Chereads / Limang Araw / Chapter 4 - DALAWANG ARAW

Chapter 4 - DALAWANG ARAW

"Bakit mo iyon ginawa?" Salubong ko pagkababa niya mula sa stage.

I feel so irritated, shocked and speechless. I still can't believe it na kaya niyang gawin ang mga bagay na ito. Naka plano na ba ito lahat? Does he thinks, magugustuhan ko na siya dahil dito?

"You don't like it?" Tanong niya.

Hindi ko naman maiwasan pagmasdan ang pag-igting ng panga niya. His eyes darkened, na para bang na dismaya siya sa tanong ko. Yes, I feel so disappointed at hindi ko alam kung bakit. Nairita ako sakanya dahil sa ginawa niya ngayon. Naiinis ako kasi kayang-kaya niyang sabihin sa lahat ng tao ang nararamdaman niya saakin. Hindi man lang ba siya nahiya?

Alam niya naman na hindi ko siya gusto, pero kaya niya parin mahalin ako sa kabila ng lahat na sakit at pag ignora ko sakanya. Damn!

"Sana hindi mo nalang iyon ginawa.." I murmured and looked down.

Hindi ko kayang tignan ang reaksyon niya. Nangingilid ang luha ko na hindi ko alam kung bakit! Shit!

Ano ba itong nangyari saakin. Huminga muna ako nang malim bago inangat ang ulo.

"Let's just eat, fabella."

Hindi ko na siya tinapunan ng tingin, pero pansin ko sa mga mata ko ang paninitig niya saakin. Na pakiramdam ko ay binabasa niya ang nasa isip ko.

"You're not mad at me, are you?"

I shooked my head without looking at him.

"Please, look at me. Are you mad dahil sa ginawa ko kanina? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko? You don't like the song? G-Gusto ko lang naman bigyan ka nang ala-ala sa lugar na--"

Umangat ang ulo ko at matapang siyang tinignan.

"I'm not mad. Let's just eat, okay?" Putol ko.

Tumango siya nang dahan-dahan saakin bago nagumpisa ng kumain.

I hate that I hurt him. I  hate it.

Hindi na kami masyadong nagusap ni seth pagkatapos nun. At alam kong napansin niya ang pagiging tahimik ko. Mag-aalas syete rin ng gabi ay napagdesisyunan na namin umuwi. Hindi pa naman ako nagpaalam kay mommy at daddy, but they don't have to worry, kasi I already texted them my whereabouts.

Binalot kami nang katahimikan sa loob ng kotse. Siya na mismo naghatid saakin pauwi ng bahay. Walang isang salita ang lumabas sa bibig ko. Ano naman ang sasabihin ko?

Mga ilang sandali rin na pagmumokmok ay nagsalita na ito.

"We're here, trish."

Si seth.

Napatingin ako sa labas at nakitang nasa tapat na pala kami ng bahay. Ni hindi ko man lang namalayan dahil sa dami na ng iniisip.

"I..ah..hmm.."

I can't even find words to say! Bakit ba kasi ako kinakabahan.

"T-thank you.." tanging nasabi ko nalang.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko. Naramdaman ko rin ang pagtibok ng puso ko.

Magkakaheart attact na ba ako nito? Siguro hindi lang ako sanay sa hawak niya, kaya nagkakaganito ako.

"Let me."

Sabi nito bago nagmamadaling lumabas at pinagbuksan ako.

"Thank y-ou.."

Nahihiya kong sabi.

Ano ba talaga itong nangyari saakin?

"Ahh..hmm..s..see you tomorrow?" Inangat ko ang ulo ko at nakita ang pagngiti niya saakin.

He slowly nooded at me. Ang ngiting pakiramdam ko ay nagpalambot ng tuhod ko.

"Susunduin kita bukas dito, okay?"

Tumango ako at dahan-dahan na lumabas ang ngiti sa labi. First time atang maayos ang pag-uusap namin, pati ang pagngiti ko sakanya nang matagal!

"Goodbye, trish. Have a goodnight."

"Goodnight, seth. Just text me kung nakauwi kana." Sabi ko.

Ang bait natin ngayon ah?

Nakita ko ang pagkagat ng labi niya, na para bang pinipigilang hindi magpagkita ng ngiti sa labi.

"Okay then, goodbye." Paalam niya.

Hindi muna ako pumasok at hinintay muna ang pag-alis niya. Nang maglaho na ang kotse nito sa paningin ko ay doon nako pumasok sa loob ng bahay.

