Jann's Pov
Its Monday. Thank you God.
I woke up at 5:30 in the morning. Lumabas ako ng kwarto dumiretso sa deck, yung deck na may rooftop swimming pool pero hindi iyon ang pinunta ko dito kundi ang treadmill, I still need to condition my body even if madami akong iniisip, an exercise will do, maaga pa naman eh kahit 15 minutes lang pwede na. Last time I saw the treadmill it was in the deck so I'm pretty sure andito yun.
"Ahhhhhhh.." I bend my hands straight up, clasping together and yawned. Sasakay na sana ako sa treadmill.
"Heavenly baby.." Bulalas ni Collin sa akin.
"Fuck Collin!" Aish.. "Ginulat mo ako.."
"Hehe, sorry baby."
"What are you doin' here?! May sasabihin ka ba?" Inis na tanong ko sa kanya.
"X asked for your number, is it okay na binigay ko?"
"Yeah. Geh alis na." Pagpapalayas ko sa kanya.
"Okay." Tumalikod na sya at kumaway.
Okay ba daw? Eh hindi nga nagpaalam muna bago ibinigay. Paano pa ako makakatanggi kung binigay na. Tss hanep! Nasa huli na ang lahat bago nagpaalam.. At yang Trigger na yan sa kanya pa talaga hiningi, eh ako ang may ari ng digits na yun. Tsk.
After 20 minutes.
Pagkatapos ko mag-exercise dumiretso na ako sa baba para kumain muna ng breakfast at magpahinga. Tinawag na nila ako kanina through intercom para kumain. Ayos pala kahit paano tong intercom, useful. Makabili nga minsan para i-install sa Secret House No More ko.
Sabay-sabay na kaming lahat ngayon kumain ng breakfast. Ito naman kasi ang gusto talaga ni Mama lalo na nandito na ako. Para daw marasanan ko naman daw kumain na may kasabay. Well may kasabay naman ako kumain palagi sila Alex and Cali White, hindi nga lang nila alam. And take note ako taga-luto nila tapos sila ang taga-kain. Aish.
"Heavenly.." si Mama.
"Yes Ma?"
"Ganito ka ba sa Amerika anak? Gumigising ng maaga tapos nageexercise? Jogging, biking?" Bakit naman nya natanong? Napatingin lang sila Papa At Collin. Naghihintay sa sasabihin ko.
"Yes Ma. Habit ko na po sya."
"Wow, great! Continue living like that anak. Masaya ako na ganyan ang pinagkakaabalahan mo. Healthy living." Ngumiti lang ako kay Mama.
Maya-maya natapos na akong kumain. Nagpaalam na sa kanila para makaligo na ako at maghanda pagpasok sa school.
Pumanhik na ako sa hagdan at nagtuloy-tuloy na sa kwarto. Nilock ko ang pinto ng aking kwarto. At mabilis na naligo.
I took off my clothes and look at myself in the mirror. Hindi ko maiwasan hindi haplusin ang aking tattoo.
Lahat naman kami sa Cali White ay may tattoo na ganito, pero ang pinagkaiba lang namin lahat ay ang numero sa pinky finger namin, sa akin kasi ay Uno ang nakalagay, may Dos, Tres, Quatro hanggang Diyes. Kada miyembro ng Cali White ay may kanya-kanyang role kung kaya naka-rank kami mula Uno hanggang Diyes.
Lahat sila ay malapit sa akin, lahat sila ay mas matanda sa akin ng ilang taon. Ewan ko ba sa kanila bakit ako pa ang ginawang lider eh ako naman ang pinakabata sa amin. Tapos si Alex Shadowfield sya ang best buddy ko, at sa kanya ako mas malapit. Naaalala ko yung mga buwis buhay na missions namin. Kami kasi ang palaging partner-in-crime. Tapos ngayon nanganganib ang grupo ko dahil sa Shutter Gang. I clenched my fist because of anger I saw my reflection in the mirror kung gaano ako kagalit, magkasalubong ang dalawang kilay tapos naka-kunot ang noo. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.
Pumasok na ako sa shower room.
Pagkatapos maligo.
