Chereads / The Wife And The Mistress / Chapter 14 - Chapter 13: Someone saw them

Chapter 14 - Chapter 13: Someone saw them

Kinabukasan busy pa rin si Noel sa kakatipa ng keyboard sa laptop, tumaas kasi ang sales about sa product nilang perfume habang papasok naman si Emily. Nagtanong siya sa secretary.

"Nandyan ba ang asawa ko?"

"Opo Mrs. Raymundo."

"Thanks!" akmang papasok pa lang ako nang tinawag ulit ako ni secretary Lila "Mrs. Raymundo sandali po!" pahabol nito sa kaniya.

"Bakit?"

"Mrs. Raymundo alam niyo po na may bisita si sir Raymundo nung isang araw."

"Sino naman?" taka ko sabay sukbit ng shoulder bag sa balikat ko.

"Di ko po kilala eh! Sa totoo lang po ngayon ko lang po nakita ang babae at di po siya pamilyar sa akin."

"BABAE!?" nagtaasan ang mga kilay ko sa sinabi niya.

"Ano ba itsura ng babae at saka kinuha mo sana yung pangalan."

"Di niya po pinaalam tapos maganda po siya, sexy, at matangkad kaso po mukhang mataray at halatang may pagkagusto kay sir Raymundo" sabi ng madaldal na secretary Lila.

Sumama ang timpla ng mukha ko sa sinabi ni secretary Lila. May pagmamdaling tinungo ni Emily ang office ni Noel at saka kumatok.

"Come in."

"Noel sino yung babaeng pumunta sa'yo nung isang araw?" tanong nang makapasok ako sa loob ng office.

"Wala! Just friend."

"A friend! Ako ba pinagloloko mo Noel!" tumaas na ang boses ko at medyo hingal na dahil ano mang oras ay bubuga na ako ng apoy.

"Pinagduduhan mo ba ako?" tumayo na ito sa pagkakaupo at kumunot noo tinanong ako.

Isang mahabaang katahimikan at walang gustong magsalita, ilang saglit pa ay nagilig ang tumulo ang mga luha ko at nagbadyang lumandas sa aking pisngi. Nakosensya si Noel kaya nilapitan niya ang asawa at masuyong niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry! I didn't mean it. I will promise na babawi ako, okay!"

Isang tango lang at di sumagot, pagkaraan ng ilang saglit kumalas na si Noel at pinunasan ang pisngi ni Emily gamit ang daliri nito.

______________________________________________

Pauwi na si Noel nang tumunog ang cellphone niya kaya huminto muna siya at tinignan ang nasa screen. It was an unknown number saglit niya ito tinitigan bago sinagot "Hello!"

"Hi Noel!"

"Lucia! Paano mo nalaman ang number ko?" pagtataka tanong ko saka napalunok, di akalaing ganito ang epekto sa kaniya ni Lucia. Humigpit ang kapit niya sa manibela.

"Sa secretary mo, so tell me kung anong oras ka pupunta sa hotel?" sagot nito

"What, ngayon?" nanlaki ang mga mata niya.

"Yes! Remember nung dumating ako sa office mo."

Flash Back..

"Puwede bang umalis ka na, baka may makakita sa'yo dito."

"Okay! As you wish pero bago ako umalis may gusto kong sabihin na bukas dumating ka sa hotel kung saan mo ako inangkin, sa room 1620" tumalikod ito at umalis ng opisina niya. Napabuntong hininga nag-iisip.

End of Flash Back..

Ngayon naaalala ko na.

"Nasan ka?"

Tumingin si Lucia sa kinatatayuang building saka sumagot "dito sa hotel at alam mo naman kung anong room diba."

"Okay pupunta ako dyan" sabay pinagana ang kotse pinaandar papuntang hotel, binaba na ni Lucia ang cellphone at ngiting tagumpay ang plano.

Ilang minuto ay nandyan na si Noel, bumba siya ng kotse at hinarap si Lucia. Huminga ng malalim si Noel bago nagsalita.

"Are you crazy? Pauwi na ako at gusto ko na uwi sa pamilya ko" tiim bagang sambit ni Noel.

"Crazy agad, at saka ganyan agad ang entra mo sa akin" pagkuway sinadyang nilapit ni Lucia ang katawan kay Noel para pagdaigting at mag-init. Ikinawit ni Lucia ang mga braso at kumapit kay Noel upang mas lalong maakit. Nakita niyang napatitig si Noel sa cleavage nito saka napalunok, hinalikan niya ito.

Ang hindi nila alam na may nanunood sa kanila, isa sa mga kapitbahay nila na si Juancho. Kumuha ng cellphone si Juancho at kinuhanan ng litrato ang dalawa na naghahalikan pagkatapos ay hinila ni Lucia si Noel papunta sa loob ng hotel.

"Parang nakita ko na dati yung kasama niyang babae, teka saan ko nga ba nakita yun" sabi ni Juancho sa sarili saka nagbalik sa alaala nito na kilala ni Emily ang babaeng kasama ng asawa niya sabay talikod at umalis.