Chereads / Gangster Jann (Cali White Gang) / Chapter 11 - Chapter 11 Weekend Session (Sundate?!)

Chapter 11 - Chapter 11 Weekend Session (Sundate?!)

Jann's Pov

Every Sunday I always wake up early to do my weekend routine, and every Sunday, jogging is what I often do. Actually ang gang ko ang kasa-kasama ko sa pag-ja-jogging, syempre sa California iyon.

"Morning Ma." Genuinely smile with my teeth showed.

"O Heavenly, aga mo anak ah?!"

"Ma, this is my routine." Then took the cup of brewed coffee from her. May iniinom sya eh. "I need to go." Binalik ko na ang cup sa kanya.

"Where are you going?"

"Ah, jogging?"

"Hmm hindi na ako magtataka kung bakit fit na fit ka, sexy mo anak." Kagat labing sabi ni Mama. Minsan talaga makulit din tong Mama ko eh. "Wala ka bang manliligaw?"

"Tsss none. And I'm not interested. Distraction lang sila. Geh Ma." I heard her murmuring, tsk tsk tsk sayang anak.

But I don't regret anything at all. Paano ba sila makakapanligaw eh hindi nila ako matalo-talo sa konting palabas ko. Palagi ko kasing hinahamon ang mga lalaking gusto manligaw sa akin, gusto ko lang naman sila maka-sparring sa boxing ring, kaso sa huli lagi naman silang talo.

Kaya ayun basted agad. I smirked. Kahit isa wala pang nakalusot, siguro forever alone na ako haha, hangga't walang nakakatalo sa akin walang makakapanligaw.

Stretching.

Stretching.

Stretching.

Lumabas na ako ng gate.

"Good morning Miss Han." Salute ng guard.

"Morning." Pero hindi nakangiti. Hindi tayo closed para ngitian ka. Mahal ang ngiti ko. Tsk.

Una palakad-lakad lang ako. Tinali ko aking buhok, nilagay ang headphone sa tenga at nagsimula na akong magjogging. I am wearing a purple jogging pants and purple jacket, with a pair of black sports wear.

Una inikot ko ang block namin three times. Ngayon magjo-jogging ako papuntang clubhouse. Dahil maaga pa, wala pa masyadong ingay at tao sa mga kalye. Tahimik pa ang kapaligiran kaya mas ok.

Malalaki din mga kabahayan dito, madaming kotse. Tuloy-tuloy lang ako sa pagjo-jogging.

Napatigil ako nung parang may sumusunod sa akin, nakiramdam lang ako at hindi lumingon, tapos naglakad nalang ako ng normal.

Lumakas tibok ng puso ko. Alam ko palapit na ng palapit yung sumusunod sa akin. Kumukuha lang ako ng tantiya para kapag susumgaban na nya ako masusuntok ko sya at kung kaya pa sisipain ko na lang.

Then someone grabbed me at my left pulse hand, lumingon ako sa left side ko, aimed my right hand clenching my fist at ready na para sumuntok sa kung sino mang pangahas na sugurin ako. Just an inch away to his face, I was surprised that it was only Trigger and I almost hit his face.

Darn. Gulat na gulat sya. Shit. Kahit ako.

"Shit! Ginulat mo ako! What the fuck you think you're doing?! Why do you have to do that Trigger?!" Galit na sigaw ko sa kanya. Binaba ko na ang kanang kamay ko at inalis ko ang kamay nya sa pulsuhan ko.

"I'm sorry.. I didn't mean to scare you Janet." Sabay yuko nya.

"You should've call me by my name, hindi yung bigla ka na lang lumalapit without saying anything at nang-hawak ka pa" Ikaw na naman ang nakita ko. "You see I almost hit your face." Tsss stupid.

"My fault, sorry."

"Tsss do you need something?" I creased my forehead. "What is it?"

"About the SGS." Maikling tugon nya.

"O, what about that? I thought Collin had told you about that? At may pupuntahan pa tayong apat mamaya."

"Yes he has, but I want to hear it from you."

"What do you want me to say? May mababago ba kung ako ang magsasabi?"

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?"

"I'll tell you, when I need to tell you. Sa ngayon kung ano lang yung alam nyo, yun na lang muna ang dapat na malaman nyo."

"S-Sige.."

