Chapter 20 - Exams

Nagsimula na ang pagsusulit at talagang naka focus ang lahat ng estudiyante dito. At para hindi maka istorbo ang pag-iisip ng dalawa sa isa't-isa ay pabulong nalang nila ito na binabasa at sinasagutan.

Isang oras na ang nakalipas simula nang nagsimula ang pagsusulit at sa wakas ay tapos na din ang unang batch ng exam.

Ngayon, ang patakaran kasi dito ay ang hindi maka-meet sa passing score ay hindi na papayagan na makapag-test sa susunod na batch kung gaya ay matatawag na eliminated na sila at kick-out mula sa school ang kapalaran nila.

"Students! The results are out! Armin Marigza of 3-2, Sebastian Hughs of 5-2, and Shawn Feng of 2-2… Eliminated." Ini-announce ng teacher saka kinuha na ng mga nabanggit na estudiyante ang kanilang mga gamit upang umuwi.

Ngayon ay tuloy na ang ika-dalawang parte ng pagsusulit hanggang sa---

"Edith Montegreste of 4-2, Rendyl Alistair of 8-2, and Yuvi Nikiforov of 3-2…Eliminated"

"Jasmine Wang of 1-2 and Michelle Argaustin of 6-2…Eliminated at the final round."

"The top three are; Allen Rivamare of 1-2, August Foo of 1-2, and Aria Okizamu of 2-2." Sabi ng teacher

Pagkatapos non ay tinawag lahat ng mga nakapasa sa reception hall ng universities. Nandoon na ang lahat ng mga 1st and 2nd year high school student ng school na nakapasa sa pagsusulit.

"Kino-congratulate ko lahat ng mga estudiyante na nakapasa sa final grading examinations ngayong school year. As always, na decide na ang mga appointment ng mga students sa each section. Ang mga nasa top 20 ay mapupunta sa 1st section and another set of 20 students nanaman ang mapupunta sa 2nd section then, as it follows. Certificates will be delivered to your residence. Magkikita ulit tayo sa susunod na school year." Sabi ng principal saka nagsi-uwian na ang lahat ng mga estudiyante sa mga bahay nila.

"A-Alle…" sinubukang tawagan ni Aria si Allen pero medyo natatakot siya.

Ganito nalang talaga.

Nakaligtas sila Aria At Allen! Ngunit parang mas lalong tumamlay ang mga mukha nila.

Ibig sabihin kasi nito na babalik na ang atensiyon nila sa nangyari noong kahapon.

Sa pag-uwi nila ay sinubukan nila ang best nila na hindi magsalita sa loob ng kanilang mga isip para hindi nila maramdaman ang awkwardness sa pagitan ng dalawa.