"I'll be leaving first, tita," paalam ni Vendrick sa ina ni Chelsea nang masegurong nakatulog na uli ang dalaga.
Hinawakan na ng ginang ang kanyang braso.
"Please, Vendrick. Dito ka muna. Di namin alam ang gagawin kay Chelsea kapag nagising siya na wala ka rito. Baka magwala na naman siya sa galit," pagmamakaawa nito.
Nagtagis ang kanyang bagang sa narinig, iniiwas ang tingin sa kausap habang ang asawa nito'y nakaupo sa isang sila at nakabantay sa tulog na anak.
"Tell her I'll be back," malamig niyang tugon at saka hinawakan ang kamay nitong nakakapit sa kanyang braso at tinanggal duon saka salubong ang mga kilay na lumabas sa silid na 'yun.
"Bumalik ka agad, Drick!" habol nito.
Mahina siyang napamura at agad na dinukot ang phone sa bulsa, tinawagan ang detectiive.
"Where's my wife?" tanong niya.
"I can't tell you. Maybe kailangan niyang mapag-isa ngayon," sagot nito.
"What?!" hiyaw niya, lalong umigting ang mga ugat ng leeg sa galit.
"Do you have the right to tell me about your opinion?! Tell me where she is!" sigaw niya uli.
"Sorry, I just can't tell you. But she's fine, don't worry." Pagkatapos lang magsalita ay pinatay na nito ang tawag.
Muli siyang napamura habang nasa loob na ng elevator. He doesn't have any choice. Kailangan niyang puntahan si Erland. Kanina pa hindi sumasagot sa tawag niya si Marble. Baka kung ano nang nasa utak nun.
---------@@@@@-----------
Tila alam na ni Erland na pupuntahan niya ito.
Come! Sit," salubong sa kanya nang buksan niya ang pinto ng opisina nito.
Naabutan niyang naglilinis ito sa ibabaw ng mesa, napuno agad ng basura ang waste bin sa gilid niyon.
Nanatili siyang nakatayo sa may pinto. Nang mapansin nitong di siya nagsasalita'y saka lang ito tumigil sa ginagawa at tumitig sa kanya pagkuwa'y napabuntunghininga.
"Where is Marble?" malamig niyang tanong, walang emosyon na mababakas sa mukha.
Tumawa nang pagak ang binata.
"Do you think she'll commit suicide now just because you broke her heart?" pasarkastiko nitong sambit saka muling tumawa, tila alam kung ano'ng nangyari sa kanila.
Nagngitngit siya bigla sa galit, mangani-nganing suntukin ito ngunit nagpigil siya.
"Honestly, there's only person who could break her heart and make her to breakdown," sambit nito.
Nanatili lang siyang nakatitig dito, inaalam kung ano'ng point ng sinasabi nito.
Lumapit ito sa kanya saka kampante tinapik ang kanyang balikat.
"Follow me. Let me show you something," anito saka lumabas ng opisina, sumunod lang siya kahit walang clue sa gusto nitong ipakita.
Huminto ito sa harap ng pinto ng salon, lumapit siya rito at tumabi sa pagkakatayo.
Alas dyes na nang gabi nang mga oras na 'yun at ewan kung bakit biglang kumulog at kumidlat gayung maganda naman ang panahon bago siya dumating duon.
"It was exactly the same date, the same weather, the same hour when I saw her in front of the door, just staring at me. Her dress was full of blood and she was holding this palm-sized prematured baby wrapped in a white cloth," simula nitong magkwento sabay turo sa labas ng salon kung saan daw nakatayo noon si Marble.
Kunut-noong napatingin siya sa binata ngunit hinayaan lang itong magsalita.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Just imagine that helpless kid outside, tulala lang na nakatitig sakin habang bumubuhos ang malakas na ulan at hindi umiiyak man lang ang karga niyang sanggol na akala ko'y patay na kaya siya nagkaganu'n.
Nang takbuhin ko siya at papasukin, saka ko lang nalamang sanggol pala ang kanyang karga," patuloy nito sa pagkukwento saka umupo sa mahabang sofa sa tabi ng pinto.
"We seated here," dugtong nito. "That was the first time I saw her on that vulnerable face, patuloy ang pagpatak ng mga luha pero walang boses na lumalabas sa bibig, nakatingin lang sa kawalan habang tinatapik-tapik ko ang sanggol ngunit ayaw umiyak. Tahimik niya itong kinuha sakin, hiningahan sa bibig at mahinang ini-pump ang dibdib saka inilagay sa kanyang mga palad hanggang sa wakas ay magkaruon ito ng hininga. Then she fainted." Tumigil ito sa pagkukwento, tumingala sa kanya, naging emosyonal ang mukha habang siya'y mataman lang nakikinig dito, naging curious sa kwento nito.
"Marble had been in a coma for one month. Kami lang ni Cathy ang natyagang magbantay sa kanya. When she woke up, two weeks bago siya nagsalita, nakatingin lang palagi sa naka-incubator na si Kaelo,"
"The reason why she suddenly pulled herself together was because she lost her emerald necklace," patuloy pa rin nito.
Umawang ang kanyang mga labi. Hindi niya akalaing ganun pala ang pinagdaanan ng kanyang asawa.
"She shouted at me. The moment she shouted, Kaelo suddenly cried out inside the incubator. Nasa likod pala ng sanggol ang necklace, bumabaon sa balat nito. Kung paanong napunta iyon duon, walang nakakaalam."
Tumayo ang binata, humarap sa kanya.
"Did you get my point?" tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot, naguguluhan pa rin sa gusto nitong ipaunawa.
"You're really not that important to her. It has always been Kaelo that matters to her the most. Kaya 'wag kang mag-alala kung nasaan man siya ngayon. She'll never breakdown because of you," pagpapaunawa nito sa kanya, may halong panunuya sa boses.
Tumawa siya nang mapakla ngunit ewan kung bakit nasaktan sa sinabi nito.
"To tell you honestly, you're just nothing compared to that child," nagpatuloy ito sa tila pang-iinsulto sa kanya.
Gusto niya itong patigilin sa pagsasalita, gusto niyang barahin, ngunit hindi niya alam kung bakit di siya nakaimik man lang hanggang sa magdesisyon siyang lumabas sa salon, hindi na nagpaalam pa rito.
Naiwang napapangiti ang binata.
"It has always been Kaelo and the owner of that necklace," pabulong nitong sambit habang habol siya ng tingin palayo.