Chereads / Gangster Jann (Cali White Gang) / Chapter 17 - Chapter Seventeen - Three Days Of Training

Chapter 17 - Chapter Seventeen - Three Days Of Training

Jann's Pov

Matapos ko makausap ang tweeny friends ko, nagpaalam na ako na umuwi. Pinaalalahanan ko rin sila na mag iingat palagi sa mga taong nakakasalamuha. Nalaman din nila yung tungkol sa estudyanteng nahimatay kanina. Gusto nga nilang sumama para raw makapagbonding kami pero sa ngayon hindi pa pwede marami pa akong aasikasuhin. Kaya tinanggihan ko muna sila.

Pagkarating ko sa bahay, nagluto na lang ako ng adobo, nagutom ako eh, hindi ko na pala nakain ang pizza ko kanina. Haist. May mga bruha naman kasi na pabida sa buhay ko. Tsss.

Kinuha ko ang mobile phone para tawagan si Collin. Pagkatapos ng dalawang ring sinagot nya din. "Collin.. Kumusta? May balita ba sa meeting?.. Oki. Nga pala 3:30pm pumunta na kayo sa Secret House.. Oki. Bye. Ingat. Oki."

Pagkatapos kong tawagan si Collin, si Alex naman ang kinumusta ko, "Alex, how are you and the Cali White? Any plans about Shutter Gang? Or any updates?.. Oh?! Oki. Keep me update please. Please be careful ok?!.. Anyways before I could forget, please do me a favor again, okay, thanks.. I want you to dig in again about SGS. Well they starts threatening the TBH. Ayaw nilang mawala ang TBH.. Kaya gusto ko malaman anong klaseng strategy ang ginagawa nila ngayon.. They used airbourne virus I think.. I don't know if its contagious or kung pag nalanghap mo to eh namumula ang buong mukha, that's the reaction of our skin.. I really don't know what kind of substance they put or used. Please alamin mo.. Please.. Cgue, thanks. Bye."

Matapos namin mag-usap kumain na ako ulit. Nakaubos ako ng tatlong piraso ng chicken.

Maya-maya, dumating na din ang magkakabit ng CCTV. Ginabayan ko sya kung saan magandang ilagay ang mga CCTV. Sa palibot ng bahay namin ay puro bakanteng lote. Kaya siguro pinili ng mga magulang namin na dito itayo ang bahay ay para wala masyadong makakaistorbo sa amin dahil tahimik sa pwesto namin dito. All corners of our house has been installed a CCTVs. Tignan ko lang kung hindi pa kita mahuli. Mamaya i-kokonek ko ang function ng CCTV's sa mobile phone ko so it would be easy now to catch the stranger. Hmmp.

Alas dos na ng hapon, ang hinihintay ko naman na dumating ay ang mga potential bodyguards ng parents ko. Tumunog ang intercom sa sala, tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at sinagot ang nasa intercom.

"Yes? What is it?"

"Miss dumating na po yung iha-hire nyo na mga bodyguards."

"Oh okay, let them in, paghintayin mo sila sa may garden."

"Yes miss."

Hinanda ko na ang aking sarili, kanina ko pa pinag aaralan ang mga profiles ng mga bodyguards, hmm okay naman, pero gusto ko makilatis ng personal. I am wearing a plain black shirt and black denim shorts with black low cut gladiator sandal approaching to the garden.

Nakahilera ang sampung lalake na mukhang mga bouncer sa laki ng mga katawan.

"Hello po Miss Han, sila na po yung sampung tauhan namin na magiging bodyguards."

"Uhm they look fine to me. Pwede na ang mga malalaki nilang katawan. Do they know how to use guns? Can they perform to me a defensive and offensive techniques? And ready na ba mga passports nila?"

"Po?"

"Do I need to repeat myself to you? Are you deaf?"

"Hindi po Miss Han."

"O good. So can they show me any techniques now?"

"Cgue po Miss." Sabay tango ng manager or I dunno what he is.

"Can I talk to them one by one?"

"Pwede po Miss Han."

"I am hiring them, you may now leave, marami pa akong ididiscuss sa kanila." Pero parang natanga tong si Mister Ewan his name. "Why? May pipirmahan ba ako?"

"Ah yes Miss Han."

"Can I sign this later? Babasahin ko muna ang terms and conditons ng document na pinapapirmahan mo."

"Cgue po Miss. Ah guys, aayusin nyo ang trabaho nyo ah." Paalala nya sa mga tauhan nya. Cgue po Miss, aalis na po ako."

"Okay. Thank you."

After an hour natapos din ang discussion ko sa mga sampung bodyguards ng mga magulang namin ni Collin. Bukas ng umaga ang flight nila para sundan ang mga magulang ko, at alamin kung okay ba ang kalagayan nila dun. From time to time magrereport sila sa akin.

