"Omygosh, trisha! Binibiro mo ba kami?"
"Omygod! Ang gwapo niya!
"He's so freaking hot! Mukha siyang artista."
"Shit! 'yan ba ang sinasabi mong unggoy, trish? Baliw kana yata! Kailan naging unggoy amg mukhang 'yan, huh?" Si annaliese sabay hampas nito sa braso ko.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sakanila. Pagkatapos kung ituro si sethrian ay hampas at mura agad ang inabot ko.
"Pwede ba, tumigil kayo kakahampas saakin." Reklamo ko.
"Kung ayaw mo sakanya, idi sakin nalang 'yan!" Si doren.
"Feeling ko, mas bagay kami." Si crisa.
I glared at them.
"Tss."
Umirap ako.
Nilagpasan ko nalang sila at naglakad palapit kay seth. Nakabusangot ang mukhang lumapit ako sakanya. Nang namataan niya ako ay ngumiti ito saakin pero naglaho rin kalaunan nang makita ang pagirap ko.
Panget naman talaga siya!
I don't really like him.
"Hey--" si seth na agad din naputol dahil sa mga kaibigan ko.
Dahil narin siguro sa kaingayan nila ay nalipat ang atensyon ni seth sa mga kasamahan ko.
"Hello, ikaw pala si seth." Pagsulpot ni annaliesse.
At nagpapacute pa!
Tumingin ako sa gawi nila. I don't know, but I fucking got annoyed with no particular reason. At sumobra pa ang inis ko dahil sa kadaldalan ng mga 'to!
"Grabe, ang gwapo mo pala, no?" Si hanna.
Harap-harapan talaga, hana?
I rolled my eyes at them.
Marami na yata ang nagawa kong pagirap sa araw na 'to.
"Akala namin unggoy talaga itsura mo. Ito kasing si trisha, e." Si crisa.
Nagtawanan naman ang lahat.
"Crissa!" Sigaw ko rito at baka kung saan pa mapunta ang usapan.
Bakit ba kasi ang daldal ng mga 'to? Ayan tuloy! Nakakahiya!
Seth turned his head on me and gave me a steady look. Agad din akong umiwas dahil hindi ko kayang makipagtitigan sakanya. I think he's mad at me.
Ahh! Lagot talaga kayo saakin!
Wait, why would I care? Kung galit sya dahil sa sinabi kong unggoy, idi magalit siya! Wala na 'kong pakialam doon!
Dahil narin sa inis ay hindi na ako nagpaalam na pumasok sa loob ng kotse niya. I fastened my seatbelt at pagkatapos ay padabog na inekis ang braso sa dibdib ko. Tumingin ako sa labas at nakitang nagkakatuwaan parin sila. Malawak ang mga ngiti niya dito, na kailanman ay hindi ko pa nakikita.
Ano namang pakialam ko? Buti nga at makahanap siya ng matitipuhan sa mga kaibigan ko para naman matapos na ang limang raw na'to!
Shit! Nababaliw na ata ako!
Dahil sa iritasyon ko ay hindi ko namalayang nakapasok napala si seth sa loob ng kotse. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at tumingin lang sa labas ng bintana. Nakita ko rin ang pagalis nila annnaliese.
"Hey, you okay?"
Sana nakipagusap nalang siya doon at hindi nalang tinuloy kung ano man ang balak niya ngayon, 'diba?
Baka nga nadisturbo ko pa siya.
"Trish, are you mad?"
"Pwede ba, umalis na tayo, at para makauwi na'ko nang maaga."
Dahan-dahan siyang tumango saakin at agad na pinaandar ang kotse. Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil sa inasal ko.
Ano ba kasi ang kinagalit mo, trisha? Damn!
"Saan tayo pupunta?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"My favorite place. I'm sure you'll like their ambiance."
"We'll see then." Sabi ko.
--
Pagkarating namin sa hindi ko malaman kung saan. Ito ang kauna-unahang mapunta ako rito sa lugar na ito. Namangha na ako nang makita ko ang dalampasigan at sa harap nito ang tinutukoy ni seth.
