ang comfort room. Tapos sa gilid din na bahagi sa labas ng sala area may daanan or pintuan papuntang basement. Oh di ba ang lawak ng lupain na to?!

Ang totoo ilang beses na ata narenovate ang bahay nato eh. Pabago-bago kasi ang interior design nito mula sa kulay ng kurtina hanggang sa ibang style ng sofa, pillows at kulay ng pintura ng bahay halos yearly ata binabago ito, just to match the modern style. Kapag nagrerenovate sa hotel sila tumutuloy.

Pagdating mo naman sa second floor, sympre may hagdan sa left side na bahagi ng sala ito nakalagay kung saan din makikita yung pintuan papuntang basement. Pero hindi sya yung tipong grand staircase katulad ng ibang mayayaman na nasa gitna ang hagdan ng bahay.

Dito mo makikita ang family room, library/office ni Papa, isang CR, at anim na bedrooms. Isang master's bedroom, kwarto ko, kwarto ni Collin at tatlong guest rooms. Bale ganito yun, pag-akyat mo makikita mo ang mahabang pasilyo, sa dulo nun may isa pang hagdan pataas, sa left side ay puro bintana lang, lahat ng kwarto ay nasa right side dahil dito hindi mo makikita ang first floor. Bale, may tatlong row ito at maikling pasilyo.

Unang row ay ang tatlong guest rooms, ikalawang row naman ay kwarto ni Collin, kwarto ko, at ang master's bedrooms. Sa huli ay yung family room, gitna ang CR at ang huli ay ang library or office ni Papa. Pero lahat ng kwarto dito sa second floor ay may sariling comfort room naman din. Pero pinalagyan parin ng Mama ko in case na hindi available ang ibang CR.

Aish. Nakapagod palang i-tour kayo sa bahay namin. Iyong panghuli ung rooftop deck na may swimming pool. Oh di ba, astig?! Nasa taas ang swimming pool, yung may hagdan sa dulo ng pasilyo sa second floor dun ang daan paakyat sa rooftop.

Sa rooftop, may swimming pool at isa din syang deck. Sympre pwede kami mag barbeque party sa taas, may upuan, may sofa, tv, at kung ano ano pa ang pwede dun. Sinigurado ni Papa sa architect na matibay talaga ang bahay para hindi magcollapse ang swimming pool.

"Mama, Papa?! I'm home!!! Pababa na ako mula sa rooftop deck, malamang nasa kwarto si Mama at si Papa naman baka nasa library. Kaya sa master's bedroom na ako dumeretso.

I knocked twice, "Mama...!?" Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Mama kalalabas lang ng banyo at katatapos lang yata maligo.

Pov

"Heavenly." Masayang bati ng Mama ni Janet, kalalabas lamang nito sa banyo. Nakasuot sya ng roba, marahil katatapos lamang nito maligo dahil sa basang buhok. Naglakad palapit sa anak para akapin. Na-miss nya ang anak nya ng sobra-sobra dahil halos hindi man lang nya nakitang lumaki ito at nag-dalaga. Isang linggo palang ang nakakaraan mula nung pinauwi nila ito galing Amerika.

Naging seryoso ang mukha ni Jann, alam ng ginang na hindi nya gusto na tinatawag syang Heavenly pero binalewala lang ito ng ginang.

Nang makarating si Jann sa bahay nila hindi pa ito nagpapalit ng damit pambahay dahil dumeretso agad sya sa kwarto ng magulang para makita agad ang mga ito.

Nakaupo sila ngayon sa edge ng king-sized bed.

"Kumusta ang pag-aaral mo anak?!" Agad na tanong ng Mama ni Jann.

"Naninibago parin ako , Ma. Ibang-iba magturo ang teacher dun kesa dito. Bakit kasi kelangan ko pang ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito?!" Tanong ni Janet sa kanyang Mama.

"Bakit anak hindi mo ba gustong makasama kami?" Malungkot na tanong ng Mama nya.

"Ma, it's not about that. Its just that nasanay na ako dun, hindi madali ang mag-adjust." Maikling paliwanag ni Janet.

"O siya, siya ikaw talaga. Konting adjust lang yan anak. Pasasaan ba eh you'll get used to that." Pakatapos ngumiti.

"Yeah right. Si Papa? What about Collin?" Tanong nya sa Ginang.

"Asuss.. Nasa office sila may pinag-uusapan lang tungkol sa negosyo. Alam mo naman ang Papa mo, inuumpisahan na nyang tinuturan ang kuya mo para may kaagapay na sya sa pagmamanage ng mga negosyo natin."

"Kawawang Collin.."

"Shhh, tumigil ka nga dyan anak. Hehehe.." Tawang saway ng ginang sa anak nya. Yung Mama nya kahit respetadong tao sa lipunan ay marunong ding tumawa at magbiro.

Tumayo na ang dalaga para magpaalam at alam nya magbibihis pa ang Mama nya.

"Magpapalit lang po ako ng damit pero dadaanan ko muna sila Papa at Collin. See you later Ma."

Lumabas na sya ng master's bedroom at naglakad papuntang library/office, sa pinakadulong pasilyo ng ikalawang palapag ng bahay. Nakasarado ang pintuan kaya kumatok sya.

"Come in." Sabi nung tao sa loob ng library.

"Heavenly.." Sabay tawag sa kanyang ikalawang pangalan ng Kuya at Papa nya.

Tsk mahinang tugon ni Jann, pa'no ang mga tao sa bahay puro nalang Heavenly ang tawag sa kanya, minsan naman princess. Rolling her eyes towards the two man in front of her. And walks through them.

