Jann's Pov
🎶Oh, the moon burns tonight..🎶
I heard a familiar lyrics of a song, trying hard to think, ayoko ko munang imulat ang mga mata ko pero pinapakinggan ko lang ito.
🎶Like a thousand staring eyes directed towards mine..🎶
Ano nga bang kanta to? Bakit ba naririnig ko to ngayon? Tanong ko sa sarili ko.
🎶Bend and break with the light
as we rise one last time..🎶
Tumunog ang alarm clock at 6 in the morning.
🎶So don't say you don't care when you know that i do..🎶
🎶Write down every little thing that makes you love me..🎶
Oh shit. Alarm clock ko pala yun. Stupid me.
🎶Right now remember how I held you above me..🎶
🎶And the stars that burn through our eyes..🎶
Dahan-dahan kong minulat aking mga mata, inangat ko sarili ko para kapain ang mobile phone ko na nakapatong sa side table ko, at inabot ang mobile phone para i-dismiss ang alarm clock.
🎶Like an everlasting gaze cutting through the night..🎶
🎶As we walk out into the night..🎶
🎶And we cry one last time..🎶
Finally, the alarm clock has stop.
Bumangon na ako, stretching and yawning. Although I'm still sleepy kelangan ko parin bumangon at pumasok sa school. Kelan pa kaya ako masasanay?!
Tumayo na ako, inabot ang tuwalya at pumasok sa banyo.
Nang matapos na ako maligo, nakapagbihis, at nakapag-ayos ng gamit, I looked at myself in front of my life-sized mirror. Then I smiled. I'm good. Kinuha ko na lahat ng dadalhin ko sa school mamaya. My outfit for the music presentation, check! My guitar, check! My bag check! Iyong ibang gamit ko nasa students locker room ng school. Then I climbed down the stairs and go to the dining area to eat breakfast.
"Good morning Mama." I greeted.
"Maayong buntag Heavenly! How's your sleep?" Tsss Mama always speaks Bisayan language, not because I don't like it, konti lang kasi ang naiintindihan ko eh yung "maayong buntag" is good morning.
"Great Ma, I missed my room. Hindi naman ako nanibago."
"Ah mabuti maman anak. Oh kain na. Ang dami mo namang dala, aanhin mo yang gitara?" Takang tanong ni Mama.
"Sa music class mamaya Ma. We'll be going to perform one by one." Umupo na ako at nagsimulang kumain. "Where's Papa and Collin?"
Bacon, sunny-side up egg, bread, ham and coffee. Hmm daming ulam. Mukhang tataba talaga ako nito. Haist!
"Bababa na rin mga yun anak. May ipeperform pala kayo, agad? First week of class?"
"Yun na nga Ma eh, tapos kelangan pa namin lagyan ng effort, may outfit pa kaming susuotin. OA masyado ang teacher na yun."
"Hehe. Ok lang yan anak baka may gusto lang syang makita sa inyo, yung mga talents nyo sa pagkanta, playing instruments?! Kung anong klase ng musika ang gusto nyo. Sympre anak music teacher yun."
"Tsss.. Daming abubot naman ng teacher na yun." Kumain nalang ako ulit. Tapos si Mama pinapanood lang akong kumain habang hinihigop ang kape nya. "Hindi ka pa ba kakain Ma?"
"Kakain din anak, hinihintay ko lang ang Papa mo at kuya mo."
"Okay." Swerte ko sa kanila, lahat ng gusto ko nakukuha ko, hindi lang yun mababait na magulang din naman sila kahit nakatira akong mag-isa sa Amerika. Hindi ako magsisisi na pinatira nila ako dun o magagalit sa kanila, coz I've got Cali White with me. Hmm.
"Good morning! Oh great ayan na ang maingay na Collin. "Hi baby ko." Ngiting bati ni Collin sa akin. "Good morning Mama." Tapos umupo na sya sa pwesto nya sa tabi ko. Nakasuot ng uniform. Bagong ligo. Sympre.
