Jann's Pov
"Ross and Collin tama na yang tv." Tawag ko sa kanila. Tumayo na sila matapos patayin ang tv.
"Katakot naman tong gangster na to. Boses palang nakakatakot na. Bossy pa masyado. Sabagay gangster nga eh." Mahinang sabi ni Ross kay Collin.
"Hoy Ross, anong sabi mo?" Tumigil ako sa paglalakad. Nauna kasi ako sa kanila papuntang training room, hinarap si Ross. "Baka gusto mo makatikim sa akin ng suntok?!"
"C oh! Si Janet susuntukin daw ako." Parang bata na nagsumbong kay Collin tapos nagtago sa likod ni Collin hawak-hawak pa ang laylayan ng damit ni Collin.
"Haha.. Tumigil ka nga dyan I, wag mo nga hawakan ang damit ko nagugusot e. Para kang bata." Maarteng sabi ni Collin. Pero natatawa ang itsura. Pati si Trigger natatawa din sa akto ni Ross.
"Wag kang ngumuso hindi kami mahilig mag-alaga ng pato." Mas lalong natawa ang dalawa.
"Cgue, tawanan nyo kong dalawa. Pag kayo nakatikim ng suntok mula sa kanya pagtatawanan ko rin kayo." Turo nya kay Trigger at Collin.
"Tama na yan." Saway ko sa kanila.
Binuksan ko yung kwartong katapat ng sala as usual nilagay ko ang kamay ko sa detector para basahin ang hand print ko. Matapos nun ay nabukas na ang kwarto at binuksan ko ang ilaw. "Pasok kayo. I called this room as my training room." Hawak-hawak ko ang doorknob habang isa-isa silang pumasok.
"Wow! Hanep baby ah may boxing ring!"
"Hep-hep mamaya na meron pa ako ipapakita sa inyo." Naglakad kami papunta sa isang maliit na kwarto na nasa loob ng training room.
Binuksan ko ito, tumambad ang napakaraming baril, iba't ibang klase ng baril, yung iba may silencer, sniper gun, long guns, mga bala, may bomba, may espada, balisong, at iba pa.
"Holy shit!" Haha tangina napamura tuloy si Ross. Napanganga naman sina Trigger at Collin.
"Paano ka nagkaroon ng ganitong klase ng armas?" Lingon ni Trigger sa akin na magkasalubong ang kilay.
"That's none of your business Trigger.."
"None of our business? Pero pinakita mo sa amin? Okay ka lang? Hindi ba kami mapapahamak dyan ha?!" Nanggagalaiti nyang sabi sa akin.
"X, alam naman siguro ni Janet ang ginagawa nya di ba?!" Mahinahong sabi ni Collin pero may diin sa pagbigkas.
"Wag kayo mag-alala all of that are legal ko naipasok dito sa Pilipinas. And hindi ko hahayaang madamay kayo kung sakaling ma-kwestyon ako." Paliwanag ko sa kanila. Alam ko naman magugulat sila eh, lalo na may bomba ako dito.
"Pero astig parin eh!" Si Ross. Tapos nilingon sya ng dalawa na may masamang tingin sa kanya.
"Papahiramin ko lang naman kayo ng baril, yung maliliit na baril lang tapos bibigyan ko kayo ng ilang bala at balisong." Patuloy kong sabi. "At bukas tuturuan ko kayo paano may lagay ng bala."
"Balisong? Aanhin namin yan?" Si Collin.
"Collin, I am so sure na magagamit nyo yan, hindi lang naman para sa kalaban pero pwede din sa ibang bagay. Basta kelangan nyo yan." Tatlong bagay lang naman ang ituturo ko sa inyo, bukas sa self-defense ang uunahin natin. Ibig sabihin sa mano-manong labanan. Sa pag-sipa at pagsuntok ay maraming techniques yan. Sa ikalawang araw paano nyo gagamitin ang balisong para sa self-defense nyo. Maraming paraan paano hawakan ang balisong. Kung magkakamali ka maaaring ikaw ang masaksak o maagaw ng kalaban ang hawak mong balisong. Ikatlo ang baril." Nakatitig lang sila sa akin habang pinapaliwanag ko ang mga iti-train namin bukas hanggang huwebes. "Kelangan maintindihan nyo ang mga techniques na ituturo ko. Hindi kailangan i-master."