"Ma, si Collin?"
"Nauna na anak. Aalis ka na ba? Mag-iingat ka." Sabay yakap sa akin ni Mama.
"I will Ma. I have to go."
Mabilis ako nagmaneho papuntang Elite Haven. Naisip ko na magmeeting kami nina Trigger, Collin at Ross sa Secret House ko. Maybe I should give them access temporarily sa bahay, hindi ko pa sila nailibot ng husto sa bahay. Kailangan nila paghandaan ang meeting sa Friday. Sa loob ng tatlong araw ay dapat matuto sila humawak ng baril at balisong.
I dialled Collin's Digits.
Ringing..
Ringing..
Ringing..
"Baby, napatawag ka?" Tanong ni Collin sa akin sa phone. "Saglit lang, kasusap ko si baby ko." Narinig kong sambit ni Collin sa kabilang linya. "Pasensya ka na baby, busy ako eh..
Ano papupuntahin ko si baby dito? Sigurado ka X? O sige..
Ah baby nagmemeeting kasi kami ngayon. Nasa headquarters kami. Nakikita mo ba yung malaking room katabi ng gym na may nakalagay sa pintuan na "off limits?"" Hmm nakita ko nga yun..
"Oo Collin I saw that room, why?"
"Puntahan mo kami, yan ang headquarters namin baby. Cgue na, hihintayin ka na lang namin dito ha?!"
"Okay." Binaba ko na ang mobile phone ko. Pagkatapos ko nagpark. Dumeritso na agad ako sa may gym. As usual, people staring at me. Psh. As I read "off limits" kumatok ako. Bumukas ang pinto si Collin ang nagbukas.
"Good morning baby, pasok ka. May sasabihin kami sayo." Ang siyang kinunot ng noo ko. Ano naman kaya ang sasabihin nila? Nung pumasok ako, nakita ko na ang dami palang tao dito sa loob, napakalaki pala ng room na to. At bakit maraming tao, I mean mga estudyante sila.
"Bakit maraming tao? Anong meron?" Tanong ko kay Collin.
"Maupo ka lang muna. Maya-maya aalis din yan sila. At saka ko na sasabihin sayo kapag nakaalis ns sila.
"Meeting adjourned." Narinig kong sambit ni Trigger sa mga nandito. Pagkatapos umalis na sya sa harapan nilang lahat at tumayo na din ang mga estudyante, isa-isa na umalis.
"Hi Jann, musta?" Si Ross. Nakangiting bumati sa akin.
"I'm good." My response to Ross.
"Tara maupo tayo sa sofa." Anyaya ni Collin.
"Ano bang meron at pinapunta nyo ko dito? Late na tayo sa mga klase natin." Nagtatakang tanong ko.
"Baby, skipped class muna kami ngayon. Madaming kailangan asikasuhin eh." Si Collin.
"About what?!" Tanong ko kay Collin.
"About sa mangyayari sa Friday." Si Trigger ang sumagot sa tanong ko. "That's the reason why you are here. Kailangan namin ang tulong mo Janet."
"What help Trigger?" Baling ko kay Trigger.
"Yung mga estudyante na nandito kanina, dalampu sila lahat. Lahat sila ay kabilang sa TBH." Tugon ni Trigger.
"Isasali mo sila sa Friday? Why?"
"Oo. Sumang-ayon naman sila lahat. Wala naman akong binaggit tungkol sayo, o tungkol sa SGS ang sinabi ko lang ay maghanda sila dahil may threat ang school, sila ang pababantayin ko sa school habang nasa meeting tayong lahat sa Friday."
"Dahil posibleng idamay ng SGS ang school natin kapag nagkagulo." Si Ross.
"Sang-ayon ako sa ginawa nyo. Kung nagawa na nilang nanggulo dati para makuha ang atensyon nyo, malaki ang posibilidad na mauulit yun. Then I need to skipped class too. Kelangan natin pumunta sa Secret house ko ngayon."
"As in now baby?" Gulat na tanong ni Collin.
"Why?" Si Trigger.