Bale si Papa ang nasa gitna,ang ulo ng hapag-kainan, si Mama ang nasa kaliwa ni Papa, tapos si Collin ang nasa kanan, sa ikalawang upuan ng kanang bahagi ng mesa ay ako ang nakaupo. Tapos diba nabanggit ko sa inyo na 12-seater ang mesa namin?! Ayun ang sumunod na umupo sa mga bakanteng silya ay mga multo. Tsss.. Ang laki naman kasi ng table tapos apat lang kami andito sa bahay. Tsss.
"Morning Collin." Bati ko kay Collin. Tapos kain ulit.
"Good morning Collin anak. Kain ka na." Bati ulit ni Mama. At nagsimula na syang kumain.
Ang sumunod na bumaba ay si Papa
Good morning everyone." Masyang bati ni Papa sa aming lahat na ngayon ay nakaupo na sa harapin namin lahat.
"Good morning." Bati pabalik namin kay Papa. Tapos nilagyan sya ng cup of coffee ni Mama.
"Pangga kain ka na, ako na bahala sa pagkain ko." Pagpapatigil ni Papa kay Mama sa pagsilbi, dahil gusto ni Papa kumain na din si Mama. Ganyan naman sila palagi sa Amerika eh, sweet talaga tong si Papa, si Mama naman mapag-alaga. Kapag ando'n sila sa Amerika nagbabakasyon halos hindi ako makaalis ng bahay sympre ayokong may mahalata sila sa akin na may pinupuntahan ako.
"I'm done, thanks sa breakfast Ma. Pa, I'm going, Collin, una na ako sa'yo. Sabay tayo lunch mamaya. Bye." Paalam ko sa kanilang lahat. Aakmang tatayo na ako pero napabaling ang atensyon ni Papa sa akin.
"How's your sleep Heavenly?!" Tanong ni Papa. Here you go that Heavenly thingy again. Aish! Last week nung unang tulog ko dito nahirapan kasi ko makatulog dahil naninibago ako. That's why they keep on asking me.
"I'm great Pa, don't worry okay na." Sabay ngiti sa kanya.
"Ah mabuti naman kung ganun. Aalis ka na ba?!"
"Yes Pa."
"Ingat sa pagmamaneho anak."
"I will. Don't worry." Sabay ngiti kay Papa.
"Take care anak." Paalam ni Mama.
"Sige baby ko sabay tayo mamaya. Okay lang ba kasama iyong iba?"
"Yes, Collin. I'll bring along my two new friends too."
"Ah Sige baby girl. Ingat."
"Okay. Bye Everyone." Sabay tayo at kinuha ang mga gamit ko sabay hablot sa susi ng sasakyan ko sa center table ng living room. Sinabihan ko na ang guard kanina na ilabas ang sports car ko sa basement garage para dere-deretso na ang paglabas ko kaya andito ang susi ko sa center table.
At school.
Kalalabas ko lang sa sports car. Pumunta agad ako sa likod ng sasakyan, getting my things inside the trunk. I saw Trigger just came out of his car too. Nakatingin sya sa akin and he just nod at me, so I just nod at him too. People staring at us. Then he walk papuntang classroom na siguro. Tsss paki ko ba kung saan sya pupunta. Then sinarado ko na ang trunk and locked the car. Naglakad na ako papuntang locker room para iwanan saglit ang mga walang kwentang bagay na hawak ko ngayon, like the guitar and my outfit for music class later.
"Anak ng.." I whispered when I saw the two bitches. Ang sama ng tingin sa akin. Ang aga-aga itong dalawa pa talaga ang sunod na makita. Sisirain pa ata ang araw ko. Ipatumba ko kaya mga to?! Tsk. Idi sinamaan ko rin sila ng tingin at nilampasan ko lang sila. Akala nyo naman matatakot ako. Tsss.