Nagdrive na ako papuntang Secret House, ngayon ang simula ng training namin para sa paghahanda sa SGS, ang una kong ituturo sa kanila ay dafensive techniques, next is how to handle a gun or balisong when an enemy is attacking you with or without weapon. Last is offensive techniques.

Ang defensive technique ay kung ano dapat ang gawin kapag ikaw ang sinugod o inatake ng kalaban, paano mo sasaluhin ang kamao nya o iiwasan para hindi ka mapuruhan kung sakali ang weak point mo ang titirahin ng kalaban. Sa defense muna kami magfofocus sa araw na to. May dalawa o tatlong oras lamang nila kailangang pag-aralan ito, this would be tough pero kailangan talaga nila matutunan ito. Paano nalang nila maipagtatanggol ang sarili o ang makatakas man lang sa kalaban kung kahit katiting ay wala silang alam, ano pang laban nila?! Di ba?! Pero syempre basic lang ang kailangan kong ituro sa kanila, hanggang doon lang, ang ibang alam ko pa ay hindi pwedeng ituro sa kanila dahil para lamang sa miyembro ng Cali White. Kami lang ang may karapatang gumamit ng techniques na yun, si Sensei ang nagturo sa amin, at bawal ibahagi sa iba ang kaalaman namin.

Malapit na ako sa bahay ko nang nagvibrate ang mobile phone ko. I am expecting a call from Alex but it wasn't Alex but my brother Collin, ano naman kaya sadya ng mokong na to aish! Ininstall ko ang headphone ko sa mobile phone at nilagay ang earpiece sa tenga ko tapos I accepted the call. Kailangan kong magheadphone dahil nagmamaneho ako.

"What do you want?"

"Haist.."

"What? I am driving.."

"Saan ka pupunta?"

"Of course, heading there.. Why? What are you thinking?"

"Akala ko nakalimot ka tapos makikipagdate ka.."

"Fuck! Walang kwentang kausap." Simangot na sabi ko.

"Haha. Nandito na kasi kami sa bahay mo, kanina pang alas tres."

"Oh?! Bakit ang aga nyo naman ata?!"

"Walang ganap eh. Bored. So pumunta nalang kami dito. Pinark pala namin ang sasakyan sa garahe mo."

"Cgue okay lang."

"Bakit nga pala hindi namin mabuksan ang room mo? Access denied kami eh."

"Mga engot, I thought I have told you last time that you have no access in my room? Tama di ba!?" Haist daldal naman nito.

"Ay oo nga pala noh?! Engot nga kami."

"Hoy C, ikaw lang ang engot noh!" Rinig kong protesta ni Ross.

"So nakaloudspeaker ako?! Anyway, ingat kayo sa mga ginagalaw dyan, active ang mga traps ko dyan. I need to hang up now." Binaba ko na agad ang tawag, istorbo naman kasi sa pagmamaneho ko. Wala namang kawenta-kwenta ang tawag. Tsk.

Matapos ang fifteen to twenty minutes na byahe ko mula nung tumawag sila nakarating na din ako. wew!

Beep beep beep beep..

Bumusina ako, wala lang, gusto ko lang malaman nila na dumating na ako. Bumaba agad ako sa Porshe ko, nakita ko naman silang lumabas ng bahay papalapit sa akin, sa gate para salubungin ako. Nung makalapit na sila, ini-scan ko na ang kamay ko para bumukas ang gate.

"O, ready na ba kayo magtraining?" Ngumisi lang ako sa kanila. Sila naman nakatunganga lang. Psh. Kinakabahan ata? Tsss parang hindi mga lalake.

Hindi ko na naparada sa garahe ang sasakyan ko dahil nakaparada na sa loob ang kanilang sasakyan. Malawak naman ang garage ko pero dahil okupado na nila lahat ng space dito na lang sa labas ang Porshe ko. Wala naman sigurong carnappers dito?

"Tara na?! Ano pang tinatanga nyo dyan?" Pumasok na kami sa loob ng bahay. Pinaupo ko lang muna sila sa sala. "Papasok muna ako sa kwarto ko. Ahhh magbihis narin pala kayo ng pang sweat clothes." Pagkatapos tinalikuran ko na sila.

"Pwede ba kami makapasok sa room mo?" Nakatalikod na ako nung nagsalita si Collin.

"No." I authoratively said. Bawal nga sila dito by all means. Pero hindi ko na nilingon pa sila. I heard Collin murmuring something but I didn't mind at all.