"Grabe, sa totoo lang kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Wala naman kasi tayo ibang choice eh, aalis man tayo o hindi sa SGS siguradong magugulo parin ang buhay natin. Kaya tama lang matutunan natin ang ganito." Seryosong sabi ni Ross.
"Himala! Gutom ka ba? Matino ang pinagsasabi mo ngayon at hindi tungkol sa mga babae." Pabirong sabi ni Collin.
"Fine, I agree with I." Si Trigger. Siguro natakot lang sya kasi hindi naman sila sanay na may makikita silang ganito.
"Agree din ako." Si Collin. "Salamat baby na nalaman mo ang tungkol sa SGS, maraming tao ang pwedeng mapahamak kung nagkataon wala tayong nalaman." Tapos yumakap sa akin si Collin.
"Hoy Collin, wag ka nga masyadong mushy dyan." Pero yumakap naman ako ng pabalik sa kanya.
"Payakap nga rin ako." Aakmang yayakap na si Ross sa amin ni Collin pero pinigilan sya ni Collin.
"Bawal yakapin ang baby ko! Wag ka nga!" Taboy ni Collin kay Ross. Tapos nagkatinginan kami ni Trigger. Ngumiti lang sya sa akin.
May sasabihin pa yata si Trigger pero biglang tumunog ang mobile phone nya.
Trigger's P.O.V
"Yes?" Istorbo naman oh, kung kelan nakatingin sa akin si Janet may tumawag pa. "Who's this?.. Good noon.. what can I do for you?.. Meeting? When?" Nakatingin lang sa akin ang tatlong kasama ko. "Friday. We Will be there. Thank you." Binaba ko na ang phone.
"So?? Sino yun?" Si Ross.
"SGS." Kumpirma ni Trigger.
Jann's P.O.V
"Sabi ko na nga ba eh. Fudge! Anong sabi? Anong sabi?" Makulit na tanong ni Ross.
"Tsk. Katulad no'ng alam natin na may meeting sa Friday. Pumunta daw tayo sa hideout. Tayong tatlo." Pagkatapos nya sabihin nun tumingin sya sa akin. "Janet anong gagawin natin?" Tanong ni Trigger sa akin.
"Tss wag ka nga mabahala! Basta ituloy lang natin yung napag-planuhan natin. Walang magbabago. Walang atrasan. Ang importante ngayon ang pagtraining nyo muna." Pagbibigay ko ng lakas ng loob sa kanila.
Alam ko naman na normal lang na kabahan o matakot sila dahil hindi naman sila sanay sa ganito. Pero kung ako ang tatanungin, sisiw lang to. Kayang kaya ko sila patumbahin, mga wala namang binatbat ang mga lider na to mas mahirap pa yung mga mission na ginagawa ko sa gang namin tsss.
Yun nga lang ang kasama ko ngayon ay mga walang experience sa mga labanan kung kaya medyo mahihirapan ako nito plus madadamay pa pamilya ko, namin. Tsskk..
"Aish! Pero nakakakaba talaga eh. Sana lang talaga magtagumpay tayo sa gagawin natin." Si Ross.
"Kakayanin natin to." Si Collin.
"Yes, we will." Si Trigger.
Lumabas na kami ng Training Room, pinatay ko na yung ilaw, sinarado ang pinto may sasabihin pa sana ako nang tumunog na naman ang mobile phone ni Trigger.
"What?" Inis na sabi ni Trigger sa kausap sa phone nya. Niloudspeak nya, hindi ko alam bakit.
"Boss X, may namataan kaming dalawang tao na parang nagmamasid dito sa campus."
"What?!.. Wag kayong magpapahalata na napapansin nyo sila. Wag nyo ring hayaan na mawala sila sa paningin nyo."
"Yes Boss X! Cge po."
"Cge." Pinatay na nya ang phone nya.
"May pinaplano din talaga ang SGS na yun sa atin ah." Si Collin.
"Tayo ang target nila eh. Tsk." Si Ross.
