Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 151 - HIS JEALOUS HUBBY

Chapter 151 - HIS JEALOUS HUBBY

"Bestyyy! Bestyy!" Sa labas pa lang ng kanilang bahay ay nagsisisigaw na si Ynalyn habang tumatakbo papunta sa likod bahay kung nasaan si Marble at Vendrick.

Nagtitinda kasi ng buko juice ang kanyang ama ng araw na 'yun sa harap ng kanilang bakuran at ang ina nama'y nasa school ng kanyang mga kapatid upang ipa-enrol ang magkambal. Ang byenan niyang babae'y isinama sina Kaelo at Eva sa palengke ng Tabo-an. Nasanay na din ang ginang mag-commute ng jeep 'pag namamalengke.

Sila lang ni Vendrick ang nasa likod-bahay at nagbubungkal ng lupa ang asawa para mapagtamnan niya ng mga gulay ang parteng 'yun nang mapakinabangan naman.

"Besty! Besty! May good news ako sa'yo!" Tumili na ito habang naglulundag sabay hawak sa kanyang mga kamay.

Tinanggal niya muna ang face mask na isinuot kanina para proteksyon sa buhangin.

"Besty, tinawagan ako ng sinasabi mong Cathy! Sabi niya pumunta na raw ako bukas sa manila at susunduin niya ako sa Airport! Pinadalhan nga niya ako ng pamasahe, kukunin ko mamaya!" Sa sobrang tuwa nito'y di na man lang pansing marumi ang kanyang kamay, puno ng buhangin habang suot niya ang surgical mask para matulungan si Vendrick sa ginagawa nito.

Saka lang natigil sa kalulundag si Ynalyn nang mahagip ng paningin si Vendrick na nakashort lang at pawisan ang likod sa ginagawa.

"Hoy, Besty. Bakit mo hinahayaang magtrabaho ang palalabs mo eh ang yaman niyan? Hindi ba nagagalit ang byenan mo sa pinapagawa mo sa kanya?" pansin nito pagkuwa'y napangiti uli.

"Besty, ang macho talaga ng crush ko kahit nakatalikod!" kinikilig nitong tili sabay titig sa lalaki.

Biglang nag-init ang kanyang tenga't binatukan na niya ito.

"Aray naman!" angal nito, napaismid sa ginawa niya.

"Asawa ko 'yan! Wag mong pagnasaan!" saway niya.

"Hmp, para tinitingnan lang ang likod eh," katwiran nito.

Napairap na siya.

"Besty, ano? As in go-go na ba talaga ako? Mabait ba ang Cathy na 'yun? Hindi niya ako gagawing slave sa manila?" balik nito sa unang usapan.

Natawa siya sa paraan ng pagsasalita nito.

"Sige, go ka na. Mabait 'yun lalo na si Erland. Wag mo lang aakitin ang Erland ko, tatamaan ka sakin," pagbibiro niya.

Napatingin tuloy sa kanila si Vendrick, salubong agad ang mga kilay sa sinabi niya.

Napalingon siya't napangisi dito at agad ibinalik kay Ynalyn ang pansin.

"Kaanu-ano mo ba 'yung Erland na 'yun, bakit para yatang mas malapit ka dun kesa kay Cathy?" usisa nito.

Lumapit na siya rito't ibinulong ang sagot. "Barbie doll niya ako."

"Barbie doll ka niya? May relasyon kayo nun, besty?!" bulalas nito.

Gigil na hinampas niya ang braso nito saka nilingon ang galit nang si Vendrick, nagtama ang kanilang mga mata, ngumisi na uli siya't kinawayan na ito pero makulimlim ang mukhang iginanti ng asawa.

Muli niyang hinampas sa braso ang kaibigan nang bumaling siya rito. "Ikaw kasi, ibinulong ko na nga, ibinulalas mo pa," paninisi niya rito.

"Bakit naman kasi kung makatawag ka ng 'Erland ko' eh parang ang close niyo sa isa't isa?" Nakasimangot na ito.

"Close nga kami nun eh little sister ang turing nun sakin, tsaka siya ang nagpaaral sakin noon, pero hindi siya bastos. Kaya behave ka sa kanya ha?" paliwanag niya rito, tinanggal na ang surgical gloves na suot at hinatak ang kaibigan papasok ng bahay.

"'Yung Erland ang nagpaaral sa'yo, besty? Hindi iyong matandang umampon sa'yo?" curious na usisa na uli ni Ynalyn habang nasa loob sila ng kusina at naghuhugas siya ng kamay sa lababo. Tinanggal na rin niya ang face mask na gamit at nagtungo sa sala ng bahay, sumunod lang ang kaibigan.

"Si Erland nga ang nagpaaral sakin, kaya ganun na lang ako kalapit duon pero wala kaming relasyon, talagang magclose lang kami na parang magkapatid," kwento na niya.

"Ahem, eh 'yung lalaking nasuntok ko nung gabing 'yun besty? Ang dinig ko kasi bago sila umalis kinabukasan ay isa siya sa mga barakada ni Binbin," pasimpleng usisa nito, sumandig sa headboard ng diban.

"Ah si Livy. 'Wag kang magka-crush duon at playboy 'yun. Mas playboy pa 'yun kay Vendrick," payo niya.

Lumungkot ang mukha ng dalaga sabay tayo.