"May kailangan akong ipakita, itatanong, at ituturo sa inyo. Ahmm.. Marunong ba kayo humawak ng baril o may alam ba kayo ng martial arts?"
"Self-defense lang ang alam namin." Si Trigger.
"At hindi kami marunong gumamit ng baril." Tugon ni Ross.
"Then you need to learn right now."
"Ano?" Si Collin.
"Aish, bingi. Sabi ko kailangan nyo matuto gumamit ng baril. Ano gusto nyo ba o hindi? Madali lang naman akong kausap eh. Alis na ako." Sabay talikod sa kanila. Palabas na ako ng room.
"Sandali." Boses ni Trigger. "Sasama kami."
"Sasakyan mo pa rin ba baby ang gagamitin?" Si Collin.
"Yes, isa lang ang pwedeng gamitin. Kailangan maging maingat tayo. Baka masundan pa tayo. Sasakyan ko ang gagamitin natin, siguro naman hindi nila ako kilala di ba?! Pero yang mga sasakyan nyo malamang kilala nila. At kung may sumugod man sa atin ngayon dito, bullet proof ang Porshe ko. Tara."
"Ang talino talaga. No wonder ikaw ang lider ng gang. Ano nga ang pangalan nun?" Kahit kelan madaldal talaga tong si Ross. Naglalakad na kami papuntang parking area.
"Tsk. Shut up Ross. Baka ay makarinig sa mga sinasabi mo. Lahat ba ng mobile phone nyo may tracking ID na? I need all of you to connect that on my mobile phone. Para kung isa man sa inyo ay manganib madali lang natin matrace ang location."
"Hindi pa. Sa akin palang baby ang meron at konektado sa yo." Si Collin.
"Ross, Trigger mag-install na kayo. Tapos i-set nyo ang digits ko sa speed dial number 1." Tugon ko sa kanila.
"Sige pagkarating natin sa Secret House." Si Trigger.
"Ano ba ang ipapakita mo sa amin Jann?" Si Ross.
"You will know and see it Ross when we get there." Sumakay na kami sa black Porshe ko. At umalis na sa campus.
My mobile phone vibrates.
Si Alex. Kinuha ko ang earphone ko tapos nilagay ko sa tenga ko. Swiped the screen and answer the call.
Phone conversation namin ni Alex.
"Alex. What it is?" Napalingon naman ang tatlong kasama ko sa akin dahil medyo napalakas ang boses ko.
"Queen, bad news. Pinagkakalat ng Shutter Gang na umalis ka na raw sa gang world. Ang sino daw makakita sayo ay bibigyan ng pabuya. May patong ang ulo mo. Nanganganib ka Queen. Gusto talaga ng Shutter Gang na mawala ka na sa landas nila. Queen delikado kung.."
"Fuck Alex! I don't wanna hear it. Do you think I'm scared of them? I can kill them all. Damned! And may I remind you that, ni isa sa kanila ay hindi pa nakikita ang buo kong mukha. How will they kill me if they don't even see my face?! That's ridiculous!"
"I know that. Pero wag mong pairalin ang galit at wag kang padalos-dalos magdesisyon. Hear me out please Queen." Nakikiusap na tinig ni Alex.
"Alex, babalik at babalik ako dyan! This is more and more becoming complicated. Kailangan na namin magharap-harap para matapos na ang sigalot na ito. Hindi titigil yan hangga't walang natatalo sa amin. Kung hindi ko lang kailangan na umalis dyan at tumira dito wala sanang problema hindi maglalakas loob ang gunggong na yan na kalabanin ako. Tangina nya." Galit na galit na sabi ko. Gigil na gigil akong napahawak ng mahigpit sa manibela. Alam kong naguguluhan na tong mga kasama ko kaya nagpaalam nalang ako kay Alex.
"We'll talk again later. Bye. Ingat."
"Mag iingat ka rin palagi Queen." Binaba ko na ang tawag.
"Stop staring at me like that!" Sabay lingon sa kanila.
"Okay." Sagot nilang tatlo.
"Anong kill yong naririnig ko.." Mahinang tanong ni Collin. Alam ko nag-aaala ka sa narinig mo pero problema ko to, wala kang kinalaman dito.