"Nga pala mag-gro-grocery nalang ako para habang nandito tayo bukas hanggang huwebes may kakainin tayo at hindi na natin kelangan lumabas pa."
"Sama na ako." Si Trigger.
"No thanks. No need. Kailangan nyo na bumalik sa Elite Haven, kailangan nyo magpakita dun."
"Ah bakit?" Si Trigger.
"Nagmamasid ang kalaban, kailangan makita nila kayo dun para hindi sila magduda, maghinala na may ginagawa tayong hakbang laban sa kanila. Dahil kapag may napansin silang kakaiba sa mga kilos nyo baka pasundan nila kayo. Kapag nabuko tayo bulilyaso lahat ng plano natin. Be aware okay. Wag pahalata."
"Yes ma'am!" Tapos naghand salute si Ross.
"Tss. Tara na! Ihahatid ko muna kayo. Ah wait. Magbibihis muna siguro ako ng damit."
"Hindi ka na ba papasok?" Alalang tanong ni Collin.
"Hindi na. O nga pala, wala kayong pagsasabihan na magkakasama tayong apat. Pati kayong tatlo okay?!" Tumango lang silang tatlo. "Sa labas nalang din ako kakain. Pagka-grocery ko. Tara hatid ko na kayo sa school." Matapos kong magbihis ng panlakad na damit.
Lumabas na kami ng bahay. "Secured naman talaga siguro tong bahay mo noh baby?!" Biglang tanong ni Collin.
"Yes Collin. Nga pala madami akong hidden camera sa paligid ng bahay ko, sa loob man o sa labas. And never ever touch any of it, madami akong nilagay na traps, at mga matutulis na bagay na ikakapahamak nyo. Ginalaw mo lang konti may sasalubong sayong magandang sopresa. So I warned you never touch any of it." Paalala ko sa kanila.
"Grabe naman! Pero syempre hindi pa ako handang mamatay noh! Baka umiyak ang mga babae, lalo na si China." Sabi ni Ross.
"And who's China, Ross?!" Tanong ko. Lulan na kami ngayon ng Porshe ko. Madami pa akong niremind sa kanila nung lumabas na kami ng bahay. Ngayon malapit na kami sa Elite Haven.
"Ah chikababes ko lang yun Jann, kaya wag ka magselos ah." Pabirong sabi ni Ross. Tapos tinignan sya ng masama ni Trigger at Collin. Matatawa na sana ako eh pero pinigilan ko nalang.
"Anong sabi mo?" Kunwaring galit na sabi ko kay Ross.
"Ang kapal naman ng mukha mo na magselos itong baby ko sa chikababes mo Ross. Hahaha.. bakit naman magseselos ang baby ko? Loko ka ah." Tawang sabi ni Collin kay Ross.
Pero itong si Trigger tahimik lang. Pero nakakunot noo. Mukhang galit. Pagtingin ko sa front mirror.
"Ayoko na ulit marinig ang ganyang biro I." Ma otoridad na sabi ni Trigger kay Ross. Yun lang narinig kong sinabi ni Trigger, magkatabi sila sa likuran, nasa tabi ko naman si Collin.
"Biro nga lang eh. Seryoso naman nito oh. Walang aagaw dyan." Ano yung sabi ni Ross?
"Shut up! Just don't make any jokes like that. Its nonesense." Inis na sabi ni Trigger.
"Malapit na tayo sa campus, pero hindi ko na kayo ibababa sa tapat ng campus mahirap na, matyempuhan pa tayo ng mga spy. Sa kabilang kanto ko nalang kayo ibaba. Tapos pag may nag tanong kung saan kayo galing, its either you say something or nothing at all, I mean no need to explain. Okay?!" Paliwanag ko sa kanila.
"Cgue." Trigger.
"We will." Sabay sabi ni Collin at Ross.
"Hoy I, musta nga pala yung date nyo ni China dun sa condo mo?! Haha. Nabanggit mo BBB I naman ang classroom v6 naman kasi eh." Si Collin.
"Fuck Collin. Do I really need to hear that?! Pag usapan nyo nalang yan pagnakababa na kayo sa Porshe ko! Tss.." Inis na sabi ko.
