Chereads / MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 135 - GAB HAS CHANGED INTO A PERVERT GUY

Chapter 135 - GAB HAS CHANGED INTO A PERVERT GUY

Marble knows her limit. Gusto niyang papagselosin si Vendrick nang mga sandaling yun pero hindi sa paraang mababastos siya. Sa totoo lang, si Erland lang ang ibang lalaking pinapayagan niyang humawak sa balat niya. Ito lang ang binigyan niya ng kapahintulutang humalik sa kanyang ulo at buhok pag alam niyang naglalambing ito, pero never siyang nakaramdam ng pagkaasiwa sa tuwing ginagawa yun ng binata. Kahit seguro maghubad siya sa harapan ni Erland, di siya mababastos. Pero sa harap ni Gab, di siya nakahubad subalit pakiramdam niya, hubo't hubad siya sa paningin nito. Kaya bago pa nakalapit nang tuluyan si Vendrick ay tumalikod na siya't lalayo na sana duon nang magsalita ang nakabuntot pa ring si Chelsea sa kanyang asawa na noo'y pasalubong sa kanya.

"See, nawala ka lang saglit, nakikipaglandian na siya kay Gab. What a slut!" untag nito sa natahimik na si Vendrick, sinadya pang lakasan ang boses para marinig niya.

Napahinto siya sa paglalakad at pinatulan na nga ito.

"Oh, thank you for the compliment!" bulalas niya sabay baling dito, nang-uuyam ang ngiting pinakawalan saka pasimpleng hinawi ang buhok na tumabing sa kanyang mukha.

Napaawang ang mga labi ni Vendrick na isang metro na lang ang layo sa kanya pagkakita sa ginawa niya lalo na nang awtomatikong umangat ang kanyang damit, muntik nang malantad ang itinatago niyang panloob.

Si Chelsea nama'y tumaas agad ang isang kilay sa kanyang sinabi.

"Anong magagawa ko kung hinahabol ako ng mga lalaki? Don't tell me, walang naghahabol sayo?" pasarkastiko niyang dugtong.

Naningkit bigla ang mga mata nito, di na nakapagpigil sa galit sa kanya ngunit nang makitang nagsalubong ang kilay ni Vendrick ay agad itong kumalma at patuya ring gumanti ng pang-aasar.

"Look at my body, Marble. Di hamak na mas maganda't mas sexy ako sa'yo. Hindi tulad sa katawan mong halatang produkto ng surgery." Halata na ang pang-iinsulto sa boses nito.

Naihimas ni Vendrick ang kamay sa mukha, di na maitago ang pagkairita sa pasimple nilang bangayan ngunit di naman nito alam kung sino ang unang sasawayin sa kanilang dalawa.

Mangani-nganing maghubad siya sa harapan ni Chelsea upang ipakita dito ang flawless na katawan pero naisip niyang baka lalo lang siyang mabastos pag ginawa yun kaya tahimik na siyang humakbang at nilampasan ang dalawa.

"C'mon Marble! Bakit di ko ipakita ang katawan mong tadtad ng piklat dahil sa lypo," panghahamon na naman ni Chelsea nang makalayo siya ng dalawang metro sa mga ito.

Naikuyom niya ang mga kamao. Talagang hinahamon siya ha! Okay, go! Pagbibigyan niya ito! It's final!

Gigil na bumalik siya sa dalawa at sa mismong harap ni Vendrick naghubad ng damit na talagang ikinagulat ng asawa.

"Ang init bigla eh. Gusto kong maligo sa pool," nakangisi niyang saad saka tumalikod agad sa mga ito at tila isang model na rumampa't nag- catwalk papunta sa pool at parang atletang nag-dive bigla sa tubig.

Ilang beses na lumunok si Vendrick para payapain ang katawang bigla yatang nag-apoy sa init pagkakita sa kanyang tanging panloob lang ang suot.

Pagalit na sumunod si Chelsea sa pool, halatang di ito patatalo sa kanya. Nag-dive din ito sa tubig at nilapitan siya.

Samantalang si Gab ay natulala din pagkakita sa kanyang wala halos maipintas sa ganda ng katawan.

Nang makita iyon ni Vendrick ay lumapit na ito sa kaibigan.

Si Marble naman ay ilang beses na nagpabalik-balik sa magkabilang dulo ng pool at duon ibinuhos ang panggigigil sa dalawa. Ngunit di niya kayang iwaksi sa isipan ang katotohanang buntis si Chelsea at si Vendrick ang ama. Kahit ganu pa siya ka-ekspert makipagplastikan sa mga ito para lang itago ang katotohanang nasasaktan siya, sa huli alam niyang siya pa rin ang talo.

Sumisid siya sa pinakailalim ng pool at duon hinayaang humalo ang kanyang luha sa tubig. Ang sakit ng kanyang dibdib. Tama si Gab, masasaktan lang siya kung ipipilit niya ang sarili kay Vendrick na alam naman niyang di siya nito magagawang mahalin lalo na ngayong buntis si Chelsea. Ni di nga niya alam kung peke nga talaga ang marriage contract na kanyang pinirmahan kagabi.

Muling pumatak ang luha sa kanyang mata at humalo iyon sa tubig.

Kakausapin niya ang attorney mamaya. Ayaw niya nang gantong set-up. Gusto na niyang magpagawa ng kasulatan na isasalin sa pangalan ni Vendrick ang lahat ng ipinamana sa kanya ng lolo nito at aais siya sa lugar na yun kasama ang kanyang anak. Di na siya uli magpapakita sa kahit na sino sa mga ito, kahit kay Erland.

