Chereads / The Wife And The Mistress / Chapter 15 - Chapter 14: Margaret's heartbeat

Chapter 15 - Chapter 14: Margaret's heartbeat

Kapwa pagod at pinangangapusan sina Noel at Lucia, ngunit naisip ni Noel na magdududa si Emily sa kaniya kaya agad siya napabangon, nagtataka si Lucia kung bakit aalis agad ito, bumangon din ito saka itinakip ang tuwalya sa katawang hubad.

"Wag ka muna umalis Noel."

"I have to go, siguradong magdududa sa akin si Emily."

Pinigilan niya ito sa braso ngunit nagmadali pa rin magbihis. Akmang aalis matapos magbihis ay niyakap ni Lucia si Noel mula sa likuran "please!"

Kinalas ni Noel ang nakapulupot na kamay sa kaniyang katawan at humarap rito.

"Ayokong malaman ni Emily yung nangyayari sa atin, at ayokong mawala ang pamilya ko" nangilig sa luha si Lucia. Kahit gusto man niyang nakawin ang puso ni Noel ay si Emily pa rin ang pipiliin.

"Sabihin mo nga sa akin. Si Emily pa rin ba?"

Di makasagot si Noel bagkus tumalikod ito at nilisan ang room 1620.

'Di ako papayag na maging masaya ka Emily akin lang si Noel' sigaw ng kaniyang isip.

______________________________________________

Kinabukasan sa Aguilar mansyon, naglalambingan sina Margaret at ang asawa ni Rosa na si Emil Aguilar sa swimming pool nang mapadaan ang panganay na anak nito na si Emanuel Sancho Aguilar.

"Anak! Saan ka pupunta?"

Lumingon ang panganay sa ama at binigyan siya nito ng malamig na pakikitungo "ano naman sainyo? Diba wala ka nang pakialam kahit kay Mama simula na mambabae ka" nanlilisik ang mga mata tinitigan nito si Margaret at saka umalis tila mainit pa rin ang ulo.

"Hoy! Bumalik ka dito, "

Nakikita ni Margaret ang galit sa mga mata nito, ngunit di niya pinansin. Sa halip ay isang ngisi sa mga labi ang kumawala, sa totoo lang. Guwapo ang panganay na anak ni Emil, mukhang mabait pero iba kapag nagalit.

"Sino siya Emil?" tanong ni Margaret habang hinahimas niya ang balikat nito.

"Anak ko, si Emanuel, medyo matigas ang ulo."

"Mukha nga!" sabi ni Margaret

Mukhang matigas' sabi ng isip niya, inaakit niya ng tingin ang anak nito ngunit di umubra. 'Mukhang mahihirapan ako pagdating sa kaniya.'

______________________________________________

Tapos na mag-shower si Emanuel Sancho Aguilar nang may kumatok sa pinto ng silid niya. Nagtapis muna ito ng tuwalya sa pang-ibabang bahagi saka tinungo ang pinto, pagkabuklat. Nakita ni Emanuel si Margaret na nakatayo sa harapan niya, mukhang may binabalak kaya isasara niya dapat ang pinto nang pinigil siya nito.

"Ayaw mo ba pagbukasan ang isang magandang binibini" sabi nito, ni hindi napigilan ni Emanuel ang pagpasok nito at hinimas ang malapad na dibdib patungo sa mala-pandesal nitong tiyan. He grabbed and removed her hands to avoid her charm.

"What the hell are you doing here? You can't be here because this is my room and not yours, where's dad?" pasigaw sabi ni Emanuel, hanggat maaari ay wag siya magpapadala sa pang-aakit nito.

"He's not here naman kasi may kinakitaan siya siguro about business, kaya akin ka muna ngayon" pagkasabi ay agad lumapit si Margaret sa kaniya at sinunggaban ng halik, but he pushed himself to her.

"Why are you doing this? Ano pagkatapos ni Dad ay ako naman" he said sarcastic. Sinubukan ni Margaret na akitin ito sa pamamagitan ng paghuhubad.

Nanlanta si Emanuel sa mga gingawa ni Margaret, talagang sinusubukan siya nito.

"Hey! Don't do that, takpan mo yang katawan mo" saka pinulot ang isa pang tuwalya at pinulupot sa katawan ni Margaret.

"Inaakit kita diba di mo ba ma-gets ang ginagawa ko."

"I can't!" tumalikod si Emanuel at nagbihis, kumuha ito ng panyo sa drawer at pinunasan nito ang labi ni Margaret na medyo may basa pa dahil hinalikan siya nito at kakagaling lang sa pagkakaligo.

"Why you can't?"

"Dahil babae ka! Ang mga babae, nirerespeto at minamahal. Hindi ginagago at mas hindi pinaglalaruan" tumalikod na si Emanuel at lumabas ng silid.

Di pa rin makahuma si Margaret sa silid, paulit-ulit bumabalik sa kaniyang isipan ang mga sinabi nito. Namalayan na lang niya na unti-unting siya napapangiti mukhang concern, kahit kabit siya ng ama nito ay alam niyang may epekto ang presenya niya kay Emanuel. May gusto kaya si Emanuel sa kaniya, aalamin ko kung meron ba.

______________________________________________

Habang naliligo si Emanuel sa swimming pool, patuloy naman nagpapansin si Margaret. Nagsuot siya ng red two piece swimsuit. Patuloy pa rin nagpapansin kahit ayaw siya pansinin, sa huli sumuko rin siya. Akmang aalis nang tawagin siya nito.

"Margaret!" tawag nito sa kaniya, mukhang dininig ang panalangin niya, napahinto siya saglit at ngumiti, humarap at lumapit siya rito.

"Yes!"

Sumilay ang mga ngiti sa mga labi ni Emanuel, naglitawan ang mga pantay at mapuputing ngipin, umahon ito sa swimming pool. Nakita niya naglitawan ang six pack abs nito. Napalunok ako bigla, saglit natulala rito.

"Tapos ka na bang tignan ang katawan ko?" anito na-amuse, ako naman itong tanga nakatunganga, nag-iwas siya ng paningin.

"Sumabay ka na sa akin kumain."

Napansin niya ang mga pagkaing nakalatag sa lamesa, nakita kong umupo ito at nag-umpisa nang kumain. Tumingin ito sa kaniya.

"Di ka pa ba kakain?" tanong nito.

"Di kasi ako mahilig sa mga ganyan at saka diet ako" pagtatangi niya 'pero mukhang masarap' anang isip niya.

"Alam kong diet ka, eh paano na lang kung wala na pagpipilian, magda-diet ka pa rin ba?"

Sa huli, pumayag na siya. Masarap ang pagkain, medyo nakakatakam. He gazed at her, kinabigla ni Margaret ang pagtibok ng mabilis ang puso dahil ngayon lang niya nararamdaman ang feeling.