I scan my hands on the hand print detector to open my room. When I walk in, I go straight to my desktop, and check my CCTVs, sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ko kung ano ang mga pinaggagawa nila sa bahay ko kanina. Lahat naman kasi ng sulok ng bahay ko may CCTV. Kahit banyo meron pero halfbody lang ang nasasakop ng lens nito. Nakita kong binuksan nila ang fridge, well okay lang naman sa akin na kumuha sila ng pagkain dahil para sa amin naman talaga lahat yan. Sunod na ginawa nila ay umupo sila sa sala nanonood sa tv. Tapos parang nabored na sila katagalan pumasok sila sa training room. Isa-isa tinignan ang mga weapons ko do'n, nagsusuntukan kunwari. Pumasok muna ako saglit sa kawarto ko I mean sa may bedroom ko dun na ako nagpalit ng damit. Now I am wearing a plain white shirt, black leggings, and a rubber shoes, I tie my hair into a ponytail then back again in front of my desktop. The next thing I see is that they are in front of my office slash my bedroom slash my library. Ang nakakatawa before they realized that the three of them can't really open the door, parang mga baliw na paulit-ulit na ni-scan ang mga kamay nila sa hand print detector hanggang sa nagtinginan at nagtawanan na lamang sila. Mga sira ulo. Access denied na nga paulit ulit pa ang pag-scan. Tsss mga engot. Napatingin ako kay Trigger. Wala lang, may mata ako eh. Tsss.

Lumabas na ako ng kwarto ko para masimulan na ang ensayo.

"Ready na ba kayong simulan ang ensayo?" Nagulat ko ata sila dahil napa-ayos ang upo nila. Tsk. "Tara? Psh! Magugulatin pala kayo?!"

"Eh kasi naman bigla ka na lang sumulpot eh!" Reklamo ni Ross. Silently I laughed at them. Hehe.

Naglakad na ako papuntang training room, tumayo na din sila at sumunod naman sila sa akin. Lahat sila nakadamit pang ensayo na din tulad ko, jogging pants at plain black shirt. Pumasok kami sa loob ng boxing ring ko dito ko gusto magtraining sila kung saan limitado lamang ang espasyo para din matuto sila dumiskarte kung papaano nila lulusutan ang kalaban kapag nakorner sila, this is the better place to train them.

"Ang training natin ngayon ay tungkol sa defensive technique." Nakalinya silang nakatayo sa harapan ko at kita ko naman na interesado talaga sila matuto.

"Okay." Sabi ni Collin. Aish agaw eksena.

"Hindi pa ako tapos magsalita." Nakapeace sign lang si Collin.

"Hmm lahat kayo kailangan isaulo ang mga ituturo ko okay kasi konting panahon lang ang meron tayo. I need you guys to focus and give your full attention one hundred percent. Okay let's start! Collin sugurin mo ako ng suntok." Nakatayo lang ako, hinihintay ang pagsugod ni Collin. "Umaksyon ka na susuntukin mo ako sa mukha okay?!"

"Okay." Parang nag-aalangan na sabi ni Collin.

"Powtek, kinakabahan ako!" Sambit ni Ross. Si Trigger naman nakatayo lang. Tsss.

Sinugod ako ni Collin, akmang susuntukin ako pero hinawi ko lang ang kamay nya tapos sinuntok ko agad sya sa may tyan pero hindi naman malakas pagkakasuntok siguro sa pagkabigla dali kong hinawakan ang kaliwang kamay nya, inikot ko ang braso nya papunta sa likod, ngayon nandito na ako sa likuran nya.

"Aray, aray ang braso ko, dahan-dahan naman baby, praktis lang to oh! Aray!"

"Ross, sugod!" Hindi ko parin binitiwan ang braso ni Collin. Gusto ko kasi kunwari pagtutulungan ako ng tatlong tao. "Is this what you've got Collin? Weak! Ross wag kang ta-tanga dapat maging alerto ka, kung ganyan ka, kawawa ang kasama mo kung hindi mo kayang tulungan!" Sigaw ko sa kanila.

"Ah teka lang, Janet paano ba!?" Tarantang sabi ni Ross.

"Punch me, dito ka umatake sa may likuran ko kunwari hindi ko namalayan na may kalaban sa likuran ko. Sumugod ka dali, at tignan mo kung anong gagawin ko sa'yo. Sumugod nga si Ross sa likuran ko, paglingon ko konti nalang tatamaan na ako ng suntok nya pero ang ginawa ko ay sinipa ko sya sa may tyan. Natumba si Ross tapos nabitiwan ko naman si Collin na medyo patulak palayo sa akin.

"Trigger its your turn!" Lumapit naman si Tigger pero iba ang aura, seryoso ang itsura, magkasalubong ang mga kilay. May ibubuga ba sya? Dali-daling nakalapit si Trigger sa akin hiniwakan nya ang braso ko ng mahigpit pagkatapos yung isang braso naman nya ay hinarang nya sa leeg ko na parang sasakalin ako, hinigpitan pa nya ang paghawak sa isang kamay ko ba parang babaliin nya pero nagkakamali sya kung sa tingin nya masasaktan ako sa ginawa nya. "You have forgot something.." Sabi ko kay Trigger hindi ko makita nag reaksyon nya dahil nasa likuran ko sya. Malaya pa ang isang braso ko, kaya siniko ko sya tatlong beses pero dahil ang una at pangalawa kong pagsiko sa kanya ay hindi masyadong may pressure hindi nya pa din ako binitiwan pero yung pangatlo kong pagsiko sa kanya at medyo nilakasan ko na matamaan ko sya sa tyan.