Sa sari-saring laman ng isip nang mga sandaling yun ay di niya namalayang ilang minuto na siyang nasa ilalim ng tubig.

"Where's Marble?" takang tanong ni Gab.

Napalingon si Vendrick sa pool ngunit di nito makita ang kanyang mukha.

Tumakbo na ito palapit sa kinaruruonan ni Chelsea.

"Where's Marble?" sigaw agad nito.

"I don't know," sagot agad ng tinanong. "Love, pinupulikat ako!" sigaw nito pagkuwan.

Ngunit tila walang narinig ang lalaki't agad tumalon sa pool para hanapin sa ilalim niyon ang asawa.

Pero heto pa rin si Marble, nag-eemote hanggang nang mga sandaling iyon sa ilalim ng tubig. Aaminin niyang sa loob ng limang taon, ngayon na lang uli siya nasaktan. Akala niya kasi, kahit makita niya si Vendrick, di na uli titibok ang puso niya rito pero heto, umiiyak siya nang lihim dahil sa lalaki.

Subalit alam niyang di siya pwedeng magpatalo sa nararamdaman. May anak siyang kailangang buhayin. Mamaya din ay tatapusin niya ang problemang 'to, pipirma sa mga dokumentong ibibigay ng attorney sa kanya para isang sakitan na lang. Pagkatapos ay saka siya lalayo nang di nalalaman ni Vendrick ang totoo niyang damdamin.

Tumingala siya at ipinadyak ang mga paa paitaas ngunit naramdaman niya ang pag-igting ng mga ugat ng kanyang isang binti. Kinabahan siya. Pinulikat siya agad sa lagay na yun samantalang dati'y nagagawa pa niyang manatili sa ilalim ng tubig sa loob ng sampung minuto nang di siya humihinga at di pinupulikat?

Sinubukan niyang ikampay ang isa pang binti subalit tila napwersa iyon at narinig pa niya ang paglagutok ng buto niyon.

Naalarma na siya ngunit ayaw niyang padaig sa takot. Sinubukan niyang hilutin ang magkabilang binti saka muling itinulak ang mga iyon paitaas ngunit di na niya iyon maigalaw pa. Ngayon lang siya pinulikat nang ganto, dalawang binti pa. Anong gagawin niya? Kinakapos na siya sa paghinga.

Duon na siya nakaramdam ng sobrang takot , takot na naramdaman niya noong unang beses siyang muntik na ring malunod sa mismong pool na iyon.

Sinubukan niyang ikampay ang mga kamay subalit lalo lang siyang nahirapan at nanghina hanggang sa maramdaman niyang naninikip na ang kanyang dibdib.

Ngunit bago siya tuluyang manghina't mawalan ng malay ay naramdaman pa niya ang mga kamay na humawak sa kanyang magkabilang balikat at siniil siya ng halik saka binugahan ng hangin sa bibig tulad ng ginawa ni Gab noon.

Gab! Ito na ba uli ang nagligtas sa kanya? Subalit nang idilat niya ang mga mata, hindi mukha ni Gab ang kanyang nakita.

'Vendrick!' bulalas ng kanyang isipan.

No! Hindi siya pwedeng magkamali. Hindi niya pwedeng makalimutan ang lalaking nagligtas sa kanya noon, segurado siyang si Gab iyon. Pero bakit mukha ng asawa ang kanyang nakikita?

Hinila siya nito paitaas. Nagkunwari siyang nawalan ng malay saka ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman niya ang gagawin nito nang mailatag na nito ang kanyang katawan sa tabi ng pool.

"Breathe, honey. Breathe, please!" maya-maya'y sambit na nito habang paulit-ulit na pina-pump ang kanyang dibdib at binibigyan siya ng mouth-to-mouth resuscitation.

Ayaw niyang maniwalang ang boses na yun ay si Vendrick ang may-ari. Alam niyang si Gab yun. Hindi magsisinungaling si Gab sa kanya. Ito ang nagligtas sa kanya noon at hindi si Vendrick.

"Try harder Drick. She isn't breathing!" halos hiyaw na ni Gab sa tabi nito.

"Damn, I'm trying hard!" pasigaw na sagot ni Vendrick.

"I didn't do anything to her, Drick. Siya ang kusang sumisid sa ilalim," pagtatanggol ni Chelsea sa sarili.

"Shut up!" sigaw ng kanyang asawa at muli siyang binugahan ng hangin sa bibig.

Duon lang siya nagmulat ng mata at kunwari'y inubo saka niya kunut-noong tinitigan ang asawang di kayang ipaliwanag ang pag-aalalang nakarehistro sa mukha nito.

"Binbin..." usal niya, di-makapaniwalang ang kanyang tagapagligtas noon ay siya ring tagapagligtas niya ngayon.

"Oh, honey! I thought I lost you!" bulalas nito't agad siyang niyakap.

Awtomatiko namang naikapit niya ang mga kamay sa leeg nito, di mapigilang mapahikbi.

"Binbin, I'm sorry. I didn't realize it was you. I'm sorry." Kumapit siya nang mahigpit sa leeg nito lalo nang buhatin siya't ilayo sa lugar na 'yun.

"Drick! Where are you going? Vendrick!" tawag ni Chelsea ngunit tila walang narinig ang lalaki't tahimik lang ito habang buhat siya.

Si Gab nama'y walang nagawa kundi ang habulin sila ng tingin.