Nilagay ko na ang gitara at mga damit sa locker. Hmm paano nagkasya ang gitara? Simple lang, pa-rectangle kasi ang locker so ayun nagkasya sya.
Friday. The first week of class just about to end. One week palang pero parang gusto ko na bumalik ng Amerika. Pero may pinaghahandaan ako. Tsss bakit kasi kelangan ganito ang gagawin namin sa Music class mamaya kakastart palang ng klase sasabak agad kami sa ganitong activity? Ang cool lang di ba?! First week palang ng klase. Ayos! What can I do?! What can we do, estudyante lang kami! Although may magagawa naman talaga ako pero hindi naman pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko sa paaralan na to. Palalampasin ko to ngayon.
Papunta na ako ng classroom nang magkasalubong ko si Trigger.
"Hi Janet." Janet? Tsss.. And everyone is like staring at us. What the heck! Kinausap nya lang ako, pero kung makatingin ang mga to parang may mali kaming ginawa. Tsss. Oh yeah sikat nga raw sila dito.
"Hi." Without smiling. Tumigil sya. Kaya napatigil din ako.
"A-ah.. I saw you carrying a guitar." Aba't nakikinig tong mga tao sa paligid.
"Yes?!" Bakit nya naman natanong.
"If its okay with you that can I borrow it?!" Medyo nahihiyang tanong nya. Lakas ng loob nito manghiram ah pero nahihiya naman, yeah magkakilala kami pero we're not that close.
"Bakit?! Takang tanong ko.
"Ah kasi, di ba may presentation tayo mamaya sa music?! Ah bigla ko lang naisip na magandang gumamit ng instrument. Kaya kung ok lang pwede ba ako manghiram?!
"Ok." I said coldly. "When do you need it?! I can lend it to you now."
"Ok sige. Thanks Janet." Aish. Hindi ko napigilan na magsalita.
"Don't call me Janet. Tsss." I said without looking at him. Nasa likuran ko sya nakasunod lang sa akin. Pabalik ako, ahm kami pala sa locker ko para kunin ang gitara ko.
"A-ah why not?!"
"Coz I don't like anyone calling me that name." Sabay lingon ko sa kanya ng seryoso. Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang gitara. "Here, give it to me after lunch." Saka ko sya tinalikuran matapos kong sinarado ang locker. I walk pass him.
"Thanks Jann. Ibabalik ko mamaya." Habol pa nya ng salita pero hindi na ako lumingon pa. Ngayon ko lang ulit napansin ang mga tao sa paligid ko na bawat madadaanan ko ay nakatingin sa akin. Tsss. Ang sama pa ng tingin.
♥♥♥
Trigger's P.O.V
Pinarada ko na ang sasakyan ko. Pagbaba ko nakita ko si Janet, kararating lang din ata nya. Tinignan ko sya, napansin nya din siguro ako, ni-ngitian ko sya at tumango lang sya. Pumunta sya sa likuran ng sasakyan at binuksan ang trunk nun. May dala syang bag, paper bag at gitara. Ah, mamaya sa presentation. Naisip ko. Ngayon ko lang din naisip na maganda din palang gumamit ng instrument, ang naisip ko lang kasi ang mag acapella.
Naglakad na ako papuntang classroom, sya naman papunta ata sa students locker room. Kaya sa halip na pumunta ako sa classroom dumeretso ako sa lockers. Gusto ko kasi mapalapit sa kanya, so I'm gonna try to ask her to borrow the guitar. Sana pumayag. Papunta na sya dito sa nilakaran ko siguro papuntang classroom at hindi na nya bitbit yung gitara at paper bag kanina. Siguro iniwan nya ito dun, syempre mamaya pa naman yung presentation namin. Nagkasalubong kami. Tapos tinawag ko sya sa pangalan nya na alam kong ayaw nyang ipatawag sa kanya. Ngisi ko sa isip ko.
