"Grabe ang pagod ko sa mahabang stairs na iyon! Pero worth it. Sa ganda ba naman ng view doon sa itaas." Bulalas ni Angelique kay Charl, kahit napaggigitnaan nila si Thirdy.
"Of course. Sobrang ganda nga." Tugon naman ni Charl.
"You are right, Angelique." Komento din ni Savannah na lumingon pa sa likod.
Busy naman sina Brian at Enrique sa phone nila. Palagi na lang nasa phone itong dalawa.
"Kids, before we visit Tarsiers' sanctuary, we should eat lunch first. I'm sure, gutom na kayo, right?!" Sabi ni Angel, Mama ni Charl.
"Sige po." Pagsang-ayon naman nilang lahat.
Nagsimula na silang bumyahe, naghahanap ng restaurant o kahit karinderya. Ang dami nilang nadadaanang mga lumang bahay, lumang gusali at lumang simbahan, na nasira ata noong naglindol.
Si Charl naman tahimik lang nakikinig ng music sa phone nya sinuot kasi nito ang earphones nya, pero maya lang hindi nya ata napansin na napalakas na pala ang boses nya habang sumasabay sa kantang pinapakinggan. Si Charl sobrang mahilig sa mga lumang kanta kaya pati songs sa phone nya halos lahat ng laman ay mga luma.
I Think I'm In Love by Kuh Ledesma
"I think I'm in love
Think I'm in love with you
Every single day
Every single night
Every single moment of my life
I want to spend them all with you
I think I'm in love
I think I'm in love
I think I'm in love with you
Tell me that you care
Tell me... please
Tell me that you also feel
The way that I do..."
Napatitig na lang si Thirdy sa kanya kahit nakatingin naman si Charl sa labas ng bintana na kumakanta. Inagaw bigla ni Thirdy ang kanang earphone ni Charl. Nagulat naman ito. Sinenyasan sya ni Thirdy na makikinig din sya sa pinapakinggan nito. Tinuturo ang earphone nya. Umu-kay naman si Charl. Nilagay agad ni Thirdy ang earphone sa tenga nya.

Gusto ko (Pagsundo) by UDD
"Dahan dahang nagbabagong
Hugis ng mundong
Ating ginagalawan
Ako'y paparito
Ika'y paparoon
Di na natutulad sa buhay
Natin noon
Mamumulat ang matang
Paalis ka na pala
Hindi mapigil na isiping
May nagbago nang talaga
Ngunit sa kabila ng lahat ng to
Ikaw parin ang nais makasama ko
Oh
Ito na nga ba'y pang habangbuhay
Uh oh
Walang pagpapanggap
Totoo at tunay
Kung nais mong ako
Ang makasama mo
Wag kang mag-alala
Nandito lang ako
Naghihintay sa iyong
Pagsundo
Gusto mo, gusto ko
Kaya ko, kaya mo
Sama tayo
Bawa't araw at gabi
Tayo paring magkatabi
Kahit minsang magkalayo
Sa gitna ng pagsubok,
Isang tawag
Ako'y susugod
Kailanman'y di ka tatalikuran
Palagi kang sinasisip
Gising man o nananaghinip
Walang katulad na bigkis tayo
Sa dinadami ng makikilala mo
Sana'y ako parin ang..."
"Can you understand what does it said?" Maya't tanong ni Charl kay Thirdy mukhang nag-eenjoy kasi ito sa Tagalog song.
"Uhm, kinda. I like the beat of the song. Who sang this?" Tama nga si Charl nagustuhan nga ni Thirdy ang kanta. May pa-tap kasi ito sa lap nya gamit ang mga daliri nito nang lumingon saglit si Charl sa kanya kanina, kaya tinanong nya ito.
"Their name is Up Dharma Down aka UDD. They're songs are great, you should listen more to their songs." Pagbibigay impormasyon pa ni Charl.
"Do you listen to their songs, oftenly, Charlotte?!" Tanong ulit ni Thirdy, mukhang interesado na nga kasi ito sa banda.
"Yes, I love them. Their songs are unique in a way that its like poetic." Explain pa nito.
"Then I'll listen to them too."
"You should." She smile. While they were talking everyone was just listening, kunwari lang silang busy sa mga phone nila. Pangiti-ngiti naman si Angelique sa naririnig na palitan ng kwentuhan ng dalawa.
"Sige, dyan na tayo." Habang busy sa pakikipagkwentuhan ang dalawa, busy din ang mga nakakatanda na maghanap ng makakainan nila.