"Geh, alis na ako.." Paalam ko sa kanya.

"Sandali.." Napatigil ako sa paglalakad. "May itatanong lang ako."

"What?" Istorbo naman nito. Iniiwasan na nga mukang malayong mangyari pa ata. Tsk. Tsk.

"You're about to hit me. How did you do that? Ang bilis eh, kung hindi mo ako nakilala malamang may blackeye na ako ngayon." Ngising sabi nya.

"Tsss nakuha ko sya sa pagtraining.."

"Training?" Takang tanong nya.

"Yes. When I was in America." Ayaw ko na  dagdagan ang sasabihin ko. Hindi naman nya kailangan malaman ang lahat.

"Ah, wow! Bilis kasi ng reflexes mo. Ano pa ba mga pinaggagawa mo sa America?" Interview ba to? Tsk.

"Trigger, I have no time in chitchat. Cgue na. Kelangan ko pa mag exercise." Nilayasan ko na sya. Ang kulit eh daming tanong. Tsk. "Mamaya nalang ulit." Pahabol ko pa.

"Ok." Yun na lang nasabi nya. Buti nga sayo. Hindi na ako lumingon pa.

So I start to jog again and put on my headset again kanina kasi nung maramdaman ko na may sumusunod sa akin tinanggal ko at sinabit sa leeg ko.

Tinignan ko ang oras sa mobile phone ko, its 6:30 in the morning. Then my phone vibrates. A text message from Alex.

From: Alex Shadowfield

To: Jann

Check your email Queen. Take care.

Hindi na ako nag-abalang magreply pa. I jog my way back to our house. I need to see the email immediately.

Pumasok agad ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang laptop ko, binuksan at nagmadaling itype ang web adress. WWW.gmail.com, typed my email add and password. Look for Alex's email.

As I've read it, it was a file of convo from the leaders of the SGS, may voice clips pa. Delikado ang school, mukhang hindi maiiwasan na hindi madamay.

They are chasing our money, money of our family, Melendrez and Gonsales. Nalaman nila na madaming businesses ang mga pamilya namin kaya kami ang tinarget. Tsk tsk.

Halos ganito ang nangyari sa akin eight years ago, I almost got kidnapped or killed, nadaanan ako sa isang eskinita ng Cali White Gang, niligtas nila ako.

Nalaman ng mga goons , I mean parte sila ng gang, na anak ako ng pamilyang Han na kilalang mga negosyante at mayayaman. Pero tinulungan at niligtas ako ng grupo noon nila Alex kasama ang matandang lider nila na naging guro ko sa mixed martial arts, halos lahat ng nalalaman ko ay sa kanya ko natutunan, tinuro nya sa akin.

Pero pinatay sya nung ibang ka-gang nya dahil masyadong magaling si Sensei Yamato. Oo isa syang Japanese, may dugong Japanese pero nanirahan na sa Amerika, hanggang sa binuo nya ang former name ng gang, Green Alley Gang(Cali White Gang). Kahit wala na sya nagpatuloy parin ang ugnayan ko sa Cali White, hanggang sa nakuha ko ang respeto nila sa akin, ginawa nila akong lider ng gang.

Pero ngayon mukhang mauulit na naman ang nangyari noon pero hindi ko hahayaan na may mapahamak sa pamilya ko.

Nabasa ko rin sa email ni Alex na sila pala ang naging rason kung bakit nagkaroon ng kaguluhan nung nakaraang taon sa Elite Haven. Sinadya nila na manggulo tapos magkukunwaring kaibigan dahil niligtas nila ang TBH at ibang estudyante ng Elite Haven. Fuck. Plano talaga nilang pagkaperahan ang mga pamilya namin pero hindi ko sila papayagan, may magandang naidulot din pala ang pag-uwi ko dito sa Pilipinas. Tsk.

Sa Friday may meeting na mangyayari, meeting yon para pagplanuhan kung paano sila makakanakaw ng pera sa amin. Hinding hindi kayo magtatagumpay habang nandito ako.

Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa kwarto ni Collin.

"Collin, are you in there?" Kumatok ulit ako. Narinig ko na may nagsalita sa loob, malamang nagising ko sya sa mahimbing nyang tulog.

Binuksan nya ang pintuan.

"What it is, Heavenly? Ang aga mo namang mambulabog." Kamot ulo.