"Hi Janet." Tumigil ako kaya tumigil din sya sa paglakad. Hmm nag-iba yung itsura nya nang tinawag ko syang Janet. Tapos lahat ng tao nakatingin sa amin. Tsk.
"Hi." Bati nya sa akin. Hindi man lang nakangiti. Kakaiba sya talaga kung tumingin. Matalim at walang ka emo-emosyon. Pokerface.
"A-ah.. I saw you carrying a guitar." Ano ba 'to kinakabahan ako. Pero gusto ko talaga syang makausap kahit kaswal nausapan lang. Napatigil din yung lahat ng tao at parang nakikinig sa usapan namin.
"Yes?!" Ang ikli naman ng sagot nya. Medyo masungit na tugon nya.
"If its okay with you that I borrow it?!" Kinakabahan talaga ako. Pero andito na to. Tuloy lang.
"Bakit?! Takang tanong nya.
"Ah kasi, di ba may presentation tayo mamaya sa music?! Ah bigla ko lang naisip na magandang gumamit ng instrument. Kaya kung ok lang pwede ba ako manghiram?! Tanong ko sa kanya.
"Ok." Ang ikli talaga ng sinasbi nya. Pinapatay ang usapan. Tsk. "When do you need it?! I can lend it to you now." Dagdag nyang sabi. Oh yes! Ipapahiram nya. Yes!
"Ok sige. Thanks Janet." Masayang sang-ayon ko sa kanya. Yahoo! Naglalakad na kami pabalik sa locker nya. Bigla syang nagsalita.
"Don't call me Janet. Tsss." Sinabi nya yun ng hindi man lang lumingon sa akin. Nasa unahan ko sya, nakasunod lang ako sa kanya. Ayos na din siguro tong ganitong simula. At least pumayag sya magpahiram sa akin.
"A-ah why not?!" Tanong ko sa kanya.
"Coz I don't like anyone calling me that name." Sabay lingon nya sa akin, powtek ang seryoso ng mukha nya. Galit ba sya? Aish ang hirap nyang kaibiganin.
Binuksan nya ang locker at kinuha ang gitara. "Here, give it to me after lunch." Tapos tinalikuran nya ako ng ganun lang matapos nya isarado ang locker. Nilampasan lang ako at naglakad na sya papalayo sa akin. Grabe ayaw ba nyang sabay nalang kami maglakad papuntang classroom?! Sa susunod hindi ko na hahayaang talikuran at lampasan lang ako ng ganun. Tsk.
"Thanks Jann. Ibabalik ko mamaya." Pasigaw na habol ng sasabihin ko. Pero hindi na sya lumingon pa.
"Psst. X! Nagiging maingay ka pala kapag si Janet ang kausap mo?!
"Shut up I!" Inis na saway ko sa kanya.
Naglakad na lamang ako papuntang classroom. Nakabusangot ang mukha at nakanguso, bitbit ang gitara nya. Kainis naman kasi sya noh!
"Hoy X, wag mo kong iwanan! To naman oh! Galit agad! Hintay lang." Sigaw ni I. "Hi girls!" Rinig kong sabi ni I sabay kaway sa mga ito.
Tsk. Hindi naman ako nainis dahil sa sinabi ni I, naiinis ako dahil kay Janet. Hirap nyang kausapin. Tsk. "Tumigil ka nga sa ka-kaway mo sa kanila."
"Sungit naman." Maktol ni I. "Bye girls.".
Jann's P.O.V
Finally, our classroom. Kinuha ko ang mobile phone ko sa bulsa ng bag ko, tinignan ko ang oras, it's 7:30 in the morning, our class starts at 8. May 30 minutes pa. Nilapag ko sa upuan ang bag ko at naupo na ako, kinuha ko ang headphone ko, makikinig na sana ako sa song na kakantahin ko mamaya.
"Omg! May bitbit na gitara si X."
"Sinong haharahin nya?!"
"Sana ako nalang, ang gwapo nya talaga."
