Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 157 - TRUST IS THE CATALYST OF LOVE

Chapter 157 - TRUST IS THE CATALYST OF LOVE

Sa tabi ng driver's seat siya iniupo ni Vendrick pagkuwa'y mabilis na isinara ang pinto sa gilid niya saka patakbo itong lumiko sa tapat na pinto at duon pumasok, pinagmasdan sandali ang kanyang ayos.

"You're wet," sambit nito.

Hindi sumagot si Marble, nanatili lang tila tuod sa kinauupuan at diretso ang tingin sa harap ng sasakyan, nakapatong ang mga kamay sa kanyang mga hita.

"Marble," mahinang tawag ng asawa.

Malibang kumurap ang kanyang mga mata'y wala nang nakitang reaksyon sa kanya.

Napabuntunghininga na lang ang lalaki at pinaandar na ang sasakyan.

Wala silang kibuan habang nagbihiyahe, tanging mga buntunghininga lang nila ang tila nagsasagutan hanggang lumipas marahil ang halos dalwampung minuto at mapansin niyang iba na ang daang tinatahak nila, hindi pabalik sa bahay ng mga magulang nito o kaya sa kanyang condo.

Nagtatakang binalingan niya ito.

"Where are we going?" usisa na niya pero sumulyap lang ito sa kanya, sinalat ng kamay ang kanyang manipis na mini con dress saka bumilis ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa wakas ay huminto ito sa harap ng isang gusali.

Hindi na niya hinintay na pagbuksan siyang pinto ng asawa, kusa siyang lumabas ng kotse at bahagya pang nagulat nang makita sa harapan ang main office ng LSO bank.

Ano'ng gagawin nila duon?

Nagmamadali pa namang lumabas si Vendrick sa sasakyan ngunit nang makita nitong nakalabas na siya'y muli itong nagpakawala ng malalim na paghinga saka siya hinawakan sa kamay papunta sa gusali.

Napatayo agad ang nagbabantay duong guard nang mula sa liwanag na nanggagaling sa mga ilaw sa labas ay makita sila nitong papalapit.

"Good evening, sir! Good evening, ma'am!" bati agad nito saka nagmamadaling binuksan ang nakalock nang pinto ng gusali.

Tumango muna siya sa guard bago nagpatianod sa paghila ni Vendrick sa kanya papasok.

Dumiretso sila sa elevator. Nakatingin lang siya habang pinipindot ng lalaki ang 24 na button, ibig sabihin, sa pinakatuktok sila ng gusali pupunta. Bakit? Ano'ng merun sa lugar na 'yun? Naruon ang condo nito?

Tama nga ang kanyang hula. Paglabas pa lang sa elevator, tumambad sa kanyang harapan ang maluwang na gym, naruon ang iba't klase ng equipment sa pag-eehersisyo. Sa may malapit sa elevator ay ang private lounge.

Merung pinaka-lobby sa may gilid pakanan, duon sila dumaan ng asawa habang hila pa rin nito ang kanyang kamay.

Tahimik lang niyang sinisipat ang paligid habang naglalakad sila sa pasilyo hanggang sa huminto sila sa isang malapad na pintong gawa sa matibay na kahoy at may nakaukit na dragon sa dahon niyon.

Kinuha nito ang susi sa bulsa at binuksan iyon. Hinila na naman siya nito papasok saka kinapa sa may pader ang switch ng ilaw.

Nang magliwanag ang buong paligid ay napanganga siya sa tumambad sa kanyang harapan.

Isa iyong maluwang na condo, gawa sa venato marble effect porcelain tiles mula sa sahig hanggang sa mga dingding niyon kahit ang hagdanan papuntang mezzanine pati na ang mismong mezzanine. Kumikintab ang buong paligid sa linis.

"Wow! Merun ka pa lang ganto, Vendrick!?" bulalas niya, tila nawala bigla ang hinanakit sa lalaki saka hinablot ang sariling kamay mula dito, patakbong tinungo ang maluwang na living room at tila batang naupo sa malambot na sofa, bahagya pang nag-bounce ang kanyang pwet sa sobrang lambot nun.

Sa likod ng sofa ay naruon ang hagdanan paakyat sa mezzanine at sa harap niyon ay ang glass wall, kitang kita mula ruon ang katapat na mga naglalakihang mga gusali kahit ang mga bituin sa langit. Napasinghap siya sa napakagandang tanawing nakikita sa labas ng condo, nagkikislapan ang iba't ibang kulay ng mga ilaw mula labas.

"Woww! Ang ganda naman dito, Binbin!" bulalas niya uli saka nilingon ang binatang lumapit na sa glass wall, hinila sa gilid ang makapal na kurtinang kulay light blue at inadornohan ng mga tila nagkikislapang mga bituin--'yun na lang, kahanga-hanga na ang ganda.

Dismayado siyang napatayo.

"Ba't mo isinara.? Ang ganda ng paligid, aii!" reklamo niya.

Ngunit tila wala itong narinig at lumapit na sa kanya, kinabig agad ang kanyang beywang padikit dito hanggang sa maramdaman nila ang init ng kanilang mga katawan sa kabila ng basa nilang damit.

Sandali siyang natigilan, napatitig rito, agad niyang naamoy ang mabango nitong hininga nang bumuka ang bibig. Hindi niya alam kung bakit may kakaiba iyong hatid sa kanya kaya bahagya niya itong itinulak subalit nabigo siyang ilayo rito ang katawan.