Buti nalang at wala si mommy at daddy pagkarating ko sa bahay. Nanang minda told me na nasa meeting pa raw ito.

Pagkatapos kong maligo ay sumalpak na agad ako sa hegaan ko. Saktong pagkahega ko ay ang pagtunog din ng cellphone ko. Umupo ako nang maayos at kinuha iyon.

It was a text from seth.

"I'm home. Thank you for today. Sorry kung nagalit ka sa ginawa ko kanina. Goodnight, trisha vin."

Inisip niya parin ba iyon? I'm not really mad at him dahil sa ginawa niya. It's just..ewan ko! I don't know. Bahala na nga! Isipin niya na ang isipin niya, wala na akong pakialam doon. I still have apat na araw to be with him. Konting-konti nalang at matatapos na talaga 'to.

Ang boses niya hindi parin mawala-wala sa utak ko, at parang isang ringtone na paulit-ulit na sumagip sa isip ko. Hindi ako makapaniwala na ganun ka lamig ang boses niya. Kung siguro'y pipikit ako, hindi mo masasabing siya talaga iyon.

Wait, bakit ko nga ba ito sinasabi?

Bakit ko nga ba siya inisip? Omygod, There's no way! Maganda lang naman talaga ang boses niya.

Nagreply nalang ako ng isang goodnight at natulog na kaagad.

---

Isang panibagong araw nanaman para saakin ngayon. Napangiti ako nang maalalang apat na araw nalang para matapos natalaga ang kalokohang deal na ito.

I got up and streched my arms. Agad na kinuha ko ang cellphone ko. I looked at the time and it was 5:02 in the morning.

Umalis na ako mula sa kama at wala munang balak maligo. Ginutom ako, kaya kakain na muna ako bago ayusin ang sarili. Siguro naman ay nakapaghain na si nanang minda. Alam niya kasing maaga ang gising ko araw-araw.

Hindi pa ako nakababa ay isang pamilyar agad na boses ang narinig ko.

"Yes, I'm her friend."

"Ay, sir. Baka natutulog pa iyon. Saglit at gigising ko ang batang iyon." Si nanang minda.

"Thank you."

Impossibleng..omygosh!

Seth?!

Aakyat na sana ako pabalik nang makita ako ni nanang minda. Shit! Napapikit ako.

"Ay, andito napala si trisha. Iha, may naghahanap na pogi sa'yo."

I bite my lip and slowly turned around to face her. Nanlaki pa lalo ang mata ko nang makitang nasa tabi napala siya ni nanang minda. Omygosh!!

Hindi pa ako naligo!

At itong suot ko? Isang pajama at strap sleveless lang! At ang baho pa ng hininga ko!

Paano pagnakita siya ni mommy at daddy dito? Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang

"Mommy may deal kami kaya andito siya. Or sasabihin ko bang mommy..shit! Wala akong maisip!

Shit ka talaga, fabella!

"Goodmorning, trisha vin amora."

He smirked.

Iknow he planned this. Pinapahamak niya ako! Lagot ka talaga saakin mamaya.

"Bakit ka andito?" Tanong ko.

"Iha, kumain kana. Dito ka narin kumain, iho." Si nanang minda.

"Sige po."

Umalis na rin si nanang minda at kami nalang naiwan dalawa. Nasa hagdan parin ako nakatayo at nasa baba naman siya habang nakatingala saakin. At ang kapal! Hindi man lang tinanggihan ang alok ni nanang minda sakanya!

"What are you doing, sethrian fabella?! You're making fun of me, aren't you?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko.

"Baby, I'm not. I told you I'm going to fetch you."

Napatayo naman ang balahibo ko sa pagtawag niya saakin.

"Paano pagnakita ka ni mommy at daddy dito, huh?"

"Bumaba ka na diyan." Hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Ayoko! Hindi pa ako naliligo!" I pouted.

"Baby, I don't care what your breath smells like. Lumapit ka saakin at aamoyin ko 'yan." Seryosong sabi niya.

Nandilat naman ang mata ko. Baliw talaga ang lalaking 'to! Kung ano-anong kalokohan ang iniisip!

"Shut up!"

Patakbong bumaba na ako, at sinisiguradong maiwasan siya. Ayoko naman maamoy niya ako. Habang siya nakaligo na at ang bango-bango pa.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

Ang kapal talaga! Feel at home pa sa bahay. Pasalamat siya at hindi strict si daddy at mommy saakin.