"Shit! Ang sakit mong maniko ah.." Hindi na ako tumugon, humarap ako sa kanya at sinipa ko sya binti muntikan na sya mapaluhod sa sakit pero tumayo si Trigger sinipa ko sya ulit. Paulit ulit ang tatlo na sumugod sa akin pero hindi parin nila ako mapatumba. Palitan sila ng pagsugod sa akin. Ganado na si Collin at Trigger ewan ko lang sa isang to.

"Time out!!!!" Tangina! Biglang sumigaw si Ross. Napatigil kaming dalawa ni Trigger. Gutom siguro ang mokong na to. "Pwede mag meryenda muna tayo? Please?"

"Meryenda? Eh mag-gagabi na kaya I" Tugon ni Collin. "Patay gutom ka talaga noh!?"

Siguro mahigit isang oras narin kami nag papalitan ng depensa, paiba iba nga ako ng istilo sa pag sugod sa kanila. Kung kanina sila pinapaatake ko, para makita nila paano ko dedepensahan ang sarili ko, ngayon naman ako ang umaatake sa kanila para matuto naman sila kung paano dumepensa, kung hindi lang gutom tong isang to.

"What you want for dinner? And after that uuwi na tayo.."

"Pizza.." Sabay sabi ng tatlo. Akala ko pa naman magpapaluto sila. Tsk.

"Ayos ah, sabay pa talaga kayong tatlo. Sabayang bigkas? At napag-usapan nyo na ata." Mukhang kanina pa ata sila gutom, hindi man lang nagsabi nalang. Tsss.

"Hahaha hindi naman Janet." Sabi ni Ross. Kahit kelan maingay tong si Ross. Tahimik naman si Trigger at si Collin hilig ang sumingit bigla sa usapan.

"Gusto nyo ba sa mall na lang tayo?" Suggestion ko.

"Sige!" Sabay na naman sila. Nagkatinginan tapos tumawa ng malakas. Pati ako nahawa

sa tawa nila.

"Oh nakamove on na ba kayo? By the way, magsibihis nalang muna kaya tayo? Pawisan tong mga suot natin oh. Sige bababa lang ako."

Pagbalik ko sa taas nasa sala na sila malamang ako nalang ang hinihintay. Sinenyasan ko sila na umalis na kami kaya tumayo na din sila.

"Lahat pala tayo may dalang sasakyan." Nasambit ni Collin.

"Oo nga. Convoy nalang tayong apat okay." Sabi pa ni Ross.

"Okay." Sabay sabi namin ni Trigger kaya napatingin kami sa isa't isa. Nagkangisihan lang kami.

Isa-isa na kaming pumasok sa nga sasakyan namin. Unang lumabas na sasakyan ay kay Collin, sunod kay Ross, tapos kay Trigger, panghuli ako dahil ako ang nagsara ng gate and I activated again my traps. Paglingon ko nakita ko pa ang sasakyan ni Trigger. Hinihintay ba nya ako? Anong pauso mo na naman ba ito Trigger. Nung nakasakay na ako sa Porshe ko bumusena ako hudyat na okay na ang lahat kaya pinaandar na ni Trigger ang sasakyan nya.

After 1 hour nakarating din kami sa mall. Medyo natraffic pa kami. Rush hour pala kaya ang daming sasakyan nagsilabasan.

"Pizza hut, shakey's o greenwich?"

Parang ang haba ng araw natin noh? Una do'n sa scchoolmate natin, pangalawa yung meeting pangatlo ang ensayo natin.

Kumakain na kami ngayon sa greenwich solo ang order namin kanya-kanya pero nasa isang table lang.

By the way Janet.." Biglang nagsalita si Trigger. "You and your two girlfriends are welcome to enter Off Limits." Sabi ni Trigger.

"Teka, anong meron X?" Takang tanong ni Collin.

"Woah! This is something new.." Tapos sumipol nalang ang huling tugon ni Collin.

"Why? Something wrong?" Kunot-noong tanong ni Trigger sa mga kaibigan nya.

"Hindi. Wala. Nakakapagtaka lang." Sambit ni Ross.

Ako naman tahimik lang nanonood sa kanilang usapan, I am also waiting for Trigger to tell us the reason.

"Sa tingin ko mababait naman yung two girls kanina.."

"Kanina?" Lingon ko na may pagtatanong sa mukha ko.

"Hinanap ka kasi ng dalawang chix, they we're worrying about you."

"Ah okay. And what about me, why are you allowing me to enter your place?"

"Kaibigan ka naman namin di ba? Kapatid mo si C, and you were helping us."