"Pa! Collin!" Yan nalang ang nasabi nya sabay yakap sa Papa nya at tumingin ng matalim kay Collin. Ganyan ang batian ng magkapatid na Han tinginan ng matalim.

"Kumusta anak?!" Tanong ng Papa nya.

"I 'm good Pa. Ikaw Pa? Talking about business with Collin?" Balik na tanong ni Jann.

"Yes anak.." May kumatok ng mahina sa labas ng library. "Come in." Sabi ng Papa ni Jann.

Hindi kasi magatatagal si Collin din ang magmamanage ng buong kompanya.

Bumukas ang pintuan at nagsalita ang pumasok.

"Dinner's ready." Tugon ng Mama ni Jann. "Tara na, dun na natin ipagpatuloy ang kwentuhan habang mainit pa ang pagkain. Eliseo Pangga dali na." (Eliseo Mahal halika na). Tawag ng Ginang sa kanyang bana. Tumango at tumayo na ang tatlo, sabay-sabay na silang pumanaog sa hagdan at tumungo na ng dining area.

At dining area.

Maganang kumain ang pamilyang Han, sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa na puro paboritong putahe ang nakahanda sino ba naman ang hindi ganadong kumain?

May grilled chicken breast salad with mixed melon salsa, fried lumpia, twice-cooked pork spare ribs are the main course not to forget the desserts margherita pizza, buko salad, frozen chocolate cookie cake. Kahit may mga kasambahay sila yung Mama parin ni Jann ang madalas magluto dahil hinahanap-hanap nila ang lasa ng luto nito.

"Wow! Mukhang mapapalaban ako ng kain nito ah.." Bulalas ni Collin.

"Hey Collin hinaan mo nga yang boses mo!" Bulyaw ni Jann.

"Tss.. Gutom na ako eh!"

"Idi kumain ka na lang kesa magsisigaw ka dyan." Inis na tugon ni Jann..

Hindi parin talaga mawala wala ang pagiging gangster ng dalaga. Maangas at maotoridad parin ang boses nito.

"O tama na yang asaran nyong dalawa ah." Sabi ng Papa nila. "Kumain na tayo."

"Oh Pangga kain na tayo. Kayong dalawa magsi-upo na kayo." Mama ni Jann.

30 Minutes later.

"Thanks sa luto mo, Ma. Busog na busog ako." Tugon ni Jann.

"At mukhang tataba ka na baby.." Sabay tawa ng malakas ni Collin na pang asar ang tono ng tawa.

"Shut up Collin! Aish!" Iritang sigaw nya sa kapatid. "Ma, Pa, I need to go up now. I need a rest. Good night. See you tomorrow." Sabay pumanhik sa hagdan para makapagpahinga na sa kwarto na sobrang miss nyang higaan.

"Ah cgue anak. Good night." Tugon ng Mama nya.

Tumango lang ang kanyang Papa.

At may pahabol na salita si Collin. "Good night baby ko." Pero hindi na nya pinansin nagtuloy tuloy lang sya sa paglalakad papunta sa kwarto nya.

Pagpasok nya sa loob ng kwarto nanatiling nakatayo lamang sya at pinalibot muna nya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Pinagmasdang mabuti, malaki na ang pinabago ng kwarto nya. Binago na ang disenyo nito hindi tulad noon na pambata ang itsura, kulay pink ang pintura ng wall at disney princesses ang murals. Pero ngayon plain color purple na lamang ang pintura ng wall nito. Isa lang ang hindi nya pinabago ang kulay itim na ceiling at maraming glow in the dark na ang mga hugis ay bituin, isang buwan at isang shooting star.

Naglakad sya papasok ng kwarto binuksan ang lamp shade sa gilid na bahagi ng kanyang higaan ito ay nakapatong sa isang side table at naupo sa kama, tumingala sa may bintana at nakita ang mangilan ngilan na bituin sa langit.

Pagkatapos tumayo ulit at pumunta sa may malaking aparador at kumuha ng tuwalya.

"Maliligo muna ako para presko." Usal nya sa sarili. Bago sya pumasok sa banyo nilock muna nya ang pinto ng kwarto pagkatapos ay pumasok na agad ng banyo at naligo.

Lumipas ang tatlumpung minuto lumabas din sya ng banyo, nakasuot ng roba at may tuwalya sa ulo. Naglakad papuntang vanity table para kuhain ang suklay.

Ang kanyang kama ay nasa pinakagilid, malapit sa bintana ng kwarto. Sa may pintuan naman nakalagay ang vanity table. Bale kapag nakaharap ka sa loob ng kwarto nasa dulong bahagi ng kwarto ang higaan kung saan may tatlong bintana na sliding, tapos sa left side naman katabi ng pintuan ay ang vanity table, tapos sa paanan ng kama ay ang kanyang wardrobe, at sa kanang bahagi naman ay ang banyo nya.

Pagkatapos nyang magsuklay sa harap ng vanity table ay sinarado nya ang kurtina ng kanyang bintana na may kulay na puti.

Sumampa sa higaan tinanggal ang roba, ngayon ay nakasout na lamang sya ng maikling shorts na may kulay na asul at isang sando na kulay itim.

"Ahh finally! My bed. I miss you my room." Ang nabitawang salita sa kawalan.

Ang kanyang higaan ay isang queen-sized bed na may bed sheet na kulay purple at blanket na makapal kulay blue. Kinuha ang remote at pinaandar ang aircon na nasa taas ng side table.

Humiga sya ng maayos at tinakpan ang sarili ng kumot at pumikit.

To be continued..