Chereads / Enchanted in Hell (Tagalog) / Chapter 46 - Like A Brother To Me

Chapter 46 - Like A Brother To Me

"Wait, Theo. Relax."

Hinigit ni Theo palayo si Rina sa kanina lang ay kumakain na si Dr. Steve. Napatayo naman ang doktor kaagad at lumapit kay Theo.

"Ano'ng ginagawa ninyo?" tanong ni Theo kay Dr. Steve.

"Wala naman, Theo nag-uusap lang kami," sagot ni Dr. Steve.

"Theo, kumalma ka nga. Nag-uusap lang kami ni Dr. Steve."

Nahimigan ni Theo ang pagalit na boses ni Rina kaya naman ay binitiwan niya ang pagkakahawak sa babae dahil napansin niya rin na nasasaktan na ito sa pagkakahawak niya.

"Sorry," aniya bago nilingon si Dr. Steve. "What are you doing here?"

"Gusto lang sana kitang kumustahin."

"I'm doing fine kaya pwede ka nang umalis."

"Theo." Hinawakan ni Rina ang kamay ni Theo at tumingin sa lalaki nang nakikiusap. Hindi niya alam kung epektibo pa rin sa lalaki ang tingin na iyon pero nagbabakasakali pa rin siya na mapapapayag si Theo.

"Fine."

Ngumiti si Rina dahil nagtagumpay siya. "Thank you."

"Sige na, Rina. Tapos na rin akong kumain. Maiwan ka muna namin."

Matapos magpaalam ng dalawa kay Rina ay niligpit na niya ang pinagkainan ni Dr. Steve samantalang ang dalawa naman ay nagtungo na sa second floor.

Palihim siyang napangiti habang nagpupunas ng mesa. Kaunting-kaunti na lang at mapag-aayos niya na ang lahat. Naniniwala kasi siya na mas magiging payapa ang isipan ni Theo kapag naalis na nito ang galit sa lahat. Bukod pa roon, mas makabubuti rin kung makakapag-usap rin ang bawat isa para masabi na nilang ang kani-kanilang hinaing lalong-lalo na si Theo na maraming tinatagong hinaing sa lahat. Hiling ni Rina na masabi na nito lahat ng nais sabihin nang guminhawa na rin ang pakiramdam o kalooban nito.

Samantala, dumiretso sina Theo at Dr. Steve sa silid na madalas nilang pagtambayan subalit hindi gaya ng una, hindi na ginawan pa ni Theo nang maiinom si Dr. Steve. Expected naman na iyon ni Dr. Steve kaso nalulungkot pa rin siya. Nasanay na kasi siyang ginagawa ni Theo ang paborito niyang inumin.

"I'm sorry, Theo."

"'Yon lang ba ang gusto mong sabihin sa 'kin?"

"Patawad dahil nag-failed ako sa trust mo. Gusto kong bumawi sa mga kasalanan ko sa 'yo."

Hindi lumingon si Theo kay Dr. Steve. Sa halip ay naka-focus ito sa paghahalo ng drinks para sa sarili.

"Para na kitang kapatid, Theo at sobrang pinagsisisihan ko na sumali ako sa plano na 'yon."

Huminga nang malalim si Theo bago sinimulang isalin sa baso ang hinalo niyang alcoholic beverages. "Ganoon din naman ako sa 'yo. I treated you as my real brother. Ikaw nga lang ang pinagsabihan ko ng tungkol sa nararamdaman ko kay Mom noon pero you failed in keeping it as a secret between us."

"I'm really sorry, Theo. Pero sinubukan ko talaga pero masyadong nag-aalala ang mga magulang mo sa kondisyon mo at sa tingin ko ay karapatan din nila na malaman 'yon dahil magulang mo sila."

"I can't believe na nagawa mo 'yon. Sa tingin mo, dapat pa ba akong magtiwala sa 'yo?"

"Hindi ako hinihiling na mapatawad mo ako agad-agad pero sana bigyan mo pa rin ako ng pagkakataon na makabawi hindi na bilang psychiatrist mo kundi bilang isang kapatid o kaibigan mo. Please, Bro."

Hinarap ni Dr. Steve ang kamao sa harap ni Theo samantalang nagdadalawang-isip namang tiningnan iyon ni Theo at hindi malaman kung itataas rin nito ang kamao upang ilapat sa kamao ni Dr. Steve.

"Tss. Fine. I'll give you a chance."

Sa huli ay hindi natiis ni Theo si Dr. Steve kasi marami-rami na rin silang pinagsamahan nito. Tinama niya ang kamao sa kamao ni Dr. Steve at pagkatapos wala sa sariling naibigay rito ang hinanda niyang drinks. Kinuha naman agad iyon ni Dr. Steve at ngumiti sa kanya kaya hindi na niya nabawi pa iyon.

