Chereads / The Ideal Man / Chapter 6 - Chapter 6: During Briefing for Pictorial

Chapter 6 - Chapter 6: During Briefing for Pictorial

Kriiiiing kriiiiing kriiiiing' maagang nabulagta si Jeanlie ng marinig niya na may tumatawag sa cellphone niya. Pagkatingin niya sa screen ng kanyang phone ay nakita niya na ang organizer pala ang tumatawag at nag abiso na by eight o'clock in the morning today ay dapat na nasa venue na sila dahil na reschedule ang pictorial nila, instead na bukas pa ang kanilang pictorial ay ngayon na gaganapin dahil sa may mga venue sila sa pictorial na gagamitin ng isa sa mga sikat at mayayaman na pamilya sa bayan. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay agad tiningnan ni Jeanlie ang kanyang orasan sa cellphone, it's 6:20 in the morning na, she only have less than an hour to prepare kasi dapat before 8am ay nandoon na siya. Kaya madali siyang bumangon at nagprepare, ng maalala ang kaibigan na si Nathalie na nagpromise siya nito na isama niya sa pictorial, agad siyang bumalik sa kanyang kama kung saan nakalapag don ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigan at sinabi na ngayon na ang pictorial nila, at hindi naman tumanggi ang kaibigan at sasama daw ito dahil wala naman sila masyadong klase ngayon, kung kaya't matapos ang pag-uusap ng dalawa through phone calls ay agad ng nagtungo si Jeanlie sa banyo para maligo.

*****

Habang nagtutupi ng damit na dadalhin na extra ni Jeanlie,nagulat na lamang siya ng biglang pumasok ang kaibigan.Dumeritso itong pabagsak na nakahiga sa kanyang kama.

"Whoaaaaa! ang bilis ah, naligo ka naman?nagdala ka ba ng extra damit mo? baka kasi uulan sa venue ,di natin alam, mas mabuti na yung handa tayo. "pangiting sabi ni Jeanlie sa kaibigan habang pinapasok na ang kanyang tinutuping damit sa kanyang pack bag na dadalhin.

"Ayoko kayang malate baka iwan mo pa ako eh, oo naman naligo ako nuh at nagdala din ako ng extra, baka naman kasi maisipan kung maligo sa isa sa mga resort na pagpipictorialan niyo" pangising saad ng kaibigan habang pinikit ang mata, dahil halatang inaantok pa ito kahit bagong ligo.

"Siya siya bangon na diyan at kakain na tayo para kahit papaano may laman ang sikmura natin" nakatayong saad niya habang papalabas na ng kwarto at sumunod naman ang kaibigan nito.

"O anak ang aga mo yata ngayon, kakain ka na ba,? teka punta muna ako kay maring dadang para mangutang sa tindahan niya ng can goods para sa breakfast niyo. "saad ni Aling Nina habang nakita niya ang papalapit na anak.

"Tinawagan kasi ako ng organizer Ma na ni reschedule ang pictorial namin ngayong alas otso kaya nagmamadali ako"

"Ay auntie wag ka ng mag abala sa breakfast namin ,don nalang kami kakain sa fastfood na malapit sa venue nila para naman di na kami magmamadali" agad na sabat ni Nathalie habang nasa likod ng kaibigan.

Kinuha ni Jeanlie ang wallet sa bag niya

"Ma ito pala ang galing sa allowance ko na binigay ng Tourism, inipon ko para makatulong sa bahay kahit papaano para naman may pang ulam tayo, di ko naman masyadong nagagastos kasi nga libre naman lahat doon at subra subra din yan sa pamasahi ko pauwi at pabalik. Sige ma tuloy na po kami" sabay kuha ng kamay ng kanyang ina at binigay niya ang pera na galing sa wallet niya.At dinampian niya ng halik sa pisngi ang ina.Maluhang luha nalang ang sagot ng kanyang ina at sabay hagod sa kanyang ulo.