"Oh okay." Yun na lamang ang nasabi ko. "Oh nga pala sa ensayo natin kanina, kulang pa yung pinakita nyo. Bukas mag ensayo ulit tayo. Well si Trigger ang mas may alam sa inyo. Two more days, don't worry that much." Pagkatapos nanahimik na kaming lahat.

Pagkatapos namin kumain kanya-kanya ulit kami sakay sa sasakyan namin at sunod-sunod na umalis sa mall.

*Author's Note...

Supposed to be hahatiin ko sa tatlong chapter ang Three Days Of Training but I have decided na wag na lang.. pero hahatiin ko nalang sya into three parts. It means three parts equals to three days ng training, three parts in one chapter.. enjoy reading lang ha Thanks sa mga nagbabasa ng story ko. Mwuahhh..

Jann's P.O.V

Wednesday. Second day of training and I am still waiting patiently for Alex to call me. Gusto ko na kasi malaman ang tungkol sa "virus" na hinala ko. Haist. I'm getting frustrated.

Ang dami ko nang absences kailangan makabawi. Kailangan pasukan ko ang lahat ng klase ko ngayon. Nang makarating na ako sa school, binaba ko ang aking bintana.

"Good morning miss."

"Morning.. Ahh may nabalitaan ka ba tungkol sa estudyante na nahimatay kahapon?"

"Pasensya ka na miss, confidential daw kasi kaya parang sekreto muna ang lahat. Iyon ang narinig ko."

"Ahh ganun ba?! Oki. Pero balitaan mo ako kapag may nahagilap kang impormasyon ha. Importante yung may alam kami okay."

"Sige miss." Tinaas ko na ang bintana ng Porshe ko. Pagkatapos nagpark agad ako. Bitbit ko ang mga gamit ko. Sana andoon na ang dalawang yon, para makahiram ng notes nila kahit review na lang.

Nagmadali na akong naglalakad papuntang classroom ko.

"Jann!" Narinig kong may tumatawag sa akin. Napalinga-linga ako then I saw the two girls I've been thinking of. Kumaway sila nung lumingon ako at naglakad palapit sa akin nasa kalagitnaan kami ng pathway patungong building I mean classroom namin pero nasa likuran bahagi pa ang classroom ng mga students, nung nagkita kami, naupo kami sa isang bench, sa ilalim ng malaking puno.

"Hi Jann, namiss ka namin." Aniya ni Flare. Nakangiti lang din si Kim. Tapos biglang niyakap ako ng dalawa. What's with this?!

"Teka nga, may problema ba kayo? Kasi ako dapat ang may problema kasi parang ang tagal ko nang hindi nakapasok sa klase. Baka ibagsak na ako ng mga

natin."

"Absent?? Hindi mo ba alam na excuse ka nung mga nakaraang araw?" Aniya ni Kim.

"Eh? How did that happened? Sino naman ang nag-excuse sa akin?" Tanong ko sa kanila.

"Ako." Lumingon kaming tatlo sa lalaking nagsalita sa likuran namin.

"Trigger? What did you say? How did you do that? And why would you do that?" Sunod-sunod na tanong ko kay Trigger, pa'no nwgulat ako sa sinabi nya. Ang loko ngumisi lang. Tinaasan ko tuloy sya ng kilay.

"Teka lang naman kasi ahaha isa-isa lang ang tanong Janet, mahina ang kalaban." Depensa nya.

"Psshh. I am asking you.. Then answer it." Pautos na sabi ko sa kanya.

"Kasi pakiramdam ko, ah namin pala ng TBH eh obligasyon namin na gawin yon."

"Tsss you don't have to do that. Pero nangyari na so salamat na rin." Sabi ko na lang.

"Sabay na pala tayo mag-lunch mamaya, I mean with the TBH, isama mo narin tong dalawang kaibigan mo. Ah sige mauna na ako sa inyo." Aniya. Tapos umalis na.

"May gusto ba sayo si Trigger?" Tanong ni Flare. And so I glare at her because she said it loudly. Powtek!

"Of course not!" Tugon ko agad sa tanong nya.

"Sigurado ka ba? Kasi parang may gusto sya sayo eh. Napakadefensive ng pagkakasabi nya kanina." Ani pa ni Kim. "Di ba?!"

Lingon nya kay Flare.

"Oo nga.." pag-sang-ayon ni Flare.

"Wag nga kayo mag-isip ng kung ano-ano. Sabi nga nya obligasyon lang."

"Eh bakit may obligasyon ang TBH sayo?? Ano ba pinaggagawa nyo? Mukhang palagi kayong magkakasama eh." Mapaghinalang tanong ni Flare.

"Eh, wala ah."

"Oy basta sa tingin ko may gusto sayo si X. Weee boto ako dyan." Ani ni Flare.

"Ako rin!" Sabi ni Kim.

"Magsitigil nga kayong dalawa.. Baka may makarinig pa sa inyo eh chismis yan!" Fuck! Si Trigger may gusto sa akin??

"Kj ka talaga. Natutuwa lang kami.." Sabi ni Flare.

