Chereads / Limang Araw / Chapter 2 - UNANG ARAW

Chapter 2 - UNANG ARAW

Alas singko ay nagising ako na matamlay at hindi man lang nakaramdam ng saya sa araw na ito. I should be feel so excited kasi ngayon ang laro ni daven for their final game sa basketball. Pero dahil naalala ko ang kasunduan namin ng fabella na iyon, my mood disappeared.

I texted him last night pagkarating ko sa bahay. I only sent my period texts to him. Oo, tuldok lang naman ang tinext ko sakanya, but still he replied me relevantly.

"I'll fetch you tomorrow after your class. See you and goodnight, trisha:)"

Hindi na ako nagreply sa text niyang 'yon at natulog na agad.

Tumayo na ako mula sa kama para maligo at kumain na rin pagkatapos. My class started at 7am and end at 3pm kaya sanay narin na maaga ang gising ko.

Halos mag-iisang oras din ako natapos maligo. Pagkatapos kong isuot ang uniporme ko ay humarap na ako ng salamin para ayusin ang buhok at mukha ko. My hair is slightly damp. Hindi ko na kailangan maglagay ng makeup sa mukha dahil hindi naman ako sanay na ganoon ang ayos araw-araw. And I don't usually wear lipstick. Well, Big thanks to my mom and dad genes for this beautiful and natural looks.

Pagkatapos mag-ayos ay napagdesisyunan ko ng lumabas at bumaba.

---

Habang kumakain ay biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. I thought it was just a text, pero tawag pala 'yon!

I took a peek and saw his name on my screen. I made a face.

"Trisha, answer your phone. Baka importante 'yan." Si mommy.

Hindi kailanman maging importante ang lalaking ito, mommy. Gusto ko man sabihin iyon sakanya, pero ayoko naman hahaba pa ang usapan namin at baka malate pa'ko sa klase.

"I'll be back. Sasagutin ko lang 'to saglit."

"Make it fast, iha. Para maihatid narin kita sa school mo." Si daddy.

I nooded.

tumayo na ako at mabilis na pumunta sa lugar kung saan sinisigurado kong hindi maririnig ni mommy at daddy ang usapan.

"What?" I snapped at him

"Goodmorning to you." He sexily chuckled.

I couldn't stop myself but imagine his topless body while his phone was on the top of his ear idly. Umiling-iling ako sa iniisip ko. Why would I fucking imagine him.

"What do you want? Kumakain pa ako."

"Don't bring your car from now on. I'm going to fetch you everyday."

Kumunot ang noo ko. Everyday?

"Everyday? Limang araw lang ang usapan natin." I corrected him.

"I know, but it seems like two million days for me."

"Baliw!"

"Sa'yo." He chuckled.

Ewan ko ba, pero natatawa ako sa kalandian niya saakin ngayon. Ang corny niya talaga kahit kailan.

"I have to end this call, seth. Ihahatid ako ni daddy ngayon." Sabi ko.

"Alright. Pero bukas ako na ang susundo sa'yo. Wether you like it or not, baby."

Bago pa ako makaangal ay binaba niya ang tawag. Sinabunot ko nalang ang buhok ko dahil sa inis.

Ang unfair!

Limang araw lang naman, trisha. Magtiis ka nalang. Kesa namn guguluhin ka niya araw-araw, hindi ba?

I closed my eyes and take a deep breath.

"Kaya ko 'to. Limang araw. Limang araw lang."

Dumilat ako at ngumiti nang malawak. I came back with the food and heard my mom and dad talking about their business again.

--

Pagkarating ko sa university ay saktong pagtunog din ng bell para sa una kong subject. Five days nalang at december na. I couldn't hide my excitement para sa year end sem ko. Isang sem nalang at matatapos ko na rin ang kursong tourism. I don't have plans yet, after my graduation. But my dad told me about handling our business. Pero wala naman akong talent para doon.