****

Nang nasa jeep na sila ni Nathalie papuntang venue napansin ng kaibigan na tila ba may tinatanaw sa di kalayuan ang kaibigan niya at malalim ang iniisip nito.

"Besh alam mo ang swerte ng mga magulang mo sayo, akalain mo maganda, sexy mabait na anak at maaalahanin pa. " pabiglang sabi ni nathalie para maputol ang malalim na iniisip ng kaibigan.

"Ako ang maswerte sa kanila besh kasi binuhay at inaalagaan nila ako. Nasaksihan ko kasi ang bawat pagsisikap at paghihirap ng mga magulang ko para maitaguyod nila kami ng maayos ng kapatid ko, kaya sinusuklian ko lang, at gagawin ko ang role ko as a daughter to them, kaya malaking tulong sa amin to kung mananalo ako sa pageant nato besh" sabay harap sa kaibigan at kunting ngiting binitawan.

"Ay oo naman besh, mananalo ka dyan, may tiwala ako sa talentong meron ka, at halimaw ka kaya pag nasa stage kana" sabay yakap at ngiti sa kaibigan.

Pagkababa nila sa jeep ay nakita nila si Margarette na pababa din sa Montero Sports na sinasakyan nito. May kaya kasi ang pamilya nito, isang nurse sa canada ang ina at engineer naman ang ama dito sa pilipinas. Kaya nga may attitude ito at hambog.

"Ay besh nandyan pala yung bestfriend natin oh, huwag lang siyang magkakamali na inisin ka ulit kung ayaw niyang ako ang makaharap niya" gigil na sabi ni Nathalie habang palakad na sila papunta sa venue.

"Sshhhhh behave besh, hayaan nalang natin siya, ayoko ng gulo, nakakahiya" sagot naman ni Jeanlie habang pinisil ang kamay ng kaibigan.

Pero di nila pansin na nakita na pala sila ni Margarette at kanina pa sila nito tinitingnan at naghahanap lang ng tyempo kung kailan siya aataki sa pang iinis sa mga ito.

Nagbriefing na ang mga organizer sa mga candidates at sinabing may isang malaking van na puti doon sa labas kung saan doon sasakay ang mga candidates at sa isang van na itim naman doon sasakay ang mga kasama ng mga candidates.

Sa di kalayuan ay narinig nilang nag sisinyas si Margarette sa nagsasalita sa harapan at sabay taas ang kamay nito na nagpapahiwatig na mayroon siyang sasabihin kung kaya ay binigyan siya ng pagkakataon na magsalita.

"Ah sir can i use my own car?at yun ang sasakyan ko papuntang venue, para naman hindi ako mahihiwalay sa kasama kung yaya, and I'm sure na magsisiksikan kami sa van na sasakyan namin, hindi kasi ako masyado komportable pagmadami kami sa sasakyan. Paarting saad ni Margarette sa organizer habang nakatayo paharap nito. Sa sinabi na yun ni Margarette halos lahat nag bubulungan na tila ba nahahambugan sa dalaga.

"Jeeezzz! yabang talaga ng babaeng yan, o

parang anak ng presidente" sambit na mahinang boses ni Nathalie sa kaibigan.Siniko na lamang siya ng kaibigan. Habang nakikinig sa sagot ng organizer kay Margarette.

"Ms. Villanueva nandito ka para sumali ng pageant at hindi para mamasyal. Paano mo masasabi na you deserve the crown eh sa pakikisama ay poor na poor ka? Lahat kayo dito pantay pantay, as long as you join this pageant, you have to obey all of the rules. Now who among you here ang hindi susunod sa instructions you are free to leave" sabay lahad ng palad niya paturo sa pintuan, at halatang inis na ang boses ng baklang organizer.

Nakasimangot na lang na umupo si Margarette.

"Hahaha buti nga" sabay sabi ni Nathalie na nakatawa sa kaibigan at tumawa na rin si Jeanlie, sa di kalayuan ay napansin pala sila ni Margarette at inis na inis itong nakatingin sa kanila.