I can see that he is sleepy, sorry bro but I need to wake you up. Gulo ang buhok, naka-boxers at walang damit. Tapos bitbit ang isang unan.

"Sorry to wake you up, Collin. But we need to talk about the SGS. May nakalap pa akong infos about sa plano nila. Tsk. Damay tayong lahat dito, kaya get ready, call Ross and Trigger. Maligo ka na, pupuntahan na natin yung sinasabi kong ipapakita ko sayo. Maliligo na din ako. Nawala yung antok nya nung binanggit ko ang SGS.

"Baby, is this serious?" Tutok nyang tanong sa akin.

"Mukha ba akong nagbibiro?? Yes, this is serious and dangerous. Go hurry up. Tawagan mo agad sila ok?!"

Umalis na agad ako sa harapan ni Collin at pumasok ulit sa kwarto ko. Mabilis lang ako naligo.

Pagkatapos ko maligo at makapagbihis bumaba agad ako at naghintay kay Collin sa sala, bago ako bumaba kinatok ko muna si Collin para magmadali na sya.

Nang makita ko syang pababa na ng hagdan, tumayo agad ako.

"Tara, hurry up. We can't waste time. Trigger and Ross, are they coming?"

"Hindi na ba tayo magbreakfast? Grabe ka matapos mo ako gisingin ng alanganin, gugutumin mo pa ako. Nakangusong sabi nya.

"Fuck Collin act like a real man. Mag drive thru na lang tayo sa jollibee. Nagpaalam na ako kay Mama. Ok na."

"Galing ah?! Sabi ko kay Ross at Trigger wag na magdala ng sasakyan. Ok naman sa kanila. Baka andyan na sila.

Lumabas na kami ng bahay, nilabas ko na rin sa garahe ang porshe ko, sabi ko kasi sa kanila na isa lang ang sasakyan na dadalhin para walang maghinala.

Maya-maya habang nakapullover ako sa labas ng bahay namin, katabi ko si Collin sa unahan dahil ako ang magmamaneho, may kumatok sa may bintana ko. I saw Trigger and Ross binaba ko ang window ko.

"Hop in. The car's door is open" Tapos itinaas ko ulit ang window ko. Nagbusina ako sa dalawang guard namin signal na aalis na kami. At nakasakay na ang dalawa.

Nakalabas na kami ng subdivision. For about thirty minutes walang nagsalita kahit isa sa kanila. Maybe nangangapa pa or nag iisip kung ano ba kaya ang posibleng mangyari. At maaga pa, binulabog ko na agad sila. Nakatuon lang ang mga paningin nila sa kalsada. Maya't maya tinignan ko sina Ross at Trigger sa mirror na nasa harapan ko. Tinignan ko din ang nasa gilid ko tahimik lang din.

"Speak up guys, hindi bawal. Tss." Ako na ang unang nagsalita. Nagkatinginan kaming apat. Ilang saglit  lang nagtanong na sila.

"Ahm, Janet totoo ba talaga yung mga sinabi ni C kanina?" Si Ross. Pagkatapos binilisan ko magpatakbo ng sasakyan. Sunday morning is not really that traffic.

"Yes." Sinabi ko yun ng walang lingon. Kay Ross.

"Where are we going?" Collin asked.

"Sa Quezon City." Maikling tugon ko.

"What are we going to do there?" Tanong naman ni Trigger.

"One of my secrets." Sabay ngisi ko.

"Grabe, ano pa bang tinatago mo? Shit Janet wag ka naman masyadong mabilis magmaneho." Si Ross.

"What? 80kph lang yan Ross. Kung gusto mo abutin ko pa ng 120kph? We're near." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Waa Janet naman, ayaw ko pang mamatay!" Mangiyak na sabi ni Ross. Haha tangina matatakutin pala to?

"Oh wait drive thru muna tayo. Hindi pa kami nagbreakfast e." Sabi ni Collin sabay lingon sa likod.

"Matatakutin ka pala Ross?" Medyo binagalan ko na ang pagmamaneho.

"Anong ako lang kaming tatlo kamo, kanina pa kaya tong si X kapit na kapit sa kinauupuan namin. Pati si C naninigas na sa kanyang kinauupuan din."