Lunch.
May nakitang maliit na karinderya ang driver, inalok nya ito sa lalakeng katabi nya sa van. Tinanong naman ni Miguel ang mga kasamang babae sa likuran nya.
"Hon Claire, okay lang ba sa inyo ni Angel na kumain tayo sa karinderya? Kesa maglibot-libot pa tayo baka wala na tayong mahanap pa at saka mahirap ang magpark." Tanong nya sa mga ito.
"Ano sa tingin mo, Mareng Angel?" Pinasa naman ni Claire ang tanong.
"Kung wala namang problema sa mga bata, pwede na tayo dyan. Tama nga naman kasi si Pareng Miguel, baka wala na tayong mahanap pa."
"Kids, are you okay with eating in karinderya?" Tanong ni Claire sa mga bata.
Si Savannah. "No problem po."
Si Brian. "Masarap kumain sa karinderya paminsan-minsan."
Si Enrique. "Gutom na ako." Binatukan sya ni Brian. Natawa lang ang Tita Claire nila. Iba naman kasi ang sagot sa tanong nya pero kung tutuusin pwede na din naman, kahit saan kumain basta kakain na sila.
Sina Thirdy at Charl. Sabay pa nilang sabi, "No problem."
Si Angelique. "Me too."
After mamili ng gusto nilang pagkain, umupo na sila sa table nila. May adobong baboy, sinabawang isda, pakbet, pritong manok, at monggo, syempre hindi pwede walang soft drinks. Nang dumating na ang order agad nilang nilantakan ang pagkain. Lahat sila gutom na, naubos ang energy nila dahil sa pag-akyat at baba sa hagdan doon sa Chocolate Hills.
Isang oras din silang nanatili sa karinderya. Pagkatapos kumain, agad naman bumyahe ang van nila papuntang Tarsiers' Sanctuary. Mga forty minutes daw ang byahe nito mula sa karinderyang pinagkainan nila, medyo malayo pa ang byahe.
Lahat sila maliban kay Miguel, Thirdy's dad ay kasalukuyang natutulog. Gigisingin na lang nya sila mamaya kapag nandyan na sila. Nagkwekwentuhan na lang sila ng driver. Kung saan-saan nalang umabot kwento nila.
"Everyone, wake up, we're here. Wake up kids." Tawag nito sa kanila, napasarap na kasi mga tulog nila.
Lumapit si Thirdy sa Dad nya, "Dad, wait for me, I just need to go to comfort room." Paalam nito.
"Sure, Thirdy." Umalis na si Thirdy. "Hon." Tawag ni Miguel sa kanyang asawa. "Mauna na kayong lahat sa loob, I just wait for Thirdy."
"Sure, Hon. Mare, mga bata, tara na." Tawag nya sa mga kasama nila.
"Where's Thirdy po?" Tanong ni Angelique kay Claire.
"Nag-CR lang Angelique. We're going first."
Nawala lang saglit si Thirdy, saka naman nakalapit si Brian kay Charl, nakita ito ni Savannah at binulungan si Angelique. Sambit naman ni Angelique, "Let them be. I want to see Thirdy's reaction."
"Luka-luka ka, gusto mo ba makitang umusok na naman ang ilong noon?!" Natawa na lang ang dalawa.
Hindi na lingid sa kaalaman ng dalawa na may gusto nga itong si Thirdy kay Charl pero si Charl naman ay walang kaalam-alam. Kung makabakod kasi itong si Thirdy, akala mo boyfriend na sya ni Charl. Kaya gusto makita ni Angelique ang magandang reaksyon nito. Lol
"So you like UDD songs?" Nang makalapit, agad nagsalita itong si Brian kay Charl nakikinig lang kasi ito kanina sa pag-uusap nila ni Thirdy, ayaw lang nya sumabat.
"Of course, Bri." Tugon nya.
"What is your fave song of UDD, Baby Charl?" Bakit parang seryoso kung mkipag-usap itong si Brian. Napansin kasi ito ni Charl sa pamamagitan ng expression sa mukha nito.
Si Enrique, nakabantay na sa pagbabalik ni Thirdy. Kinakausap kunwari nito ang Dad ni Thirdy.
"Its really hard for me to answer that question Bri. Lahat kasi magandang pakinggan."
"Same with me, I can't choose too." Hindi na lang sila tumuloy na maunang pumasok sa loob para makita ang mga Tarsier, gusto na lang nilang lahat na hintayin si Thirdy.
To be continued..
📝 Jannmr