Our class dismissed so early dahil walang masyadong magawa sa araw na ito. Binigyan lang kami ng pointers para sa susunod na exam.

Bigla kong naalala na may game pala si daven at 1pm! I don't want to miss his game kaya kailangan kong pumunta. Laking pasalamat ko at wala si mam nieve ngayon para sa last subject namin. Kaya halos lahat ng kaklase ko ay dumiritso na sa gym.

I bought some snacks and drinks with me kung sakaling gugutumin ako.

Nang makaupo sa bench ay agad na hinanap ng mata ko si daven. Finally, I saw him stretching his arms while bending her body repeatedly. I took my phone and took a picture of him.

"Ang gwapo talaga.." I murmured.

Bago ko pa maitago ang cellphone ko ay tumunog na ito.

"I'm going to wait for you at 3pm, after your class."

-Annoying seth

Umirap ako at hindi na nagbalak magreply sakanya. Nagsimula na ang laban at hindi ko maiwasang isigaw ang pangalan ni daven sa sobrang excite.

"Goo, daven!!" I shouted. I can feel the root of my neck show up.

May mga iilang babae rin ang nakikisigaw sa pangalan niya. Syempre, hindi ako magpapatalo. Habang nagsisigaw ay bigla akong napatalon sa gulat

"Andito ka lang pala, trish! Hindi ka man lang magreply sa text namin." Si annaliese.

"Kayo pala! Ginulat niyo 'ko! You know, I'm busy cheering with daven," I chuckled.

Umupo na si liesse, hanna, doren at crisa sa tabi ko.

Halos si daven na ang nakakashoot sa bola. He's so passionate and serious when it come to this, kaya hindi ko maiwasang hangaan siya doon.

"Go, daven!!!" We happily cheered.

"Daven! I-shoot mo ang bola para kay trisha!!!" Si annaliese.

Napatawa nalang ako sakanila. Pakiramdam ko ay namamaos narin ang boses ko kakasigaw.

1minute at matatapos na ang game. And I'm sure their team will win.

10, 9, 8, 7, 6, 5, 4

"Three, two, one!!" Sigaw namin.

Omygod!

Tama nga ako, mananalo si daven!

"Omygod! He won!"

"Daven!!" Sigaw ng iilang babae dito.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan sa loob ng gymnasium ay narinig ko ang pagtunod ng cellphone ko. I took it inside my bag at tinignan ang..

Shit! 15missed calls from

Annoying seth.

Tumingin ako sa oras at nakitang mag aalas kwatro na.

Ano naman ngayon kung naghihintay siya sa labas, hindi ba? I don't have to worry.

But shit! Ayoko naman maging ganoon kasama sakanya.

"Hey, I have to go."

Paalam ko sakanila.

"So it means, hindi ka makakasama saamin ngayon?" Si crisa

I nooded.

"Ihahatid ka nalang namin sa labas." Si annaliese.

"Huwag na."

"Uy, may tinatago!" Pangiinis nila saakin.

Ganyan sila pag nag-aayaw ako. Tumawa ako.

"Wala! Kayo talaga. May lakad lang kami ni seth."

"Seth? Yun ba yung sinasabi mong panget at annoying sa buhay mo?" Si hanna.

"Indeed." Umirap ako nang maalala ang lalaking 'yon.

"Omygod! Bakit kayo magsasama. You're inlove with him?"

"Of course not! Basta. We have to go, at baka naghihintay na ang isang 'yon."

"uy concern!" Tawa nila.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"Ano kaya itsura nun, no? Hindi ba sabi mo, mukhang unggoy 'yun?" Si doren

"Kayo talaga! Huwag nga kayong maingay!" Natatawa kong sabi.

Well, hindi na sekreto ang tungkol kay seth sa mga kaibigan ko. Hindi pa nila nakikita si seth. Ewan ko rin kung bakit. Siguro wala sa tyempo, pero ngayon makikita na talaga nila. Tignan lang natin. I'm sure they won't like him