"Thank you."

"Tss."

"Bagong recipe mo?"

"Yeah. Sinubukan ko lang."

"Hmm. Ang sarap, a. Pwede ka na talaga magtayo ng sarili mong bar."

"No need dahil mayroon naman sa hotel."

"Ayaw mo ba ng para sa sarili mo? 'Yong ikaw na ikaw ang may-ari?"

Umiling si Theo. "Sapat na sa 'kin ang lugar na 'to."

Napangiti rin si Dr. Steve dahil naalala niya na sa kanya unang sinabi ni Theo na gusto nitong magtayo ng mala-bar style na room sa mansion. Agad-agad naman siyang nag-offer sa pasyente na tutulungan niya ito nang may mapaglibangan din ito habang nag-iisa sa mansion. Masaya rin kasi siya noong araw na iyon dahil iyon ang unang beses na nag-share sa kanya si Theo kaya hindi niya na pinalampas ang pagkakataon, nag-isip siya nang paraan para mas lalo pa itong maging panatag sa kanya at isa na nga roon ang pagtatayo ng paborito nitong spot o silid sa mansion. Natutuwa naman siya na nagustuhan nito ang pinagawa niya at lahat ng set-up sa loob mula sa pwesto ng mga alak, bar top, bar wall at iba pa.

"Salamat dahil nagustuhan mo 'to."

Tipid na ngumiti si Theo kay Dr. Steve. Kahit papano ay naibsan ang sama ng loob niya para rito. Noong sinubukan niyang patawarin ito ay para bang ang gaan-gaan din sa pakiramdam. Ngayon ay alam na niya na once natutong magpatawad ang isang tao kahit gaano pa kalaki ang ginawa nitong pagkakamali, mas masarap pa rin sa pakiramdam ang magpatawad.

Sa puntong iyon ay na-realized ni Theo na hindi naman pala talaga siya tuluyang iniwan ng mga tao sa paligid niya dahil gumagawa ang mga ito nang paraan para mapatawad niya. Naisip niya na tama nga si Rina, kailangan niya lamang talaga lawakan ang isip at buksan ang puso sa mga taong gustong maging parte ng buhay niya.

Samantala, habang nag-uusap sina Theo at Dr. Steve, parating naman si Eduardo at Cliff sa mansion. Napag-isip-isip din ni Eduardo nang oras na iyon na maling-mali ang ginawa niya kay Theo. Siya kasi talaga ang may pakana kung bakit lumabas sa social media ang larawan ng pamangkin at ni Caridad. Dahil sa paulit-ulit na guilt na nararamdaman, gusto niyang humingi ng kapatawaran sa pamangkin. Tama na siguro ang naiparanas niya sa kapatid na si Armando ang sakit, hindi na niya iyon uulitin pa dahil kahit ano'ng gawin niyang panggugulo sa pamilya nito, hindi pa rin siya nakakaramdam ng saya.

"Dad, if you really want to be happy, hindi mo naman kailangang magpakasungit o magpakasama sa iba. Mas maganda kung maging masaya ka rin sa piling nila at magdiwang din sa pinagdiriwang nila."

"I know, Cliff. Kaya tayo pupunta roon para itama na lahat ng nagawa ko."

"Salamat, Dad dahil naisip mo 'yan. Alam kong ikaw ang naglabas ng litrato nina Theo at Tita Caridad sa social media. Alam ko rin ang lihim na galit mo kay Tito Armando, kaya hindi kita hinusgahan agad kung bakit mo iyon nagawa. Pero as your son, marami man akong kailangang kainin pang bigas o marami pa akong dapat pagdaanan, alam kong hindi ka sasaya kung puro bitterness ang nasa sa 'yo."

"Na-realized ko na rin 'yan, Cliff. Thank you, son."

"Pagbibigyan mo na ba ako na sumali sa banda at iwan ang hotel?" tanong ni Cliff sa dad nang nakangisi.

"Big no, Cliff."

"Pero, Dad."

"Pag-iisipan ko."

Lumawak ang ngiti sa labi ni Cliff sa sinagot ng ama sa kanya. "Salamat, Dad." Masaya rin siya na pinili na ng kanyang ama na gawin ang tamang bagay kaysa sa nakasisira sa lahat. Ano man ang magiging resulta ng gagawin ni dad sa pagpunta nila sa mansion, mananatili siyang nasa tabi ng ama dahil siya na lamang ang masasandalan nito.