Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 144 - THE PLAYBOY AND THE PROMDI

Chapter 144 - THE PLAYBOY AND THE PROMDI

Halos mapuno na ang buong bakuran nina Marble sa dami ng taong nagsisidatingan, wari bang may pyesta sa kanila. Ang kanina'y pili lang na mga bisita, ngayo'y halu-halo na, merun pa ngang galing manila, inimbitahan ng ina ni Vendrick.

Habang si Marble naman ay di matigil sa katitingin sa buong paligid, di talaga niya inaasahang ganito ang mangyayari.

"Hey, look!" ani Vendrick, hawak ang kanyang kanang kamay habang naruon pa rin malapit sa videoke at ang mga kaibigan niya'y kanya-kanyang hila ng mga silya, iniwan ang bahay-kubo at duon nag-umpukan sa harap ng videoke.

Itinuro ng asawa ang madilim na langit na ang tangi lang tanglaw ay nagkikislapang mga bituin.

Sinundan niya ng tingin ang itinuro nito saka lang nagsipagputukan nang sabay-sabay ang mga giant firecrackers at nakagawa ng kamangha-manghang hugis pusong tila mga bituing iba't iba ang kulay sa kalawakan.

Naitakip niya ang isang palad sa sobrang tuwa pagkakita ng mga 'yun, tila ba isang batang nakakita ng pinakamagandang tanawin sa buong buhay niya.

Hinalikan siya sa noo ng lalaki. "You like it?"

Humagikhik siya sabay tango saka gumanti ng halik sa mga labi nito, smack lang ngunit nag-blush pa rin ito na parang teenager saka tumingin sa paligid at inilapit ang mukha sa kanyang tenga.

"Pwede ko na bang makuha ang prize ko, mamaya?" usal sa kanya.

Pairap niya itong hinampas sa braso, dahilan upang matawa ito nang malakas. Eksakto namang inaawit ni William ang kantang, Ikaw ang Dahilan ni Jerry Angga.

"Ano'ng sinasabi ni nanay na namamanhikan kayo?" usisa niya dito.

Tumango ito saka siya inakbayan at iniharap sa mga magulang na nakaupo na sa harap ng lamesa sa di kalayuan kasama ang kanyang madam at ina ni Ynalyn pati mga kaibigan ng dalawa.

"Hey, dude!" Hiyaw ni Dave na kapapasok lang sa likod-bahay kasama ang asawa nito at lima pang kasali sa grupo nina Vendrick.

Gulat na naman siyang napatingin sa asawa.

"Pinapunta mo sila rito?"

Tumango ito, "Iyon ang gusto ni nanang. Dapat daw mapuno ang buong bakuran niyo ng mga bisita para malaman ng lahat na namamanhikan kami. Takot ako sa nanay mo kaya pinapunta ko na rin sila rito para mapuno ang paligid ng bahay niyo," mahabang paliwanag nito.

"Kelan kayo nag-usap ni nanay?" maang niya uling tanong, lalong nangulubot ang noo.

Ngunit di na 'yon nito nasagot nang magsilapit ang mga barkada kasama sina Erland at Cathy na nakaabrasete sa binata, halatang may relasyon na ang mga ito.

Kumaway siya agad sa dalawang nagmamadaling lumapit sa kanya samantalang si Vendrick ay una nang inasikaso si Dave at ang asawa nito nang masegurong kaya na niyang tumayo mag-isa at di na mabubuwal.

"Ikaw ha, nakauwi ka na pala sa inyo, wala ka man lang sinasabi samin ni Erland," tila nagtatampong saad ni Cathy pagkatapos makipag-beso-beso sa kanya.

"Sensya na, biglaan kasi ang uwi namin ni Kaelo," sagot niya, di makatingin sa kaibigan.

Lumapit na si Erland sa kanya saka siya niyakap at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"Mawawala na sa'kin ang barbie doll ko," malungkot nitong smbit.

Napahagikhik siya sabay tapik sa balikat nito.

"Ahem!" kunwa'y ubo ni Vendrick sa di kalayuan.

Ngunit tila ba sinasadya ni Erland na tagalan ang yapos sa kanya.

"Nagseselos na ang asawa mo, in love na talaga sa'yo," bulong nito.

Muli siyang napahagikhik at kusa nang kumawala sa bisig nito.

Si Cathy naman ang tumikhim sabay kamot sa leeg saka sumulyap sa kanya, nakangiti.

Ngunit ibang bagay ang nakaagaw ng kanyag atensyon at napangangang tumitig sa kaibigan.

"Wow! Engagement ring?!" bulalas niya, pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Napahagikhik si Cathy.

"Sabi sa'yo pipikutin ko 'yan eh," biro nito, sinabayan ng tawa ang sinabi, napakamot lang sa batok si Erland saka ipinamulsa sa suot na pantalon ang isang kamay.

"Wooo, congrats! Kelan ang kasal?" tanong niya, halata sa mukha ang saya para sa dalawa.

"Next month," si Cathy uli ang sumagot.

"Teka, di ba sabi mo, may bestfriend kang maganda dito? 'Asan siya?" usisa ng dalaga.

Hinahanap niya sa palibot si Ynalyn ngunit di niya ito nakita.