Tapos sabay nagtawanan ang tatlo. Powtek! "Baka gusto nyo isa isa ko kayong itapon sa labas ng sasakyan ko?!" Bulalas ko sa kanila. Kaya tumigil sila sa pagtawa. Buti naman. Dahil itatapon ko talaga sila sa kalsada. Hmmp.
"Gangster talaga to oh. Nakakatakot!" Si Ross.
"Dapat lang matakot ka, dahil hindi ako nagbibiro, at hindi ako marunong magbiro. Pero syempre joke lang hahaha." Pero ang totoo seryoso talaga ako.
Kung kaya nagtawanan kaming lahat.
"Ah baby, mag-iingat ka palagi ah." Paalala ng magaling kong kuya.
"Tsss sila ang dapat mag-ingat sa akin Collin." Ngisi ko.
"Exactly on my mind. Hahaha." Tawang sambit ni Ross. "C talaga o nagpapatawa. Pagkatapos ng mga nalaman natin tungkol kay Janet sa tingin mo sya pa ba dapat ang mag-ingat?! Haha."
"O, dito ko na kayo ibababa ha, mabuti na ang maging maingat tayo. O ingat kayo. Wag pahalata." Paalala ko sa kanila. Binaba ko sila dalawang kanto bago ang campus.
Bumusina ako at kumambyo na papuntang kaliwa. Kailangan ko pala mag-grocery tapos mag-tanghalian or the other way around.
Mall.
Matapos kong mag-park sumakay na ako sa elevator. Kakain nalang muna ako. KFC? Jollibee? O Mcdo? Tangina. Gusto ko lang naman kumain pero nalilito ako kung saan ako kakain. Shit. Ah alam ko na sa Jollibee nalang ulit. Naglakad na ako papuntang Jollibee.
I put on my headset, palinga-linga sa mga maliliit na tindahan na nakikita ko. Ang dami palang nagbebenta ng KPOP merchandise dito, pero lahat ng mga yan nakikita ko rin sa South Korea. Patingin-tingin nalang ako.
Nakaupo na ako ngayon sa medyo sulok na bahagi sa loob ng Jollibee. Nag-order ako ng French fries large, pineapple juice large, spaghetti, chicken joy, burger at sundae. O wag na kayo magtaka malakas talaga ako kumain. Haha. Nom nom nom.
Ahhh busog. Sabay hawak sa tyan ko. Ang dami ko pala talagang nakain. Tumayo na ako para makapagrocery na. Time to burn out the calories.
♥♥♥
Grocery Store.
Habang naglalakad ako sa loob ng grocery store, naalala ko kung paano nabuo ang TBH. Gusto nyo ba malaman? Hihi cgue ikwekwento ko, base lang naman ito sa kwento ni Collin sa akin.
Nasa grade four sila nung nabuo ang grupo nila, pero teka bakit Black Haven? Kasi yung high school at college campus ay the same name lang. Except for the words "high school" and "college". Eh syempre sila kuno ang hari. Pero ang totoo puro lang naman sila pacute sa mga babae. But seriously alam kasi nila na pag nasa tamang edad na sila, sa kanila din mapupunta ang mga shares ng mga magulang nila, pati ang ibang negosyo ng mga ito.
Hindi sila yung tipo ng grupo na mahilig sa pakikipagsuntukan dahil ang hilig nila ay gumawa ng prank lalo na sa mga terror teachers nila noon. Mahilig din sila gumawa ng mga kabulastugan at kung ano-ano pang kalokohan, kaya parati nalang nadadala sa guidance office ang tatlo.
Mahilig man sila gumawa ng mga kalokohan hindi parin maaalis sa kanila ang pagiging top students, si Trigger sya lagi ang top 1 sa klase at sa buong campus, si Ross hindi nawawala sa top 10, maging si Collin, hindi nawawala sa top 10. At the end of the school year palaging may honor roll ang tatlo.
Habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan mas lalo sila nagiging malapit, it might sounds so gay pero tuwang tuwa ang mga parents namin na ang kanilang mga lalaking anak ay magkakaibigan din.