"I said, shut up!" Sigaw ko sa kanya.
Idi tinikom na nila ang kanilang mga bibig. And no one dare to speak up. Tahimik akong nagmamaneho.
After 40 minutes.
"We're here." I declared. Bumaba na silang tatlo hinintay ako na buksan ang gate. Then I put my left hand on the detector. It opens. Nauna na silang tatlo sa loob ipapasok ko pa sa garahe ang Porshe ko.
Binuksan ko na rin ang main door ng bahay. "Maupo muna kayo dyan. May gagawin lang ako sa underground. Babalik agad ako. Mabilis lang to. Manood muna kayo sa tv. Tapos may ipapakita ako sa inyo." Mahabang tugon ko.
"Ok." Sabay sabi nila. Nag thumbs up lang si Trigger pero hindi inalis ang paningin sa akin habang papasok na ako sa kwarto ko.
I decided to give them access in my house, except dito sa kwarto ko. Dahil konektado ang finger print detector ko sa desktop ko dahil nakaprogram na to sa desktop na to pwede ko dagdagan ang slot kung saan magdetect ng multiple hand print ang detector, dinagdagan ko ng tatlong slot na pwedeng mag access ng bahay. At matapos ko ma restart ang desktop ko lumabas na ako ng underground at pinuntahan na sila sa sala.
"TBH.. sumunod kayo sa akin sa underground. I have something to tell you." Tumayo na si Ross at Trigger at sumunod na sa akin pababa tapos si Collin naman ay kinuha ang remote control para patayin ang tv. Nakababa na kaming lahat.
"Tungkol saan ba yun Jann?!" Si Ross.
"Ok here it is, I decided to give you access in my house.." Putol ko na sabi dahil Trigger enterrupted me.
"Teka, bakit mo ba kami bibigyan ng access dito?!" Si Trigger.
"Aish. Quiet first. Mamaya na kayo magtanong after I tell you everything. Ganito kasi bibigyan ko kayo ng access dito dahil may isang bagay kayong dapat matutunan, I mean ituturo ko sa inyo. Eh syempre paano kung busy ako, so paano kayo makakapasok kung wala kayong access di ba?? Nakita nyo naman na kelangan ng hand print ang main gate at main door. Ahm, ilagay mo dito ang left hand nyo.." Hinila ko ang kamay ni Trigger. "I-scan nya ang hand print nyo at isasave nya sa program ng detector. Ross ikaw sunod. Collin next.
"Great! Natapos na nyang isave ang handprint nyo. Tara, akyat." Lumabas kami ng bahay, sinarado ang main door. "Sino gusto unang sumubok? Tignan natin kung babasahin ba ng detector ang handprint nyo." Sinimulan ni Collin. Nilagay nya ang kanyang kamay sa detector. At bumukas ang pinto. Sinubukan namin ulit this time si Ross naman. Bumukas ang pinto. At ang panghuli si Trigger. Bumukas ulit ang pinto. "Great! Tara." Ngiting sabi ko sa kanila.
"Para saan ba kasi ang access na yun baby?" Si Collin. Kanina pa yan nagtataka, alam ko.
"You will know, dun tayo sa likod ng bahay ko. Alam nyo hindi basta-basta ang kalaban. Kelangan nyo ng proteksyon. Defense and offense. Kaya dapat kailangan nyo matuto gumamit ng baril." Habang naglalakad ng walang lingon-lingon sa kanila.
"Baril?" Sabay sigaw ng tatlo.
"Fuck! Mukha ba akong bingi?! Kailangan sumigaw???" Angal ko sa kanila.
"Bakit pa? Wala naman kaming baril ah" Si Ross. Maingay talaga to eh. "At hindi kami marunong gumamit ng baril."
"That's the reason why you all here. I will teach you how to handle a gun. Don't worry, I can give you guns too. O eto na yung gun shooting range. Exciting to." Lingon ko sa kanila.
"Sigurado ka ba dito Janet?!" Si Trigger.
"Nag-aalangan ka ba?! Balik tanong ko sa kanya.
"Eh kasi.." Si Trigger ulit.