"Hahahahhahaha.. TBH pala kayo ah. Tsk. Hindi kayo papasang gangster sa akin kung ganyang matatakutin kayo. Hahaha" Hindi ko mapigilang hindi tumawa.

"Haist. Drive thru na tayo." Si Collin.

"Cge." Sabi ko nalang. Gutom na to e. Luminya na kami sa drive thru. Fries, burger, drinks, spaghetti para sa apat na tao, upgraded lahat. Tsk tsk tsk.

Papasok na kami sa isang liblib na lugar. Oo nasa liblib na lugar ang bahay na pinatayo ko. Secret house nga di ba?!

"Wow! Liblib, nasa Pinas pa ba tayo?!" Tapos nakangisi lang.

"Tsss. Shut up."

"Mukhang secret house nga sya." Si Trigger.

"It won't be anymore." Then I stop the car. "We are here." Hayag ko. Bumaba na kami isa-isa sa sasakyan.

"Wow is that the house!? Bakit mukhang walang kabuhay-buhay?" Tanong ni Ross. Habang nililibot ang mga paningin sa paligid, ganun din sina Trigger at Collin.

"Halina kayo.." Naglakad na ako papalapit sa gate ng bahay ko. Lumapit na din sila sa akin. I put my left hand on a hand print detector. "Just so you know, only my hand can open this fucking gate." Tapos bumukas na ang gate. "Pasok na kayo, ipapasok ko lang ang ang sasakyan ko dito sa garahe."

"Holy shit! Techie!" Si Ross, manghang-mangha talaga sya. Ang dalawa pa naming kasama ay tahimik lang nagmamasid sa mga nakikita nila.

The same with the gate, I used my hand print to open the main door. They all just stares at me in awe.

"Pati main door!?" Si Ross parin ang nagsasalita.

"Yes. I need to. Just to keep this place safe I need a security device especially whenever I am not here. I'm not always here."

"Oo nga naman." Si Ross.

"Hanep ka baby!" Si Collin.

"Wow!" Bulalas ni Trigger.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. "Welcome to my Secret House no more."

"Wow hanep! Sa labas parang lumang bahay lang at parang walang nakatira. Pero pagpasok sa loob. Wow!" Si Ross. Crossing his arms while his eyes roaming the place.

"This is a one floor only but lahat ng kwarto dito ay malaki. Isa lang din ang bedroom dito. Tara, dito tayo." Pumanaog kami sa isang hagdan. Then I put my hand in the hand print detector, the door opens. "And Ross kelangan mukhang luma ang bahay para walang magkainteres looban, although may mga security devices ako, pero alam nyo na kapag desidido ang magnanakaw hahanap ng paraan ang mga yan."

"Tama ka do'n Janet. Ganda naman dito."

"Grabe malaking sekreto mo nga ito baby. Ang ganda ah. May underground pa." Si Collin.

"This is an underground room Collin, this is where I sleep. My bedroom, book shelves, bathroom, at the same time my office. This desktop connected to CCTVs, almost all the corner of the house is acquired with CCTVs, and the CCTVs are connected to my mobile phone. Whoever tried to invade my place will surely be caught. Marami pa akong ginawang trapped dito. Kaya mag iingat kayo sa mga hahawakan nyo dito sa mga gamit ko." Sabay ngisi ko sa kanila.

"Nakakatakot naman. Pero nakakamangha."

"Haha. Wait I'll just turn it off. Its connected through electric." May pinindot akong button. "Ok na."

"Kumain muna tayo baby, gutom na ako eh."

"Ok Collin, I am starving too. Tara sa taas andun ang dining area pero maliit lang. Intented for a one person lang kasi ang bahay na to.

While we're eating.. hindi na din maiiwasan na hindi mapag-uusapan ang mga posibleng mangyayari.

"Yeah. They were all just after our money. Kaya kunwari niligtas nila ang Elite Haven mula sa masasamang loob, when the truth is mga members lang din nila yung mga nanggulo."

"Bakit parang hindi ka natatakot tungkol sa gang na yan, Janet?" Tanong ni Ross.

"Because.. I, myself is a gangster too. Dangerous and fearsome enemy."

Unti-unting pagpapakilala ko sa kanila sa totoong ako.

"Teka, anong sabi mo?" Si Collin.

