Chereads / Destiny Rings Tagalog (New Version) / Chapter 19 - Nagka-alaman na

Chapter 19 - Nagka-alaman na

Umuwi ng mag-isa si Aria at sa kinagabihan noon ay ilang beses na sinubukang kausapin ni Allen si Aria ngunit tila hindi ito sumasagot sa kahit anong pagtawag niya sa pangalan ni Aria.

Pati sa loob ng panaginip ay bumuo ng pader si Aria at tila hindi niya pinapansin si Allen..

"Aria! Aria! Hoy!" Makulit na paulit-ulit na tinatawag ni Allen si Aria.

Ilang beses pa na inulit niya ito at sa wakas ay napuno na siya. Nag-spawn siya ng wrecking ball at sinira niya ang pader.

"P*TANG INA ARIA KANINA KA PA TINATAWAG NG TAO EH" Napuno na talaga si Allen ngayon.

Gulat na gulat naman si Aria sa ginawa ni Allen. Medyo napa tulala pa ito.

"Porket narinig mo na yung kanina, hindi mo na ako papansinin?" Sabi ni Allen

Hindi umimik si Aria.

"Kung ang feelings ko ay magiging hadlang sa pagiging pagka-kaibigan natin ay…Mabuti nalang siguro na…hindi nalang ako magkagusto no?..." Malungkot na sinabi ni Allen.

Nagulat si Aria at napamulat pa ito sa sorpresa.

"Wait---Allen!!!" Cunfused at surprised na napatayo si Aria mula sa kaniyang lugar at agad na tumakbo papunta kay Allen upang kausapin ito ng maluwagan. Ngunit sa sandaling iyon ay nagising sila ng biglaan.

"Sorry…Allen…Hindi ako masaya na may gusto kang iba pero… Mas hindi ako magiging masaya pag magiging malungkot ka"-Aria

"Sige Aria… Kapag ang pag-aalis ko ng feelings ko para sayo ang only way para maging malapit parin ako sayo…then… I have no choice if I really want to be with you right?" Pagulong-gulong sa kaniyang kama na nagwawala si Allen ngayon.

Knock knock

"Sir Allen, Nakahanda napo ang pagkain ninyo." Sabi ng isang katulong sa bahay

Tumayo na ito upang kumain ng umagahan at naghanda na siya sa pagpunta niya sa school especially na ngayon na ang finals nila.

Awkward na awkward ang isip ng dalawa ngunit kinalimutan muna nila ito kasi kailangan nila na mag-focus sa exam nila.

"Okay, Everyone. Pwede na kayo magsimula sa pagsasagot sa mga test papers ninyo." Sabi ng guro at opisyal na nagsimula ang kanilang mga pagsusulit.