"Tss nonesense Trigger, you all need to know how to fire a gun, dahil kung hindi kayo ang mamamatay. Kuha nyo?" Galit na sabi ko sa kanila. "Ang kalaban hindi takot pumatay para lang sa ambisyon nila. Tapos ayaw nyo matuto? Tsk. Bahala kayo." Sandaling katahimikan.
"I'm sorry, alam naming gusto mo lang kami tulungan at turuan. Pumapayag na ako matuto. I'm really sorry Janet." Pagpaumanhin ni Trigger.
Tumango lang ako. Nagsimula na kami. "Una tuturuan ko muna kayo tungkol sa baril." Matapos ko i-explain tungkol sa pagkasa, pag-assemble etc. Pinahawak ko na sa kanila ang handgun. "This is a GP35 common ito na handgun. Ilagay nyo na ang mga headphone nyo." Matapos nun nilagay ko na rin ang aking headphone para takpan ang aking tenga. Pumuwesto na ko. Itinaas ko ang dalawang kamay ko na hawak ang baril. Nagsimula na akong bumaril, nakalimang putok ako at lahat ay bulls eye. Natulala silang lahat. Tsss. Para yun lang. Tinanggal ko ang aking headphone. "Kapag nasanay na kayo humawak at bumaril magiging asintado din kayo. You only have 3 days to train. Our training starts tomorrow til thursday. Kaya magseryoso kayo. Gusto nyo ba i-try?! Tanong ko sa kanilang tatlo.
"Tsk. Teka pwede huminga muna? Shocked parin ako eh. Bull's eye kasi lahat ng tira mo Janet. Ang galing! Astig!" Manghang-mangha na naman sila.
"Kung marunong kayo maglaro ng dart. Madali nyo lang matutunan, ang pag-achieve sa bull's eye. Kasi para tamaan ang red spot ng dart dapat asintado ka. Ganun din yun sa pagbaril."
"Cgue gusto ko i-try baby." Si Collin.
"Ganito yan Collin.." Pinulot ko ang baril at binigay sa kanya. Tinaas ang dalawang braso. "Dapat yung mga braso mo hindi kailangan straight na straight tapos yung mga mata mo at ang baril magkapantay.. Then ready ka na bumaril." Paliwanag ko kay Collin.
Ganun din ang tinuro ko kina Ross at Trigger.
"Trigger, sa target ka babaril hindi sa akin kanina ka pa nakatitig sa akin. May gusto ka bang sabihin?" Psh. Problema na naman nito?! Si Ross at Collin ayun nanonood ulit ng tv. Kaya eto kaming dalawa nalang ni Trigger ang naiwan. Kanina pa sya nagpapaturo sa akin. Tama naman ang turo ko sa kanya pero ayun ang layo ng mga tinatamaan nya, engot din to eh kanina pa sa akin tumitingin. "Tigilan mo nga kakatingin sa akin! May problema ka ba sa akin ha? Paano tayo matatapos nito kung ganyan ka?" Fuck.
"So-sorry Janet." Napautal si Trigger. Nagising na ata. Psh.
"May sasabihin ka ba? Ano ba yun? Sabihin mo na." Medyo iritang sabi ko kay Trigger.
"Ahh wala. Tara na, bukas nalang ulit ako magtatry bumaril. Ah ano nga pala yung ibang ipapakita mo?" Segway ah.
"Kwarto."
"Ha?" Gulat at napalaki mata sya. Tsss.
"Tsk. Ibig kong sabihin isang kwarto ang ipapakita ko sa inyo. Ha ka dyan!" Singhal ko sa kanya.
Naglalakad na ulit kami papasok ng bahay. Pero may narinig akong may gumalaw sa may damuhan sa labas ng gate. Napatigil ako sa paglalakad. Nabunggo sa likuran ko si Trigger dahil magkasunod lang kami ng lakad, hindi nya ata agad napansin na tumigil ako sa paglalakad.
"Janet, may problema ba?" Takang tanong ni Trigger.
"Shh. Shut up. Hinaan mo ang boses mo. Dito ka lang. Lalabas lang ako." Nakatingin ako sa labas ng gate. Yumuko ako konti at kinuha ang balisong na nakatago sa loob ng maitim na mahabang medyas ko.