As we entered the restaurant, I felt the warmth of the ambiance. The tables with partial stain really caught my attention. The chairs that made from pallet coffee..I'm not sure, but I really love the design. I looked up and saw the high ceilings and rustic interiors. The ambiance is really perfect. Omygod! Everything was made from a wood. Tama nga siya, maganda nga ang lugar na ito. You can also see the ramboo trees beside each of the tables. Sobrang ganda talaga!
Biglang huminto ang mga mata ko sa harap at hindi na makagalaw nang marinig ang kantang isa sa pinakagusto ko. The girl sings it so gently and smoothly.
"Omygod..."
Time..
I've been passing time watching trains go by
All of my life
Lying on the sand watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
"You like it?"
Napatingin ako sakanya. Nakangiting tumango ako dito at nakalimutan na ang iritasyon kanina.
"I really, really, really love it, sethrian."
Umigting ang panga niya sa sinabi ko. He looked startled for a second, and then the dimple appeared along with a twinkle in his eyes.
Agad na umupo kami malapit sa stage. Hindi naman mawala-wala ang ngiti ko sa labi habang kumakanta ang babae. Nang mapansin ko ang paninitig niya saakin ay umupo na ako nang maayos. I cough fakely.
"Gutom na ako." Pangunguna ko.
"What do yo-"
"Ikaw na bahala. I'm sure masarap ang mga pagkain dito."
"Magugustuhan mo talaga." Ngumiti ito saakin at nakita ko nanaman ang dimple niya.
Pakiramdam ko ay para na akong lalagnatin sa mga ngiti niyang ganyan.
Nang nakapagorder na ito ay bumalik ulit ang tingin niya saakin, na sanhi nang pagkailang at kaba ko.
Siguro gutom lang 'to.
Oo nga, nagugutom na nga ako kaya kinakabahan ako ng ganito.
"Sir, makapaghintay ba kayo ng 20mins?" Biglang pagsulpot ng lalaki.
Napatingin naman saakin si seth at naghihintay sa isasagot ko. Tumango nalang ako para sabihing okay lang.
"Sure!" I enthusiastically said.
Umalis na ang lalaki at binalik ni seth ang tingin saakin bago sa harap ng nagkakantahan.
Nagulat ako nang bigla itong tumayo at pumunta sa harap. Kumunot ang noo ko nang makitang may binulong siya dito. Ngumiti ang babae bago umalis sa pwesto niya. Nagtaka naman ako.
Omygod..huwag mong sabihin kakanta siya diyan?
Is he serious?
He cleared his throat bago niya tinapat ang microphone sakanya.
"Hello and Goodevening, everyone. Ito po ang kauna-unahang kakanta ako sa harap ng maraming tao and this is because of her."
Lumipat ang tingin niya saakin at ngumiti ito. What are you doing, seth..
"I just want to dedicate this song to the most important girl in my life. I love you more than anything. Alam kong wala kang nararamdaman saakin, at alam ko rin na nakukulitan kana, and I'm sorry for that, baby. Pero hangga't nabubuhay pa ako sa mundong ito, ibibigay ko lahat sa'yo, ang limang araw na magkasama tayo."
May narinig naman akong ingayan at asaran sa likod ko.
"Swerte mo girl! Mahalin mo na!" Sigaw ng babaeng hindi ko makilala.
Pakiramdam ko ay hindi na ako makakahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. My hands are sweating. Ano ba itong nangyari saakin!
"This song is for you." Simula niya.
"Pag-ibig ko sayo'y totoo
Ni walang halung biro
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito
Walang ibang mamahalin
Kundi ikaw lamang giliw
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito"
Halos kinapos na ako ng hangin dahil sa boses niya na inakala ko ay hindi ganito kaganda. His voice sends goose bumps to my body. My heart skips a beat.
"Sa aking buhay ay walang Pag-ibig ko sayo'y totoo
Ni walang halung biro
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito
Walang ibang mamahalin
Kundi ikaw lamang giliw
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito
Aking pagmamahal, asahan mong tunay.
Pag-ibig ko sayo'y totoo
Ni walang halung biro
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito"
"Akin ka nalang!" Sigaw ng iilang babae dito.
Walang kahit isang salita ang lumabas mula sa bibig ko. I'm so speechless. Hindi ko inasahan na gagawin niya talaga ito.