Chereads / Destiny Rings Tagalog (New Version) / Chapter 16 - Yoong Ganung Month

Chapter 16 - Yoong Ganung Month

Malapit na nga ang mga finals at medyo nango-ngroblema si Aria kasi hindi siya magaling sa chemistry. Pero bago pa yon ay may mas malaki siyang problema na kaka-harapin.

"L-lagot…Period ko ata ngayon…At naka tagos pa ako…" Sabi ni Aria

{Allen?...May nararamdaman ka ba na parang weird?... Allen?...Allen???} Sabi ni Aria sa loob ng kaniyang isip.

Ilang beses niya na tinawag ang pangalan ni Allen ngunit tila walang sagot ito sa mga pag-tawag ni Aria sa kaniya.

(POV ni Allen)

{Hello? Aria? Hoy!}-Allen

Bakit ganun? Hindi manlang sumasagot si Aria saakin. May nangyari kaya sakaniya na masama???!

Pero-pag ganun nga talaga ang nangyari, Hindi ba dapat na may naramdaman din ako???

Di bale, kakausapin ko na lang siya tungkol dito.

(Katapusan ng POV ni Allen)

Pagkadating sa campus ay agad-agad nilang hinanap ang isa't-isa.

"Aria. Mabuti naman at walang masamang nangyari sayo! I was so confused and worried sick!" Sabi ni Allen kay Aria

Biglang naging nerbyoso ang hitsura ni Aria at tila parang hindi niya diretsong matignan sa mata si Allen.

"Wala naman masamang nangyari sayo at mukhang gumagana pa naman ang mga singsing. Ano ba ang nangyari?" tanung ni Allen sabay tumingin sa mga mat ani Aria nang puno ng pag-aalala.

Si Aria ngayon ay namumula at pilit na itinatago ang mukha niya kay Allen.

"A-Allen… Sorry pero… Wala ka bang naramdaman na parang weird?..." tanung ni Aria

"Wala naman." Sagot ni Allen

"Like uh…ickey feeling?"-Aria

"Wala nga." Medyo galit na tonong sinabi ni Allen kay Aria.

Sasabihin na din ni Aria ang dahilan.

"Mabuti naman kasi… dinatnan ako kaninang umaga eh…" Sabi ni Aria

"…(Thoughts processing)…Ah… I gotchu, I gotchu…"-Allen

Mukha ngang alam n ani Allen kung ano ang nangyari… kaso medyo awkard ang mood na puma-paligid sa kanila.

For some reason ay para bang temporary na nawala ang sumpa nilang dalawa. Sa kina-gabihan ay natulog sila at sinubukang tignan kung magkikita parin sila sa panaginip at mukhang ayos naman ang lahat maliban sa hindi na sila magshe-share ng senses at mind.

"4 na araw lang naman eto." Sabi nila sa isa't-isa ngunit mukhang sa loob ng 2 na araw pa lamang ay para bang may hinahanap sila. Para bang nawalan sila ng isang importanteng parte ng buhay nila.