"Nga pala maiba tayo, kumusta na pala yung schoolmate natin na nahimatay? May balita ba kayo? Usap-usapan kasi na namatay daw yun. Totoo kaya yun?!"

"What the hell did you say? Namatay????"

"Oo yun ang mga narinig namin." Sabi ni Kim.

"Until proven, saka lang kayo maniwala. Wag kayo makinig sa mga chismosa, wala pa namang ina-announce."

"Eh paano kung ayaw ipa-announce?

Ayaw nilang sabihin?! Paano natin malalaman?" Tanong ni Flare.

Hindi na natuloy ang kwentuhan namin dahil tumunog na ang bell, oras na ng klase.

Tumayo na kami at sabay na naglakad papuntang classroom.

Then I need to investigate, maybe she's alive maybe she's not. I need to know what happened to our schoolmate. Paano kung gawin nila ulit yun? Delikado ang mga buhay namin dito.

*Author's Note..

Pasensya na skip muna sa klase wala pa naman ganoong importanteng lesson na nangyayari sa morning class nila..

Lunch. At the cafeteria.

Trigger's P.O.V

Nakaupo na kaming lahat sa usual spot namin dito sa cafeteria. Nandito na din ang lahat, si C, I, Janet, Flare at Kim. Syempre ako.

"So what you want for lunch? Libre ko na." Alok ko sa kanila.

"Anything will do X." Tugon ni C. Tumingin ako kay I, nagthumbs up lang sya. Ibig sabihin sang-ayon sya kay C. Tumingin naman ako sa mga girls. "How about you girls?!"

"Basta may iced tea lang X." Sagot naman ni Flare.

"Yeah, anything will do basta may drinks." Ngiting sabi naman ni Maia.

"How about you Jann?!" Hindi man lang sumagot. Tsk. Nakaheadset pala, malamang hindi ako narinig nito. Kaya ang ginawa ko tinanggal ko ang isang earpiece nya.

"What the fuck Trigger? What are you doing?" She looked up at me.. Uh oh.. nainis ko ata.

Napatigil na naman lahat ng kasama namin no'ng narinig nila ang sinabi ni Jann. Parang gusto ko na syang tawaging Jann.

"What?" Tanong nya sa akin.

"Ah kasi tinatanong kita kung anong gusto mo for lunch?"

" Tsss anything.. Pasensya ka na.." Yun lang sabi nya tapos kinuha ang earpiece.

"Okay." Akmang aalis na sana ako pero nagsalita ulit si Jann.

"Sandali, ikaw ba lahat ang magdadala?!" Teka akala ko ba wala syang narinig pero alam nya na ako ang mag oorder. Hmmm.

"Yup.." Ngiting tugon ko. Wala eh masaya lang ako.

"Samahan na kita." Kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Shit. Kinikilig ata ako.

Tumayo na sya at naunang naglakad, lumingon ako sa mga kasama namin yung dalawa busy sa gadgets nila pero yung dalawang babae nakangiti ng malawak sa akin. Teka bakit ganun ang mga ngiti nila? Alam ba nila?! Tsk bahala na nga. Mukhang hindi naman alam ni Jann. Kaya nagtungo na ako sa kinaroroonan ni Jann.

"Ano bang masarap na orderin, Jann?" Nilingon nya ako.

"Gaano ba kalakas kumain ang dalawang lalakeng yun, at saka ikaw?" Taas kilay na tanong nya.

"Uhmm, two cups para sa aming mga boys. Ikaw magkakanin ka ba?! And what about the two girls?

"Ah hindi, I will go for pasta. And the two girls as you were calling them, two cups narin sila. What about the viand? At saka dagdagan mo nalang nung frozen cake erhh and drinks.

"Ahh sigue." Kumuha na kami ng dalawang tray, tapos sampung cups ng rice.

"Anong orderin nyo mam, ser?" Tanong nung attendant ng cafeteria. Buti na lang konti pa ang tao dito sa cafeteria kaya walang siksikan sa linya.

"Ahh ilista mo pala lahat ang oorderin namin miss, medyo marami-rami to eh.

"Ahh sige ser." Kumuha ng papel at ballpen ang attendant tapos pinasulat ko sa kanya ang order namin.

"Ilista mo sampung cups of rice. Three ice tea. Ahh Ahh Jann anong pasta pala ang gusto mo?"

"Baked Mac.." Sagot nya habang hawak-hawak ang tray na may laman na sampung cups of rice. "Nalista na nya ito di ba?!" Tanong ni Jann sa akin. Tinutukoy nya yung sampung cups of rice.

"Opo mam nalista ko na yan." Sagot ng attendant.

"Ah sige ilalapag ko lang to sa table namin. Babalik ako." Sabi nya sa akin. Umalis na sya sa harapan ko at pumunta sa table namin. Pinalista ko na rin ang baked mac na order nj Jann. Tapos mga drinks. Pagkatapos ng ilang sandali nakabalik nadin sya.