Pero na kwento ni Collin na minsan nadin daw pala sila napaaway, nung freshmen sina Trigger at Ross tapos sophomore naman si Collin. Hindi lang isang beses pero mga tatlong beses. Ang una naging dahilan ay dahil kay Ross, inagaw daw kasi ni Ross yung gf kung kaya sinugod si Ross, eh isa sa mga motto ng TBH ay "laban ng isa ay laban ng lahat." Walang nagawa sila Trigger at Collin kundi ang tulungan si Ross. Kahit hindi sila mahilig makipagsuntukan nanalo parin sila sa laban nilang yun. Buti nalang nung sampung taon sila ay natuto sila ng konting self-defense. Sabi pa nga ni Ross ay nagsisisi silang tatlo dahil hindi nila tinuloy ang pagtraining dati ng karate. Idi sana pala ngayon hindi sila mahihirapan paano makipagsuntukan. Pero natawa lang ako sa kwentong yun dahil hindi pa naman too late para matuto yun nga lang wala nang time para matuto.
Yung pangalawa naman ay mababaw na dahilan din, sikat kasi sila sa mga babae, kung kaya madaming lalake ang naiinggit sa sa kanila. Kahit ako hindi na magtataka kung bakit madaming galit sa kanila o inggit. Hinamon ng pakikipagsuntukan ulit ang TBH, nacorner na sila ng kalaban kung kaya kelangan na nilang makipaglaban kesa sila ang mabugbog sila nalang ang nambugbog. Oh di ba!? Mababait naman talaga sila pero pansin ko lang masyado silang lapitin ng away. Haist.
Ang pangatlo naman ay yung nangyari last year, yung biglaang may sumugod sa campus, nanggulo ng walang rason and threatened students. Nalaman ko rin na humingi sila ng pera sa mga students na nag-aaral sa Elite Haven. Tapos nun ang TBH ang humarap sa kanila dahil nagsumbong ang mga estudyante sa TBH na gumawa ng hakbang para matapos na amg pangugulo nila pero halos walang magawa ang TBH dahil may mga baseball bat ang mga pangahas o baka may balisong na tinatago lang muna, kahit ang guard ay useless din. Yan din ang rason kung bakit tadtad ng CCTV ang campus at tig-dadalawa ang guard plus 24/7 ang serbisyo at ngayon may bitbit na silang licensed guns. Tapos nung hindi na daw maawat ang mga nangugulo biglang dumating ang ilang member ng SGS at tinulungan sila sa pagpapaalis ng mga nanggugulo.
Matapos tumulong ang SGS inalok nila ang TBH na maging bahagi ng SGS pati ang ilang estudyanteng lalake ng Elite Haven pero kailangan maging under sila sa TBH.
Yun ang mga nalaman ko kung paano naging TBH ang tatlo. Pero ngayon may motto pa silang ganito ngayon, "We look nice, but try to mess with us, then you will know, you will really know that we're not really that nice."
Pero sa ngayon, pagtutuunan muna namin ng pansin ang tungkol sa training nila para maging handa sila sa mangyayari ngayong darating na biyernes.
At sa ngayon mapapalaban na sila ng totoo. Sana lang walang masaktan sa kanila. Hindi ko pa alam kung pupunta ako mismo sa hideout ng kalaban o hindi, siguro depende nalang sa sitwasyon, but of course I need to bring with me my suit and mask. Haist! Sana lang magtagumpay kami at walang aberya.
Matapos ko mag-grocery bumalik ulit ako sa Secret House No More.
Nilagay ko na lahat ng dapat ilagay sa fridge.
Nakakapagod din palang mag-grocery. Haist.
Bumaba ako para pumunta sa kwarto ko, I put my left hand on the detector to open the door.
Nang mabuksan ko na, agad akong sumampa sa higaan ko, bumibigat na ang talukap sa aking mga mata hudyat ng unti-unti kong pagpikit ng aking mga mata.
Nakatulog na ako.
♥♥♥
Elite Haven.
Trigger's P.O.V
Matapos kaming ihatid ni Janet sa Elite Haven, este malapit pala sa Elite Haven. Sabi hindi nya kami ihahatid mismo sa tapat ng campus dahil baka may mga spy. She's right, its better to be cautious dahil tuso ang mga kalaban.