Sa halip ay lalo siya nitong kinabig padikit sa katawan nito hanggang sa halos isang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

Gusto niya uli itong itulak, gusto niyang iparamdam dito ang kanyang galit pero bakit di niya magawa? Mas nananaig sa kanya ang pangungulila sa mga yakap nito, sa mga halik nitong tila stress reliever na niya.

"Hon..." usal nito habang magkadikit ang kanilang mga noo.

Ayan na naman, naninindig na naman ang kanyang mga balahibo sa antisipasyon, tila kinikiliti na ang kanyang puso sa tuwa habang malamyos nitong inuusal ang endearment sa kanya at amoy na amoy ang mabango nitong hiningang nakapagpapadagdag ng sensasyong nagsisimulang bumalot sa kanyang katawan. Pero ayaw niyang iparamdam ditong apektado siya sa simpleng usal lang nito kaya kaya iniyuko niya ang ulo.

"Nangako ka na kay Chelsea di ba? What's the point of treating me like this?" malamig niyang wika.

Sandali itong natahimik habang ang isang kamay ay dumiin ang hawak sa kanyang beywang.

"I'm just a human being, Marble. I had many flings in the past, yes. I even had Chelsea to satisfy my needs," mahina nitong sambit saka marahang hinawakan ang kanyang baba at iniangat iyon. Hindi siya pumalag ngunit nanatiling umiiwas ang kanyang mga mata mula sa mga titig nito.

"But when I saw you at Dave's birthday party, I already promised myself that you would be my last woman," paanas nitong sambit, sapat lang para marinig niya ang mga katagang 'yun mula sa bibig nito.

Awtomatikong napatitig ang kanyang mga mata sa asawa, giving him that confused gaze.

Umakyat ang isang kamay nito, humawak sa kanyang isang balikat, ganun din ang ginawa ng isa habang titig na titig sa kanya.

"Marble, I may not be a perfect person to you. I may not be a loving and caring husband. And I can't promise you anything...but my loyalty."

Biglang kumawala ang dalawang butil ng luha sa kanyang mga mata sa sinabi nito. Ewan ba niya, 'pag si Vendrick na ang issue, ambilis pumatak ng kanyang mga luha.

Dahan-dahan nitong inilapit ang mga labi sa kanyang noo, dumampi duon.

"Marble, I know I have many flaws but I need you to trust me. Nawawala ang confidence ko sa sarili kapag ikaw na ang nagagalit sa'kin," usal nito pagkuwan, nanghihingi ng kanyang pang-unawa.

Siya na ang kusang sumuko at agad na yumakap dito habang tuluyan nang napaiyak.

"Binbin, 'wag mo akong iiwan. 'Wag mo akong iiwan!" hagulhol niya, hinigpitan pa lalo ang yakap dito't isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

"Shhhh! Silly girl, paano kitang iiwan gayung nagayuma mo na ako?" pabiro nitong sambit, humigpit na rin ang yakap sa kanya. "Trust me, honey. Just trust me. I'll never betray you until my last breath on earth."

Lalong napalakas ang kanyang iyak. Siya seguro ang babaeng hindi kayang magalit nang totoo sa lalaking kanyang pinakamamahal. Siya yung tipong naniniwala agad sa mga pangako nito, pangako ng katapatan at kahit sirain pa ang pangakong iyon, iiyak lang siya sa isang tabi pero paulit-ulit pa rin siyang magpapatawad. Ah, ganito talaga seguro ang totoong nagmamahal. Umuunawa, nagpapatawad kahit paulit-ulit na nasasaktan.

Idadagdag na din niya sa bukabularyo ang pagtitiwala lalo na kay Vendrick.

Ilang minuto ang lumipas bago siya tumigil sa pag-iyak at ang asawa nama'y panay hagod lang sa kanyang likod upang gumaan ang kanyang pakiramdam. Nang maseguro na nitong okay na siya ay saka siya marahang binuhat paakyat sa mezzanine kung saan naruruon ang bed nito.

"Binbin, paano si Chelsea? Paano kung magpakamatay siya nang tuluyan kapag di ka bumalik sa kanya?" usisa niya habang nakakapit sa batok nito di pa man sila nakakaakyat sa taas.

"Don't worry about it, honey. Just give me a day to handle her," sagot nito.

Hindi siya sumagot pero isinandig ang ulo sa balikat nito. Tama ang kanyang desisyon, kailangan lang niyang magtiwala kay Vendrick para maging maayos ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

"Hon..." bulong nito nang maihiga na siya sa malamabot nitong kama at sinimulang hubarin ang kanyang basang saplot sa katawan.

"Hm?"

Lumagkit bigla ang mga titig nito.

"I think kailangan na nating sundan si Kaelo. Galit na naman kasi si utoy," lambing nito.

Napahagikhik siya kasabay ng pamumula ng pisngi, nawala na nang tuluyan ang mga alinlangan at pagdududa niya rito.

Nagmadali na itong maghubad ng saplot sa katawan, pinanggigilan agad siya nang matitigan ang kanyang kahubdan.

Ahhh---kasama rin ito sa dapat niyang yakapin bilang asawa ni Vendrick, ang paulit-ulit na magpaubaya sa lalaki at ibigay ang pangangailangan nito. Ganito niya ito kamahal--ang kanyang pinakamamahal.