"Tss bingi ka ba? O gusto mo lang ipaulit sa akin ang narinig mo? Yes I am a gangster, Collin. Not just a gangster, but a gang leader. I know how to used a gun, I can stab you with the balisong, I can slash you with sword and I can make a bomb." Pero sa ngayon yun lang muna ang dapat nyong malaman.

"Wow! This is a big revelation. Paanong nangyari na isa kang gangster? You're a girl Janet." Tanong ni Ross.

"I know Ross. But hindi porke't babae ako eh wala na ba kaming karapatan maging malakas man lang? Magkakaharap kaming lahat dahil bilog ang mesa. Sakto lang sa apat na tao ang laki nito. Lahat sila nakatingin lang sa akin. Naghihintay sa susunod kong sasabihing rebelasyon. "Pero syempre wala akong dapat ipaliwanag o dapat na sabihin pa sa inyo. Mas kaunti ang alam, mas nakakabuti sa inyo. Ayaw kong madamay kayo sa mundong ginagalawan ko. Ayaw kong may mapahamak sa inyo."

"I can't believe this. You are a gangster!?" Bulalas ni Trigger. "Dapat na ba kaming matakot sa iyo?" Tsk ano problema nya? Sarkastik nyang binitiwan ang salitang yun. Bakit parang galit sya sa akin? Or parang disappointed? I don't know. I don't care. Habang sinasabi nya yun sa akin ay titig na titig lang sya sa akin.

"Nandito tayo para pag-usapan ang tungkol sa SGS, and not about me, yun nga lang kailangan ko lang bigyan kayo ng ideya kung bakit ganito ako. Kailangan natin pagplanuhan ang mga mangyayaring meeting sa Friday. Sinabi na naman sa inyo ni Collin yung mga napag-usapan namin di ba!? Ano sa tingin nyo? Ok ba? Isa pa feeling ko, they will refused to give you your freedom. Basta sumunod lang kayo sa plano, and it will run smoothly. Pero kung ayaw nyo sa offer ko, pwede na tayo umuwi ngayon din agad." Tumayo na ako pero nagsalita si Ross.

"Janet, wala namamg problema sa plano mo ah. Sang-ayon naman na kami. Ikaw ba X?" Lingon ni Ross kay Trigger.

"I am." Sagot ni Trigger na parang may duda o ewan ko parang nagdadalawang isip sya. Parang ayaw nya. Idi wag!

"X. May problem ka ba kay Heavenly?" Tanong ni Collin. "Kasi kung meron, wag ka na lang sumama sa meeting. Baka mabulilyaso pa ang plano namin. Alam kong ikaw ang lider ng TBH, pero ikaw lang yung lider ng grupo nating tatlo..pero iba to X, iba to, buhay natin ang nakasalalay dito." Tumayo si Collin at umalis sa harapan namin. Anong problema nun? Ganun din ang tanong ni Ross. Sya pa talaga ang nagwalk out ah.. Dapat ako. Sinundan na lamang ng mga mata ko ang pag walk out ni Collin.

"X.." Ang nasambit na lamang ni Ross habang titig na titig kay Trigger. Kahit ako man natahimik din at naghihintay ng gagawin nya.

"Aish. Fine." Tumayo si Trigger. Shook his head. Pupuntahan ata si Collin.

♥♥♥

Trigger's P.O.V

"X. May problem ka ba kay Heavenly?" Baling sa akin ni C. "Kasi kung meron, wag ka na lang sumama sa meeting. Baka mabulilyaso pa ang plano namin. Alam kong ikaw ang lider ng TBH, pero ikaw lang yung lider ng grupo nating tatlo..pero iba to X, iba to, buhay natin ang nakasalalay dito." Tumayo si Collin at umalis sa harapan namin.

Anong problema nun? Ang narinig kong sabi ni I pero pabulong.

"X.." Sambit ni I.

Si Janet sinundan lang ng mga mata nya si Collin na nag-walk out.

Hindi naman sa wala akong tiwala. Nagulat lang naman ako ah, pilit ina-absorb ang nalaman ko. Yung babaeng gustong -gusto ko ay isang lider ng gang, isa syang gangster. Ano ba ang ginagawa ng isang gangster? Oo naging member kaming TBH sa SGS pero never naman kami may ginawang katakot takot. Haist.

Darn I just can't believe that she's a gang leader. How did that happened?