Hawak-hawak ko ngayon ang isang balisong na may haba na anim na pulgada. Nilingon ko ulit si Trigger, sumenyas ako na dyan lang sya. Dahan-dahan kong binuksan ang gate, lumabas ako, nakita ko na gumalaw ulit yung damo. Ngunit sa paglapit ko ay isang pusa lang pala, tinaboy ko ito papalayo sa akin. Lumingon-lingon ako kung meron pang-kahina-hinala sa kapaligiran nang matiyak ko na wala naman pumasok na ulit ako sa gate. Naglakad na ako papalapit kay Trigger.
"Ano ba yun Janet? Kinakabahan ako."
"Wala. Pusa lang pala." Tsk.
"Pusa?" Alangang napangiti si Trigger.
"Oo pusa lang, wag kang ngingiti ngiti dyan! Hindi ako paranoid tulad mo. Mabuti na yung cautious tayo sa paligid natin. Matuto kang makiramdam sa paligid mo. Kahit sa konting detalye o kaluskos na maririnig mo ay dapat pansinin mo. Tara sa loob." Tapos binalik ko na ulit ang balisong sa loob ng medyas ko.
"Bakit may balisong ka? At dyan pa nakatago ah???!"
"Paki mo ba ha? Kakailanganin ko yan. Kaya wag kang maingay tungkol dito kundi gigilitan kita sa leeg." Banta ko sa kanya. Tapos tinalikuran ko na sya, pumasok agad ako sa sala.
Trigger's P.O.V
Tumigil sa paglalakad si Janet bumangga tuloy ako sa likuran nya. Pero hindi nalang ako umimik dahil hindi rin naman sya nagreklamo. Lumingon sya sa may gate.
"Janet, may problema ba?" Nagtataka kasi ako kaya napalingon din ako.
"Shh. Shut up. Hinaan mo ang boses mo. Dito ka lang. Lalabas lang ako." Mahinang sabi nya. Yumuko sya at parang may kinukuha sa loob ng medyas nya naka-uniform kasi sya eh. Nilingon nya ako at sumenyas na manatili lang ako sa aking kinatatayuan. Kaya nanatili lang ako. Hindi ko alam kung bakit sya lumabas. Tapos sinilip ko lang kung anong ginagawa nya, lumapit sya sa may damuhan nakita ko may tinataboy sya at palinga linga sa paligid. Kinakabahan tuloy ako, paano kung may sumusunod pala sa amin? Pero maya-maya ay pumasok na rin ito naglalakad palapit sa akin.
"Ano ba yun Janet? Kinakabahan ako."
"Wala. Pusa lang pala." Kunot noong tumingin sya sa akin.
"Pusa?" I fake a smile, pusa lang pala pero nakakatakot sya kung gumalaw kanina. Haisst. Akala ko kung ano na.
"Oo pusa lang, wag kang ngingiti ngiti dyan! Hindi ako paranoid tulad mo." Paranoid? Hindi ah. "Mabuti na yung cautious tayo sa paligid natin. Matuto kang makiramdam sa paligid mo. Kahit sa konting detalye o kaluskos ay dapat pansinin mo. Tara sa loob." Balisong?? Totoo ba tong nakikita ko? Mas lalo akong kinabahan sa nakita kong dala-dala nya. Tapos binalik nya ulit sa loob ng medyas nya.
"Bakit may balisong ka? At dyan pa nakatago ah?!" Nakakapagtaka ah.
"Paki mo ba ha? Kakailanganin ko yan. Kaya wag kang maingay tungkol dito kundi gigilitan kita sa leeg." Napalunok ako sa sinabi nya. Babae sya pero ang salita nya ay nakakatakot. Kinabahan na naman ako. Banta ba nya yun sa akin? O idi mananahimik lang ako. Tinalikuran na nya ako at pumasok na sya sa loob. Wew! Paano ko ba sasabihin sa kanya na gusto ko sya kung nakakatakot sya? Bakit kasi naging gangster pa sya?
To be continued..