"Baka nasa loob ng bahay, ipapakilala ko kayo sa kanya mamaya. Gusto niya kasing maging model, baka pwede kay Erland," sambit na lang niya.

"Hey, dude. Di niyo ba kasama si Livy?" usisa ni Vendrick nang di makita ang binata.

"Nasa likod ko 'yun kanina. Baka nakahanap agad ng chicks," pabirong sagot ni Paul habang nakaakbay sa jowa nito.

Nagtawanan ang magkakaibigan.

---------@@@@@---------

Narito si Ynalyn, katatapos lang mag-CR at lalabas na sana siya nang mapahinto sa may sala saka wala sa sariling napatingala sa ikalawang palapag. Nakita niya sa may hallway ang anak ni Marble, kamukhang-kamukha talaga ng kanyang crush na si Vendrick. Hawak ito sa kamay ni Eva habang papasok sa kwarto ng tyuhin ng kanyang Tyong Luis. Lumungkot bigla ang kanyang mukha, lupaypay ang balikat habang nakayukong lumabas ng bahay nang bigla niyang marinig ang boses ng isang lalaki.

"Opps!"

Kitang kita niya kung paano itong mapatid ng nakaangat na semento sa harap ng pinto habang sinusundan ng tingin ang isang magandang dalaga sa likuran nito.

Kitang-kita niya rin kung paanong sumusob sa kanyang dibdib ang mukha nito at napahawak sa magkabila niyang braso dahilan upang mapunit ang magkabilang sleeve ng kanyang damit sa lakas ng hatak nito sa mga 'yon. Napanganga siya sa pagkagulat ngunit di niya nagawang sumigaw sa bilis ng pangyayari.

Nang makabawi sa nangyari'y hinintay niyang agad na umayos ng tayo ang giatay na lalaking nakapagtatakang nanatiling nakahalik sa kanyang dibdib.

Biglang nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa galit, pati yata mga buhok niya'y nagtayuan na rin, at nang dahan-dahang iangat ng lalaki ang mukha at makita siyang naniningkit ang mga mata't humahaba ang nguso'y "Opps, boobs pala," ang nasambit lang nito. Biglang tumaas ang kanyang kamao at nag-landing sa mukha nito, nag-slide sa isang nitong mata.

Hindi man lang nakakilos ang lalaki sa kanyang ginawa.

"Giatang kang manyak ka! Ako pa'ng binastos mong walanghiya ka!" sigaw niya saka binigyan uli ito ng mag-asawang sampal.

Duon na tila natauhan ang lalaki saka gigil na bumaling sa kanya habang haplos ng palad ang nasaktang mga pisngi.

"Bakit kasi di ka umilag? Nakita mo namang napatid ako, tumunganga ka lang dyan!" singhal nito.

"Ano'ng 'di umilag buanga ka? Makakailag ba ako sa ginawa mo? Tignan mo 'yong damit ko, punyeta ka! Laslas na sa higpit ng hawak mo sakin!" sigaw niya, ipinagduldulan ang magkabilang manggas ng kanyang blouse na suot.

"Mumurahin lang naman 'yan ah, compared to what you did to me!" ganti nitong hiyaw.

Lalong humaba ang kanyang leeg sa galit na naipameywang na ang mga kamay saka nanlalaki ang mga matang nakipagtagisan dito.

"Ang yabang mong giatay ka! O sige bayaran mo ako ngayon din! 50 thousand pesos!"

Lalong nagsalubong ang mga kilay ng lalaki saka nag-uuyam na tumawa.

"What?! Just for that cheap blouse, you're demanding a 50 thousand pesos payment!?" di-makapaniwalang bulalas nito.

"Aba! 'Yan lang ba ang ginawa mo sakin? Nakalimutan mo bang ang tagal nakangudngod ng mukha mo sa boobs ko? May bayad 'yun kada segundo. Virgin na virgin pa ang mga 'to, oy!" pahiyaw niyang katwiran saka itinuro ang dibdib at mangani-ngani na uling suntukin ang mukha ng lalaking kaaway.

Pasarkastiko itong tumawa.

"Tell it to the marines!" na hiyaw uli nito.

"Aba't--" gigil niyang wika pero biglang namula ang kanyang pisngi.

"Okay fine, gold digger. But I only have a credit card here," tila pagsuko na nito saka matalim muna siyang sinulyapan bago dinukot sa bulsa ang wallet at ibinigay sa kanya ang isang card.

Lalong mas matalim ang tinging ipinukol niya rito sabay hablot sa card.

"Baka naman niloloko mo lang ako," paneneguro niya.

Duon na nanggigil ang kausap at inilapit ang mukha sa kanya.

"Do you even know who you're talking to?" Asar na ito sa kanya.

"Pakialam ko ba kung sino ka," kampante na niyang sagot at binirahan na ng talikod pagkatapos itong simangutan at nagmamartsa nang bumalik sa mga kaibigan.

Naiwang natitigilan ang lalaki, sinundan siya ng tingin saka hinimas ang nasaktang mata na tila yata napuruhan sa suntok niya pagkuwa'y wala sa sarili itong tumawa, di makapaniwalang naisahan ito ng isang babaeng probinsyana.