Chereads / Hacienda Casteel / Chapter 33 - Chapter 33

Chapter 33 - Chapter 33

I can't believe what had just happened earlier! Ginawa ni Thirdy ang mga iyon. Ang laki ng impact sa akin iyon. Nang tumalikod na sya sa akin saka lang naging normal ang paghinga ko. Gosh! I can still feel his arms around me and his kissed on my cheek.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at ni-lock ito. Bakit ganoon na lang epekto nya sa akin? Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko! Bakit nga ba?

*Tumunog ang notification ringtone sa phone*

Agad kong dinukot ang phone ko sa likod ng bulsa ng pants ko.

It was Chris who sent me a text message.

"Good night, Charl."

I tap on reply, "Good night, too."

Sent.

Ginugulo talaga ni Thirdy ang isip ko, while lying on my bed, I just can't stop thinking of him and what he did and said. "Thirdy." Wala sa sariling binanggit ang pangalan nya. I will surely miss him. His presence will always be with me. Parang ang tagal na namin magkasama. Looking forward ako sa bonding na gagawin namin tomorrow sa cabin. Eh? Bakit parang kinikilig ako?  Iniisip ko palang, I feel fluttered na.

Half way through na ako sa anklet na ibibigay sa kanya. Sana lang magustuhan nya?

Magkasunod akong nakatanggap ng text message. Akala ko nag-reply si Chris but it was Erica and the other one was Thirdy, saying good night.

Tap on reply message. Unang send is for Erica. Then I send another one for Thirdy.

Thursday.

Hindi ako masyadong nakatulog, paikot-ikot lang ata ako sa higaan. Nang tumunog ang cuckoo clock dito sa room ko,  it was 7 A.M., so bumangon na lang ako and do my daily routine.

I chose to wear a black plain shirt and a maong pants. Naiisip ko na naman ang nangyari kagabi. Napangiti na lang ako. Masarap pala kasi sa pakiramdam. I think ang dami kong naranasan na first time and all of that is with Thirdy. Iyong kakaibang feeling.. Feeling of happiness, kilig. Haist.

Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko bumaba na agad ako at dumeretso sa kusina.

"Good morning, Mama." Napalingon naman sya sa akin. Binuksan ko ang fridge at kumuha ng fresh milk at isinalin sa baso.

"Ang aga mo anak?" Nagtatakang tanong ni Mama.

"Nagising lang po ng maaga. By the way po tatambay lang po kami ni Thirdy sa cabin mamaya. Pwede po ba, Mama?" Sana pumayag. "Please po, Mama."

Tinignan nya lang ako, pagkatapos ngumiti. Anyare kay Mama?

"Okay, Anak. Wala naman problema sa akin. Do you like, Thirdy?" Nagulat talaga ako sa tanong ni Mama. Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Namumula ka, anak." Natatawang sabi pa ni Mama.

"Mama!" Suway ko pa. Shucks!

"Sus, Anak! Walang masama magka-gusto sa lalake, basta wag mo lang hahayaan na makalimutan kang respetuhin."

"Mama!" Hindi ko alam anong sasabihin kay Mama.

"'Di ba, umamin naman si Thirdy na may gusto sya sa'yo anak?"

"Opo." Mahinang tugon ko. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Gosh!

"Alam mo naman ang condition ko sa'yo, hindi ba anak?"

"Mama, alam ko po bawal ang mag-boyfriend hangga't hindi pa tapos ang pag-aaral. And Thirdy knows it too." Gosh! Nahihiya akong pag-usapan ang ganitong bagay sa Mama ko.

"Really? You told him?" Umiling lang ako. Basta naninigurado lang ako anak na hindi mo nakakalimutan ang mga napag-usapan natin."

"Hindi po, Mama." I swear, I won't and I don't. I don't want them to get disappointed with me.

"Thirdy is fine with me. Kung magiging boyfriend mo sya sa future.." May kasamang pang-aasar pa sa boses ng Mama ko kaya pinutol ko na ang sinasabi nya.

"Mama!" Waaa nakakahiya. "Baka po may makarinig. Nakakahiya po."

Natawa lang sya sa reaction ko. "Now tell me, if you likes him too, anak?"

Hindi ako nagsalita. I just nodded as my answer.

Matamis lang ngumiti si Mama. So approved na pala agad si Thirdy?

"Well, mukhang bagay naman kayo."

Nilagok ko ang fresh milk na nasa baso.  Natutuwa ako at the same kinakabahan sa sinabi ni Mama. I must be lucky to have this kind of a mother.  She's cool with that. Or maybe she trust me that much? Either way, I'm thankful. And I love my parents.

"Ano ba gagawin natin sa cabin?" May dala-dala kaming pagkain, cake, junk foods, softdrinks, paper plate, plastic utensils at plastic cup. Parang picnic lang? Idea nya ito eh. Dito na din daw kami mag-lunch. Parents naman namin kasama si Lolo Faust nandoon sa mall, last day na kasi nila Thirdy dito sa Pilipinas kaya nagbonding sila. Dapat kasama kami pero nagpaaalam ulit kami, actually si Thirdy ang malakas loob na nagpaalam ulit kina Mama na dito lang kami, kung kaya susunduin na lang daw kami mamaya ng driver para sa dinner out, tutal nasa mall na rin naman sila. Hindi ko naisip na papayag silang lahat na manatili na lang kami dito, pero pumayag sila. Inimbitahan din namin sina Erica at Chris sa dinner mamaya.

"I just want to spend my time with you." Ang sweet nya.

"Can we play PlayStation?"

"Of course, what game you want to play?"

"Dance Revolution?!" Suggestion ko.

"Oh."

"Why?"

"Nothing. It's been awhile that I dance with Dance Revolution."

"So, it's okay, then?"

"Of course."

Nakarating na kami sa cabin. Agad kong nilapag sa maliit na la mesa ang bitbit namin. Nilagay ko naman sa loob ng mini ref ang drinks para mas lumamig pa.

Ngayon lang ako biglang kinabahan. Narealize ko how awkward this is, na kaming dalawa lang ni Thirdy dito sa cabin. To think na, oh my! Ayaw kong isipin. Siguro nga malaki tiwala ng parents namin sa amin para payagan kaming magkasama dito, na kaming dalawa lang. Ayaw kong mag-overthink. Wala naman sigurong mangyayari masama. Erase. Erase that thoughts Charlotte. Thirdy is a nice boy. Guy? Man? Basta he's nice. Tiwala lang.

"Can we hang out in the swing?"

"Yes, sure. Tara." Inunahan ko syang maglakad papunta sa likod ng cabin pero nakahabol sya sa lakad ko pantay na kaming naglalakad. Biglang kinuha nya ang kanang kamay ko. Nandito kasi sya sa kanan ko. Napatingin ako.

"I hope it's okay with you Charlotte, to hold your hand?"

"Eh?" Hindi ko alam anong isasagot ko. But anyway, hindi nya parin binitiwan ang kamay ko.

To be continued..

📝 Jannmr