"Sige na, aalis na ako," paalam nito.

"O sige, ihahatid kita bukas ha? Magpapasama ako kay Vendrick para maihatid ka," habol niya rito nang tila nagmamartsang lumabas sa kanilang bahay.

Napahagikhik na lang siya. Nakarehistro kasi sa mukha nito ang malaking crush kay Livy. Ayaw niyang umiyak ang kaibigan. Mamaya, tatawagan niya si Erland para sabihing ilayo si Ynalyn kay Livy.

Tumayo na siya't lalabas na uli ng bahay nang makasalubong ang asawang seryoso ang mukha, dumiretso ito sa kusina at uminom ng isang basong tubig pagkuwa'y lumabas uli ng kusina, nilampasan lang siya at umakyat sa hagdanan deretso sa kanilang kwarto.

Tahimik lang siyang sumunod dito, ramdam niya kung ano'ng ikinagagalit nito.

Pagpasok niya sa kwarto ay nadatnan niyang nagpupunas ito ng pawis gamit ang isang face towel habang nakatalikod sa kanya. Lumapit siya rito't hinablot ang hawak nitong towel saka siya na ng tumapos sa ginagawa nito, hindi ito nagsalita, hinayaan na siya sa ginagawa.

Pansin niya ang pagkasunog ng balat nito sa loob ng halos dalawang linggo na nitong pamamalagi sa kanila. Ilang araw lang 'yun kung tutuusin pero naging tan na ang kulay ng balat nito, morenong moreno na, bagay lang naman sa lalong naging macho nitong katawan at musculine nitong mukha.

Pagkatapos masegurong tuyo na sa pawis ang likod nito'y saka niya iyon dinampian ng halik pagkuwa'y humakbang uli siya paharap dito, pinunasan naman ang pawisan nitong dibdib.

Tahimik lang ang lalaki.

"Erland was my saviour at that time," simula niya, pasimple lang na nagkwento.

"Tumakas ako sa driver ni Senyor Leo noon nang malaman kong nakaalis ka na papuntang Canada nang hindi man lang naririnig ang paliwanag ko. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapatapat sa salon ni Erland at makita ang madaming babaeng pumipila sa labas," patuloy niya sa pagkwento habang dahan-dahang hinahagod ng towel ng malapad nitong dibdib.

"Nakita ko siya papasok na sana sa salon pero tinawag ko at pinakiusapang ilakad ako sa amo niya para gawing katulong basta pakainin lang ako. Pero sa halip na maging katulong, ginawa niya akong modelo. Siya ang nag-alaga sa kutis ko, sa mukha ko. Dati akala ko bakla siya kasi ang gwapo niya, pero hindi pala. Nang dalhin ko sa kanya si Kaelo, ipinakilala niya agad ang sanggol bilang anak niya at ako bilang girlfriend niya," patuloy niya sa pagkukwento hanggang di niya namamalayang gumagaralgal na ang kanyang boses.

Napabuntunghininga ang asawa saka siya biglang niyakap.

"Binbin, Erland treated me as his treasure, his barbie doll. Siya ang dahilan kung bakit naging ganto ang itsura ko ngayon. Kaya kahit sino pa ang kaharap ko, ipagmamalaki ko siya sa lahat, kasi mahal ko siya bilang matalik kong kaibigan. Kahit si Cathy, alam niya kung ano'ng relasyon naming dalawa." Di na niya napigilan ang pagkawala ng luha sa mga mata.

"Ssssh, stop it already. I understand. I just can't control myself thinking of you having an intimate relation with another guy, specially that he's one of my buddies," paliwanag nito.

Tumingala siya sa asawa habang patuloy sa pagpatak ang mga luha.

"Trust me, Binbin. Ours isn't like what you're thinking. He didn't even kiss my lips. It was just his mannerism to hug me and kiss my head," she explained, yumakap na sa asawa.

"Ssssh, i know. I know. Let's not talk about it anymore," awat na nito.

Bahagyang inilayo ni Vendrick ang katawan saka malagkit na tumitig sa kanya.

"Honey..."

Kinurot niya ito sa tagiliran nang mahulaan kung anong gusto.

"Nakadalawa ka na kagabi ah," reklamo niya kunwari ngunit di siya nito pinakinggan, mabilis siyang kinabig sa beywang at siniil ng halik habang humaplos agad ang isang palad nito sa kanyang dibdib dahilan upang mapasinghap siya't maipulupot ang dalawang kamay sa batok nito.

Subalit kung kelan nagsisimula nang mag-init ang kanilang mga katawan ay saka naman tumunog ang phone ng asawa sa ibabaw ng bedside table.

Pero wala iting balak tumigil sa ginagawa kung hindi siya huminto at bumalingvsa phone nang mapansing walang balak na huminto kakatawag ang nasa kabilang linya.

"Sagutin mo na, baka importante 'yan." Kumawala siya sa pagkakapulupot dito at lumapit sa kama, inayos ang unan sa headboard.

Mahinang napamura ang lalaki ngunit napilitan ding sagutin ang tawag.

"What?!" bulalas agad nito pagkasagot lang sa phone.

Takang napatingin siya dito, napatingin din ito sa kanya. Kinabahan siya bigla nang magtama ang kanilang paningin.

"Okay tita. What's the name of the hospital? Okay, wait for me there. I'm comming,"