Kinuha ko ang isang tray tapos nilagay ko ang baked mac at tatlong drinks na iced tea para sa mga girls. Tapos tatlong piraso ng plastic bottled na softdrinks.

"Ako na magdadala nito sa table natin, pumili ka nalang ng apat na ulam Jann. At flavor ng frozen cake." Tapos ngumiti ako ng malapad sa kanya at tumalikod na ako.

"Oki." Tugon nya.

Nilapag ko na ang mga drinks at baked mac.

"Ahh wait lang kayo sa ulam ah, si Jann na kasi pinapili ko. Itong softdrinks para sa mga boys ah and itong iced tea para sa inyo naman ito mga girls."

"Sipag mo ata ngayon X ah, mukhang maganda ang naging gising mo." Tanong ni I.

"Pssh oo, kaya wag mong sirain I. Cge balik na ako do'n." Umalis na ako at binalikan si Jann.

"Ah may napili ka na?" Lumapit ako sa tabi ni Jann.

"Meron na. Ito na lahat. Nilagay ko na sa tray, adobong baboy, pritong hipon, lechon manok at fish fillet. Ako na magdadala nito. At saka mamaya na natin ipa-serve ang frozen cake."

"Teka, ako na magdadala nyan sa table natin, mabigat yan Jann eh."

"Tss kaya ko to. Don't worry. Sige na magbabayad ka pa." At umalis na sya. Haisst.

"Ah miss magkano lahat? Kasama na yung frozen cake at apat na ulam.

"Ahh girlfriend mo ba yun ser? Maganda po sya. At saka mukhang mabait."

"Hindi ko sya girlfriend. Pero wag kang maingay magiging girlfriend ko rin yun." Sabi ko sa attendant habang nagkwekwenta sya.

"Ah akala ko girlfriend mo po. Pero bagay kayo

ser. hehe. Five hundred fifty pesos pala lahat ser."

"Ahhh hehe.. wait lang." Kumuha ako ng isang libo sa wallet ko.

"Sukli nyo po ser." Kinuha ko na ang sukli ko tapos umalis na sa counter.

Iron Ross' P.O.V

May kakaiba kay X ngayon ah? Masaya sya pero hindi yung saya na normal, unusual happiness?! Hindi kaya dahil kay Janet? Malaki ang tama kay Janet. Sabagay maganda namn si Janet tapos astig pa, kung hindi lang gusto ni X si Janet liligawan ko talaga si Janet. Bwahahah.

"Pansin nyo ba may kakaiba kay X?! Ano sa palagay mo C?!"

"Huh?! Meron ba!?" Tanong ni C, habang nagsasalita ang paningin nasa gadget parin nya.

"Oo noh, meron! Busy ka kasi dyan kaya hindi mo nakikita. Di ba mga girls?!" Tapos kinindatan ko lang sila.

"Kami napapansin din namin yun." Sagot nung Kim ang pangalan.

"See, hoy C, makinig ka pinopormahan ata ni X yung kapatid mo e."

"Parang hindi naman." Balik na naman sya sa gadget nya.

"Mukha ka nang gadget. Tignan mo nga sila do'n oh! Ang sweet nila. Parang lovers! Hahaha.."

"Wag ka na nga madaldal dyan papalapit na si X dito." Sabi ni C.

Palapit na si X may bitbit na tray na may laman na drinks at baked mac. Nilapag nya to sa table.

"Ahh wait lang kayo sa ulam ah, si Jann na kasi pinapili ko. Itong softdrinks para sa mga boys ah and itong ice tea para sa inyo naman ito mga girls."

"Sipag mo ata ngayon X ah, mukhang maganda ang naging gising mo." Sabi ko kay X.

"Pssh oo, kaya wag mong sirain I. Cge balik na ako do'n." Umalis na sya at binalikan si Jann.

Maya-maya si Janet naman yong may dalang tray. Nilapag nya yung tray tapos isa-isa nilagay sa mesa ang ulam namin.

"Wow! Ang sarap ng ulam natin ah. Si X pala Janet?" Tanong ko kay Janet.

"Nagbabayad ng inorder natin. At saka may desserts pala tayo. Pero mamaya na natin iserved kasi baka matunaw. Kumain nalang muna tayo."

Jann's P.O.V

Hintayin lang muna natin si Trigger, nakakahiya naman siguro na sya ang nanlibre sya pa ang huling kakain di ba!?" Aakmang susubo na sana si Ross.

"Ay oo nga pala noh!? Hehe." Binaba nya ang kutsarang hawak.