"Aish. Fine." Tumayo ako at pinuntahan si C. Shook my head in disbelief.

Nakita ko siya nakatayo sa may pintuan, ang dalawang kamay nya ay nasa dalawang bulsa ng kanyang pantalon at nakatingin sa labas.

"C.." Tawag ko sa kanya.

"X.." Lumingon lang sya sa akin.

"Pasensya na kung yun ang naging dating ng hindi ko pag-kibo kanina, hindi lang naman kasi ako makapaniwala na gangster si Janet. Alam mo yun, babae sya. Paano ang isang tulad nya ang naging gangster." Naglakad ako papunta kay C, huminto sa likuran nya. Kaya pala nung kanina nagjogging sya nagulat ko sya, kaya halos masuntok nya ang mukha ko. Gulat na gulat ako, ang bilis kasi ng galaw nya. Tapos ngayon nalaman natin na.."

"Oo naintindihan ko." Lingon nya sa akin. " Maging ako man nagulat din sino ba ang hindi? Pero at least sinabi nya parin sa atin kasi alam nyang kilala natin sya at may tiwala tayo sa kanya. Wag natin husgahan ang kapatid ko. Kung may nagawa o nasabi man sya, wag muna natin husgahan."

"Tuloy parin ang mga napag-usapan natin."

Sa halip na sa underground floor kami mag-usap nauwi kami sa dining table.

"Oo naman. Tara balik na tayo sa kusina?" Anyaya sa akin ni C.

"At saka itong secret house no more nya hanep sa technology." Sabi ko kay C. "Unbelievelable sya di ba?!"

"Hahaha oo nga eh. Akalain mo yun?! May ganitong talent or skills ang kapatid ko. Sabagay, walong taon wala sya sa poder namin. Ano bang alam namin talaga sa mga ginagawa nya araw-araw? Ang iniisip ko lang ngayon, paano sya makipaglaban? Paano kung nabugbog sya? Sino ang mga kasama nya sa gang? Ang dami kong gustong malaman. Pero tulad ng sabi nya, wala syang dapat sabihin o ipaliwanag sa atin. Kaya maghihintay nalang ako kung kelan nya isa isang sasabihin o ikwento ang mga karanasan nya bilang gangster. Malamang hindi naging madali buhay nya sa Amerika. Hindi normal. Hoy, X! Nakikinig ka ba?! May gusto ka ba kay Janet?! Mukhang nabigla ka ng sobra sa nalaman mo eh." Ang mahabang Litanya ni C. Haha. Tawa ko sa isip ko. Batid ko rin yung huling tinuran ni C. Ano nga kaya naging buhay nya sa Amerika?! Fuck. Collin.

"Tara na nga, ang problemahin muna natin ngayon ay ang SGS." Hindi ko na sinagot pa ang tanong nya. bahala sya dyan. Sabay na kaming naglakad ni C na nakaakbay pero nakasalubong namin si Janet.

♥♥♥

Jann's P.O.V

Naglakad na ako papuntang sala, iniwan ko muna si Ross si dining area. Tatawagin ko na sana silang dalawa pero ito yung mga narinig ko sa mga usapan nilang dalawa.

"At saka itong secret house no more nya hanep sa technology." Boses ni Trigger.

"Hahaha oo nga eh."Tumawa si Collin. Akala ko talaga magsusuntukan na yung dalawa. Tama nga si Ross, hindi basta-basta mag-aaway ang dalawa.

"Akalain mo yun?! May ganitong talent or skills ang kapatid ko. Sabagay, walong taon wala sya sa poder namin. Ano bang alam namin talaga sa mga ginagawa nya araw-araw?" Tama ka Collin, wala kayong alam sa mga pinagdaanan ko sa Amerika pero hindi ako nagsisisi.

"Ang iniisip ko lang ngayon, paano sya makipaglaban? Paano kung nabugbog sya? Sino ang mga kasama nya sa gang? Ang dami kong gustong malaman. Pero tulad ng sabi nya, wala syang dapat sabihin o ipaliwanag sa atin. Kaya maghinhintay nalang ako kung kelan nya isa isang sasabihin o ikwento ang mga karanasan nya bilang gangster. Malamang hindi naging madali buhay nya sa Amerika. Hindi normal. Hoy, X! Nakikinig ka ba?! May gusto ka ba kay Janet?! Mukhang nabigla ka ng sobra sa nalaman mo eh." Masaya na rin ako at nakakaunawa si Collin. Pero yung huling tanong nya kay Trigger. Fuck Collin.