Hindi ko parin ma-absorb na isa syang gangster, sino naman kaya mga kasama nya? Yung friend na binanggit nya na nasa Amerika, isa kaya sya sa mga kasama ni Janet dun?!
Marami pa akong gustong itanong sa kanya at gustong malaman pero alam kong wala syang balak na sagutin ang mga yun.
Kung isa syang gangster, nakapatay na ba sya ng tao? Nambugbog?! Nananakit ng tao?! Bakit naging gangster sya? Haist! Hindi ko maisip na nakapatay sya ng tao. Nailagay ko ang aking kamay sa aking noo.
Tinext ko kanina ang isa sa member ng TBH na parating na kami sa campus. Umalis na daw yung espiya dahil hindi na daw nila nakikita ito. Pero ako hindi ako naniniwala na umalis na ang espiya baka nakahalata lang na may nanonood sa kanila. Pero cge lang wala pa naman silang ginagawa.
Sinabihan ko na sina C at I na maging mapagmatyag sa paligid habang naglalakad kami papuntang Elite Haven.
"Dumeretso na tayo sa "Off Limits", wala akong gana mag-aral ngayon lalo na may pinoproblema ngayon." Tumango lang ang dalawa.
Pagpasok namin sa campus, agad nagtitilian ang mga babaeng estudyante sa aming tatlo.
Author's P.O.V
Si Ross. "Hi girls." Ngiting-ngiti tapos kumakaway sa mga babaeng nadadaanan.
Si Collin naman. Pa-flying kiss pang nalalaman. Kilig na kilig naman ang mga babae.
Samantalang si Trigger, pokerface. As usual walang pakialam sa paligid. Malalim ang iniisip.
"Tumigil nga kayong dalawa dyan. Ang unahin nyong atupagin ang problema natin. Tsk." Kunot-noong sabi ni Trigger.
"Kj naman nito." Sabi ni Ross.
"Tsk." Umiling nalang si Collin.
Sa hindi kalayuan natanaw sila nina Flare at Kim.
"Tara puntahan natin sila.." Sabi ni Flare kay Kim. Gusto lang naman kasi tanungin ni Flare ang TBH kung nasaan si Janet.
"Ayaw ko Son, nahihiya ako kay C eh." Tugon ni Maia.
"Sira! Bakit ka mahihiya?! Eh friends naman na natin sila di ba?! Ilang beses na tayo sumabay ng lunch sa kanila dahil kay Janet. Tapos ngayon ka pa mahihiya?! Oa mo rin talaga Maia noh!?" Inis na may pang-aasar na sabi ni Sonya.
"Basta, nahihiya ako. Period." Pinal na sabi ni Maia.
Hindi nalang din umimik si Sonya. Wala naman syang magagawa kung ayaw ni Maia eh. Tinignan nalang nya ang tatlong lalake na sobra kung tilian ng mga babae.
Si Ross ang mas tinignan nya. Matagal na kasi nya itong crush. Mula pa noong freshmen sila.
Nanglumbaba na lamang sya pagkatapos bumuntong hininga ng malalim. Bored na bored dahil wala si Janet. Tapos kj pa si Maia. Magkatabi silang nakaupo sa loob ng classroom. Nagkataon walang guro kaya walang klase.
"Fine. Fine. Hindi naman ako awang-awa sayo noh?! Tara puntahin natin sila sa "Off Limits" panigurado andun silang lahat ngayon." Pumayag na lamang si Maia dahil gusto rin naman nya malaman kung nasaan si Janet. Kanina pa kasi nila ito kinokontak pero walang sumasagot.
"Waaa salamat Maia." Tuwang sabi ni Sonya sa kaibigan. "Tara, tara.."
"Hindi ka naman masyadong excited noh?! O gusto mo lang makita si Ross mo! Tama ako noh?! Haisst."
"Hmmmp ikaw din naman ah, andun si Collin." Balik asar ni Sonya.
"Wag na nga lang tayo tumuloy." Kunwaring asar ni Maia pero nakangiti naman.
"Uy, walang bawian. Tara na." Hinila na nya palabas si Maia. Papunta na sila ngayon sa "Off Limits".
To be continued..