Charlotte Monica POV
Friday
I gave him the anklet, sinuot nya naman agad. "I hope you like it." I told him.
"I like it a lot, Charlotte." Remember when we went to the mall, with Chris and Erica? He bought me a pair of an earrings and a bracelet. Ang ganda sobra! I asked him to wear the bracelet on me.
"Thank you, Thirdy." Sabi ko.
"You deserve it, Charlotte. And, well, thank you too for this, inangat naman nya ang kanyang paa para ipakita ang suot nyang anklet.
"You're welcome."
Naupo kami sa mga benches. Katatapos lang namin mag-agahan doon sa jollibee. Lahat kami gumising ng maaga para ihatid sa airport sina Thirdy at Tita Claire.
Nauna na pala ang Dad ni Thirdy sa Manila, magkasama kasi silang dalawa ni Papa doon, usapang business. Doon na sila magkikita-kita nila Thirdy at tita Claire. Ang flight nila from Manila to Singapore, from Singapore to UK, malayo-layo ang byahe na iyon pero okay lang naman daw iyon, itutulog lang naman din nila ang mahabang byahe sakay ang eroplano, sabi pa ni tita Claire.
Nakauwi na kami sa bahay, panay ang tanong ni mama sa akin tungkol kay Thirdy pero ni-isa wala akong sinagot. Nahihiya ako eh. Pinakita ko lang sa kanya ang regalo sa akin ni Thirdy na suot kong bracelet.
"Dalaga na nga ang anak ko." Komento pa ni mama. Si lolo Faust naman, ngumiti lang.
Tatawag na lang daw si Thirdy kapag dumating na silang Manila.
Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina, I can't believe it! He kissed me on my forehead with our family in front of us. Tunaw na tunaw ako sa hiya. Tumikhim lang si Lolo Faust. Nakita nya ginawa ni Thirdy. Si mama at tita Claire naman ay panay ang ngisi lang. Si Thirdy naman, patay malisya lang. Kaloka! Parang normal lang sa kanya ang ganoong gesture samantalang ako ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.
"Thirdy, you shouldn't do that." Sabi ko pa sa mababang tono ng aking boses. Boarding na kasi no'n. Tinawag na ang flight ticket numbers nila.
"Why?"
"Nahihiya ako kina mama."
"They knew it."
"Eh?"
"Yeah."
Natameme ako. "Ano?" When I realized what he just said.
"Yeah." Cool lang nyang sabi.
"Eh.. Anong reaction nila?"
"They just cool with that." Sabi nya pero sa malayo ang tingin.
"Okay?" Tumingin lang din ako sa malayo kung saan natatanaw ang mga eroplano.
Natahimik kami ng ilang sandali, maya-maya kinuha nya ang kamay ko. Sila Mama, Tita Claire at Lolo nasa unahan lang namin, nag-uusap ng hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan. "Are you scared?"
"I'm nervous." He just smirked.
"Eeeeeeeeeei...." Habang hawak ang aking mga pisngi, napapatili ako sa kilig pero syempre pigil na tili iyon! Ayaw ko naman marinig ako nila mama na sumisigaw ako sa kilig dito. Haha.
Iidlip na nga lang muna ako. Humihikap na kasi ako sa antok.
Pagkatapos ng isang oras nagising ako sa katok sa labas ng kwarto ko.
"Charl, anak?! Gising na! Let's have lunch, anak." Narinig kong tawag sa akin hanggang sa bumukas ang pinto. "Anak, bangon na."
"Opo, mama." Iinat-inat na bumangon ako sa kama habang humihikab. Inaantok pa ako. Nasa tabi ko natutulog ang alaga kong pusa.
"Okay. Sige anak, baba ka na ha?!"
"Opo." Nauna nang lumabas sa kwarto ko si mama. Sinilip ko muna aking phone. May apat na missed calls. Oh my si Thirdy! Binuksan ko agad at tinignan kung anong oras ito tumawag. Nanghihinayang akong hindi naisagot ang tawag nya. Tinalian ko ang aking buhok na ngayon ay lagpas balikat na saka bumaba papuntang dining table.
Kumakain na si lolo Faust na naka-upo sa kanyang pwesto at sa tabi nya si mama.
"Kain na Monica." Anyaya sa akin ni lolo Faust.
"Opo." Naupo na ako sa tabi ni mama. Si lolo, Monica na talaga tawag sa akin nyan dati pero matagal na rin iyong huling tawag nya sa akin sa unang pangalan ko, ngayon na nga lang. Nakakapagtaka lang kasi.
"Oo nga pala, anak.." Panimula ni mama.
"Po?"
"Tumawag si Tita Claire mo, ang sabi nya.."
Natigil ako sa pag-nguya sa sinabi ni mama. Gusto ko pakinggan ng mabuti ang sasabihin nya.
"..Papunta na silang Singapore ngayon. Stop sila saglit doon tapos diretso UK na ang flight."
"Talaga po? Eh si papa po, mama?" Hindi ko alam bakit ko iniba ang topic, samantalang interesado akong malaman kung kumusta na sila. Lalo na si Thirdy.
"Si papa mo? Sa susunod na weekend pa sya uuwi anak."
"Mama, masyado na po'ng busy si papa.." nilingon naman ako ni mama. "Ibig ko lang sabihin po, baka magkasakit po sya na purp trabaho ang inaatupag nya at namimiss ko po si papa."
Ginulo ni mama ang buhok ko. "Ang anak ko, marunong na kahit paano mag-isip para sa pamilya. Hayaan mo, sasabihin ko sa papa mo na umuwi na sya kasi nami-miss na sya ng kanyang unika iha."
"Salamat po mama."
Ang tahimik na ng bahay. Wala nang nangungulit sa akin. Maya't maya napapatingin ako sa aking phone habang nanonood ng palabas sa tv. Hindi ko parin maiwasan manghinayang, kung naisagot ko lang sana ang tawag nya.
Lumipas ang ilang araw. Wala parin akong natatanggap na kahit anumang mensahe mula kay Thirdy. Bakit kaya? Baka mag-overthink lang ako.
Sa ngayon naghahanda na ako sa mga requirements ko para sa enrollment. Kasabay ko mag-enroll sina Erica at Chris. Excited na ako. Usapan na namin na magkaklase parin kami. Si Jeane nakauwi na mula Spain, hindi pa kami nagkikita mula nang makauwi pero magkikita na lang daw kaming lahat sa araw ng enrollment. Excited na ako.
Panay na lang ako sa pagview ng mga photos namin ni Thirdy noong nasa airport kami. Nagselfie kasi kami, mga sampung larawan ito at meron ding si tita Claire ang kimuha ng litrato. Lahat kami nakangiti kahit dapat malungkot kahit kaunti dahil nagpapaalam na kami sa isa't isa. Haist! Ano ba itong iniisip ko? Mag-uupload na nga lang ako ng isa dito sa mga selfie namin ni Thirdy tapos isasama ko sa pag-upload ang mga litrato na kasama naman sila mama at tita Claire dito sa FB ko. Matapos kong gawin 'yon tinignan ko ang chat box ko. Pero hindi ko nakitang nag-online si Thirdy. Bahala na nga lang, ime-message ko na sya.
"Kumusta? Pasensya ka na kung hindi ko nasagot iyong tawag mo? Kumusta din pala iyong naging byahe nyo?"
Message sent.
Pagtingin ko naman sa FB notification ko puro like lang nakikita ko mula sa mga casual friends ko sa school at ang iba naman dating mga kaklase.
Natulog na lang ako ng gabing iyon na puno ng tanong ang isip ko.
To be continued..
📝 Jannmr