"Tara na nga, ang problemahin muna natin ngayon ay ang SGS." Magkasabay na silang naglakad pabalik sa dining area tapos magkaakbay.

"O baby, ikaw pala, sinusundo mo na ba kami ni X?"

"Yeah. So ok na ba kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Yes we are. Don't worry." Si Trigger ang sumagot na.

"Tuloy na tuloy na ba ang plano natin? Pero kung may suggestion kayo, walang problema basta sabihin nyo lang sa akin. Sa isa't isa." Nakatitig lang sa akin si Trigger.

"Wala na kaming reklamo sa plano mo, kasi ikaw ang mas nakakaalam. Alam mo paano mag-isip ang isang gang. Hindi naman sa maling paraan namin tinatanggap ang pagiging gangster mo, pero syempre nagulat lang kami." Si Trigger.

"I know right. I have no problem with that. I understand it. Sa labas na tayo kumain ng lunch, wala akong mga pagkain dito sa bahay. Alam nyo naman hindi naman ako palagi nandito."

"Pwede bang gawin nating hideout tong bahay mo?" Suhestyon ni Collin.

"I've got no problem with that Collin. So tara na umalis na tayo." Anyaya ko sa kanila.

Umalis na kami sa Secret House No More ko. Sa isang restaurant na kami kumain, isa pa late na, nalipasan na kami ng tanghalian.

Pagkatapos nun isa-isa namin silang hinatid sa bahay nila, una si Ross, on the way din naman ang subdivision nila sa amin, tapos si Trigger, napag-usapan naming apat na dapat walang makakaalam sa mga napag -usapan at sa mga natuklasan nila, sa ibang tao.

Kinabihan nun naisip ko na lang bigla si Trigger. Ano kaya ang naiisip nya tungkol sa akin? Now that he knows who really am, will he look at me the same? O iiwasan na nya ako? But the truth is ako dapat yung iiwas sa kanya, but how can I? How? Ngayong ang mga buhay naming lahat ay nasa alanganin? Dahil dun hindi ko na magagawang layuan pa sya. Katulad kanina sa may sala, ramdam na ramdam ko ang mga titig nya sa likuran ko. Fuck. Ano na ang gagawin ko?

Hindi ko pa pala sila nailibot sa buong bahay ko, siguro sa susunod nalang na balik namin dun. Saka ko sasabihin sa kanila anong kaya kong gawin.

Tomorrow is Monday, and I don't know what's store for me or us. Sana walang gulo mangyayari. Ang iniisip ko lang ay baka gumawa ng hakbang ang SGS para makuha ang gusto nila. Madamay ang mga estudyanteng inosente. At guluhin ang pamilya namin, pero syempre habang humihinga pa ako ay hindi ko hahayaang may mangyaring masama. Sana lang din ay hindi nila matuklasan na hinack namin ang mga usapan nila sa email at sa mobile phone para paggumalaw na kami masosopresa na lamang sila sa mga alam namin.

I turned off the light. I put my mobile phone in the side table, hide myself in the blanket at ang bagay na hinding hindi ko makakalimutan ay ang aking weapon, balisong at baril, tinago ko ito palagi sa ilalim ng aking unan at kapag nasa paaralan naman ako ay balisong lamang ang pwede kong bitbitin dahil maitatago ko naman ito sa aking medyas, maitim at mahaba ang aking medyas kaya maitatago ko ito. Habang nakapikit, sumagi ulit sa aking isip si Trigger.

Author's P.O.V

Hindi na namalayan ni Janet na nakatulog na pala sya. She sleeps quietly. Peacefully.

Ang hindi nya alam ay may isang lalaki sa labas ng bahay nila na nakatingin sa ikalawang palapag ng bahay. Halos mag aalas-dose na nun. Ang lalaki nakasuot ng black leather jacket, black pants at black shoes, may dala syang motor. Habang nagmamasid ito ay nakasandig lamang sa kanyang motor, tapos nakapamulsa. Maya-maya sumakay na sya sa kanyang motor at humarurot ng takbo.

To be continued..