Nagsilingon kami sa kung saan narinig namin na may mga babaeng nagtitilian. Haist here they go again. Screaming out loud. Noisy and annoying fan girls. I knew it si Trigger nga ang pinagtitilian ng mga babae. Pinalilibutan sya ng mga babaeng schoolmate namin. Sya naman naka-kamot lang ang ulo pero pokerface parin, seryoso at matalim kung makatingin. Kanina naman kasi tahimik lang dito sa cafeteria. Sabagay wala pa masyadong tao kanina dito mostly sa mga tao na nandito eh mga lalake at bilang lang sa kamay ang mga babae pero ngayon puno na ang cafetetia.

"Hoy Ross.." Tawag ko kay Ross.

"Kung maka-Ross naman to oh." Nakangusong sabi ni Ross.

"Pshh so gusto mo bangers na lang?"

"Ah hindi ah.. bakit nga pala?! Ano ba yun?!" Ayan! Umayos ka rin.

"Pwde paki-sabihan mo yong kaibigan mo na pumarito na kasi naghihintay na ang pagkain natin oh. I'm sure lahat tayo eh gutom na!"

"Tsk. Sige na nga." Kamot ulo.

"Dalian mo Ross." Seryosong sabi ko.

Tumayo naman si Ross at pinuntahan si Trigger kung saan pinalibutan sya ng mga babaeng fans nya. Tsss.. Seriously fans nya?

Trigger's P.O.V

After I paid for our lunch, I was surprised when I turned around a lot of girls swooning over me. Shit. They're at my back, and lined up to pay for their food too. Bakit ba hindi ko napansin na dumami na ang tao?! Tsk. Kasi iniisip mo kanina pa si Jann kaya nawawala ka sa wisyo mo. Sagot ng isip ko. Ayos ah kausap ko na ngayon ang utak ko. Haist.

"OMG si X nagbabayad." Narinig kong sabi ng babae. Unusual nga pala tong ginagawa ko. Hindi kasi kami madalas nagpapakita sa cafeteria nasa off limits lang kami palagi kumakain ng lunch. Kaya napakamot ulo na lang ako dahil sa inis pero hindi parin ako ngumingiti at matalim ko silang tinignan pero walang epekto ata ang mata kong nananakot sa mga babaeng to. Aalis na kasi dapat ako pero mas lalong nagkumpulan ang mga babae sa akin. Oh shit. Pa'no na to. Napatingin na lang ako sa mesa namin.

Narinig ko naman sabi ng iba.

"Gu-gwapo talaga ng TBH, lalo na si X."

"Himala, si X ba yon nagbayad?!"

Nakita ko na lang naglalakad si I papalapit sa akin. Mas lalong tumili ang mga babae. Itong si I malakas din ang karisma pagdating sa mga babae.

"Hello girls, padaan muna ah.. kailangan ko lang makausap si X." Narinig kong sabi ni I.

Humawi ang mga babae para maka-daan si I. 'Yong ibang tao naman sa paligid ay natigilan at nanonood lang sa mga nangyayari.

"O girls, excuse me muna ah." Lumapit si I sa akin at bumulong. "Ahm X.." Tapos hinimas nya ang kaliwang bahagi ng kanyang leeg.

"What?" Kumunot noo ko sa itsura ni I.

"Eh kasi X, kanina pa umuusok ang ilong ni Janet. Baka siguro dapat kumain na daw tayo. Sabi nya paki dalian daw kasi gutom na sya."

"Shit." Nagtitigan kami ng ilang segundo ni I. Shit shit shit. I'm so fucked up. Walang sali-salita ay naglakad ako para pumunta na sa mesa namin. Nawawala na nga ako sa wisyo ko.

"Cge girls, kakain muna kami ah. Hehe bye!" Narinig kong sabi ni I.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng mesa namin at sa harap nila, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ang nangyari kanina. Nakakainis naman kasi yung mga babaeng yun haist!

"Pa-pasensya na kayo.." Sambit ko na lang.

"Umupo ka na." Tugon nya na walang lingon-lingon. Pero halata naman sa boses nya na galit sya. Haist. Naupo na lang ako at tahimik kaming kumakain. Masaya yun kanina eh. Pasulyap-sulyap akong tumingin sa kanya. Pasimple kumbaga. Lahat sila ay seryosong kumakain. Walang nagsasalita. Haist. Kasalanan ko talaga.

"I'm done. Thanks sa lunch Trigger." Aniya ni Jann. Tumayo na sya, kinuha ang bag nya at nagsimula nang maglakad palayo sa mesa namin. Sinundan ko nalang sya ng tingin. Hindi man lang nya naubos ang pagkain nya at saka may frozen cake pa. Haist.

"Teka Janet, wait for us.." Sigaw na tawag ni Flare kay Jann. Tumayo na din sina Kim at Flare. "X, thank you sa libre mo ha. Mauuna na kami. Bye." Saka Kumaway ang dalawang babae. Umalis na din sila.

Nagtinginan lang kaming tatlo nina I at C.

"Is she mad? Did I do something that is wrong??" C and I just shrugged off their shoulders and look down. They just continue eating. I just lose my appetite.

What I'm gonna do now?

To be continued...