"Duh! May presentation kaya ang klase nila X sa music mamaya. Kaya manonood ako."
"Ay talaga girl? Manonood din ako, shucks."
Maya-maya dumating na din si Trigger bitbit ang gitara ko. Kasunod si Ross. Nang pumasok sya nakatingin ang mga kaklase naming mga babae sa kanya.
"Hi X!" Si Veron.
"Hi I" ! Si Jenn.
Pero hindi sila pinansin ninaTrigger at Ross. Tsss medyo suplado din pala tong mga to. Sila yung dalawang babae na biglang sumugod sa akin. Tsss. Pahiya tuloy kayong dalawa.
Sinuot ko na lang ang headphone ko para pakinggan ulit ang kantang ilang araw ko nang pinapakinggan. Hindi masyadong malakas ang volume sa mobile phone ko. Habang nakikinig ay napapikit ako.
By the way, kung nagtataka kayong wala ang maiingay na babae, I mean, si Flare at Kim dahil may emergency daw sa kanilang pamilya, ang pinagtatakahan ko lang sabay pa talaga silang may emergercy. Hmm.
I heard someone strummin' the strings of a guitar. Nawala ang focus ko sa kantang pinapakinggan ko, sa halip dun sa tumitipa ako nakikinig.
*Author's Ads.
Trigger practising the song that he'll present later.
Now Playing.
You Take My Troubles Away.
🎶"And so now we begin
Calling on the fortunate son
Stand tall taking everything in🎶
Nawala na talaga ako sa focus sa kantang pinapakinggan ko. Familiar song, the lyrics. Hindi porket isa akong gangster eh hindi na ako pwede makinig ng music, I do love listening to music. Kaya natuto ako maggitara ay dahil mahilig ako sa musika. Hundi ko nga lang pinapalandakan na kumakanta at tumutogtug ako ng mga instrumento at kahit busy ako sa pagpa-practice or training nakikinig parin ako. Minsan na nga ako sumama sa isang gig, ako mismo ang kumakanta at naggigitara. Nasa restau bar kami ng Cali White, just chillin' after we won a battle. Eh nakita ako ng isa kong kakilala, pinilit akong kumanta. Kaya ginawa ko na. Now I remember, it is a soundtrack of the movie Dear John. Napanood ko lang naman yun dahil crush ni Alex yung bidang babae, that I forgot the name.
🎶"Gliding with the feathers you've won I can't live dreaming of a future alone
Hold tight please don't let the memory go🎶
Maganda din naman pala ang boses ni Trigger, yeah I know, it's Trigger. Sya lang din naman ang may bitbit na gitara.
🎶"You take my troubles away
You take my sirens away
You take my running away
You take my battles away
You take my breath away
Take it all, take it all away🎶
Idinilat ko ang aking mga mata. Nahagip ng paningin ko si Trigger. Tangina! Habang nakapakit ako sa akin ba sya nakatingin? Habang kumakanta sya, sa akin ba sya nakatitig? Kanina pa ba sya nakatitig sa akin?
"Kyaahhhhhhhhh.." Tili ng mga babae na kaklase namin.
Nagpalakpalakan pa sila matapos kantahin ni Trigger ang unang bahagi ng kanta. Binaba na nya ang gitara at tinago sa damit na lalagyanan nito.
"Dude X , ang daming fans mo oh?! Kaso napakasuplado mo naman kasi kaya takot na takot na silang lumapit sayo, mula nung nagalit ka ng husto dun sa isang babae."
"Stop mentioning about it I. I don't wanna remember that shit." Narinig kong sabi ni Trigger. Ano naman kaya ang nangyari noon para magkaganito si Trigger. Tss. Curious lang ako okay.
"Okay, okay, sorry X." Paumanhin ni Ross kay Trigger.
Pagkatapos nanahimik na ang lahat. Maya-maya dating na ang teacher namin sa unang subject..
To be continued..